**PAALALA: ANG MABABASANG KABANATA AY MAY HINDI ANGKOP NA PARTE AT SALITA NA MAARING MAKADISTURBO SA MAMBABASA KAYA PINAAALAHANAN ANG LAHAT**
Nang makagising na si Knight Edward ay dali-dali niyang pinuntahan ang kaharian dahil nagbabakasali siya na may tao pang nandoon. Sa tuwing nadadaanan niya ang mga bandido sa daan ay agad niya itong pinapatumba nang wala sa oras. Hindi na niya sasayangin ang oras niya baka matakbuhan pa siya ng mga ito.
Agad niyang tinanong ang isang bandidong nakabulagta sa sahig.
"Sino ang lider niyo?"tanong ni Knight Edward habang tinutukan niya ito ng espada.
"Si Judan po! Wag niyo po akong patayin!"sagot ng bandido na may kasamang pagmamakaawa.
Nagulat naman si Knight Edward nang marinig niya ang pangalang Judan, natatandaan kasi niya na isa itong Royal Knights at dati niyang matalik na kaibigan kaso pinalayas lang dahil sa sakim sa pera.
"Judan, hindi ko aakalain na aatakehin mo ang kaharian ng Ylgad, pagbabayaran mo ang ginawa mo Knight Judan"tugon ni Edward habang umaapoy na siya sa galit.
Habang naglalakad patungo sa kaharian si Knight Edward, nagtatago naman sa bahay ni Andrei sina Harold, Andrei at Adrian kasama ang walang malay na sina Ivan at Marissa. Sa isang sulok na kung saa'y doon tahimik silang nagtatago, dahan-dahan namang pinapasok ng mga bandido ang bahay ni Andrei hindi upang magnakaw ng kayamanan kundi kukunin sila.
Muntikan pa ngang sumigaw si Adrian dahil may insektong dumampi sa kanyang balat sapagkat napigilan agad ito ni Harold.
"Shss!"pahinang tugon ni Harold kay Adrian.
Umiiyak na sa takot si Adrian dahil hindi na niya matiis ang insektong gumagambala sa kanya. Ginagawa naman ni Harold ang lahat para mapigilan lang ang pag-iyak ni Adrian, delikado na kasi ang lagay nila at nasa alanganin na ang buhay nila sapagkat dahan-dahan nang lumalapit sa kanilang lugar ang mga bandido.
"Adrian, pakiusap lang wag ka ng umiyak"pahinang makaawa ni Harold kay Adrian.
Pinipilit naman ni Adrian na itikom ang bibig niya kaso hindi parin niya matiis ang matutulis ng mga paa ng insektong dumadampi sa kanyang balat, hindi niya kasi ito makuha sapagkat nahihirapan na siyang makagalaw dahil sa sikip ng tinataguan nilang lugar.
Hanggang sa bigla siyang kinagat ng insektong iyon na dahilan ng pagsigaw niya nang malakas. Dali-dali naman itong narinig ng mga bandido tapos hinanap nila kung saan nanggagaling ang boses.
"Tumakbo na kayo!"sigaw ni Harold kina Adrian at Andrei habang itinuturo ang kabilang labasan.
Tumakbo naman paalis sina Andrei at Adrian patungo sa bintana para sila'y makalabas habang iniwan lang nila ang katawan nina Ivan at Marissa na nakatago sa ligtas na lugar. Kung sila'y malayang nakatakas samantalang ginagawa naman ang lahat ni Harold para makalaan siya nang oras para hindi mahabol sina Andrei at Adrian nang mga bandido.
"Kayo na ang bahala"bulong ni Harold na parang kinakausap niya sina Andrei at Adrian.
Mag-isang hinarap ni Harold ang limang bandidong sumusunod sa kanila. kahit napapagod na siya ay nagawa parin niyang mapigilan ang mga bandido, agad niyang inihampas ang espada nang hindi nag-iisip sapagkat nakakatama rin siya sa ginagawa niya.
Napaluhod nalang siya sa huli nang makita niyang napatumba niya ang limang bandido, dumudugo na ang kanyang mga kamay at nanginginig narin ang buo niyang katawan.
"Ito ang mangyayari kapag pinilit ang sarili"tugon ni Harold.
Agad siyang naglakad patungo sa bintana tapos agad niyang pinagmasdan ang buwan na lumiliwanag sa kanila.
BINABASA MO ANG
Myself in Another World (Completed)
خيال (فانتازيا)After Aries Alefen reincarnated from another world, he didn't remember his past life so he tried everything to live until the world treated him unfair. This is the journey of Aries trying to survive by himself... He will be able to defeat the Dragon...