Dahan-dahan namang pumasok si Aries sa kwarto niya, mag-iimpake na kasi siya sa mga gamit niya upang aalis na sa Academy. Kahit mahapdi pa ang kanyang kaliwang kamay na kung saa'y natamo niya sa pagduwelo kay Jushua, tiniis lang niya ito upang makapag-impake lang ng mga gamit niya. Hindi naman niya ginusto ang nangyari pero ang nangyari ay nangyari na kaya wala na siyang magagawa kundi ang sundin ng desisyon ng kataas-taasan.
Samantala, ang hindi pala alam ni Aries ay marami palang tutulong sa kanya upang mapa-iba nila ang desisyon ng namumuno sa Academy tungkol sa naging hatol sa kanya. Pinangungunahan ni Jushua na kasama ang mga kaklase niya, tumulong din kay Jushua sina Lila at Danilo kasama din ang mga kaklase nila.
"Ayokong matanggal rito si Aries rito sa Academy nang walang sapat na dahilan! Oo! alam kong kasalanan ko ang nangyari kaya pinagsisihan ko na nagawa ko kaya kapalit ng maling nagawa ko ay gusto kong tulungan si Aries"paliwanag ni Jushua sa lahat ng mga kasamhan niya.
"Alam namin na matagal naring pinag-iinitan ng Academy si Aries, nalaman din namin na dahil kay Aries pala ang ginawang pagsusulit, kasi gusto nilang matalo si Aries tapos tatanggalin siya sa Academy"paliwanag ni Lila.
"Ayokong umalis si Aries rito sa Academy, isa ako sa taga-hanga ni Aries kaya lalabanan ko kung kinakailangan ang Academy kung hindi man nila iibahin ang hatol kay Aries"lakas na loob na sinabi ni Danilo.
"Haharapin namin ang namumuno sa Academy samantalang kayo, pigilan niyo ang pag-alis ni Aries"plano ni Jushua.
"Sasamahan kita!"pabiglang sabi ni Lila.
Agad namang napatingin si Jushua kay Lila.
"Kung yan ang gusto mo, sumama ka"tugon ni Jushua kay Lila.
Nang matapos na ang kanilang plano, agad namang pumunta ang grupo nina Jushua at Lila sa opisina na kung saa'y nag-aabang sa kanila ang sampung 2nd Rank Knights na nagbabantay sa labas ng opisina.
Papasok sana sila kaso bigla silang pinigilan ng sampung 2nd Rank Knights na itinalaga ng namumuno ng Academy.
"Papasukin niyo kami! Gusto namin maka-usap ang namumuno dito sa Academy"sabi ni Jushua.
"Abala ngayon ang namumuno, kaya hindi niyo siya makaka-usap ngayon"sagot ng mga 2nd Rank Knights.
"Anong abala?! Mga inutil kayo! Papasukin niyo kami!"sigaw ni Jushua habang nagagalit na.
"Anong sinabi mo bata? Mukhang iniinsulto mo yata kami"tugon ng mga 2nd Rank Knights kay Jushua.
"Mga inutil kayo! Kaya papasukin niyo na kami!"bigkas ni Jushua.
Agad namang binunut ng mga 2nd Rank Knights ang kanilang mga espada sabay atake kay Jushua. Pinrotektahan naman siya ng kanyanng mga kaklase. Sumiklab naman ang mainit na tensiyon sa pagitan ng 5th Rank Knights at 2nd Rank Knights.
"Ang lakas ng loob niyong pigilan ang pag-atake namin, gusto niyo bang labanan kami?"tugon ng mga 2nd Rank Knights.
"Labanan kayo? Hindi na ito labanan! Digmaan na ito!"sigaw ng mga kaklase ni Jushua na mga 5th Rank Knights.
Isa-isa nilang binubunot ang kanilang espada upang labanan ang mga 2nd Rank Knights na humaharang kina Lila at Jushua. Ginamit din nila ang kanilang mga mahika dahil alam nilang wala silang kalaban-laban sa mga 2nd Rank.
"Pumasok na kayo!"sigaw ng mga 5th Rank knights kina Lila at Jushua.
"Hindi ko hahayaang makapasok kayo sa opisina!"tugon ng isang 2nd Rank habang dali-dali niyang hinarangan ang pinto.
Mabilis namang umatake ang dalawang kaklase ni Jushua upang pigilan ang isang 2nd Rank na humarang sa pinto. Ang isa'y humawak ng espada samantalang ang isa nama'y gumamit ng mahika. Bigla namang umilag ang 2nd Rank para hindi siya matamaan sa pag-atake, pero ang pag-ilag niya'y isa palang kamalian kaya madaling nakapasok sina Jushua at Lila sa opisina.
"Salamat"bulong ni Jushua habang tahimik niyang pinapasalamatan ang mga kaklase niya.
Hindi inaasahan nina Lila at Jushua na nandoon pala sa loob ng opisina si Sir Luke na naghihintay lang sa kanila.
"Jushua, Lila kumusta! May problema ba?"tanong ni Sir Luke habang naka-upo sa isang upuan.
----------------------------------------------------------------------------------------------------------
Samantala, pinangungunahan naman ni Danilo kasama ang mga kaklase niya ang misyon na pigilan ang pag-alis ni Aries sa Academy. Habang sila'y tumatakbo patungo sa malaking gate na kung saa'y natatanging labasan sa Academy, agad namang silang hinarangan ng dalawangpung 11th Rank Knight.
"Ops! Dito lang muna kayo"pigil ng mga 11th Rank Knights kina Danilo kasama ang mga kaklase niya.
"Padaanin niyo kami!"sigaw ni Danilo.
"Pasensya na! napag-utusan lang kami"tugon ng mga 11th Rank Knights.
"Napag-utusan kayo upang pigilan kami sa paglapit kay Aries?"palinaw ni Danilo.
"Yan na nga, ang galing mong humula"patawa ng mga 11th Rank.
"Padaanin niyo kami! Wala akong pakialam kung matataas pa ang mga rank niyo kaysa sa amin, dadanak ang dugo rito kapag patuloy pa kayong haharang sa amin"sabi ni Danilo.
"Sige nga! Subukan mo nga"sabi ng isang 11th Rank knights habang hinahamon niya si Danilo.
Sa sobrang galit ni Mario na kaklase ni Danilo, agad niyang sinuntok ang mukha ng 11th Rank na naghamon kay Danilo.
"Wala akong pakialam kung matataas pa ang mga Rank niyo, umatake na kayo sa amin! Ayaw naming pinaghihintay pa kami!"sigaw ni Mario habang siya na ang naghamon sa mga 11th Rank Knights.
May isang 11th Rank Knights naman ang biglang umatake kay Mario na hindi niya nalalaman, matatamaan sana siya sa isang mahika kaso bigla naman siyang pinrotektahan ni Ponyo.
"Nagsasalita pa nga yong tao, ang bastos niyo naman"pangiting sabi ni Ponyo.
Nainis naman yong 11th Rank na palihim na umatake kay Mario.
Sumiklab naman ang digmaan sa pagitan ng mga 12th Rank Knights at 11th Rank Knights nang biglang umatake sina Mario at Ponyo. Sinundan naman ito ng mga kaklase nila hanggang sa nagkagulo na.
Habang abala sila sa pakikipaglaban bigla namang sumigaw si Mario.
"Umalis ka na rito Danilo, baka lalabas na si Aries sa Academy!"utos ni Mario.
Madali namang nakaalis si Danilo kaya naabutan niya si Aries na papalabas sana ng gate. Agad namang niyang nilapitan si Aries kaya agad itong nagulat.
"Aries! Wag ka munang aalis!"pigil ni Danilo sa kanya.
Nabigla naman si Aries sa sinabi ni Danilo at hindi nakapagsalita.
"Aries, tutulungan ka namin kaya wag ka munang aalis rito sa Academy"sabi ni Danilo.
"Tutulungan? Danilo, di na natin maiiba ang desisyon ng kataas-taasan kaya sumuko nalang kayo"pahinang sabi ni Aries.
"Hindi Aries, mababago parin ang desisyon!"sigaw ni Danilo.
"Tama na Danilo, baka matanggal pa kayo rito sa Academy kapag ginawa niyo yan, problema ko na ito kaya tumigil na kayo"sabi ni Aries habang nagpatuloy siya sa paglakad.
Agad naman siyang hinarangan ni Danilo habang hawak-hawak ang espada nito.
"Aries! Lalabanan kita kapag nagpatuloy ka pa sa pagtapak"lakas na loob na sinabi ni Danilo habang wala niyang takot na hinarap si Aries.
------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Samantala, hindi naman napigilan nina Jushua at Lila na kabahan nang makita nila si Sir Luke na naghihintay sa kanila sa loob ng opisina.
"Sir kailangan po naming maka-usap ang namumuno rito sa Academy"sabi ni Jushua.
"Bakit naman? Kung tungkol yan kay Aries, umalis na kayo!"sabi ni Sir Luke.
"Tungkol po ito kay Aries! Pero kailanma'y hindi kami aalis rito kapag hindi niyo binago ang hatol kay Aries"lakas na loob na pinaliwanag ni Lila.
"Oh! Malaki na ang nagawa niyong kasalanan, pwede ko na kayong ipatanggal rito sa Academy, hindi lang kayo pati narin ang mga kasamahan niyo sa labas ng opisina kaya pag-iisipan niyo muna ang gagawin niyo"paliwanag ni Sir Luke.
"Sir Luke, bakit po mainit ang ulo niyo kay Aries? May nagawa po ba siyang masama sa inyo o dito sa Academy?"tanong ni Jushua na ikinabigla ni Sir Luke. "Sir Luke, kilala ko si Aries doon pa sa bayan namin sa Egalliv, alam ko at nakikita ko na lagi ring pinag-iinitan ng ulo si Aries doon lalo na yong nag-aral siya sa mababang paaralan ni Ma'am Ignacia, pero kailanma'y wala akong narinig na pambabastos, pagsasagot ng masama ni Aries sa ibang tao, sa katunayan nga mapagkumbaba si Aries, masipag, matulungin, palakaibigan at mabait, kaya tatanungin ko kayo si Sir Luke, sapat na ba ang ginawa ni Aries upang masabi niyo na masama na siyang tao?"paliwanag ni Jushua kay Sir Luke.
Agad namang lumabas ang namumuno sa Academy na nagtatago at nakikinig lang pala sa tabi.
"Jushua ano ang ibig mong sabihin? Narinig mo naman kaya yong nakaraan ni Aries na nakulong siya"bigkas ng namumuno kay Jushua.
"Bakit? Kapag nakulong na ang isang tao ay masasabi mo ng masama na siyang tao? Kung may nagawa mang kasalanan si Aries kaya siya nakulong ay baka may dahilan siya, malay natin baka mabigat ang dahilang dinadala ni Aries kaya niya ginawa ang bagay na iyon, kung humusga kayo sa isang tao parang alam niyo na ang pinagdadaanan, wala naman kayong narinig na may ginagawa pang masama si Aries rito sa Academy. Sir saludo sana ako sa pamamahala niyo rito sa Academy pero ngayon binigo niyo ako"paliwanag ni Jushua sa namumuno sa Academy.
Agad namang naramdaman ng namumuno ang hiya dahil sa sinabi ni Jushua kaya binago niya ang hatol ni Aries. Ang ginawang pagtanggal niya kay Aries ay pinalitan niya ng pagsuspende ng isang linggo tulad ng pagkasuspende din ni Jushua.
Nang makarating sina Lila at Jushua sa gate, hindi nila inaakala na lalabanan pala ni Danilo si Aries pero natigil ito nang dumating sila.
"Ano bang nangyari sa iyo Danilo?"pangiting tanong ni Lila kay Danilo.
"Grabe ang lakas ni Aries, kahit hindi siya gumagamit ng espada, hindi ko parin siya natatamaan"pangiting sagot ni Danilo.
Agad naman silang nagtawanan. Pagkatapos agad nilang ipinaliwanag kay Aries ang nangyari kaya hindi siya makapaniwala na nagawa nila ang bagay na iyon para sa kanya.
"Salamat pala"pasalamat ni Aries kina Danilo, Lila at Jushua.
Nang matapos ang kaguluhang iyon. Sinuspende ng isang linggo ang mga kaklase ni Jushua dahil sa kaguluhang ginawa nila sa mga 2nd Rank Knight.
Sinuspende din ng isang linggo ang mga kaklase ni Aries dahil sa kaguluhang ginawa nila sa mga 11th Rank Knights.
Sinuspende din ng dalawang linggo si Lila dahil sa labag na pagpasok sa opisina ng Academy tapos dinagdagan din ng isang linggo ang suspende ni Jushua dahil sa labag na pagpasok din sa opisina.
Sinuspende din ng dalawang linggo sina Mario at Ponyo dahil sa pangunguna nila ng gulo sa mga 11th Rank Knights.
Sinuspende din ng isang linggo si Danilo dahil sa labag na paglapit sa gate ng Academy.
Pero kahit nasuspende sila ng ilang linggo, natatawa naman sila sa tuwing iniisip nila ang mga ginawa nilang kaguluhan sa Academy.
Makaraan ang isang linggo bumalik naman sa silid-aralan si Aries kasama ang mga kaklase niya dahil natapos na ang pagsuspende sa kanila. Agad namang lumapit si Danilo kay Aries sabay suntok nito sa likuran na parang nakasanayang bati niya.
"Kumusta ka na Aries, isang linggo narin tayong hindi nagkikita"bati ni Danilo.
"Malaki ang utang na loob ko sa inyo dahil sa ginawa niyong pagtulong para sa akin"sabi ni Aries.
"Wag mo ng aalahanin ang bagay na iyon Aries, basta ang importante nakapag-aral ka ulit rito sa Academy"pangiting sabi ni Danilo.
"Salamat pala"tugon ni Aries.
"Sige Aries uupo na ako, dumating na si Sir Luke"sabi ni Danilo habang siya'y umupo sa upuan niya.
Makaraan ang dalawang linggo, nakabalik narin sa silid-aralan sina Lila, Mario at Ponyo na mula sa pagkakasuspende. Ang unang ginawa ni Aries sa kanila ay nagpasalamat dahil sa nagawa nilang pagtulong sa kanya.
Habang masaya silang nagkukuwentuhan, hindi naman nasiyahan si Sir Luke pati narin ang namumuno sa Academy dahil nabigo silang patanggalin si Aries sa Academy. Nag-aalala na sila dahil dalawang linggo nalang ay magsisimula na ang Ranking.
Pinagtipon-tipon naman ni Sir Luke ang lahat ng estudyante niya sa silid-aralan upang magpulong.
"Ngayong araw na ito ang unang araw sa buwan na ito na nagkasama-sama kayo ulit dahil sa mga suspende ninyo!"sigaw ni Sir Luke. "Aries tandaan mo ito kapag naulit pa na kasama ka sa isang kaguluhan, wala na kaming magagawa kundi matatanggal ka na, kahit pigilan pa kami ng mga kaibigan mo, naiintindihan ba ang sinabi ko Aries?"palinaw ni Sir Luke.
"Opo Sir!"sagot ni Aries.
"Dahil sa ginawa niyong malaking kaguluhan noon sa Academy, nabastos yong ating namumuno dahil sa kagagawan ninyo, dumating rin ito sa kaharian na kung saa'y napagalitan yong kataas-taasan natin rito sa hari, ayaw ko ng maulit pa ang pangyayaring ito, tandaan ninyo dalawang linggo nalang magsisimula na ang Ranking. Ngayon magtatalaga ako ng lider dito sa inyo na siyang haharap sa lahat ng problema rito sa silid aralan na ito, kapag may kaguluhang mangyayari ulit na kasali kayo, ang lider ninyo ang malalagot, kahit konting problema lang"paliwanag ni Sir Luke.
"Sir Luke sino naman po ang itatalaga niyo bilang lider dito sa silid-aralan?"tanong ni Lila.
"Walang iba kundi si Aries"sagot ni Sir Luke habang nabigla ang lahat. "Tandaan mo Aries kapag may nangyari ulit na kaguluhan hindi lang sa iyo kundi pati narin ang mga kaklase mo ay matatanggal ka na"paliwanag ni Sir Luke.
"Sir Luke ang daya niyo naman, iba nalang ang itatalaga niyong lider, isang maling galaw lang po namin, matatanggal na si Aries"reklamo ni Danilo.
"Sige magreklamo pa kayo! Sususpendehin ko ulit kayo ng dalawang linggo para hindi kayo makasali sa Ranking, gusto niyo ba iyon? Di ba hindi! kaya ang masasabi ko nalang sa inyo, maging mabait kayo para hindi kayo masali sa gulo diba ganoon lang ka simple"tugon ni Sir Luke. "Pero Aries ang masasabi ko din sa iyo, Survive lang diba?"pangiting sabi ni Sir Luke habang nakatitig kay Aries.
Matapos ang pagpupulong ni Sir Luke agad na siyang umalis.
Samantala sa opisina, may masama ulit silang binabalak kay Aries na kung saa'y may uutusan silang mga estudyante upang magsimula ng gulo na kasali ang mga kaklase ni Aries.
BINABASA MO ANG
Myself in Another World (Completed)
FantasyAfter Aries Alefen reincarnated from another world, he didn't remember his past life so he tried everything to live until the world treated him unfair. This is the journey of Aries trying to survive by himself... He will be able to defeat the Dragon...