Just completed my 2nd vaccine dose! skl.
Be vaccinated mga mahal :)
Ellena Odde ♥
🌈🌈🌈
"Fever," maikling niyang sagot kay Matthew nang magtanong sa pag-iisa niya. Kasalukuyan silang nasa classroom, hinihintay ang pagsisimula ng klase.
Pangatlo na ito sa nagtanong, sunod kay Tamara at Lord.
"Tinatamaan din pala ng sakit si Maria?" pagkatapos ay nagpalobo ng nginunguyang bubble gum.
He agreed. Sa liksi, nakalimutan niyang tao rin pala ito.
"Maria got sick?" singit ng bagong dating sa tabi niya, si Shalla. Muntik na niyang matulak ito sa biglang singit. Hawak nito ang cellphone na halos lamunin ng kung anong pink na abubot.
"Get away from me," sabi niya.
"Geez, grumpy," at hinarap sa kanya ang screen ng cellphone, sa website ng kanilang school. "Anyway, look at this."
[ Maria cheating? ]
Iyon ang caption ng ilang larawan ni Maria at ang blue eyed Hokage, masayang kumakain ng banana cue. Mayroon ding nakaabrisyete pa ang nobya sa braso ng lalaki. She recognized her clothes, the same one she wore yesterday and this morning. Pagdating sa last picture, matindi ang pagpipigil niyang ibato ang cellphone ni Shalla.
Nakasakay ang lalaki sa pedicab habang si Maria ang pumipedal. That never happened to him. Siya lagi ang pumapadyak habang ito ay palaputak lang ng 'Bilis pa Mon-Mon.'
So, this is where you went from the hotel yesterday, isip niya.
"I swear this isn't me," agad na depensa ni Shalla, nang isauli niya ang cellphone, matalim ang tingin. "I didn't take any picture this time, I'd rather stalk Lor— I mean, yeah, whatever."
Sa pagkakataong ito, nakalapit na din si Lord at Tamara, nakiusisa. Caleb didn't mind that his desk looked like a conference table or the room started to buzz, and the girls waiting for confirmation outside the classroom.
"Baka ibang tao," depensa ni Lord.
"'Pag naging tayo, loyal ako sa'yo Lord," nagawa pang sumingit ni Matthew. Habang pumagitan naman si Shalla.
"Umulan na," makahulugang sabi ni Tamara, inabot ang puting panyo. "sunod na ang bagyo. Bilihin mo na kasi 'to, kakailanganin mo. May orasyon na yan, tax free."
He didn't even bother to look outside to see sun blindingly bright, nor he took her sham of a product.
Bigla siyang tumayo, madilim ang mukha. Natahimik ang lahat, tumigil ang pakikipagtalo ni Shalla at pang-iinis ni Matthew.
Sa puntong iyon, pumasok ang kanilang guro. "What's happening? Mr. Montreal, where are you going?" puna nito nang nagmadali siyang umalis bitbit ang bag.
Tumigil siya, nilingon ang guro, "Home," sagot sa tonong hindi pwedeng kontrahin. "I'm going home."
Nahawi ang kumpol ng nang-uusyoso nang dumaan siya. Dahil nakauwi na ang driver, nagpatawag siya ng taxi.
Habang pauwi, palakas ng palakas ang nararamdaman niya. Mula sa lito, hanggang inis at natuloy say nagpupuyos na galit.
Even the small voice in his head that said it wasn't true, was not enough to convince him. "Keep the change," sabi niya sa driver nang abutan ng limang daan. It was his smallest change at the moment.
"Sir?" salubong ng katulong, gulat sa pagdating niya, katulad ng gwardiya sa mansyon. "May naiwan po ba kayo?" Hindi niya ito sinagot.
Dumiretso si Caleb sa kwarto ni Maria, dahan-dahang binuksan ang pinto, pag-aakalang tulog pa ito. She was not on her bed. He saw the light from her bathroom turned on and the door was slightly open.
"Ganon pa rin..." he heard her say.
May naulinigan siyang boses mula sa cellphone pero hindi ito maintindihan.
"Walang mababago sa plano."
He stopped, now curiosity ate him.
"It's okay... don't worry. Lagnat lang... I'm fine Georgie... I'm fine..."
The usual bounce in her voice is gone. She sounded so weak and her voice traced slight trembling.
"Si Mon-Mon?... Mabait siya Georgie. Minsan ang weird niya, pero mabait siya..."
At siya pa talaga ang weird sa kanilang dalawa?
"No. Hindi niya dapat malaman."
Higit na kumunot ang noo niya, ngayon ay naikuyom ang kamao. So, it is not just him who keep secrets. Tuluyan ng nawala ang katiting na denial niya sa isip.
Maybe she's cheating after all.
"Okay. See you... bye-bye Georgie... yeah... I love you too."
Nanatiling nakatayo sa Caleb sa harap ng cr. Kitang-kita niya ang gulat sa mukha ni Maria nang makita siya nito paglabas.
Her sad face, that turned to surprise, became bright. "K-Kanina ka pa? Namiss mo ko?"
Nakapagpalit na ito ng pink na pares ng pajama at may nakadikit na cooling aid sa noo. Albeit sick, she looks refreshed.
Despite being genuinely sick, she acted happy and upbeat. She wore it naturally, if he didn't hear the phone conversation, he would've believed her jolly face.
You liar. Caleb won't be fooled anymore. "Who the f*ck is Georgie?"
🌈🌈🌈
BINABASA MO ANG
Damn it, Maria! (Squad Series 1)
Teen FictionSi Caleb ang tunay na kahulugan ng perpekto. Pinakamatalino, pinakagwapo at pinakamayaman. In short, pinagpala. Hindi siya asal gangster, pero malayo sa pagiging prince charming. Selfish at obsessed sa pagiging 'the best'. In short, Mon-Mon, Montrea...