Nang makapasok na ang karwahe nina Edward at Aries sa Academy, unang beses palang nakita ni Aries na makakita ng mga kabalyerong naglalaban sa isa't-isa, nagsasanay ng mga mahika at nagsasanay maghawak ng dalawang espada. Marami rin siyang nakikitang kakaibang kabalyero tulad ng naglalaban nang mag-isa habang kaharap ang limang kabalyero.
Nakikita rin ni Aries ang ibang mga estudyante na nag-aaral ng mga mahika, mga iba-ibang elemento, mapa-apoy, tubig, hangin, bato at iba pa. Isa sa mga pinapangarap mapag-aralan ni Aries ay ang mahika sapagkat hindi pa niya ito nalalaman o masasabing wala talaga siyang mahika.
"Aries, madami nang nakaka-alam sa pangalan mo rito kaya mag-ingat ka nalang"paalala ni Edward sa kanya.
"Sa anong paraan po alam nila ang pangalan ko?"palinaw ni Aries.
"Aries, alam nila na isa kang kriminal, pero hindi nila alam na ang kasalanan mo'y nakapatay ka ng mga tao, yan ang dapat mong tandaan"paliwanag ni Edward.
"Ganoon ho ba"sagot ni Aries. "Knight Edward, ano ba ang dapat kung gawin para makapagtapos ako sa Academy?"tanong ni Aries.
"Di mo kailangan manatili ng ilang taon sa Academy, di mo na kailangang magsanay nang magsanay para ikaw ay lalakas, malakas ka na Aries, ang gawin mo nalang ay palakasin ang mahika mo o kunin mo ang tiwala ng Academy sa pamamagitan ng pagiging mataas sa lahat, kapag nagawa mo ang lahat ng iyan, irerekomenda ka ng Academy para maging kandidato sa 12 Royal Knights"palawanag ni Edward.
"Ano po ba ang mga dahilan bakit nila gustong mag-aral sa Academy?"tanong ni Aries.
"Aries, isa na doon ay magiging kandidato ng 12 Royal Knights yan ang pinakamataas na maabot mo rito sa Academy, kapag miyembro ng ka ng 12 Royal Knights maganda ng ang takbo ng buhay mo, naroon ka nalang sa kaharian nagtatrabo tapos mayaman ka pa, ang pangalawa namang dahilan ay maging lisensyadong guro dito sa Academy, nagtuturo't nagsasanay ka pa tapos binabayaran ka pa, ang pangatlong dahilan ay para magkaroon ng pangalan, kapag nakapagtapos ka sa Academy pwede mong gamitin ang pangalan mo para magturo sa ibang bayan, pwede ka ring magbantay sapagkat binabayaran karin ng mga tao doon, marami pang dahilan Aries kaya pagbutihan mo lang ang pananatili mo rito sa Academy, wag kang gagawa ng mga bagay na hindi angkop sa batas ng Academy baka yan ang dahilan ng pagkatanggal mo"paliwanag ni Edward kay Aries.
"Sige po, alam ko na po ang aking gagawin"sagot ni Aries habang dahan-dahang bumababa sa karwahe.
Nang makatapak na si Aries sa lupa, nagtitigan naman ang malalakas at magagaling na kabalyero sa kanya, sa kabila ng mga masamang pagtingin ng mga kabalyero kay Aries kailanma'y hindi siya nakaramdam ng takot o kaba.
Nang matapos makipag-usap ni Knight Edward sa namumuno ng Academy, opisyal namang makapag-aral si Aries dahil nirekomenda siya ni Knight Edward.
Agad namang kinausap ni Edward si Aries sa huling pagkakataon para sa isang paalala.
"Aries, kailanma'y wag kang gagawa ng masama sa Academy, nakatingin ang mata ng Academy sa iyo dahil alam nila ang pangalan mo, kung may magawa kang masama dito kahit isang beses lang, matatanggal ka na, kaya kung inaapi ka man wag mo lang iyon pansinin, pukos ka lang sa responsibilidad mo, Aries binago na nila ang sistema rito kaya kailangan mong maging 1st rank knight"paalala ni Edward.
Hindi naman sumagot si Aries pero alam ni Edward na naiintindihan siya nito.
"Sige Aries, mag-ingat ka dahil ito na ang panghuling destinasyon namin"tugon ni Edward habang sumakay na sa karwahe.
May isang babae naman ang lumapit kay Aries upang ituro ang matutuluyan niyang kwarto at matutuluyan niyang silid-aralan. Unang itinuro ng babae ang matutuluyang niyang kwarto na kung saa'y may kasama siyang mga estudyante sa loob ng kwarto.
"Hindi ka nag-iisa rito sa kwartong ito"tugon ng babae kay Aries.
Sunod namang itinuro ng babae kay Aries ang daan papunta sa silid aralan niya. Mga ilang metro lang ang layo, nang makarating na sila sa silid-aralan niya, napahinto naman ang babae dahil doon na nagtatapos ang pagpapaliwanag niya kay Aries.
Nakaharap naman sa malaking pintuan si Aries na patungo sa loob ng silid-aralan niya, kaya hindi na siya nag-alinlangan pa kung kaya'y binuksan niya ito. Nang dahan-dahan siyang pumapasok, ang lahat ng mga kaklase niya'y nakatitig sa kanya.
"Magandang araw!"bati ng kabalyerong guro kay Aries.
Papa-upo na sana si Aries sa isang upuan na malayo sa kanyang mga kaklase sapagkat bigla siyang tinawag ng guro niya.
"Iho, halika ka rito, magpakilala ka muna rito"tugon ng guro kay Aries.
Nagtatawanan naman ang lahat ng mga kaklase ni Aries dahil naiisip nila na parang isang tanga si Aries. Kadalasan kasi kapag baguhan ka sa Academy ay dapat pumunta ka sa harap upang magpakilala kaya parang tanga ang unang ekspresyon nila kay Aries.
"Tanga!"bulong ng mga kaklase ni Aries sa kanya.
Hindi naman pinansin ni Aries ang tawanan ng mga kaklase niya habang siya'y naglalakad papunta sa harapan, kaya nang magsimula na siyang magpapakilala ay hindi napigilan ng mga kaklase niya pati na ang guro niya na mabigla.
"Ang pangalan ko'y Aries, kinagagalak kong makilala kayong lahat"pakilala niya.
"Aries? Yon ba yong naririnig kong nakulong sa bayan ng Vera?"palinaw ng isang estuyante.
"Kung yan ang Aries na tinutukoy nila, mukhang delikado yata ang lumapit sa kanya"tugon nila.
Pati narin ang guro ni Aries ay natatakot rin na lumapit sa kanya.
"Wag kayong matakot sa akin, di ko kayo aanuhin"tugon ni Aries habang yumuko siya sa harapan ng mga kaklase niya.
Alam naman ni Aries ang nararamdaman ng mga kaklase niya kung kaya'y siya nalang ang lumayo para sa mga kaklase niya. Mag-isa si Aries sa likuran, wala siyang mga kaibigan, wala siyang nakaka-usap at higit sa lahat wala siyang natatabihan.
Sa unang klase ni Aries ay nahihirapan siya sapagkat wala siyang alam sa pagsusulat at pagbabasa, hindi niya kasi alam ang lenguahe at iskrip ng pagsusulat doon. Ngayon napatanong nalang siya sa sarili niya kung bakit alam niya ang pagkukumunikasyon sa ibang tao, pero sa kabila ng paghihirap niya sa pagbabasa at pagsusulat hindi naman siya sumuko kaya nag-aral siya nang nag-aral.
Hindi naman niya sinabi sa guro niya ang problema sa pagbabasa at pagsusulat kaya palihim lang siya sa likuran dahil hindi naman siya tinatawag ng guro niya upang magsagot sa mga katanungan.
Nang magtanghali, mag-isa namang kumakain si Aries sa isang mesa, wala kasi siyang mga kakilala o mga kaibigan kahit sa loob pa ng silid aralan niya. Habang kumakain ang lahat sa loob ng kantin, nagulat naman ang lahat maliban lang kay Aries na baguhan nang dumating ang 3rd rank Knight na si Hans.
Sa Academy, may labingdalawang rank ang mga kabalyero, kapag baguhan ka pa tulad ni Aries kasama ang mga kaklase niya ay magsisimula ka sa 12th Rank, tataas ang rank mo kapag lalakas rin ang kakayahan at abilidad mo, kung magiging 1st Rank ka ay malaki ang posibilidad na magiging kandidato ka ng 12 Royal Knights. Iniba na kasi ng Academy ang patakaran kaya nilagyan nalang nila ng ranking ang mga kabalyero.
Samantala, mga mayayabang at laging naghahanap ng gulo ang grupo ni Hans na isang 3rd Rank sa tuwing kumakain sila sa kantin, kaya lahat ng mababang rank ay napapa-alis nalang dahil ayaw nilang makaharap sa grupo ni Hans.
Hindi naman alam ni Aries ang tungkol sa grupo ni Hans kaya patuloy lang siya sa pananghalian niya sa isang mesa. Nagulat nalang ang ibang kaklase ni Aries nang makita siyang naka-upo parin sa upuan niya, lalapitan na sana niya si Aries kaso naunahan na siya ng grupo ni Hans na unang lumapit kay Aries.
"Baguhan, hindi mo ba alam na teritoryo namin ito tuwing tanghali, walang kakain dito maliban sa grupo namin"paliwanag ni Hans kay Aries.
Hindi naman nakinig si Aries kaya patuloy lang siya pag-kain niya kaya sa sobrang inis ni Hans ay bigla na niyang sinigawan si Aries.
"Baguhan ang bingi mo! Narinig mo ba ang sinabi ko sa iyo?!"pasigaw na tanong ni Hans kay Aries.
"Oo narinig ko! hindi ako bingi, tatapusin ko muna tong pananghalian ko rito bago ako aalis"pakalmang sagot ni Aries.
"Baguhan ang hirap mong magkaintindi, di ba kami lang ang kakain rito tuwing tanghali, narinig mo ba iyon?"tanong ni Hans.
"Sino bang nagsabi na sa inyo ang kantin na ito?"tanong ni Aries.
"Kami! Bakit lalaban ka?"pahamon ni Hans.
Agad namang napatingin si Aries kay Hans kasama ang limang kasamahan niya, imbes na siya'y matakot at umalis, nagpatuloy parin siya sa kain niya. Kaya sa sobrang galit ni Hans ay nagawa niyang mabunot ang espada niya tapos itinutok niya ito sa leeg ni Aries.
"Ngayon, alam mo na?"tanong ni Hans.
"Alam ang ano?"palinaw ni Aries.
"Na may mangyayaring masama sa iyo kapag di mo kami sinunud"sagot ni Hans.
Samantala, agad namang naawa ang isang babaeng kaklase ni Aries sa kanya dahil siya ang napagtripan ng grupo ni Hans. Nalilito siya kung ano ang kanyang gagawin, kung tutulungan niya kasi si Aries ay mapapahamak siya sapagkat wala namang mangyayaring masama sa kanya kapag hindi niya tutulungan si Aries.
"Alam kong dating masamang tao si Aries, pero ngayon naaawa na ako sa kanya, ano ba ang gagawin ko?"bulong ng babaeng kaklase ni Aries habang siya'y naaawa kay Aries.
Nanginginig na ang kanyang mga kamay, hanggang sa nagdesisyon nalang siya na wag tulungan si Aries upang hindi siya mapahamak, hindi na niya tiningnan ang sitwasyon ni Aries habang siya'y umaalis.
"Patawarin mo ako"bulong ng babaeng kaklase ni Aries habang dahan-dahang umaalis.
Samantala, patuloy naman sa kain si Aries kahit nakatutuk na sa kanyang leeg ang espada ni Hans. Nang tumayo na si Aries dahil tapos na siyang kumain, bigla namang inihampas ni Hans ang espada niya nang hindi nag-iisip, akala niya'y masusugatan niya si Aries kaya napapikit nalang ang mata niya, sapagkat nang maidilat niya ang mga mata niya nagulat nalang siya nang makita niyang napigilan ni Aries ang espada niya gamit lang ang dalawang daliri nito.
"Ang delikado no'n ha!"pabiglang sabi ni Aries habang pinagmamasdan ang espada ni Hans.
"Paano mo nagawa iyan?"pabiglang tanong ni Hans kay Aries habang tinutukoy niya ang pagpigil ni Aries ng dalawang daliri sa pag-atake niya.
"Hindi naman gaano ka-importante iyon"sabi ni Aries habang nililigpit niya ang kinakainan niya.
Habang natakatayo lang si Hans, bigla namang inatake ng mga kasamahan niya si Aries. Gamit ang dala-dalang kutsara ni Aries nagawa niyang pigilan ang espada ng mga kaharap niya. Kaya napanganga nalang sila habang itinutuk ni Aries ang kutsarang hawak niya sa isang kasamahan ni Hans.
"Ayoko ng gulo"tugon ni Aries sa grupo ni Hans.
Nainsulto naman si Hans sa sinabi ni Aries kaya bigla niya itong inatake, sa sobrang bilis ng mga pag-atake niya ay napamangha nalang ang mga kasamahan niya, pero sa ginawa niyang pag-atake, mabilis rin itong tinapatan ni Aries gamit ang kutsarang hawak niya kaya hindi nakakatama si Hans kay Aries kahit isang hampas lang.
Nang napahinto si Hans, agad niyang nakita ang patay na seryusong mata ni Aries na nakatutuk sa kanya. Sa pagkaraan ng ilang minuto, nagdesisyon rin siya at ng kanyang kasamahan na iwasan si Aries dahil sa pambihirang galing at bilis nito.
Dumating naman ang taga-Academy sa kantin, nagreklamo kasi ang nagtatrabaho doon dahil sa kaguluhang ginawa ng grupo ni Hans. Hindi na nila naabutan si Aries dahil umalis na ito sapagkat ang grupo lang ni Hans ang naabutan ng taga-Academy kaya pinagalitan nila ito.
------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Samantala, pinag-uusapan ng mga estuyante si Aries sa loob ng kanilang silid-aralan, doon na kasi sila nagpatuloy sa pag-kain dahil natatakot sila sa grupo ni Hans. Inaakala kasi nila na bugbug sarado si Aries doon sa kantin dahil siya yong napagtripan ng grupo ni Hans.
"Yong Aries na iyon, magaling lang iyon sa pagnanakaw, tingnan niyo yon mamaya pagpapasok rito sa silid aralan natin, baka marami nayong pasa o sugat"sabi ng isang kaklase ni Aries.
Habang sila'y nagtatawanan sa magiging hitsura ngayon ni Aries, hindi naman sila makapaniwala nang normal lang si Aries nang pumasok ito sa kanilang silid-aralan. Pati na nga ang babaeng kaklase na naaaawa sa kanya ay nabigla rin.
"Imposible, nagawa ni Aries na makaalis sa grupo ni Hans nang hindi nagkakasugat o nagkakapasa"bulong ng babae.
Nakatulala ang lahat habang pinagmamasdan si Aries na tahimik lang na nag-aaral sa likuran. Hindi kasi sila makapaniwala dahil lahat nang napapagtripan ng grupo ni Hans ay nagkakaroon ng pasa o sugat.
Matapos ang unang araw ni Aries sa Academy agad na siyang pumunta sa kwarto niya upang mag-aral at magpahinga sapagkat inaabangan na pala siya ng limang lalaki doon sa kwarto niya."May baguhan pala tayong kasama rito! Gusto ko siyang turuan ng leksyon para malaman kung sino ang hari ng kwartong ito"sabi ni Leo, 2nd Rank Knight at kasamahan ni Aries sa kwarto niya.
BINABASA MO ANG
Myself in Another World (Completed)
FantasyAfter Aries Alefen reincarnated from another world, he didn't remember his past life so he tried everything to live until the world treated him unfair. This is the journey of Aries trying to survive by himself... He will be able to defeat the Dragon...