**PAALALA: ANG MABABASANG KABANATA AY MAY HINDI ANGKOP NA PARTE KAYA PINAAALAHANAN ANG LAHAT NG MAMBABASA**
Masuwerte namang nakaabot sina Aries, Lolo Andres at Marko sa bayan ng Rulid habang hindi pa nasisisra ng dragon ang barrier pero tanging mga kalalakihan nalang ang natitirang naglalagay ng mahika sa aparato ng barrier dahil ang mga asawa't anak nila'y wala ng malay na na nakahandusay sa lupa.
Madali namang bumaba ang tatlo sa karwahe upang tumulong sa nahihirapang mga tao.
"Aries, dalhin mo sa ligtas na lugar ang mga taong nakahandusay sa lupa para kung may mangyari mang masama dito, ligtas na sila at hindi na sila madadamay sa mga pag-atake"utos ni Lolo Andres.
"Sige po Lolo Andres!"sagot ni Aries habang isa-isang binuhat ang mga walang malay na tao papunta sa isang bakanteng lugar na malayo sa kinaroroonan ng aparatong barrier sa timog na bahagi ng Rulid.
Nahihirapan naman na buhatin paisa-isa ni Aries ang mga nakahandusay na tao sapagkat mabibigat ito at malalayo pa ang pupuntahan. Agad naman siyang tinulungan ni Marko para mapadali nilang malagay ang mga tao sa ligtas na lugar.
Nahihirapan naman si Lolo Andres kasama ang limang mahihinang lalaki sa paglalagay ng mahika dahil dahan-dahan nang nasisira ang barrier sa kanilang bayan kaya wala siyang magawa kundi harapin ang malaking dragon.
"Lolo di po natin to makakaya ng tayo-tayo lang"reklamo ng isa sa mga kasamahan ni Lolo Andres habang dahan-dahan na siyang nanghihina.
"Sige, ibuhos niyo lang ang mahika niyo hanggang sa kaya niyo pa"paalala ni Lolo Andres sa kanila.
Hindi naman makapaniwala ang mga kalalakihan nang makita nila ang paghinto ni Lolo Andres sa paglalagay ng mahika sa aparato ng barrier, nakita kasi nila itong nakaharap sa malaking dragon na dahan-dahang binabasag ang barrier.
Binunut ni Lolo Andres ang kanyang espada habang dahan-dahan siyang lumabas sa barrier. Kahit alam niyang kinakabahan na siya sa mangyayari, pinilit niyang labanan ang takot sa kanyang sarili.
"Patutumbahin ko ang dragon na iyan"matapang na sinabi ni Lolo Andres.
Nang dahan-dahan siyang lumalabas, agad naman siyang nakita ni Aries na abalang bumubuhat sa walang malay na mga tao. Hindi naman inaakala ni Aries na biglang lalabas si Lolo Andres sa barrier kaya napasigaw siya nang wala sa oras...
"Lolo Andres!! Delikado po diyan!!!"
Pilit na sumisigaw si Aries na parang mawawala na si Lolo Andres, kahit na dahan-dahan na siyang nauubusan ng boses, inulit parin niya ang pagsisigaw hanggang sa nakita niya ang pagtaas ni Lolo Andres sa kanyang kamay na nagsisimbolong mapapatay niya nang mag-isa ang dragon. Hindi naman napigilan ni Aries ang ngumingiti habang umiiyak..
"Ikaw talaga Lolo Andres!! Ipakita mo sa amin ang kakayahan ng magiting na kabalyero Lolo Andres, ANDRESIO!!!"sigaw ni Aries.
Marami ang namangha sa ipinakitang kabayanihan ni Lolo Andres dahil nagawa niyang lumabas sa barrier ng mag-isa kaya nang umatake ang dragon sa kanya, wala niyang takot na hinarap ito.
---------------------------------------------------------------------------------------------------
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------Pitong taong gulang palang taon si Andresio (Lolo Andres) nang maranasan na niya ang hirap ng buhay, ang ama niya'y lasinggero at ang ina niya'y masakitin kaya sa murang edad si Andresio ay natutunan na niyang magtrabaho sa isang pananim. Hindi naman siya nakapag-aral sa mababang paaralan tulad ng pagsusulat at pagbabasa dahil lagi siyang nagtratrabaho sa pananim kaya lumaki siyang hindi alam ang pagsusulat at pagbabasa.
BINABASA MO ANG
Myself in Another World (Completed)
FantasíaAfter Aries Alefen reincarnated from another world, he didn't remember his past life so he tried everything to live until the world treated him unfair. This is the journey of Aries trying to survive by himself... He will be able to defeat the Dragon...