Sa ngayon handa nang lumaban ang mga Royal Knights dahil wala na silang natitirang paraan upang mabuhay at para mailigtas si Duke Salazar. Pinangungunahan naman ni Knight Edward ang pag-atake sapagkat handa siyang magsakripisyo sa gagawin niyang pag-atake. Ngayon pareho na silang nakatayo habang hawak-hawak ang kani-kanilang mga espada.
“Papatumbahin natin ang mga dragon ngayon, wala na tayong ibang paraan para makatakas”lakas na loob na sinabi ni Knight Edward habang seryuso siya sa kanyang ginagawa.
“Knight Edward, paano na ako kung wala na kayo? Mag-isip-isip muna kayo”reklamo ng Duke dahil alam niyang mahihirapan na siyang maprotektahan kapag nawala na si Knight Edward.
Agad namang napahinto si Knight Edward sa ginagawa niya dahil sa pagpigil sa kanya ng Duke. Naalala na kasi niya ang pangunahi nilang layunin na kung saa’y kailangan nilang protektahan ang Duke. Nag-isip-isip ngayon si Edward subalit ayaw muna niyang ipapain ang karwahe ni Lucas dahil baka may dragon na namang aatake sa kanila, hindi kasi nila alam ang eksaktong dami ng mga dragon baka malagay lang sa alangin ang plano niya.
“Ano ang gagawin ko?”paulit-ulit na tanong ni Edward habang hindi na niya alam ang susunod na gagawin.
Nakita naman ni Aries ang pag-iisip nang malalim ni Edward na sa ngayo’y wala pang nagagawa kaya nalaman agad nalaman ni Aries na nagkakaproblema na din si Knight Edward.
“Ako lang ang aatake sa mga dragon Knight Edward!”sigaw ni Aries na kung saa’y dinig na dinig ng lahat pati na sa ibang karwahe.
Nagulat naman ang lahat dahil sa pabiglang sigaw ni Aries, nakita narin kasi nila ito na bumalik na sa normal simula nang umiyak ito sa di malamang kadahilanan. Handa namang isakripisyo ni Aries ang sarili niya upang mailigtas lang ang lahat.
“Aries, Wag! malalagay lang sa peligro ang buhay mo, di mo kaya ang mga dragon, kulang pa ang kakayahan mo kaya mas mabuting manatili ka nalang sa karwahe mo”sigaw ni Knight Edward habang nag-aalala na siya nang tuluyan kay Aries.
Nagpatuloy ang kanilang sigawan hanggang sa maaabutan na sila ng tatlong dragon, lalo pang kinakabahan si Knight Edward samantalang hindi pa siya tapos sa pag-iisip kung anong sunod niyang gagawin. Nagulat nalang ang lahat nang bigla silang binugahan nang dragon kahit malayo-layo pa sila sa mga dragon.
“Umatake na naman ang dragon! Mag-ingat kayo!”sigaw ng mga tao sa ibang karwahe.
Sa pagkakataong iyon ay mahirap na nilang ilagan ang pagbuga ng dragon dahil sa sitwasyon nila, wala na silang ibang magagawa kundi ang harapin nalang ang pag-atake. Ang ibang mga taong kasama nila’y nagdasal nalang na may himalang darating. Kahit na nga si Knight Edward ay nagdadasal ring may himalang darating. Sa hindi inaasahan ay hindi nakaabot ang pagbuga ng hangin at apoy sa kani-kanilang mga karwahe.
Tulala ang lahat nang makita nilang hindi nakaabot sa kanila ang pagbuga kaya naging masaya naman sila sa kalalabasan pero kahit hindi nila alam kung bakit nagkaganoon ang pag-atake ay hindi lang nila iyon pinansin.
Nagsitinginan naman sina Knight Edward, Gil at Raphael dahil hindi rin nila alam ang nangyayari kung bakit hindi nakaabot sa kanila ang pagbuga ng dragon.
“Paano napigilan ang pagbuga ng dragon?”tanong ni Knight Gil habang pinag-aaralan pa ang nangyari.
“Magpapasalamat nalang tayo na hindi nakaabot sa atin ang pagbuga”tugon ni Knight Edward habang gumagaan ang pakiramdam.
. Sa makatuwid, si Aries lang pala ang may gawa dahil inihampas niya nang malakas na malakas ang espada na halos kasinglakas rin ng pagbuga ng dragon. Walang nakakita sa pag-atake ni Aries dahil parehong nakapikit ang mga mata ng tao.
Pero hindi naman nagtatapos ang pag-atake ng tatlong dragon sapagkat hindi sila titigil habang hindi nila nauubos ang mga tao. Kaya inulit ng mga dragon ang pag-atake kaya nagulat na naman ang mga tao. Hindi ulit nagpadaig si Aries kaya agad niyang inahampas ulit ng tatlong beses ang espada niya katumbas ng pagbuga ng tatlong dragon. Sa sobrang lakas ng impak ay agad nagkaroon ng pansamantalang lindol na siyang bumasag sa kalupaan.
Nanginginig sa takot ang mga tao ganoon din si Duke Salazar nang biglang lumindol. Kaya dahil sa pangyayaring iyon ay agad ulit napatanong ang mga Royal Knights kung ano na ang nangyayari kung bakit ulit napigilan ang pag-atake ng mga dragon. Sa pangatlong pagkakataon ay hindi na pinalampas ni Knight Edward ang pangyayari kaya agad siyang tumingin sa labas para malaman ang kung papa-ano napipigilan ang pagbuga ng mga dragon.
Hindi agad siya nakapaniwala nang malaman niyang si Aries ang pumipigil sa mga pagbuga ng mga dragon, alam niyang malakas si Aries pero hindi niya inaakalang mas malakas pa si Aries sa inaasahan niya, kaya napasigaw nalang siya kay Aries bilang isang paalala..
“Aries! Mag-ingat ka! At Pigilan mo din ang pagbuga ng mga dragon!”sigaw ni Knight Edward habang humahanga na siya lalo kay Aries.
“Bilisan niyo lang ang pagtakbo sa karwahe!”sigaw ni Aries na bilin niya kay Knight Eward.
Agad namang sinunod ni Edward ang sinabi ni Aries sa kanya kaya agad niyang binilisan ang takbo ng karwahe, ganoon din sa iba nilang kasamang nakakarwahe din. Patuloy naman sa paghampas si Aries sa espada niya upang makalayo-layo na ang mga dragon sa kanila.
Hindi rin nagtagal ay agad ulit silang inatake ng rumespondeng dragon, tatlong dragon na kung saa’y mula sa kanilang harapan, kakaiba ang mga dragon na ito dahil mahihina lang ang buga nito kapag bumubuga kaso ang pinoproblema nila sa mga dragong ito ay ang bilis na parang aagusin sila sa hangin kapag dumaan lang ito sa kanila.
“Knight Edward, hindi na natin makakayanan ang mga dragon sapagkat anim na dragon na ang sumusunod sa atin dapat may gawin tayo”reklamo ni Knight Gil.
“Oo alam ko ang problemang iyan Knight Gil kaso hindi pa natin oras para labanan ang dragon, baka iilang dragon na naman ang aatake sa atin ngayon, ang natitirang gawin nalang natin ngayon ay makapasok sa isang bayan na may barrier”tugon ni Knight Edward.
“Paano tayo makakapasok sa bayan? Ang layo pa ng bayan dito, alam mo namang nasa kalagitnaan tayo ng desyerto, kung tutuusin mga isangdaang kilometro pa ang lalabayin natin para makakita ng isang bayan”reklamo ni Knight Raphael.
“Kung matitiis pa ni Aries ang pagpigil sa mga dragon ay makakayanan pa nating maging ligtas sa mga dragon”tugon ni Knight Edward na ikinabigla nina Gil at Raphael sa pagbanggit niya sa pangalan ni Aries.
“Knight Edward ano ang ibig mong sabihin?”palinaw ni Gil.
“Knight Edward, wag mong sabihing si Aries ang pumipigil kanina sa mga pagbuga ng mga dragon?”palinaw ni Raphael.
“Oo si Aries ang tumutulong sa atin at hindi ko iyon tinatanggi”tugon ni Knight Edward.
Agad namang napatahimik sina Gil at Raphael dahil hindi nila inaakalang kasing-lakas ni Aries ang mga tatlong dragong umatake sa kanila.
“Hindi lang pala ilusyon ang pagkamistulang demonyo ni Aries sa Ranking sa Academy”tugon ni Gil dahil isa siya sa nakakita ng laban ni Aries sa Ranking.
Iniba ulit ni Knight Edward ang plano niya dahil mga mabibilis na dragon na ang nakakalaban nila kaya agad siyang umakyat sa bubungan ng karwahe niya upang salubungin ng pag-atake ang mga dragon.
“Knight Gil, bantayan mo lang dito si Duke Salazar, kami ni Knight Raphael ang aatake sa mga dragon sa bubungan”utos ni Knight Edward.
Sinunod naman nila ang plano ni Edward kaya naiwan nalang si Knight Gil sa loob ng karwahe upang bantayan si Duke Salazar.
Sa ngayon pareho nang nasa bubungan sina Knight Edward at Raphael sa karwahe nila at si Aries sa pangalawang karwahe. Naghahanda na kasi sila pag-atake ng tatlong mabibilis na dragon.
“Tandaan niyo! Hindi lang tatlong dragon ang kalaban natin ngayon, kundi anim na dragon na!”paalala ni Knight Edward sa kanila.
Wala namang planong isali ni Knight Edward sina Knight Harry, Kirsh at Lucas sa pangalawang karwahe na kasamahan ni Aries sa gagawin nilang pag-atake, sapagkat alanganin na kapag may nangyaring masama sa kanila sa pag-atake dahil may tsansang baka mauubos sila.
Ngayon, paikot-ikot naman sa himpapawid ang tatlong mabibilis na dragon na parang naghihintay na pagkakataon na umakate sa mga tao samantalang naghihintay naman sina Aries, Edward at Raphael sa mga dragon.
Dahan-dahan namang bumababa ang tatlong dragon tapos umatake sila. Sa limang karwaheng nandoon ay naging apat nalang dahil natamaan ito sa pag-atake. Wala namang nagawa sina Knight Edward at Raphael kung paano napatumba ang isang karwahe, akala kasi nila’y sila ang puntirya, hindi pala.
Sinundan naman ng isang dragon ang pag-atake na kung saa’y puntirya nito ang isa pa nilang kasamahang nakakarwahe. Hindi naman matutulugan ni Knight Edward ang matandang sakay ng karwahe sapagkat protektahan si Duke Salazar ang pangunahi nilang layunin.
Matatamaan na sana ang matanda sa pag-atake ng dragon sapagkat madaling nakalapit si Aries sa dragon upang putulin ang isang pakpak nito. Nagawa niyang makapalit sa pamamagitan ng pagtalon-talon sa mga karwahe dahil magkalapit lang ito halos sa isa’t-isa. Hirap nang makalipad ang isang dragon kung kaya’y limang natitirang dragon nalang ang kalaban nila.
Imbes magalit si Knight Edward kay Aries dahil sa delikadong galaw iyon para sa kanila ay agad nalang niyang pinuri ito dahil nakatulong naman sila para mabuhay pa ang matanda.
“Aries! Bumalik ka na sa karwahe mo!”sigaw ni Knight Edward kay Aries.
Pabalik na sana si Aries sa karwahe niya nang agad siyang tinangay ng isa pang dragon sa himpapawid. Napasigaw nalang sina Knight Edward at Raphael sa pangalan niya nang makita siyang natangay ng dragon.
“ARIES!”
Nagulat naman sina Knight Harry, Kirsh, Lucas, Gil at ang iba nilang kasamahan sa sigaw ng dalawang Royal Knight kaya nang sumilip sila ay agad nilang nakitang natangay si Aries ng dragon.
“Wala nang pag-asang mabuhay ang Aries na iyon, kung magawa man niyang mapatumba ang dragon ay hindi niya magawang mabuhay sa pagbagsak ng dragon kasama siya”tugon ni Knight Kirsh.
“Nawalan na tayo ng isang kasamahan”tugon ni Knight Lucas habang siya’y nalungkot sa pagkawala ni Aries.
Samantala, habang lumilipad ang dragon na tumangay kay Aries ay hindi nito inaasahan na dahan-dahan na pala siyang pinapatay ni Aries, tinutusok-tusok ni Aries ang espada niya hanggang sa pinuntirya niya ang dibdib nito sa dahilan ng pagkamatay nito. Pababagsak na sana ang dragon kaso agad tumalon si Aries sa himpapawid at masuwerte siyang nakahawak pa siya sa pakpak ng isang dragon na lumilipad.
Dahil sa gulat ng dragon dahil sa paghawak ni Aries sa pakpak niya ay agad niyang binilisan ang paglipad para mapaalis niya si Aries sa pakpak niya. Humawak naman ng mabuti si Aries upang hindi siya mahulog kaya nang tumagal ay muntikan na siyang mahulog pero nagawa pa niyang maitusok ang espada niya sa tiyan ng dragon, kaya nagawa pa niyang manatili sa ere.
Sumigaw naman ang dragon dahil sa pagtusok ni Aries sa tiyan niya kaya naging agresibo na siya, kahit saan-saan na siya lumilipad, pabagsak-bagsak na siya sa ere at paikot-ikot narin siya na parang hindi na niya naiintindihan ang nararamdaman. Eksakto namang nakalapit si Aries sa tatlo pang dragon na bumubuga ng apoy at hangin kaya nang mapatay niya ulit ang sinasakyan niyang dragon ay tumalon ulit siya sa isa pang dragon. Ngayon tatlong dragon nalang ang natitirang buhay na sumusunod sa kanila, at ang tatlong dragon nalang ay yong mga dragong malakas bumuga ng apoy at hangin.
Eksakto namang nakasakay si Aries sa likuran ng isang dragon kaya nagulat naman ang dalawang dragon nang makita nilang nakasakay si Aries sa kasamahan nilang dragon kaya hindi nag-alinlangan ang mga dragon na atakehin si Aries sa pamamagitan ng pagbuga ng apoy at hangin nito sa kanya.
Kung iisipi’y mahirap makailag si Aries sa mga pagbuga dahil nakasakay siya sa dragon kaya ang natitirang paraan nalang niya’y tumalon-talon sa ibang dragon para hindi siya matamaan. Paulit-ulit niyang ginagawa ito, minsan pa nga’y humahawak siya sa mga kuko ng dragon para lang makailag.
Matapos ang sampung minutong pag-iilag ni Aries ay nagawa na niyang mapatumba ang dalawang dragon at ang natitirang isang dragon nalang ang sinasakyan niya. Nakahabol pa nga sa mga karwahe ang sinasakyang dragon ni Aries.
Nagulat ulit ang mga tao at lalo na ang mga Royal Knights nang makita nilang sinusundan ulit sila ng isa pang dragon.
Pagkatapos, doon na pinutulan ng ulo ni Aries ang dragon sabay talon sa karwahe ni Knight Lucas. Nagulat pa nga sina Lucas, Kirsh at Harry nang bumagsak si Aries patungo sa loob ng karwahe nila.
“Aries!”pabiglang sabi nila habang hindi sila makapaniwala na buhay pa si Aries.
Sa ngayon, ang anim na dragong umatake sa kanila ay pareho nang pinatumba ni Aries. Wala nang sumusunod sa kanila kaya mapayapa nilang pinatuloy ang paglalakbay. Sa sampung karwahe na magkasama sila ay apat nalang ngayon.
Kaya hindi parin ang makapaniwala ang lahat lalo na si Knight Edward nang malaman niyang buhay pa si Aries.
“Parang hindi na tao ang turing ko ngayon kay Aries dahil sa pambihirang nagawa niya”sabi ni Knight Edward.
------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Kung nagawa mang mapatumba ni Aries ang anim na dragon na umatake sa kanila ay hindi ibig sabihin na ligtas na silang lahat, sapagkat sa mga ilang kilometro nalang ay makakaharap pa nila ang apat pang mga dragon. Tatlo sa mga dragon doon ay normal lang subalit ang isang dragon na makikita doon ay hindi ordinaryong dragon, kundi kakaibang dragon.
Malaki, malakas, mabilis at makapangyarihan ang dragon na iyon at sa kasalukuya’y miyembro ito ng 7 Holy Dragons na masasabing mga alagad ng Dragon God, ang pinakamalakas na dragon sa buong mundo.
Sa ngayon, hinihintay nalang nito ang pagdating ni Aries sa lugar niya dahil si Aries naman ang pakay niya.
Samantala, agad namang naibigkas ni Aries sa bibig niya ang katagang “Ourovoros” na pangalan ng dragong umatake sa kanya sa bayan ng Ente, at miyembro ng 7 Holy Dragons.
BINABASA MO ANG
Myself in Another World (Completed)
FantasyAfter Aries Alefen reincarnated from another world, he didn't remember his past life so he tried everything to live until the world treated him unfair. This is the journey of Aries trying to survive by himself... He will be able to defeat the Dragon...