🌈🌈🌈
Umaga pa lang, pero hindi na maipinta ang mukha ni Caleb. Nang tuluyang nakapasok si Maria at ang unconfirmed kalaguyo nito sa hotel, ganoon din ang ginawa nila. The two were gone somewhere inside but Caleb decided to stay. Ayaw niyang isipin kung ano ang ginagawa ng dalawa.
He and Matthew took a private room in the café. Nilagok niya ang kape, sakaling magising sa telenovelang plot na panaginip. Nanuot sa ilong niya ang aroma.
"Sinong mag-aakalang itsurang Kano pala si Master Hokage?" tanong ni Matthew matapos niyang sabihin ang nalalaman. "Anong plano mo?"
Inilapag niya ang tasa. Matthew can find the information about it. But, going through the hotel staff, aabot iyon sa ama niya. Despite being a shrewd businessman, his father follows his own company rules. Bawal ungkatin ang personal information ng clients. He needed to find another way.
"May karibal kang matangos ang ilong."
Matangos din naman ilong niya. "I'm taller," he said instead.
Ngumisi ito, hindi naniniwala.
"Mas mayaman ako," sabi na lang niya. He recognizes most of the rich and corporate heirs from around the world, sizing them as his future deals. At sigurado siyang hindi pa nakita ang mukha ng kasama ni Maria.
"Mayaman din naman syota mo. At blue eyes si Master Hokage."
"It has nothing to do with it," giit niya. Hindi siya nahuhuli sa looks department. In fact, pinipilit ni Caleb na nangunguna siya
"Nagpropose ka naman di ba?" ba't ka takot?
"Hindi ako takot." Wala sa loob niyang naikuyom ang kamao. "I just don't like it, I don't like him. Isa pa, imposibleng may magkagusto kay Maria."
Her face popped into his head- smiling, her big eyes became two happy lines. He imagined her calling, 'Mon-Mon...' running towards him, her hair dancing in the wind.
Imposible talaga. Sh*t
"D*mn it, Maria..." wala sa isip niyang naihampas ang kamao sa mesa.
"Your highness," untag ni Matthew, ngayon ay nakasandal at matiim na nakatingin sa kanya. "...malamang tinamaan ka na," at ngumisi. "Ng totoo ha. Hindi 'yong pretend pretend na yan."
"What do you mean?"
Naging tuso ang ngisi nito. "Kala mo 'di ko alam? Imposible naman kasing bigla kang nagka girlfriend. Hindi si Maria ang tipo mo. Sigurado ako, may motibo ka. O kaya inutusan ka ng tatay mo. Dati, noong pa sweet ka, kinikilabutan ako sa'yo. Pero katagalan, alam mo Kaloy, kinikilig ako sa inyo. Syet."
"I don't-!" hindi niya tinapos. He denying it one means confirming the other. Both ways will embarrass him.
Sh*t. He thought again.
"Tinamaan ka nga kay Maria. Lol," anito at inubos ang kape.
∆∆∆
Inihatid siya ni Matthew pabalik pagkatapos. Doon, itinuloy niya ang routine. He exercised, took a shower and ate his breakfast. He studied in advanced and finished whatever homework he has left. Hanggang sa umabot ang tanghalian. Walang Mariang dumating. Hindi niya tinawagan ito.
There is no need. He wouldn't ask her anything. It would make him look pathetic. At kahit alas tres na ng hapon ito nakauwi, umaktong normal si Caleb.
"Mon-Mon!" tawag nito ng makapasok sa library, umupo sa mesang may iba't-ibang libro.
"What." Ang matamlay niyang sagot, tutok sa binabasa.
"Gusto mo ng ice cream? May dala ako."
"Alam mong hindi ako mahilig sa matamis."
"May dala rin akong cake at chicken."
You actually bought it for yourself, didn't you? But he kept quiet.
"Mon-Mon, pansinin mo ako," anito, sinundot ang pisngi niya. "Kailangan ko ng hug, mahihgpit na mahigpit na hug."
Sa wakas, ibinaba niya ang dyaryo, matalim na nakatingin kay Maria. She looked tired all right, but her smile is as blinding as noon.
"What did you do that made you tired?" mahina niyang sabi.
Humagik-ik ito, ngisi sa magkabilang pisngi. "Many things..."
Sa paningin niya, kinikilig ito. She looked so happy and satisfied. By who? How?
Sa wakas, tuluyan niya itong hinarap. "Hey, may tinatago ka ba sa'kin?"
Hindi nakaligtas sa kanya ang panandaliang pagkahilaw ng ngisi nito. Then it was back. "Pa'no mo nalaman?"
"Spill it."
Lumapit ito, wala sa loob na napaatras si Caleb hanggang napasandal sa upuan. "Nandito ako para kunin ang puso mo," bulong nito sa tenga niya, pagkatapos ay kumindat. "Episode 3 ng 'Halika Bebe'. Gayang-gaya ko 'di ba, Mon-Mon?"
But Caleb wasn't anywhere amused. Sa sandaling iyon, nagdesisyon siyang hindi na magpapaligoy-ligoy pa. Whatever her answer, he'd use it against her.
Nobody crosses him. Nobody dares to cheat on someone superior and perfect like him. Kahit blue eyes pa ang karibal niya, he'd end it.
"Maria, are you cheating on me?"
Namilog ang mga mata nito, imbes na guilt ay namangha. "Hala, Mon-Mon, pa'no mo nalaman?"
Siya naman ang natameme sa biglaang amin nito. "What?"
🌈🌈🌈
Walang paligoy-ligoy si bebe girl :) Any name suggestion para sa unconfirmed blue eyed kalaguyo ni Maria? Please type them on the comment box, thank you :)
Also, please recommend this story to your friends. It would really help a lot.
Ellena Odde ♥
BINABASA MO ANG
Damn it, Maria! (Squad Series 1)
Teen FictionSi Caleb ang tunay na kahulugan ng perpekto. Pinakamatalino, pinakagwapo at pinakamayaman. In short, pinagpala. Hindi siya asal gangster, pero malayo sa pagiging prince charming. Selfish at obsessed sa pagiging 'the best'. In short, Mon-Mon, Montrea...