20 🌈 Caleb, The Studious

593 41 6
                                    


🌈🌈🌈

Ilang ulit-ulit ng nabanggit na matalino si Caleb. Sa kabila nito, ay nag-aaral pa rin kahit halos kabisado na ang lahat ng petsa, pangalan at formula sa libro.

'Kayo na ba?'

Maliban doon. Pinalala rin ni Maria ang sitwasyon. "Mon-Mon, tayo na ba?"

Hindi siya makasagot, naumid ang dila. He should've said yes, and end his problems. Instead, he stood and left the clubroom without a word. Malaking ang pagsisisi niya. Sana ay napadali ang lahat.

Pagkatapos nito ay walang nagbago kay Maria. Hindi na ito nagpumilit.

"Mon-Mon, nakikinig ka ba?"

Napukaw siya sa muni-muni. "What?"

"Sabi ko number four na."

Ilang araw na rin ang lumipas, ngayon ay kasalukuyan silang nasa library ng bahay niya at nag-aaral.

"Hey Maria..."

"Hmm?"

"You... us... why..."

Ibinaba nito ang libro. "Gusto mo bang mag CR? Sige lang, mula sa library, dumiretso ka sa hallway, hanggang marating mo ang pinakadulig kwarto, may CR dun."

"I know, this is my house, at kwarto ko ang tinuturo mo. It's not what I mean."

"Eh ano? Nagugutom ka?" Sabay abot sa huling piraso ng fried chicken sa pagitan nila at pinapak, "Humingi ulit tayo ng snack sa staff, okay lang."

"I said this is my house, stop acting like I'm a guest, and I'm not hungry." Unang-una, ito ang nakaubos ng pagkain, at pangalawa, hindi 'snack' iyon. "Why are you even eating fried chicken?

"Ano bang itatanong mo?" lihis tanong nito, at lumagok ng iced tea sa baso.

He paused. "Are we... you know..." sumuko siya at iniba ang usapin. "I mean, why are we studying together?"

"Tinutulungan kitang mag review."

"Pardon?" nagsalubong ang kilay niya.

"Sabi ko, tinutulungan kitang mag-review."

"Why?"

"Gusto mong maging rank 1 'di ba?"

Hindi niya maintindihan ang baluktot nitong lohika. "Why would you help me?"

"Baka sakali kapag tinulungan kita, matalo mo ako. Mon-Mon, kawawa ka kasi."

"As if you stup-" pinigil niyang suminghal, "I don't need it."

There is something about her that irks him. Aside from her personality, Caleb realized she had this low-key boastful attitude. He didn't like that Maria was never intimidated, nor afraid of him. Sa kasalukuyan, ay pakiramdam niya ay minamaliit siya nito.

"Ready ka na?"

Humugot siya ng malalim na hininga. Ipapamukha niya ang katalinuhan. "Bring it."

"Number four,. All the matter that makes up the human race could fit in a sugar cube."

"True."

"Bakit?" dagdag tanong nito.

"Atoms are 99.9999999999999 per cent empty space."

"Tama," at tumango, asal magulang na natuwa sa katalinuhan ng anak, "I'm proud of you, Mon-Mon."

Iniinis ba siya nito? Iyon ang isa sa pinakamadaling tanong. "Number five," aniya.

Damn it, Maria! (Squad Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon