Naging abala naman si Aries sa pakikipagsanay niya kay Nina kaya wala siyang panahon na magpapahananp siya ng rekomendasyon sa ibang kabalyero upang makapag-aral siya sa loob ng Academy. Hinihintay lang din niya na dumating ang pagkakataon na may makakita sa kanyang kakayahan subalit ilalaan niya muna ang oras niya kay Nina dahil napalapit na siya nito.
Nagsasanay sina Aries at Nina sa isang batis na hindi naman kalayuan sa labas ng bayan ng Vera. Itinuro naman ni Aries ang lahat ng mga bagay na natutunan niya kay Lolo Andres, simula sa magaan hanggang sa pabigat ng pabigat.
Pangatlong araw na ni Nina sa pagsasanay kaya patuloy parin niyang hinahampas ang mabigat na espada habang si Aries nama'y nagmamasid sa mga ibon na lumilipad sa himpapawid. Nasisiyahan kasi si Aries sa tuwing pinagmamasdan niya ang paglilipad ng mga ibon dahil parang may naalala siyang mga alala na hindi niya natatandaan, kaya napapatanong nalang siya sa kanyang sarili.
"Bakit may mga alala akong hindi ko natatandaan na nangyari sa akin? Ewan ko ba kung bakit hindi ko alam ang mga magulang ko? ang huling nangyari sa akin? kaya pala sinabi sa akin ni Lolo Andres na hahanapin ko ang sarili ko sapagkat alam niya siguro kung sino ba talaga ako"bulong ni Aries habang patuloy niyang pinagmamasdan ang mga ibon sa himpapawid.
Sa kakatingin niya sa mga ibon, bigla siyang nasilawan ng araw kaya agad niyang nakita sa paningin niya ang isang babaeng lumapit sa kanya habang siya'y tinatakbo papasuk sa isang malinawag na lugar at mataong lugar.
"Aries!!"pabiglang sigaw ng babae sa kanya.
Napaluha nalang si Aries nang hindi niya namamalayan, pinaghalong sakit at saya kasi ang nararamdaman ni Aries sa ala-alang naalala niya.
"Sino ba siya? bakit ganoon nalang ang nararamdaman ko sa kanya, bakit parang mas malapit pa siya kay Lolo Andres?"pahinang tanong ni Aries sa sarili niya habang siya'y napapaiyak.
Habang siya'y nag-eemosyonal, bigla namang napalapit si Nina sa kanya na may kasamang ngiti.
"Aries, ano bang pinag-iisip mo diyan? Bakit umiiyak ka?"tanong ni Nina.
"Wala lang ito Nina, may naalala lang ako"sagot ni Aries.
"Ganoon ba Aries, lagi ka nalang malungkot Aries kaya subukan mo namang ngumiti kahit paminsan-minsan lang, papangit ka talaga nang tuluyan kapag lagi kang malungkot, patay pa ang mga mata mo tapos di ka ngingiti"paliwanag ni Nina sa kanya.
"Ganito ba?"palinaw ni Aries habang sinusubukan niyang pangitiin ang labi niya.
"Ang hirap mo namang pangitiin Aries, parang pasan-pasan mo na ang problema ng mundo, para ka ng iniwanan ng mahal mo sa buhay, para ka ring tinalikuran ng babaeng pinakamamahal mo, parang naranasan mo ng maibandona at umiiyak, parang tinitiis mo ang problema mo nang mag-isa, kaya Aries baguhin mo na ang sarili mo, nandito naman ako na tutulong sa iyo"paliwanag ni Nina.
"Oo na Nina! babaguhin ko na ang sarili ko"sabi ni Aries habang pinipilit niya talagang ngumiti ng maayos.
Habang pinipilit ni Aries na ngumiti, agad namang hinawakan ni Nina ang bawat pisngi ni Aries tapos agad niyang tinuruan si Aries na ngumiti. Kahit hinawakan na ni Nina si Aries sa pisngi ay nahihirapan parin ito kaya wala siyang ibang nagawa kundi ang halikan ito sa labi, pabigla at panandaliang halik. Namula naman ang mukha ni Nina sa ginawa niyang paghalik kay Aries.
"Ang hirap mo kasing pangitiin Aries, kaya hinalikan kita"sabi ni Nina habang hindi na malaman ang sunod na gagawin.
Nakatingin lang si Aries sa kanya na parang wala lang nangyari, hinawakan din niya ang kanyang labi na parang walang nangyaring halikan, kung tutuusin wala talagang naging reaksyon si Aries sa nagawa ni Nina sa kanya.
BINABASA MO ANG
Myself in Another World (Completed)
FantasyAfter Aries Alefen reincarnated from another world, he didn't remember his past life so he tried everything to live until the world treated him unfair. This is the journey of Aries trying to survive by himself... He will be able to defeat the Dragon...