"Hindi ko maipaliwanag kung bakit lagi akong may nakikitang babae, hindi ko gaanong naalala ang mukha niya, tapos lagi siyang yumayakap sa akin, nang tinititigan ko siya ay lagi lang siyang nakaupo sa upuan na parang walang kibo, laging siyang may bulaklak sa tainga niya, kung kilala ko siya bakit wala akong maalala tungkol sa kanya...."
"Yan ang isang ang bagay na lagi kong tinatanong...."
Iminulat naman ni Aries Alefen ang mga mata niya hanggang sa namalayan nalang niya na nananaginip lang pala siya. Pinagmamasdan niya ang buong kwarto niya na maraming nakakalat na papel at komiks sa sahig at mga supot ng mga pagkaing nakain niya. Nalito naman siya kung ano ang sunod niyang gagawin hanggang sa tumunog ang alarm clock niya.
"Ay nakalimutan ko may pasok pala ako ngayong araw"wika niya habang dali-dali niyang nilinisan ang buong kwarto niya.
Diretso na siya sa banyo pero hindi pa siya nagsimulang maligo, iniisip pa kasi niya ang kinabukasan niya kung ano ang magagawa niya, kung anong hinaharap niya at anong maiitulong niya para sa sarili niya. Pinagmamasdan niya ang malinaw na tubig na nagrereflek sa buong katauhan niya at nagtanong....
"Ano pa ba ang magagawa ko sa sarili ko?"
Nagfantaserye naman si Aries na naroon siya sa malaking palasyo at iniisip niya na siya'y isang magiting na hero at may isang prinsesang naghihintay sa kanya habang binabantayan ng malaking dragon.
"Wag kayong mag-aalala mahal na prinsesa, sasagipin kita mula sa malaking dragon na iyan!"sigaw ni Aries habang nakasuot siyang pandigma at may hawak siyang espada.
Naputol naman ang fantaserye niya nang bigla siyang pinagalitan ng ina niya na kakarating lang mula sa pinagtatrabahuan. Amoy alak ito na alam niyang nakikipag-inuman sa kanyang mga kasamahan. Lagi-lagi nalang kasi niyang naabutan ang ina niya na lasing kaya nasanay nalang siya sa ugali nito.
"Aries, bakit hindi ka pa naliligo? bakit nakatingala ka lang diyan sa banyo?"
"Wala ka talagang silbi! Inutil ka! Pabigat ka lang sa bahay na ito! Lagi ka lang nakakulong sa kwarto mo! Aries, sabihin mo sa akin! ano ba ang mabuting nagawa mo? Huh!? Gusto mo bang tumulad sa ama mong walang silbi, wala ng magawa kundi ang matulog buong araw! magsugal! huh! Aries!"sigaw ng kanyang ina habang siya'y sinesermunan.
Dahan-dahan namang pumapatak sa sahig ang mga luha niya, sobrang masakit na kasi sa dibdib ang sinabi ng ina niya sa kanya. Hindi naman niya pinatulan ang ina dahil alam niyang mahal na mahal niya ito kahit pasakit pa ang ginagawa sa kanya. Naligo nalang siya habang siya'y nasasaktan, ang pag-iyak niya'y hindi maririnig dahil sa mga patak ng tubig.
"Kung may magagawa lang sana ako, Sana! Pakiusap lang"wika ni Aries habang sinusuntok niya ang mukha niya sa pader.
Madali siyang nagbihis sa kanyang kwarto tapos bumaba na siya sa sala dahil aalis na siya. Hindi na niya pinansin ang magulang niyang nakahandusay sa sahig habang dala-dala ang isang bote ng alak.
"Aalis na po ako inay"pahinang paalam ni Aries habang dahan-dahan niyang binuksan ang pinto.
Mag-isa siyang naglakad sa daan na kanya nang nakasanayan, wala naman siyang mga kaibigan na laging masasamahan tanging sarili lang niya ang kanyang nakaka-usap. Di tulad ng ibang estudyanteng may kasamang nagtatawanan, nagbibiruan at nagkukuwentuhan. Pangarap din niya ang tumulad sa iba pero para sa kanya'y hindi siya mahal ng sankatauhan.
Nakita rin niya ang isang babaeng laging nagpapatibok ng kanyang puso, ang pangalan niya'y Amille Graden na kaklase niya sa 3rd year high school. Lagi itong sumasama sa barkada niya, mga kaibigan niya at minsan nga'y mga lalaking guwapo at may kaya sa buhay. Pinangarap din niyang makasama si Amille dahil sa angking ganda at talino nito pero kailanma'y wala siyang magiging pag-asa at magmistulang siyang isang alipin na nangangarap ng isang prinsesa. Hindi nalang niya pinatulan ang sarili niya dahil wala man lang mapapala kung maghahabol siya sa mga taong hindi siya ang tipo.
BINABASA MO ANG
Myself in Another World (Completed)
FantasyAfter Aries Alefen reincarnated from another world, he didn't remember his past life so he tried everything to live until the world treated him unfair. This is the journey of Aries trying to survive by himself... He will be able to defeat the Dragon...