Chapter 23: Ylgad Kingdom

137 24 6
                                    

Ang bayan ng Ylgad ang isa din sa mga pinakamagara at pinakamayamang bayan sa mundo katulad sa bayan ng Vera. Samantala sa bayan ng Ylgad din makikita ang kaharian na pinamumunuan ni Haring Charles. Siya ay may dalawang anak na may isang prinsesa at isang prinsipe.

Sa kaharian ng Ylgad din nagbabantay ang 12 Royal Knights na kung saa'y sila ang naproprotekta sa kaharian sa tuwing inaatake ito, mapa-hilaw, mapa-dragon o mapa-tao man. Katulad ng sinabi ni Knight Edward na leader ng 12 Royal Knights, kahati ng 12 Royal Knights ang kayaman ng kaharian kaya masasabi mo na ring mayayaman ang 12 Royal Knights.

Bukod sa 12 Royal Knights, dito rin nag-aaral o masasabi nating naninirahan ang mga 1st Rank Knights na nirerekomenda ng Academy. Kaya hindi na bago kung pinapangarap man ng lahat ng estudyante ang maging 1st Rank Knights.

Umaga sa kwarto ni Prinsesa Tiara, anak ni Haring Charles. Nagising siya sa komportableng kama na may maraming malalambot na unan. Maraming mga katulong ang nag-aantay sa pagising niya upang siya'y maagang paliguan at bihisan ng magagandang damit.

Handa naman ang lahat ng pang-almusal ni Prinsesa Tiara na niluto ng mga tanyag at magagaling na kusinero. Kasabay naman niyang kumain ang ama niya na si Haring Charles at ang matandang kapatid niya na si Prinsipe Reinhard.

"Ama, patuloy pa po ba ako sa pag-aaral ng pana?"tanong ni Prinsesa Tiara.

"Tiara, paulit-ulit ko pa bang sasabihin sa iyo, dapat iperpekto mo ang pagpapana, ayokong ihinto mo ang pag-aaral mo"paliwanag ni Haring Charles sa kanya.

"Pero Ama-"reklamo ni Prinsesa Tiara kaso bigla siyang napahinto sa pagsasalita dahil biglang nagsalita ang kanyang ama.

"Tiara, ayokong magrereklamo ka pa! Simple lang naman ang pinapagawa ko sa iyo di mo pa magagawa, dapat lumaki ka ng may alam sa pana, dahil darating din ang panahon na magagamit mo iyan"paliwanag ng ama sa kanya.

"Opo Ama, masusunod po"sagot ni Tiara.

Hindi naman kasi gaanong nasisiyahan si Prinsesa Tiara sa pag-aaral niya ng pana dahil wala naman siyang ibang kasama maliban lang sa mga guro niya. Pinapangarap kasi ni Prinsesa Tiara na makipaghalobilo siya sa mga taong kaedad niya. Hindi kasi siya pinapalabas ng kaharian dahil para narin sa kapakanan niya, kaya minsa'y nangangarap siya na makita ang labas ng kaharian upang malaman niya ang takbo ng mundo.

Sa libro nalang niya nababasa ang tungkol pakakaibigan ng ibang tao, pag-aaral sa Academy na kung saa'y marami kang makakahalobilong tao, paglalakbay at pati na rin ang pagmamahal. Kung pagmamahal lang ang pinag-uusapan ay hindi pa naranasan ni Prinsesa Tiara na umibig ng tunay sa isang lalaki sa edad niya kahit labing pitong taong gulang na siya.

Nag-aalala kasi siya sa kanyang buhay sapagkat isang kaarawan nalang niya ay magiging labing-walo na siya na kung saa'y ipapakasal na siya. Marami namang bumibisita sa kanyang mga kalalakihan na may dugong bughaw o ang iba pa nga'y mayayaman kaso wala siyang napupusuang lalaki. Hindi naman pera, kayamanan, itsura at antas ang hinahanap ni Tiara sa isang lalaki kundi ang ugali at tunay kung magmahal na lalaki na hindi siya pababayaan at iiwanan sa hirap at ginhawa.

"Huh! Ganito nalang lagi ang buhay ko"bulong ni Tiara habang hindi na siya nasisiyahan sa buhay niya.

Sa sumunod na araw, habang siya'y nag-aaral ng pana agad niyang nakita ang isang lalaking na kakaiba sa kanyang inaasahan, kararating lang nito mula sa Academy. Hindi naman nawala ang tingin niya sa lalaking ito dahil ibang-iba kasi ang nararamdaman niya nang makita niya ang lalaking iyon, hindi naman niya pinalampas ang pangyayari kaya patago siyang kumikislap sa lalaki upang makita niya ito ng lubusan at para makilala.

Kahit abala ang lalaking kabalyero sa pinagagawa nito, hindi naman siya tumigil sa pagtitingin nito hanggang sa nakita na siya ng lalaking kabalyero.

"Magandang araw mahal na Prinsesa"bati ng lalaki sabay yuko ang ulo na nagsisimbolo ng pagrespeto.

"Ma-ma-magandang a-araw din"pabulol na bati ng prinsesa.

"Ano ho ba ang maipaglilingkod ko sa inyo mahal na prinsesa?"tanong ng lalaki.

"Ah! Ah! Gusto ko lang malaman ang pangalan mo"tugon ng prinsesa habang hindi na niya alam ang susunod na gagawin.

"Ang pangalan ko? Miyano"pangiting sagot ng lalaki.

"Ah! Miyano, pagbutihin mo lang ang ginagawa mo!"sabi ni Tiara habang siya'y dali-daling umalis, muntikan pa nga siyang madulas kaso agad siyang nakahawak sa isang pinto.

Napangiti naman si Miyano habang pinagmamasdan ang kinikilig na si Tiara.

Sa sumunod na araw, nagsasanay naman si Miyano sa ilalim ng puno. Bilang isang kabalyero ay dapat magsasanay sila ng isang beses sa isang araw para hindi mawala ang kanilang mga natutunan. Isang 1st Rank si Miyano na huling nirekomenda ng Academy bago pumasok si Aries. Mabait, matulungin at masipag kung ihahambing mo si Miyano kaya hindi na bago kay Tiara na magugustuhan niya ang tulad ni Miyano dahil sa mabubuti nitong ugali.

Isang gabi habang naglalakad si Haring Charles sa hardin ng kanyang kaharian, aksidente niyang nakita ang anak niyang si Tiara na patagong nag-uusap kay Miyano. Hindi naman napigilan ni Haring Charles na magalit dahil lagi kasi niyang pinaaalahanan si Tiara na huwag umibig sa isang kabalyero. Harap-harapan niyang pinagalitan si Tiara kahit naroon pa si Miyano sa tabi niya.

"Tiara, ano ang ibig sabihin nito? Di ba sabi ko sa iyo na huwag kang lalapit sa mga kabalyero at lalong wag kang iibig sa kanila!"sigaw ni Haring Charles sa anak niya.

"Ama, mahal ko po si Miyano! Hinding-hindi na po magbabago ang nararamdaman ko!"sigaw ni Tiara habang pinaglaban niya ang pagmamahal niya kay Miyano.

"Mahal na hari, kaya ko pong buha-"sabi ni Miyano kaso biglang nagsalita si Haring Charles.

"Ikaw Miyano, gusto mo bang matanggal rito sa Kaharian?"tanong ng hari sa kanya.

Kahit mahal na mahal niya ang prinsesa ay hindi parin niya ito isasakripisyo, laki sa hirap kasi si Miyano kaya importante sa kanya ang paghahanap-buhay sa Kaharian. Kagustuhan man niyang mahalin si Tiara kaso mas prioridad pa sa kanya ang paghahanap-buhay dahil sa kanya lang nakasalalay ang pamilya niya.

Sinunud naman niya ang utos ni Haring Charles sa kanya na kalimutan si Tiara upang mapanatili pa siya sa loob ng kaharian.

"Mahal na hari, kaya ko pong kalimutan ang lahat ng ito para po mapanatili ko po ang pagseserbisyo ko dito sa kaharian"paliwanag ni Miyano na ikinabigla ni Tiara.

"Mabuti naman Miyano! Sige umalis ka na rito!"utos ng hari sa kanya.

"Opo Mahal na hari!"sagot ni Miyano habang siya'y yumuko tapos dahan-dahang umalis.

Hindi naman napigilan ni Tiara ang mapa-iyak dahil sa naging desisyon ni Miyano. Hindi kasi niya pinaglaban ang pagmamahalan nilang dalawa kaya ang dating masiglang buhay niya ay bumalik ulit sa lungkot.

"Tiara, di ba lagi kitang pina-aalahanan na huwag kang umibig ng isang kabalyero! Tiara dahil sa pangyayaring ito, ayaw na kitang palabasin sa kwarto mo dahil lagi kang sumusuway sa utos at bilin ko"paliwanag ng ama niya sa kanya.

Isang linggong hindi pinalabas si Tiara sa kwarto niya, pero kahit na hindi siya pinalabas ng ama niya sa kwarto niya ay wala naman talaga siyang plano na lumabas dahil sa pangyayaring nasaktan siya ng tuluyan. Naiinis na din siya kay Miyano hindi lang sa kanyang ama. Unang beses palang nasaktan ng ganito si Tiara kaya hindi niya malaman kung ano ang kanyang gagawin para makalimutan si Miyano.

"Ayoko ko na sa inyong lahat pera lang pala ang habol niyo sa mundo"sabi ni Tiara sa sarili niya habang tinutukoy niya ang lahat ng mga kalalakihan.

Hindi naman siguro lahat ng kalalakihan ay pera ang nauuna kaysa sa pagmamahal, may mga kalalakihan lang din na nangangarap na yumaman para mabigyan nila ng magandang kinabukasan ang kanilang pamilya. Kung tutuusin ang lahat ng mga manliligaw ni Tiara ay puro mayayaman kaya hindi na nila kailangan ng pera kundi pagmamahal nalang. Pero sa kabila ng mayayamang manliligaw ni Tiara ay antas parin ang inaasam nila dahil gusto nilang maging isang hari na papalit sa pwesto ni Haring Charles sa susunod na henerasyon.

Simula nang masaktan si Tiara ay hindi na siya umibig ng muli kaya ang buhay niya ngayon ay inilaan nalang niya sa pagsasanay gumamit ng pana.

Tuwing gabi marami namang mga bagong manliligaw si Tiara ang iba pa nga'y nasa karatig bayan pa tulad ng bayan ng Vera at bayan ng Irch. Kahit ang iba'y mababait, masipag, mapagkakatiwalaan at mapagmahal na lalaki na siyang pinapangarap ni Tiara ay hirap na siyang magkagusto pa.

"Kahit ilabas niyo pa ang perpektong lalaki sa mundo, hinding-hindi na talaga ako iibig pang muli"sabi ni Tiara sa lahat ng mga kalalakihang nanliligaw sa kanya.

Mula noon naging pusong bato na si Tiara.

Samantala, abala naman si Haring Charles sa papalapit na Ranking sa Academy dahil kailangan kasi niyang pumunta dahil maghahanap ulit siya ng taong madadagdag sa kaharian. Marami kasi siyang papeles na kailangan niyang tapusin na aabutin siya ng dalawang linggo subalit mangyayari na ang Ranking isang linggo nalang.

"Di ko pa matatapos ang lahat ng papeles na ito, dapat nandoon ako sa araw ng Ranking"sabi ni Haring Charles habang siya'y nalilito kung ano ang sunod niyang gagawin.

Habang abala si Haring Charles sa mga papeles at abala rin si Prinsesa Tiara sa pag-aaral ng Pana, si Prinsipe Reinhard nama'y abala sa kanyang pagsasanay na humawak ng espada, nagpaturo siya sa dalawang miyembro ng 12 Royal Knights na sina Kirsh at Harry. Hindi siya pinag-aral ng kanyang ama sa Academy dahil sa kapakanan niya bilang isang prinsipe kaya pinagturo nalang siya ng mga Royal Knights para narin sa kaligtasan niya.

Dalawang taon ng nag-aaral si Reinhard ng paghawak ng espada, nag-aral pa kasi siya ng limang taon sa mahika kaya doon siya natagalan. Kaya sa kasalukuyan ay inalaan muna niya ang oras niya sa pagpeperpekto sa espada.

Dalawang oras na siyang naghahampas sa kanyang espada kaya lalong tumatagal ay para narin siyang nawawalan ng gana dahil pabalik-balik nalang ang pagsasanay niya.

"Kirsh, magduwelo tayo!"pabiglang hamon ni Reinhard.

"Mahal na prinsipe, di po ang tamang panahon para sa bagay na iyan"paliwanag ni Kirsh sa kanya.

"Kirsh, sabihin mo nga sa akin! kailan pa ba ako matatapos sa pagsasanay ng espada, labing siyam na taong gulang na ako tapos dalawang taon na akong nagsasanay humawak ng espada"tugon ni Prinsipe Reinhard.

"Pero sabi po ng ama mo, hindi pa po ang tamang panahon para sa isang duwelo"paliwanag nina Kirsh at Harry.

"Nagsasawa na ako na palaging ganito nalang ang sinasanay ko! Gusto ko ng lumaban"sabi ni Prinsipe Reinhard habang siya'y sabik na sabik na sa duwelo.

"Sige po Mahal na prinsipe, tatanggapin ko po ang hamon niyo pero kung sino ang unang makakatama sa katawan ay panalo na"sabi ni Kirsh kay Reinhard.

Gumamit naman sila ng espadang kahoy para maiwasan nila ang disgrasya sa duwelo. Nang hawak-hawak na nila ang kanilang mga espadang kahoy, hindi naman nag-alinlangan si Reinhard na umatake dahil sabik na sabik na siya sa totoong laban.

Kahit gaano pa kabilis at kalakas si Reinhard ay wala parin siyang kalaban-laban kay Knight Kirsh dahil kulang parin sa stratehiya si Reinhard, umaatake lang ito ng wala sa plano. Pero kahit magawa ni Kirsh na talunin si Prinsipe Reinhard ay hindi niya pa niya ito inatake sa katawan sapagkat baka mawawalan na ng gana si Prinsipe Reinhard kapag natalo ito.

Umiilag at umaatake naman si Kirsh kay Reinhard na parang isang baguhan lang, para kasi makita ni Reinhard na malakas na siya at ma-akala niya na magaling na siya sa laban.

Sa huli, nagpatalo nalang si Kirsh kay Reinhard dahil nararamdaman na kasi ni Kirsh ang pagod ni Reinhard kaya ayaw na niyang patagalin pa ang laban.

"Ang galing muna mahal na prinsipe"bati ni Kirsh kay Reinhard.

"Ako pa, dalawang taon kaya akong nagsanay!"payabang ni Prinsipe Reinhard sa sarili niya habang tumatawa ng malakas.

Napangiti naman ng hilaw sina Kirsh at Harry na nanalo lang si Prinsipe Reinhard dahil binigyan lang nila ito ng pag-asa.

Lumipas ang mga araw ay napapagod na si Haring Charles sa mga papeles niya dahil kailangan pa niya itong tapusin ng ilang araw dahil magsisimula na ang Ranking sa Academy. Tatlong araw nalang kasi magsisimula na ang Ranking kaya dapat matapos na niya ang mga papeles ng dalawang araw dahil ang isang araw ay para sa kanyang paglalakbay doon sa Academy.

Habang siya'y nakahiga sa upuan niya, agad namang dumating ang anak niyang si Reinhard. Alam kasi nito ang problema ng ama niya kaya siya na ang unang nagsabi tungkol sa pagpunta sa Ranking.

"Ama, ako na po ang pupunta sa Academy"bigkas ni Reinhard sa ama niya.

Napabigla naman ang ama niya habang siya'y nakatingin kay Reinhard.

"Sigurado ka ba Reinhard?"palinaw ng ama niya.

"Opo ama, tapos gusto ko rin pong makita kung ano ang Academy sa bayan ng Vera"paliwanag ni Reinhard.

"Mabuti't sinabi mo yan Reinhard, sige ikaw ang papalit sa akin, tapos pasasamahin kita ng anim na Royal Knights para hindi delikado ang paglalakbay mo doon sa bayan ng Vera"pangiting sagot ng kanyang ama.

Ipinaliwanag naman ni Haring Charles ang gagawin ni Reinhard sa loob ng Academy.

Myself in Another World (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon