(Vol. 4) Chapter 40: Fiana

121 28 4
                                    

Araw-araw kung may bakanteng oras si Aries ay sinasanay niya ulit ang katawan niya kahit malakas na siya. Sinusubukan din niyang sugatan ang katawan niya na upang masanay siya sa sakit nito, kahit tumutulo na ang mga dugo ay patuloy paring hinihiwa ni Aries ang braso at balikat niya. Tanging siya lang ang nakakaalam sa ginagawa niya upang wala nang mag-aalala sa kanya.
 
Nasa labas ng bayan ng Ylgad si Aries nagsasanay na malapit sa kagubatan, maganda kasing pwesto iyon para sa kanya dahil sinusubukan niya ding tumalon-talon sa mga puno para makarating siya sa itaas ng mga puno. Sa una ay muntikan na siyang mabalian ng buto pero nang tumagal na ay nasanay rin siya.
 
Napupuno rin ng sugat ang braso niya kasi araw-araw ay sinusugatan niya ang braso niya kahit hinding-hindi pa ito nagagaling. May araw pa nga na nabigla si Prinsipe Reinhard nang makita niya ang sugat-sugat na braso ni Aries.
 
“Aries, ano bang nangyari sa braso mo?”pabiglang tanong ni Prinsipe Reinhard.
 
“Wag kang mag-aalala mahal na prinsipe, galos lang po ito dahil sa pag-eensayo ko”sagot ni Aries sa prinsipe.
 
“Dahan-dahan naman sa pagsasanay Aries, malakas ka naman kaya di mo na kailangang higpitan ang pagsasanay mo”paalala ng prinsipe sa kanya.
 
“Opo mahal na prinsipe, di ko na po hihigpitan ang pagsasanay ko”sagot ni Aries.
 
Naglaan parin ng panahon si Aries sa pagsasanay niya kahit lumipas na ang mga buwan. May pagbabago na kasi sa sapagkat marami nang nagsisilbi sa kaharian na mula sa Academy, hindi na gaanong nagagamit si Aries sa kaharian dahil marami nang mga 1st Rank knight ang naninilbihan na mula sa Academy, kaya marami ng oras si Aries sa pagpapalakas niya sa katawan niya.
 
Samantala, nabalitaan narin ng lahat ang paparating na kasalan ni Prinsipe Reinhard, siya kasi ang magpapatuloy sa trono ng kanyang ama kaya sa lalong madaling panahon ay kailangan na niyang mabasbasan sa simbahan.
 
Sa ngayon ay nagpadala na ng sulat si Prinsipe Reinhard sa babaeng papakasalan niya para papuntahin sa kaharian. Sa dalawang taon nilang relasyon ay limang beses palang nagkita ang dalawa, sapagkat si Prinsipe Reinhard ang laging bumibisita sa babae, hindi naman dugong bughaw ang babae pero maganda naman ito kaya nahulog ang loob ng prinsipe sa kanya.
 
Nag-uusap naman sina Haring Charles at ang anak niyang si Reinhard sa hapag-kainan.
 
“Reinhard, kailan mo pa ba papupuntahin rito ang mapapangasawa mo, sabik na sabik ko na siyang makita”tugon ng hari habang siya’y nasisiyahan na.
 
“Wag po kayong mag-aalala ama, sa susunod na araw po darating na po siya rito, kinuha na po siya ng mga Royal Knights”paliwanag ni Reinhard sa ama niya.
 
“Mabuti naman, gusto ko na siyang makilala at gusto ko na ring ihanda ang kasalan niyo”tugon ng ama niya sa kanya.
 
“Opo ama, kailanma’y hinding-hindi po masisira yong pangako ko sa inyo”tugon ni Reinhard.
,
------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Asinta, Pana yan ang laging ginagawa ni Prinsesa Tiara, mga ilang taon na niya itong ginagawa hanggang sa naperpekto na niya ito. Kahit ipikit pa niya ang isang mata niya ay matatamaan parin niya ng tama ang puntirya niya, sa ilang taong pagsasanay ni Tiara ay wala na ngang ibang naituro ang mga guro niya sa kanya.
 
Napa-isip naman ng magandang paraan si Aries dahil sa panahong iyon ay pinagmamasdan lang niya ang prinsesa sa pagsasanay ng pana. Agad namang lumapit si Aries sa prinsesa at agad niya itong pinapaki-usapan sa isang bagay.
 
“Mahal na prinsesa, gusto ko pong magsanay sa iyo”payukong paki-usap ni Aries.
 
“Ano ang ibig mong sabihin Aries?”palinaw ng prinsesa sa kanya dahil nalilito na ito.
 
“Gusto ko pong puntiryahin niyo po ako sa pagpana niyo, tapos susubukan ko naman pong ilagan ang pag-atake niyo”paliwanag ni Aries. “Di ba po, gusto niyong mahalagahan ang pagpana niyo kaya pakiusap po”pahinang paliwanag ni Aries.
 
“Kung gagawin ko iyan, may tsansang mapahamak ka o maaari mo pang ikamatay”tugon ng prinsesa habang ito’y nag-alala.
 
“Kung may mangyari mang masama po sa akin mahal na prinsesa ay kasalanan ko na po iyon”paliwanag ni Aries.
 
Napahinto bigla si Prinsesa Tiara dahil sa sinabi ni Aries, gustuhin man niyang makapagsanay sa isang tao kaso baka madisgrasya pa, pero kahit nagdadalawang isip ang prinsesa ay sinang-ayonan parin niya ang pakiusap ni Aries.
 
“Sige Aries, payag ako sa pakiusap mo”sagot ng prinsesa kay Aries.
 
“Mahal na prinsesa, baka po matamaan niyo po siya, nag-alala lang po ako sa kalagayan niya”alala ng mga guro ni Tiara kay Aries.
 
“Wag kayong mag-aalala, may tiwala naman ako kay Aries”tugon ni Tiara sa mga guro niya.
 
Nang magsimula na ang kanilang pagsasanay ay agad namang hinawakan ni Tiara ang kanyang pana tapos agad niyang pinuntirya si Aries na may hawak-hawak na espada. Agad namang nagdadalawang-isip si Tiara kung ipagpapatuloy pa ba niya ang pagpana niya, wala kasing proteksyon si Aries kaya anumang oras sa pag-atake niya ay pwede niyang masugatan si Aries.
 
“Bahala ka na!”bigkas ni Tiara habang itinuloy niya ang pagpana kay Aries na nakapikit.
 
Nagulat naman si Aries nang makita niyang patungo sa kanyang mukha ang pana, nakailag naman siya kaso nagalusan din siya.
 
Nang idinilat ng prinsesa ang mata niya ay nakita niyang hindi natamaan si Aries sa pag-atake niya, alam niyang sa mukha ni Aries ang puntirya niya kaso hindi ito tumaob sa mukha nito.
 
“Paano niya nailagan yon? mabilis na mabilis na ang pagpana ko, hindi na yon aabot sa isang segundo, imposible wag mong sabihing mas mabilis pa si Aries kaysa sa pagpana ko”bulong ni Tiara sa sarili niya.
 
Inulit ni Tiara ang pagpana niya kaso hindi parin niya natatamaan si Aries. Sa pagsasanay nila ay lalo namang bumibilis ang paningin ni Aries kaya dumating pa nga ang pagkakataon na piniringan ni Aries ang mga mata niya para hindi na niya makita ang pag-atake ni Tiara dahil gusto niya itong maramdam.
 
“Aries, sigurado ka ba talaga?”tanong ni Tiara sa kanya.
 
“Mahal na prinsesa, wag niyo po akong tamaan, galusan niyo lang po ang mukha ko”utos ni Aries sa kanya.
 
Kahit gagalusan lang ni Prinsesa Tiara ay mahihirapan din siya sapagkat natatakot siya sa posibilidad na matamaan niya si Aries, pero sa kabila ng kaba ay ginawa parin niya nag lahat para hindi lang matamaan si Aries.
 
Habang pumapana si Tiara ay nararamdaman ni Aries ang mga pag-atake niya kaya lalong tumatagal ay lalo namang napapag-aralan nito ang tinig ng pana. Paulit-ulit pang pumapana si Tiara dahil lagi siyang inuutusan ni Aries.
 
Nagtanghali nalang ay hindi parin humihinto si Aries.
 
“Aries, huling pana na ito”tugon ni Tiara sa kanya.
 
“Sige mahal na prinsesa”sagot ni Aries habang ang mga mata parin niya’y nakapiring.
 
Sa huling pagpana ni Tiara ay nagulat nalang siya nang makita niyang nakuha ni Aries ang pana niya.
 
“Salamat po mahal na prinsesa dahil po sa pagtanggap po sa pagsasanay na paki-usap ko”pasalamat ni Aries habang dala-dala parin niya ang pana na huling ipinana sa kanya ni Tiara.
 
“Walang anuman Aries”sagot ng prinsesa.
 
“Aalis na po ako mahal na prinsesa”paalam ni Aries habang siya’y umalis.
 
“Paano niya nagawa ang lahat nang iyon sa isang araw lang na pagsasanay? Tapos nagawa rin niyang pigilan ang pagpana ko? Imposible”bulong ni Tiara sa sarili niya habang siya’y tulala sa ginawa ni Aries.
 
Dahil sa pagsasanay ni Aries kasama ang prinsesa ay napag-aralan niya ang tinig na paparating na mga pana, tapos lalo narin niyang nabibilisan ang paningin at pandinig niya dahil alam niyang magagamit niya ito isang araw.
 
-----------------------------------------------------------------------------------------------------------
Ngayong araw, paparating na ang babaeng papakasalan ni Prinsipe Reinhard sa kaharian kaya lahat ng mga katulong doon ay naghanda. Ang lahat ng mga taga-luto ay nagluluto na ng masasarap ng putahe at itinatahi narin ng mga mananahi ang magiging damit ng babae sa kasalan.
 
Kahit matagal-tagal pa ang kasalan ay masasabi mo ng pinaghandaan na talaga ng lahat lalo na ang hari na siyang nagplano ng lahat, gusto niya kasing may papalit na sa kanyang trono para maipatuloy ng kanyang anak ang kaharian.
 
Nakalinya naman ang lahat ng mga kabalyero at ang mga Royal Knights sa gilid dahil nakarating na sa bayan ang karwaheng sakay ng babae.
 
Kahit sa bayan ng Ylgad ay marami ding nag-abang sa pagdating ng babaeng papakasalan ng prinsipe na nagmula sa isang malayong bayan. Mga bata at mga dalagang babae ay pinagmamasdan din ang magandang babae na nakasakay ng karwahe kasama ng mga Royal Knights na pinangungunahan ni Knight Edward.
 
“Ang ganda ng babae”sabi-sabi ng mga dalagang babae sa bayan ng Ylgad habang sila’y namangha sa kagandahang mapapangasawa ng prinsipe.
 
Dali-dali namang binuksan ng mga kabalyero ang gate ng kaharian nang pumasok na ang karwahe. Paisa-isa namang tumatapak ang babae sa lupa upang bumababa sa karwahe. Napapalingon nalang ang lahat maging ang mga katulong sa nakita nilang dilag na babae. Nagmistulang kasalan na ang pangyayari nang naglakad ang babae sa gitna ng mga kabalyero at Royal Knights papunta sa prinsipe na siyang naghihintay sa kanya sa harap.
 
Masaya namang naglalakad ang babaeng mapapangasawa ng prinsipe hanggang sa nakita niya sa isang gilid ang isang lalaking kaedad niya na parang nakikilala niya. Napahito bigla ang babae sabay bigkas.
 
“Aries”
 
Wala namang emosyong pinagmamasdan ni Aries ang babae, alam niyang natatandaan niya ang babaeng iyon kaso hindi na niya naalala kung saan. Sa sampung segundong pagkatulala ng babae sa kanya ay nalaman na rin niya sa wakas ang pangalan nito.
 
“Hindi ko alam na ikaw pala ang mapapangasawa ng prinsipe, Fiana”pahinang bigkas ni Aries na siya lang ang tanging nakakarinig sa sinabi niya.
 
Makalipas ang ilang segundong paghihinto ni Fiana sa gitna ng paglalakad niya ay agad ulit siyang nagpatuloy sa paglalakad na may naramdamang kakaiba sa dibdib niya. Matapos kasing lumayas si Aries sa bayan ng Egalliv na kung saa’y bayan nina Lolo Andres at Lola Ignacia na siyang bayang tinitirhan din ni Fiana ay nakaramdam si Fiana ng paghihignapis nang mawala si Aries sa bayan.
 
“Aries, matagal-tagal na kitang hinanap, akala ko’y patay ka na, nandito ka lang pala sa kaharian ng Ylgad”bulong ni Fiana habang nasisiyahan siya nang makita niya si Aries.
 
Agad namang siyang niyakap ng prinsipe nang makapunta na siya sa harap.
 
“Fiana, bakit ka napahinto kanina?”tanong ni Prinsipe Reinhard sa kanya.
 
“Reinhard, kinakabahan lang ako dahil alam mo na nandito yong ama mo at kapatid mo”sagot ni Fiana.
 
Bigla namang dumating ang hari palapit sa dalawa, una namang binati ni Fiana ang hari bago nakasagot ang hari kay Fiana.
 
“Fiana, ikaw pala yong tinutukoy sa akin ni Reinhard, hindi ko inaakalang mas maganda ka pa sa inaasahan ko”pabirong tugon ng hari kay Fiana.
 
“Hindi naman po sa ganoon”pangiti ni Fiana.
 
Kahit nag-uusap-usap sila ay hindi naman nawala sa tingin ni Fiana si Aries na nakatayo lang sa gilid habang nagbabantay.
 
Agad namang nagtipon-tipon ang lahat para sa isang pagsasalo, kainan at inuman. Naabutan nalang sila ng gabi hanggang sa ang lahat na ay unti-unti ng napapagod at nalalasing. Habang naka-upo si Fiana sa upuan ay agad naman niyang nakita si Aries na papasok sa kwarto nito.
 
Hindi naman nag-aalinlangan si Fiana na sundan si Aries hanggang sa pinasok na rin niya ang kwarto ni Aries nang mag-isa. Nakita niyang naka-upo lang si Aries sa upuan habang ginagamot nito ang mga sugat niya sa braso nang pumasok siya.
 
“Fiana, bakit ka nandito?”pahinang tanong ni Aries kay Fiana.
 
“Hindi ko inaakala na naninilbihan ka na pala rito sa kaharian Aries”pangiting sabi ni Fiana. “Aries, matagal-tagal kitang hinanap nandito ka lang pala”sabi ulit ni Fiana.
 
“Yan lang ba ang gusto mong sabihin Fiana? Magpapahinga na ako”pawalang emosyong tugon ni Aries kay Fiana.
 
“Aries, matagal-tagal narin tayong hindi nagkita, hindi ka ba masaya na nagkita ulit tayo?”pabiglang tanong ni Fiana.
 
“Bakit may nakaraan ba tayong dalawa na masasabi mong naging masaya ako sa pagkikita natin ulit? Fiana, magiging asawa ka na ng Prinsipe kaya pakiusap lang umalis ka na rito, dapat hindi ako ang inaatupag mo kundi ang prinsipe na”paliwanag ni Aries kay Fiana.
 
“Aries, hindi ko alam ang nararamdaman ko noon simula nang umalis ka sa bayan, pero bakit laging may kulang, alam kong naghihinagpis ako sa pagkawala ni Lolo Andres pero lalo akong naghihinagpis nang malaman kong ikaw ang naging kulang sa buhay ko Aries, Aries mahal na kita, gusto kita”paliwanag ni Fiana habang inilabas niya ang kanyang emosyon kay Aries.
 
“Pasensya ka na Fiana, hindi na maiibalik ang kahapon, hangang-hanga pa ako sa iyo noon pero hindi na maiibalik ang kung ano man ang nararamdaman ko noon, kaya kalimutan muna ako Fiana at magsimula kang muli ngayon”pahingi ng pasensya ni Aries kay Fiana.
 
Napatulo nalang ang luha ni Fiana sa sinabi ni Aries. May namumuo na kasing pagdaramdam si Fiana kay Aries simula pa nang magkita sila sa batis na malapit sa bahay ni Lolo Andres kaso hindi lang niya ipinakita ang nararamdam niya, at ngayon ay nagsisisi na siya sa mga ginawa niya nang makita niyang hindi siya tinanggap ni Aries.
 
“Aries, pasensya ka na kung naisturbo kita, kalimutan mo nalang yong mga sinabi ko sa iyo ngayon”tugon ni Fiana habang pinipilit niya ang hindi pag-iyak sa harap ni Aries.
 
Dahan-dahang tumalikod si Fiana at binuksan niya ang pinto.
 
“Aalis na ako Aries”paalam ni Fiana habang isinarado niya ang pinto.
 

Nang lumabas si Fiana ay doon na niya ibinuhos ang kanyang emosyon.

Myself in Another World (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon