(Vol. 5) Chapter 50: Captured

108 22 5
                                    

Nang makarating na sa lahat ang balita tungkol kay Aries ay marami nang tao ang tumulong sa mga sundalong-kabalyero marahil mahahatian sila sa pabuya kapag nagawa nilang mahuli si Aries. Inisa-isa nilang inekspekyon ang bawat bahay kahit labag na sa iba ang pagtratrato ng ibang tao sa kanila.
 
Dahil sa gustong magkapera ang ibang tao habang ang iba nama’y hindi ay nagkakagulo na ang buong siyudad dahil sa pinagdududahan na sila ng iba kahit hindi nila tinago si Aries sa kanilang bahay.
 
May isang pamilya pa nga na binugbug ng grupo ng mga tao dahil ayaw nilang papasukin ang mga tao sa kanilang bahay. Kahit mga inosente pa sila ay wala parin silang awang binubugbug. May kadahilanan kasi sila kung bakit ayaw nilang magpapasok ng mga tao subalit napahamak pa sila.
 
Maraming bahay ang matatagpuan sa siyudad hindi lang sa kapital kundi marami pang lugar na matatagpuan doon. May pupolasyon kasi na hihigit limangpu na libong katao ang naninirahan sa siyudad kaya matatagalan pa bago mainspeksyon ang lahat ng bahay.
 
Wala namang malay ang buong pamilya ni Tina sa nangyayari, alam nilang pinaghahanap na si Aries pero kailanma’y hindi nila nakilala si Aries maliban kay Tina. Kahit darating pa ang mga sundalong-kabalyero ay buong-puso silang makikilahok sa kahit anong sasabihin sa kanila dahil para sa kanila ay inosente na sila.
 
“Kung makikita ko lang ang Aries na iyan, siguro papatayin ko ang taong iyan”bigkas ng ama ng magkakapatid.
 
Nagtipon-tipon silang lahat sa loob ng bahay dahil handa na sila sa lahat ng mga katanungan na itatanong sa kanila ng mga sundalong-kabalyero. Tahimik namang nagmamasid si Aries sa mga kasamahan niya, hindi lang kasi sundalong-kabalyero ang binabantayan niya kundi pati rin ang mga kasamahan niya sa loob ng bahay.
 
Kahit alam na ni Tina ang nangyayari ay tahimik lang siya sa paligid at buong araw siyang hindi nagsalita tungkol kay Aries. Sa tuwing humahantong kay Nogard o kay Aries ang pinag-uusapan nila ay ginagawa niya ng paraan para hindi lang matuloy ang pinag-uusapan nila.
 
“Di ba Nogard aalis ka na? kailan ka ba aalis?”pabiglang tanong ni Mihena kay Aries.
 
“Mukhang ngayong araw po tita”pahinang sagot ni Aries.
 
“Ngayong araw? Ipanpaliban mo muna ngayon ang pag-alis mo, alam mo naman ang sitwasyon natin, nagkakagulo na dahil sa Aries na iyan”tugon ni Mihena.
 
“Oo nga po eh! baka nag-aalala na yong mga magulang ko sa akin, baka isipin nila na nadamay na ako sa kaguluhan kaya mas mabuting aalis na ako ngayon”paliwanag ni Aries.
 
“Ganoon ba, may punto ka naman sa sinabi mo, sabihan mo lang kami kung anong oras ka aalis para makapagpaalam kami sa iyo”tugon ni Mihena.
 
“Opo”tugon ni Aries.
 
Hindi naman nagpadalos-dalos si Aries sapagkat naroon na sa labas ng bukiran ang hindi mabilang na mga sundalong-kabalyero, kahit kagubatan ay mahigpit din ang pagbabantay. Naghahanap pa kasi ng tyempo si Aries marahil nag-aalanganin pa siya ngayon.
 
Marami namang silang mga kapitbahay doon kaya hindi lang sila ang mga tao sa lugar na iyon. Kaya nang maramdaman na ni Aries na pag-iisa-isahin sila ng mga sundalong-kabalyero ay doon na siya nagdesisyon na umalis. Nagpaalam muna siya sa mga kasamahan niya bago siya umalis.
 
“Aalis na po ako, mukhang ito na po yong tamang oras para makauwi ako sa amin”paalam ni Aries sa buong pamilya ni Tina.
 
“Sige Nogard! Mag-ingat ka”alala nila kay Aries.
 
Walang takip sa mukha si Aries dahil alam niyang pagdududahan siya kapag gagawin niya iyon tapos ordinaryo naman din ang paglalakad niya para makita ng lahat na isa lang siyang normal na tao.
 
Kahit nakikita na ni Aries sa paligid ang mga nagbabantay na sundalong-kabalyero ay hindi naman siya nagpakuha ng atensyon. Kahit may tumatawag na sa kanya ay hindi parin niya ito pinapansin, kung baga bingi-bingihan lang siya.
 
Samantala, agad namang ipinaliwanag ni Tina sa buong pamilya niya ang nangyayari nang makaalis si Aries sa bahay nila. Iyon na kasi ang tamang panahon para sabahin sa kanila ang tungkol kay Nogard.
 
“Nay, Tay may mahahalaga akong sasabihin sa inyo”paseryusong sabi ni Tina sa mga magulang niya.
 
“Ano ba iyon Tina?”tanong nila kay Tina.
 
“Tungkol po ito kay Aries”sabi ni Tina. “Mukhang alam niyo naman lahat ang tungkol kay Aries di ba?”tanong ni Tina hindi lang sa mga magulang  niya kundi sa mga kasamahan niya din sa buong bahay mapakapatid man o kasamahan sa trabaho.
 
“Oo Tina, alam namin, siya nga yong dahilan kung bakit nagkakagulo ang siyudad natin”sagot nila.
 
“Tina, bakit mo naman naitanong ang tungkol kay Aries, alam mo ba kung san ang kinaroroonan niya?”palinaw ng tatay niya sa kanya.
 
“Sa katunayan lang ay alam niyo kung sino si Aries”pabiglang sabi ni Tina na ikinagulat ng pamilya niya.
 
“Ate Tina, ano ang ibig niyong sabihin?”tanong ni Rena habang siya’y nalilito na.
 
“Si Aries at si Nogard ay iisang tao lang”pabiglang bigkas ni Tina sa lahat. “Isa lang ang pakiusap ko sa inyo, kung tatanungin man nila tayo tungkol sa kinaroroonan o tungkol kay Aries ay wag niyo nang ipagsabi”paliwanag ni Tina habang nagmamakiusap siya sa lahat lalo na sa mga magulang niya.
 
“Tina ang ibig mong sabihin yong nakakasama natin dito sa bahay na ito ay si Aries?”palinaw ng tatay niya sa kanya habang hindi makapaniwala.
 
Tulala naman silang lahat nang malaman nilang si Nogard ay si Aries pala.
 
“Isesekreto lang natin ang tungkol sa bagay na ito, dapat hindi ito makakaabot sa mga sundalong-kabalyero”pakiusap ni Tina sa lahat.
 
“Ate Tina, alam mong mapaparusahan tayo kapag nalaman nila na alam natin ang kinaroonan ni Aries”tugon ni Gina.
 
“Kaya nga! isesekreto lang natin ang tungkol kay Aries, sabihin lang natin na wala tayong alam tungkol sa kanya, di ba madali lang naman ang bagay na iyan”paliwanag ni Tina.
 
“Tina, hindi ko inaakalang si Aries pala si Nogard, mabuti pa naman ang pakikitungo natin sa kanya, pero hindi natin alam na isa pala siyang masamang tao”tugon ng nanay niya sa kanya.
 
Nabigla naman si Tina sa sinabi ng nanay niya sa kanya, naramdaman kasi niya ang mga salita na iyon na parang masakit pakinggan. Ngayon nalaman na niya kung ano ang naramdaman ni Aries sa masasakit na sinabi niya.
 
“Ganito siguro ang naramdaman ni Aries nang sinabi ko sa kanya ang mga masasakit na salita, kahit wala pa naman siyang pinatutunayan na siya’y masamang tao tapos masamang tao na ang turing sa kanya”bulong ni Tina sa sarili niya.
 
 Hindi naman mapakali ang kanyang pamilya nang mapagtanto nila sa kanilang sarili na isa palang masamang tao si Aries kahit hindi pa nila nakikita na masamang tao ito. Agad namang nainis si Tina sa pamilya at kasamahan niya nang maririnig niya na masamang tao na si Aries.
 
“Ano ba kayo!? Pati ba naman kayo!? Pinagdududahan niyo si Aries! Alam niyo naman na walang ginagawang masama si Aries sa atin diba? Isang buwan na siyang naninilbihan dito pero kailanma’y wala akong nakita na may masama siyang ginawa dito diba?”paliwanag ni Tina habang siya’y naiinis na. “Isa rin ako sa hindi naniwala sa sinabi niya na isa siyang inosente”pabiglang iyak ni Tina.
 
Natigil naman ang pag-iisip nila na masama si Aries dahil sa pag-iyak ni Tina. Ngayon ay naiintindihan kasi nila ang nararamdaman ni Tina kay Aries. Isa-isa silang napapalapit kay Tina na may kasamang ngiti para pagaanin ang loob nito.
 
“Tina, naniniwala na kami kay Aries, isa siyang mabuting tao”paisa-isang tugon nila kay Tina.
 
Napatingin naman si Tina sa kanila na may kasamang ngiti sa pag-iiyak nito.
 
“Salamat at naniniwala kayo kay Aries”tugon ni Tina.
 
Makaraan ang ilang minuto ay bigla namang dumating sa kanilang pamamahay ang mga sundalong-kabalyero. Ininspeksyon nila ang buong bahay kaso wala silang nakitang ibang tao, wala rin silang nakuhang impormasyon nang tinanong nila ang pamilya ni Mihena.
 
“Pasesnya na po sa abala ginang Mihena, alam niyo naman po ang sitwasyon ngayon”tugon ng pinuno ng mga sundalong-kabalyero.
 
“Walang problema, alam ko namang ginagawa niyo naman ang tungkulin niyo”tugon ni Mihena sa mga sundalong-kabalyero.
 
Kailanma’y hindi nila isinabi ang tungkol sa impormasyon na alam nila kung sino si Aries.
 
------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Samantala, paisa-isa namang humakbang si Aries patungo sa kagubatan kahit alam niyang maraming nagbabantay doon. Malaki kasi ang tsansa niyang makatakas sapagkat marami siyang mapapagtaguan na mga punong-kahoy.
 
Sa hindi pa naman nakakapunta ng kagubatan si Aries ay agad na siyang sinigawan ng isang sundalong-kabalyero.
 
“Hoy bata! Wag kang lalabas ng kagubatan!”sigaw sundalong-kabalyerong pumigil kay Aries.
 
Hindi naman tumingin si Aries dahil alam niyang makikilala siya ng mga ito kaya ang tingin lang niya’y nakatuon lang sa kagubatan, hindi naman siya tumigil sa paglalakad. May espada naman siyang tinago sa kanyang damit, proteksyon kapag nagkakagulo na.
 
Kahit ilang beses nang sinisigawan si Aries ay hindi parin siya humihinto hanggang sa dahan-dahan na siyang nilapitan ng dalawang sundalong-kabalyero upang pigilan siya.
 
“Pasensya na sa abala may gagawin pa kasi ako”sabi ni Aries na hindi nakaharap sa dalawang sundalong-kabalyero.
 
“Bata, alam mo naman ang sitwasyon ngayon, pinagbabawalan kayong lumabas”paliwanag nila kay Aries. “Bata bumalik ka nalang sa bahay mo”tugon nila kay Aries.
 
Nakahinto naman si Aries habang pinaalalahan siya ng mga sundalong-kabalyero tapos nakalikod lang siya. Nang bigla siyang inagbayan ng mga ito ay agad siyang humarap na may kasamang ngiti sa mga sundalong-kabalyero.
 
Nagulat na may pagkatulala ang naging reaksyon ng dalawang sundalong-kabalyero nang makita nila ang mukha ni Aries, nahanap na kasi nila ang hinahanap nila. Bubunutin na sana nila ang kanilang mga pana kaso agad sinira ni Aries ang kanilang mga sandata. Pagkatapos ay dali-daling tumakas si Aries patungo sa kagubatan.
 
“NAKITA NA NAMIN SI ARIES!!”sigaw ng dalawang sundalong-kabalyero.
 
Nagulat nalang ang iba nilang kasamahan nang marinig ang kanilang malakas na pagsigaw.
 
“Nakita na daw sila si Aries!”pabiglang sabi ng iba sa mga kasamahan nila.
 
“Pumasok daw si Aries sa kagubatan”tugon ng ibang sundalong-kabalyero.
 
Mabilis naman nilang pinasok ang kagubatan, ang iba pa nga’y sumakay ng kabayo at sa karwahe para madali nilang mahabol si Aries.
 
Makaraan ang ilang minuto ay agad na nilang nakita ang tumatakbong si Aries paalis ng siyudad. Dali-dali naman nilang pinuntirya si Aries gamit ang kanilang pana na may mga mahihika. Malakas at mabilis kasi ang mga pana na may mahika kaysa sa ordinaryong pana lang.
 
Bawat tatlong segundo ay may pana naman na mapupunta kay Aries. Ginawa niya ang lahat para mailagan lang ang mga pana kaso sa ilang minutong pagtatakbo niya ay agad natamaan ang isang paa niya na resulta ng pagkadapa niya.
 
Tumayo agad siyang tapos mabilis ulit siyang tumakbo patungo sa ibang direksyon.
 
“Habulin niyo si Aries!”sigaw ng pinuno ng mga sundalong-kabalyero.
 
“Opo”sagot nilang lahat.
 
Patuloy naman sa pagtatakbo si Aries dahil hindi na niya mabilang kung ilang mga sundalong-kabalyero ang naghahabol sa kanya, tapos may sugat narin siya sa paa niya.
 
“Siguro, hihigit sa dalawang daan ang naghahabol sa akin, kung aatakehin ko sila baka yan lang ang ikapamak ko, hindi sila madaling kalaban dahil pareho silang magagaling pumuntirya”bulong ni Aries habang naiinis na siya.
 
Ang hindi alam ni Aries ay may naghihintay na pala sa kanya sa direksyong tinatakbuhan niya, may nakarating kasi sa kanila na impormasyon na sa direksyon nila patungo si Aries. Nang tuluyan nang makalapit sa kanila si Aries ay doon na nila pinuntirya ang mukha ni Aries subalit sa leeg nito ito tumama.
 
Agad namang natumba si Aries sa damuhan, duguan at wala nang lakas para makatayo pa. Humihingal naman siya habang nakahandusay siya sa damuhan, pagod na kasi siya sa pagtatakbo tapos hirap na din siyang huminga dahil sa natamo niyang sugat sa leeg niya. Itinaas niya ang mga kamay sa kalangitan na parang tinatanggap na niya ang kamatayan niya.
 
“Ito na yata ang panahon na mamamatay ako”bulong ni Aries habang ngumiti siya sa huling pagkakataon. “Ang sarap pala sa pakiramdam”sabi niya sa sarili niya habang bigla siyang napaluha.
 
Agad naman siyang kinuha ng mga sundalong-kabalyero, ginapos ng mga kadena ang leeg niya ng mahigpit tapos ipinako din siya sa isang kahoy na naghugis krus para magiging palamuti siya sa buong kapital.
 
Nang maidala na sa kapital ang katawan niya na nakapako sa krus ay marami namang mga tao ang sumaya dahil nagtagumpay sila na makuha si Aries.
 
“Mayaman na tayo!”sigawan naman ng mga taong tumulong sa mga sundalong-kabalyero.
 
“Salamat naman na nahuli na nila ang masamang tao na iyan, siguro masamang-masama talaga ang taong iyan dahil malaki kasi ang patong na pera sa kanyang ulo”tugon nila.
 
“Talaga, akalain mo nagtaksil sa kaharian”sabi ng kausap niya.
 
Nang marinig ni Tina ang balitang nahuli na si Aries ay agad naman siyang nagulat pati ang buong pamilya niya ay nagulat din. Dali-dali naman silang pumunta sa kapital upang tingnan si Aries, kaya hindi nila mapigilang maluha nang makita nila itong duguan, nagtitiis at nakapako sa krus.
 
“Aries”pahinang sabi ni Tina habang sumakit ang dibdib niya nang makitang nagkaganoon si Aries.
 
“Kuya Nogard!”pabiglang bigkas nina Rena at Gina habang tumutulo ang kanilang mga luha.
 
“Ang sama naman nila, pwede naman nilang ikulong lang si Aries, bakit pa nila pinahirapan ng ganyan si Aries, tao rin naman siya ah!”pagalit na reklamo ni Mihena habang tinutukoy niya ang mga sundalong-kabalyerong nagpahirap kay Aries.
 
Agad naman silang bumalik sa kanilang tahanan dahil hindi na nila makayanan na tingnan si Aries na nahihirapan at nagtitiis, masakit kasi ang kanilang kalooban tapos nawawalan narin sila nang gana na magtrabaho nang bumalik na sa normal ang lahat.
 
Samantala, nagtatawanan naman ang alkalde kasama niya ang mga pinuno sa mga sundalong-kabalyero.
 
“Alam kong madali lang sa inyo na hulihin ang taong iyan”patawa ng alkalde.
 
“Kami pa, alkalde”patawa ng mga pinuno.
 
“Sige mag-inuman na kayo, dahil sa susunod na araw ay gigilitan na natin ng leeg ang taong iyon”plano ng alkalde.
 
“Sige po alkalde”tugon nila.
 

Lalo namang nabigla si Tina nang marinig niya ang balitang gigilitan na ang leeg ni Aries sa susunod na araw.
 
“Ano na ang gagawin ko?”tanong niya sa sarili niya habang hindi niya alam ang gagawin niya.

Myself in Another World (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon