Chapter 22: Brotherhood

130 27 4
                                    

Samantala, habang mag-isang naglalakad si Danilo papunta sa kanyang silid-aralan, hindi niya inaasaahan na bigla siyang lalapitan ng isang lalaking estudyante. Mataas ang rank na ito kaysa sa kanya, tapos hindi rin niya ito kilala, wala naman siyang natatandaan na may naghahanap sa kanya o may pakay sa kanya. Akala nga niya'y may masamang binabalak ito sa kanya subalit may sinabi lang ang lalaking ito sa kanya.

"Ikaw ba si Danilo? Yong kaklase ni Aries sa 12th Rank Knights?"palinaw ng lalaking estudyante sa kanya.

"Oo ako yong tinutukoy mo, bakit?"tanong ni Danilo habang nagtataka.

"May ipapa-abot sana akong sulat sa iyo, may babae kasing nagkakagusto sa iyo kaya gusto niyang makipagkita sa iyo"paliwanag ng lalaki habang ibinigay niya ang sulat kay Danilo.

Nabigla naman si Danilo sabay natulala.

"Sigurado ka ba? Baka niloloko mo lang yata ako"tugon ni Danilo.

"Ikaw ang bahala hindi naman kita pinipilit, pwede ka namang hindi pumunta, maghihintay lang yong babae sa iyo doon"sabi ng lalaki habang siya'y umalis.

Hindi naman inaasahan ni Danilo na may magkakagusto pala sa kanyang isang babae kaya hindi niya mapigilan ang sarili na kabahan dahil unang beses pa lang itong nangyari sa kanya. Hinahalikan naman niya ang hawak niyang sulat sabay pina-fantaserye ang magiging kapalaran ng buhay nila.

"Siguro, mukhang panahon na yata na magkaroon na ako ng kasintahan"bulong ni Danilo habang sumasayaw siya sa sobrang saya.

Nang makarating siya sa kanyang silid-aralan, mag-isa naman siyang umupo sa upuan niya at iniiwasan niya ang mga kaklase niya para hindi nila mabasa ang sulat na ibinigay sa kanya. Mahihiya kasi siya kapag nalaman ng iba ang tungkol sa sulat.

Habang binabasa niya ang sulat, hindi naman niya mapigilan ang kilig dahil naisip kasi niya na totoo ang sulat at ramdam niya ang nararamdaman ng babae sa kanya.

"Magkikita kami bukas ng tanghali sa rooftop, sa rooftop talaga? Ang layo pa rito sa silid-aralan namin, ayus lang"sabi ni Danilo habang itinago niya ang sulat.

Nahirapan naman sa pagtulog si Danilo nang gumabi, mabilis naman siyang naligo nang kinaumagahan na kahit inaantok pa siya, mukhang naunahan pa nga niya si Aries na maagang siyang nakapaghanda.

"Tatandaan ko ang araw na ito"bulong ni Danilo habang mag-isa siyang naglakad patungo sa kanyang silid-aralan.

Masaya naman siyang nakikinig kay Sir Luke tapos nasasagutan rin niya ang lahat ng mga katanungan ni Sir Luke sa kanya. Ibang-iba na si Danilo simula nang mabasa niya ang sulat ni Marie, ang babaeng nagkakagusto sa kanya.

Nang magtanghali na, hindi naman nagpaalam si Danilo sa mga kaklase niya lalo na kina Aries at Lila na lagi niyang kasama tuwing kumakain sila sa kantin. Pero ang pag-alis niya'y alam ni Aries dahil pinagmamasdan lagi siya nito at naramdaman din ni Aries na umiba ang kilos nito.

"Danilo, saan ka naman pupunta?"bulong ni Aries habang siya'y nag-alala.

Paisa-isa namang humahakbang si Danilo paakyat ng rooftop habang tumitibok ng malakas ang kanyang puso. Habang lalong lumalapit si Danilo ay unti-unti naman niyang nararamdaman ang kaba na parang hindi niya maiintindihan, kaya nang binuksan niya ang pinto ng rooftop, hindi naman siya nagkakamali sa kanyang hinala sapagkat nandoon ang babae na sa tingin niya'y si Marie na ang nagbigay sa kanya ng sulat.

"Magandang tanghali Danilo"pangiting bati ng babae sa kanya.

"Ikaw ba si Marie na nakalagay sa sulat?"palinaw ni Danilo.

"Oo"pangiting sagot ni Marie sa kanya.

Lalapit na sana si Danilo kaso biglang nagharang ang limang 4th Rank knights sa pinto ng rooftop upang hindi na makaka-alis si Danilo kung sakaling may mangyari mang kaguluhan doon.

Nabigla naman si Danilo nang makita niya na may sampung 4th Rank Knight ang nag-aabang sa kanya doon sa rooftop hindi lang si Marie.

"Ano ang ibig nitong sabihin Marie?!"sigaw na tanong ni Danilo kay Marie.

"Pasensya ka na Danilo, napag-utusan lang kami"pangiting sagot ni Marie sa kanya.

"Gusto niyo ba akong labanan para magkagulo tayo rito? Ganoon ba ang gusto niyong mangyari?"sigaw ni Danilo habang tinatanong niya ang mga 4th Rank Knights na nag-aabang sa kanya. "Kahit aatakehin pa ninyo ako rito kailanma'y hindi ko kaya lalabanan, alang-alang nalang sa kapakanan ni Aries!"sigaw ni Danilo.

"Bata! Mukhang ang lakas yata ng loob mo!"tugon ni Direk habang binunut niya ang kanyang espada tapos agad niya itong tinutuk sa leeg ni Danilo.

Si Direk ang pinakamalakas na 4th Rank Knight sa lahat ng 4th Rank Knights sa Academy. Siya din ang inutusan ni Sir Luke kasama ang namumuno sa Academy na atakehin ang isa sa mga kaklase ni Aries upang magkaroon ng kaguluhan.

Dahan-dahan namang hinihiwa ni Direk ang leeg ni Danilo kaya tumutulo ang mga dugo nito sa sahig. Hindi naman gaanong malalim ang pagkakahiwa ni Direk sapagkat gusto lang niyang takutin si Danilo upang magalit ito sa kanya.

"Kahit sugutan mo pa ang ibang parte ng katawan ko! Hinding-hindi ko parin kayo lalabanan!"matapang na sinabi ni Danilo.

Wala namang darating na tulong kay Danilo kahit sisigaw pa siya nang malakas dahil malayo sa silid-aralan, sa mga estudyante o kahit mga guro ang rootop, hindi rin siya makakalabas ng pinto kapag tatakbo siya dahil hinarangan na ito ng limang 4th Rank Knights. Ang tanging paraan nalang niya ay tatalon sa rooftop, pero wala namang kasigaraduhan kung mabubuhay ba siya o hindi sapagkat hindi niya alam ang lalim nito.

Pinagmamasdan naman ni Danilo ang paligid pero wala na siyang naisip na lagusan upang makalabas ng buhay.

"Tatalon nalang ako kaysa dahan-dahan nila akong mapapatay dito"bulong ni Danilo habang siya'y nakapagdesisyon na.

Tatakbo na sana siya para tatalon sapagkat napahinto siya nang biglang bumukas ang pinto ng rooftop. Kaya nang lumingon siya sa likuran niya ay agad niyang nakita si Aries.

"Aries!"pagbiglang sabi ni Danilo habang siya'y nabuhayan ng pag-asa.

Dahan-dahan namang lumapit si Aries kay Direk tapos tinitigan niya ito.

Agad namang nabigla si Danilo nang maalala niya na si Aries pala ang puntirya ng grupo ni Direk.

"Aries! Umalis ka na dito! Ikaw yong puntirya nila hindi ako!"sigaw ni Aries.

"Ako pala ang puntirya nila? mabuti naman"pakalmang sagot ni Aries.

Tumingin naman si Direk kay Aries dahil ngayon palang niya nakita ang mukha ni Aries.

"Ikaw pala ang Aries na tinutukoy nila na malakas na kayang tumalo ng matataas na Rank"puri ni Direk kay Aries.

"Aries! Wag kang magpapalinglang sa kanila!"sigaw ni Danilo kay Aries.

Inagbayan naman ni Direk si Aries sabay hamon nito.

"Aries, ipakita mo nga sa amin ang lakas mo, labanan mo ako"hamon ni Direk sa kanya.

Patuloy namang sumisigaw si Danilo kay Aries tungkol sa pagtutul sa hamon nito.

"Aries! Wag mo silang labanan!"paulit-ulit na bigkas ni Danilo kay Aries.

Wala namang natitirang paraan si Aries kundi ang labanan nalang ang grupo ni Direk kaysa magpapa-atake sila. Hindi naman gugustuhin ni Aries na matanggal siya sa Academy pero mas hindi niya gugustuhin na madisgrasya nalang si Danilo sa kataranduhang paraan.

"Pasensya na Danilo kailangan kong gawin ito para mailigtas kita"pahinang sabi ni Aries.

Napangiti naman si Direk nang marinig niya ang sinabi ni Aries na parang desisyon na nitong lumaban, umatras naman palayo si Direk kay Aries para makapaghanda siya kapag aatake na si Aries sa kanya.

"Sige Aries, ipakita mo sa amin ang pagiging espesyal mo dito sa Academy"payabang na sabi ni Direk.

Aatake na sana si Aries kaso napahinto siya nang marinig niya ang dalawang boses na tumatawag sa pangalan niya.

"Aries!"parehong sigaw ng dalawang lalaki na nangaling sa isang bubongan.

Nang makita ito nina Aries, Danilo, Marie at Direk ay laking gulat nila dahil hindi nila inaakala na nandoon lang pala sila sa simula, nakikinig at nagmamasid lang sa nangyayari.

"Aries! Ayaw kong matanggal ka pa rito sa Academy sa pangalawang pagkakataon, di ba sasali ka pa sa grupo namin"pangiting sabi ni Hans, isang 3rd Rank Knight at tinaguriang hari sa kantin kapag tanghali.

"Aries! Gusto pa kitang talunin sa isang laban"pangiti ring sabi ni Leo, isang 2nd Rank Knight at kasama ni Aries sa kwarto.

Nagulat na may kasamang takot ang nararamdaman ni Direk nang makita niya sina Hans at Leo na isa din sa kilalang malalakas na estudyanteng kabalyero sa Academy.

"Bakit kayo nandito?"tanong ni Direk habang nanginginig na sa takot.

"Kami? Kanina natutulog lang ako dito pero hindi ko inaasahan na darating si Leo kaya nakasama ko siya ngayon dito sa rooftop"paliwanag ni Hans.

"Imposible, di ba tanghali ngayon dapat naroon ka sa kantin kumakain"sabi ni Direk.

"Sa kantin? Oo nga pala noh! Nakalimutan ko, di bale nalang busog pa naman ako"paliwanag ni Hans habang inagbayan niya si Direk.

Samantala, agad namang nilapitan ni Leo ang limang 4th Rank Knight na nagbabantay sa pinto ng rooftop.

"May problema ba?"pangiting tanong ni Leo sa kanila.

"Wala po!"sigaw ng limang 4th Rank Knight na tinanong ni Leo.

Dali-dali namang sinuntok ni Leo ang mukha ng limang 4th Rank Knights kaya agad silang nakabulagta sa sahig. Pagkatapos ay hinihimas ni Leo ang kanang kamay niya na ang ginamit niyang pangsuntok sa mga kasama ni Direk.

"Ang tagal ko ng hindi gumagamit ng kamao, ang sakit pala kapag hindi ka nasanay"sabi ni Leo.

Samantala, agad naman tinakot ni Hans si Direk na may kasamang pagtatangka sa buhay nito.

"Direk kilala kita, kilala ko rin ang grupo mo, wala akong pakialam kung inutusan kayo ni Sir Luke, kaya kung may plano man kayo kay Aries dumaan muna kayo sa amin, baka ako pa ang papatay sa iyo"pangiting sabi ni Hans habang ang mga mata niya'y nakakatakot tingnan.

"Akala ko natutulog ka lang dito sa rooftop, bakit alam mong inutusan kami ni Sir Luke?"tanong ni Direk.

"May natatago kasi akong abilidad"palokong sagot ni Hans habang tumatawa.

Sa katunayan, alam talaga nina Hans at Leo ang plano ni Sir Luke dahil nakinig sila sa pag-uusap nina Luke, Direk at ang namumuno sa opisina, kaya bago pa nakapunta ang grupo ni Direk kasama si Marie ay nandoon na sila Leo at Hans upang unahan ito.

Kaya napa-alis nalang si Direk kasama ang siyam na kasamahan niya na parehong 4th Rank Knights sa rooftop, natatakot na kasi sila kina Hans at Leo dahil wala silang kalaban-laban kapag nagkagulo na sila.

Hindi naman makapaniwala si Danilo nang makita niyang tinulungan sila nina Hans at Leo na parehong malalakas at matataas ang Rank.

"Ano ba ang relasyon ninyo kay Aries?"tanong ni Danilo kina Hans at Leo.

"Ang relasyon namin kay Aries? Masasabi mo na ring master ko si Aries"sagot ni Hans.

"Kay Aries? Siguro malapit na kaibigan"sagot ni Leo.

Agad namang umalis si Aries sabay sabi.

"Tumahimik nga kayo! Hindi kami nakikipagbiruan dito"sersuyong sabi ni Aries.

"Grabe ka naman Aries, di ba may samahan tayo"sabi ni Hans sabay agbay kay Aries.

"Oo nga Aries, parang wala naman tayong pinagsamahan, di ba may kapatiran tayo"pabirong sabi ni Leo.

"Tumahimik nga kayo! Hindi ko pa nga kayo kaibigan, samahan at kapatiran pa kayo"tugon ni Aries habang siya'y naiirita sa dalawa.

Samantala, naiwan naman sina Danilo at Marie sa taas ng rooftop. Hindi naman sumama si Marie nang umalis si Direk kaya naiwan siya doon sa taas ng rooftop. Hindi naman din sumama si Danilo nang umalis sina Aries, Hans at Leo kaya naiwan rin siya doon kasama si Marie.

"Danilo, pasensya ka na kung nadamay ka man sa katarantaduhang ginawa namin"pahingi ng paumanhin ni Marie kay Danilo.

"Ayus lang, hindi naman kita sinisisi sa nangyari"sabi ni Danilo habang tinabihan niya si Marie.

"Danilo, ayus lang ba ang sugat mo sa leeg mo?"tanong ni Marie habang siya'y nag-alala.

"'tong sugat ko? Wag ka ng mag-aalala Marie, konting galos lang ito, malayo naman ito sa bituka"patawang sagot ni Danilo.

"Pasensya ka na talaga Danilo, ginawa lang kasi namin ang bagay na iyon para tataas ang aming Rank ngayong paparating na Ranking, alam mo namang mahina lang ako"paliwanag ni Marie.

"Anong Rank ka na ba ngayon Marie?"tanong ni Danilo.

"12th Rank pa, ilang taon na akong nag-aaral dito sa Academy pero hindi parin tumataas ang rank ko, kasama ko si Direk pero ngayon umabot na siya sa 4th Rank, di ko alam kung ano ang sunod kong gagawin, aalis ba ako? Wala na akong natitirang paraan para makapagtapos rito sa Academy, kaya ginawa ko ang bagay na ito na nagbabakasali na tumaas ang aking Rank"paliwanag ni Marie.

"Wag kang mag-aalala Marie, tutulungan kita!"bigkas ni Danilo habang binigyan niya ng pag-asa si Marie.

Napaluha nalang si Marie nang marinig niya ang sinabi ni Danilo sa kanya.

"Salamat Danilo, mabuti ka palang tao"sabi ni Marie.


Samantala, hindi naman mapaniwala si Sir Luke nang malaman niyang nabigo siya sa kanyang plano na patanggalin si Aries dito sa Academy. Naiinis din siya nang malaman niyang tinulungan nina Hans at Leo sina Aries at Danilo.

"Ang lakas ng loob na tulungan ng mga taon iyon si Aries"bulong ni Sir Luke habang tinutukoy niya sina Hans at Leo.

Myself in Another World (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon