Chapter 25: The Ranking "Aries vs Everyone"

131 30 6
                                    

Mag-isang nakatayo si Aries kaharap ang libong estudyanteng makakalaban niya sa Ranking. Tanging espadang kahoy lang ang hawak-hawak niya, hindi totoong espada. Hindi kasi niya gustong mapahamak ang mga estudyante kaya pinili nalang niyang gumamit ng espadang kahoy katulad din ng hawak ng mga kalaban. Wala naman siyang galit sa Academy at sa lahat ng estudyante pero hindi parin niya pinipigilan ang sarili niya na labanan ang libong estudyante para lang maging 1st Rank Knight sa Academy.

Ang pangako ay iba sa pangarap, kung nangangako man siya na maging isang magiting na bayani ika ni Lolo Andres sa kanya ay hindi niya iyon pinapangarap. Kung nangangarap man siyang maging 1st Rank ay hindi niya iyon pinangako sa sarili dahil ang pangako'y mababasag, hindi pa nga niya alam kung kakayanin ba niyang matalo ang isang libong estudyante sapagkat hindi siya sigurado sa laban.

Nakatingin siya sa magiging kalaban niya kahit hindi pa siya gumagaling sa sakit niya. Kahit sumasakit pa ang ulo niya ay tiniis lang niya ito upang makatayo lang. Humihingal na siya habang hindi pa nagsisimula ang laban. Kaya nang marinig niyang tinanggap ng Academy ang kondiyon niya ay hindi niya mapigilang ngumiti.

"Patumbahin niyo ako!"sigaw ni Aries habang mabilis siyang umatake sa libong kalaban niya.

Sa isang hampas pa nga niya sa espadang kahoy ay nagawa na niyang makapagpatumba ng sampung estudyante. Napangiti siya habang pinagmamasdan ang namumuno sa Academy tapos agad niyang itinaas ang espadang kahoy sabay sigaw..

"Nasa akin ang huling halakhak!"

Kahit tumatawa lang ang namumuno dahil alam niyang matatalo si Aries, ngayon umiba na ang kanyang reaksyon nang marinig niya ang sigaw ni Aries na para bang nakakita siya ng isang halimaw na mas malakas pa sa mga dragon.

"Hindi na tao si Aries! Isa na siyang halimaw!"pabiglang sabi ng namumuno ng Academy habang siya'y nagulat.

Pinagtulungang inatake si Aries pero kahit di niya magawang ilagan ang lahat ng mga espadang kahoy na pumuntirya sa kanya ay nagagawa naman niyang matiis ang sakit na tumatama sa kanyang katawan.

Hindi na nga mapigilan ni Lila na umiyak habang pinagmamasdan ang kawawang si Aries dahil dalawa o tatlong atake ay tumatama sa ulo nito.

"Aries! Tama na! wag mo ng pilitin ang sarili mo! Mapapatay ka sa ginagawa mo!"sigaw ni Lila habang hindi na niya mapigilang umiyak.

Nakapagpatumba naman ng limangpung estudyante si Aries pero sa kondisyon niya, dahan-dahan nang nanghihina ang katawan niya dahil sa sakit na iniinda. Napahinto bigla si Aries habang humihingal nang humihingal dahil sa pagod samantalang nakatitig lang sa kanya ang mga kalaban niya.

Nagulat nalang bigla si Aries nang makita niyang nagsisigamitan ng mahika ang kalaban niya. Mga malalakas na apoy, mga matitigas na bato, mga matutulis na hangin, mga makakapatay na kuryente, mga makakatunaw na tubig at iba-iba pang malalakas na elemento na higit na sa kakayahan ng isang normal na tao.

Nagawa naman niyang ilagan ang halos sa mga ito kaso natamaan siya bigla ng malalakas na apoy sa tiyan na agad niyang ikinaluhod sa lupa.

"Susuko ka na ba Aries?"tanong ni Sir Luke habang siya'y tumatawa ng malakas.

Kahit na nilapitan nina Danilo, Mario at Ponyo si Sir Luke upang pagsabihan na tapos na ang laban ay biglang tumayo si Aries.

"Hindi pa ako susuko!"sigaw ni Aries habang nakitang nasunog ang isang bahagi ng kanyang damit.

"Aries! Tama na! wala ka ng kalaban-laban! Sa kondisyon mong iyan ay mahihirapan ka ng tumakbo o makalakad man lang!"sigaw ni Danilo habang siya'y nag-aalala kay Aries.

Narinig naman ni Aries ang sigaw ni Danilo kaya agad siyang napatingin kay Danilo.

"Wala ka bang tiwala sa akin Danilo?"palinaw ni Aries habang dahan-dahan na siyang nahihilo.

Myself in Another World (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon