🌈🌈🌈
Nang gabi ring 'yon, agad na tinawagan ni Caleb ang ama para sa magandang balita.
"She's my girlfriend now, Sir."
[Good.]
Pinaalalahanan siya nitong pag-igihan at sa loob ng isang taon, ay pwede ng ianunsiyo ang engagement.
"Next week Sir, will I bring her to the party?"
[If you can tame her, do that.]
"Yes, Sir," ang paulit-ulit niyang sagot hanggang matapos ang tawag. Tinitigan niya ang petsa sa cellphone. Less than a week and it will be his birthday, not that it matters.
It will be the same every year. The secretary will book a hotel, invite executives, few notable employees and investors. The board will be there too, along with potential partners. It would look like a company event than his actual birthday.
His father would give a short speech, how excellent he is, hints to be the next heir and so on. It's a training, a get to know for the next boss and for him to mingle with his future men, picking out those who suit to his taste and those he doesn't need.
Pagkatapos ng speech, isa-isang ipinakilala sa kanya ang mga bisita, kasama ng anak ng mga ito, babae man o lalaki. Potential wife and 'friends'. But now, only for potential 'friends'.
At katulad ng mga naunang kaarawan, he'll behave rightfully.
Walang maipipintas sa kanya, at kung meron man, walang maglalakas loob na pumuna. This year, would be the same, at kung may magdadala ng kabaguhan, walang iba iyon kundi si Maria.Lumingon siya sa direksyon ng kabilang bahay. Mula sa bintana, kita niya ang bahay ni Maria, bukas lahat ng ilaw. For a moment he was blinded. Probably, she's watching one of those corny commoner's drama again or playing ninja in her manmade 'jungle'.
"Don't f*ck this up," he whispered.
🌈🌈🌈
Kinabukasan, nagising si Caleb sa mahinang tapik sa kanyang pisngi. Namulatan niya ang bagong ligong si Maria, suot ang uniform nito.
"Good morning, Mon-Mon."
Ah, girlfriend niya. Kinilabutan si Caleb. Wala ng bawian.
"Good morning," matamlay niyang sagot. So it would be like this. Dati pa naman ay sinisira na nito ang araw niya habang maaga. He doesn't care anymore. Naibenta na niya ang kaluluwa sa demonyo, kailangan niyang magtiis.
"Sabi sa TV, maganda ang gising kapag taong gusto ang unang makikita mo sa umaga," at dumukwang, naghihintay, "Masaya ka ba?"
Oh God, he prayed. "Yes, thank you."
Pinababa niya ito, dinahilang maliligo siya at magbibihis. He didn't bother to work out, the stress in his new found relationship would be enough exercise.
Pagkababa, nadatnan niya si Maria sa hapag, kausap ang mayordomo.
"Kaya nga Frederick, baka minsan mag date kami ni Mon-Mon, 'wag mo siyang pagalitan kung minsan wala siya, please?"
Magalang na sumang-ayon ang mayordomo. "Congratulations, Sir Caleb," bati nito at ipinanghila siya ng mauupuan.
Sumakit ang ulo niya. "Thank you." Nagpaalam na ito, para bigyan sila ng privacy.
"Maria," panimula niya.
"Hmm?" Tumigil ito sa kagitnaan ng pagpuno ng plato ng fried rice.
"Do you have to... you know, tell everyone we're dating?"
"Ayaw mo ba?"
"Yes- No, it's just that... malalaman din naman nila eventually."
Tumango lang ito at kumain.
Inakala niyang nagkaintindihan sila, pero pagsakay pa lang ng kotse, agad nitong kinausap ang driver niya. "Kuya Allan, kami na po ni Mon-Mon."
Bumati ang driver ng alanganing 'Congrats po' at binuhay ang makina. Sumuko na siya sa pagsuway. He'd save his energy from the coming chaos and crying fangirls instead.
Hanggang ngayon, hindi pa niya tuluyang matanggap. Paano nga ba ang makipag relasyon? Dapat rin ba niyang suportahan ang mga bisyo nitong hindi maipaliwanag?
Tanggaping kulang ito sa psychological counseling?Tinitigan niya si Maria, naghanap ng maisasalbang kalidad.
She's not bad to look at. May kaliitan man, pero maayos ang proportion ng katawan. Maliban sa dibdib na kasing laki sa umbok ng butones, pwede na.
She has the academic intelligence, but with the mentality of a child. She has an outrageous fighting skills and hobbies of a commoner, actually, worse than a commoner.
If only she wouldn't open her mouth, she's acceptable, barely. Ang totoo niyan, luging lugi siya dito.
Well whatever. Ilang taon din naman silang makakasama. Kung matutuloy ang kasal, sisiguraduhin niyang sa bansang may divorce. At kung saan kasamaang palad magiging asawa ito, habang buhay, hindi siya uuwi, isusobsob ang mukha sa trabaho hanggang mas mayaman siya kay Bill Gates, a hundred times more.
Pagdating sa silid aralan, naabutan nilang maaga rin ang mga kasama, tahimik na nag-ri-review para sa exam.
Nakaupo pa lang, agad nitong tinapik si Matthew, ang pinakamalapit sa kanila at bumulong. Caleb already knew what it's about.
Nabitawan ni Matthew ang hawak na reviewer, tumayo at binuksan ang bintana at sumigaw. "Magsyota na si Caleb at Maria! This is not a drill, I repeat, this is not a drill. Magsyota na si Caleb at Maria!"
Isinuot niya ang headset at nakinig sa malamyos na musika, full volume. Hindi niya pinansin ang namuong kumpol sa kanila, ang umiiyak na si Ailin sa may pinto, ang pagbati nila Lord at Tamara, pagkuha ng litrato ni Shalla at post sa school website na may #Scoop, panunukso ng pinsan- lahat.
He ignored the wave of reactors.
Uunahin niyang mag-aral, maging rank 1, pakunswelo sa nadiskaril na buhay. Sa sumunod na oras, ibinaon niya ang sarili sa pagsagot, sa multiple choice, essay, solution at kung anu-ano pang tanong na may eksaktong sagot.
🌈🌈🌈
Sa susunod na mga araw, pagod na pagod si Caleb. It was as if he was taken by a hurricane, named Maria Bahaghari. Humupa na anong na 'Kayo na ba talaga?', 'Sigurado ka na ba?' at 'Bakit?'
He and Maria are dating, it was a fact. Yet, it was almost a hard truth to swallow for everyone. Ang hindi lang nabago ay ang trato ng mga kasama sa club, maliban sa higit na panunukso ni Matthew.
Plantsado na rin ang plano ng isang araw nilang outreach program, na hindi niya sinipot ang meeting. For once, he wanted peace.
Sa huling araw bago mag sembreak, sa wakas ipinaskil na ang resulta ng ranking. Muntik niyang mapunit ang papel sa bulletin.
1. Maria M. Bahaghari
Sa ikalawang pagkakataon, nakadikit ang banal niyang pangalan sa number 2.
🌈🌈🌈
Sino ang lugi sa relasyong #TeamMaMon? Si Maria o si Caleb? :D
BINABASA MO ANG
Damn it, Maria! (Squad Series 1)
Teen FictionSi Caleb ang tunay na kahulugan ng perpekto. Pinakamatalino, pinakagwapo at pinakamayaman. In short, pinagpala. Hindi siya asal gangster, pero malayo sa pagiging prince charming. Selfish at obsessed sa pagiging 'the best'. In short, Mon-Mon, Montrea...