Chapter 14: Criminal

150 32 8
                                    

**PAALALA: ANG MABABASANG KABANATA AY MAY HINDI ANGKOP NA PARTE AT SALITA NA MAARING MAKADISTURBO SA MAMBABASA KAYA PINAAALAHANAN ANG LAHAT NG MAMBABASA**

"Simula nang makapag-aral si Nina sa Academy, nagsasanay nalang ako mag-isa sa batis, bumalik ulit ang lungkot ko pero nasasanay naman ako habang tumatagal, ewan ko ba kung bakit lagi kong napapanaginipan si Nina, nakapag-aral nga lang siya sa Academy ay parang umiiba na ang tibok ng puso ko na parang kinakabahan ako, sigurado ba talaga kami na nakapag-aral na siya sa Academy? yan ang lagi kong pinagtataka"bulong ni Aries habang nagmamasid siya sa malinawag na buwan.

Mag-iisang buwan na simula nang umalis si Nina sa kanilang bayan, wala parin silang natatanggap na sulat kay Nina kahit isa lang o pagbisita niya sa tahanan nila. Kapag isa ka kasing mag-aaral sa Academy ay kailangan mong sumulat sa magulang o pamilya mo para malaman nila ang lagay mo roon sa loob, pero sa naging sitwasayon ng mga magulang ni Nina ay wala silang natatanggap na sulat.

"Nagtataka lang ako kung bakit hindi nagpapadala ng sulat si Nina sa atin, baka ano na ang nagyari sa kanya doon sa loob"alala ng nanay niya habang nagtatanim siya ng mga gulay sa pananim nila.

"Mahal, ano ka ba? Hihintayin lang natin siya, baka naging abala lang siya sa pagsasanay niya, alam mo naman na mahirap ang pag-aaral sa loob ng Academy"paliwanag ng asawa niya sa kanya.

"Mag-iisang buwan na kasi eh!"alala ng nanay ni Nina.

"Mag-iisang buwan pa naman eh! Hindi pa nga nakakaabot ng dalawa o tatlong buwan, wag mo munang problemahin yan mahal, aalahanin mo muna natin yong pagkain at pangkabuhayan natin para mabubuhay pa tayo"paliwananag niya sa asawa niya.

Samantala, dala-dala naman ni Aries ang mga gulay na inani ng mga magulang ni Nina sa loob ng bayan ng Vera upang ibenta , nakasanayan na kasi itong gawin ni Aries kaya mapayapa siyang nakakapasok sa loob ng bayan. Sa tuwing pumapasok siya sa loob ng bayan ng Vera, agad naman niyang natatandaan ang anim na kabalyerong kumuha ni Nina sa bayan nila na kung saa'y nagbabantay at naglilibot lang sa loob ng bayan ng Vera.

Nang matapos ni Aries na maibenta ang kanyang mga dala-dalang gulay, nagulat nalang siya nang may narinig silang isang sigaw na nangagaling sa likuran ng isang gusaling bahay. Nagsisitakbuhan naman ang lahat ng tao dahil nagpatuloy pa ang sigaw ng isang babae. Naglakad naman si Aries patungo sa kinaroroonan ng sigawan, hindi niya kasi alam kung ano ang naging problema. Samantala, nagtipon-tipon naman ang lahat at nagkakagulo upang makalapit sila sa harapan.

Sa paglapit ni Aries, nabigla siya sa kanyang nakita na parang gumuho ang kanyang mundo at napaluha naman siya bigla nang makita niyang nakahandusay sa lupa ang bangkay at nakahubad na katawan ni Nina.

"NINA!"pabiglang sigaw ni Aries habang dali-dali niyang nilapitan ang bangkay ni Nina.

Hindi naman siya nakalapit dahil may mga kabalyero nang pumipigil sa kanila. Kahit malakas na ang pwersa ni Aries, hindi parin siya hinahayaan ng mga kabalyero na makalapit at makahawak sa katawan.

"Kilala ko siya!! Si NINA YAN!"sigaw ni Aries habang namumula na ang mga mata sa kakaiyak.

"Bata! Dahan-dahan lang, iimbestigahan mo muna namin yong nangyari dito"sabi ng namumuno sa mga kabalyero.

Labing-dalawang kabalyero ang nag-imbestiga sa bangkay ni Nina sapagkat wala silang naging alam kung sino ang mga taong pumatay at gumahasa kay Nina.

Habang nagpapahinga ang mga magulang ni Nina sa ilalim ng puno, ikinabigla nila ang pagdating ng isang tumatakbong bata.

"Manang, manong, yong anak niyo po, natagpuan pong patay sa likod ng isang gusali"balita ng isang bata.

"Ano?!"pabiglang tanong ng nanay ni Nina habang dahan-dahang umiiyak.

Myself in Another World (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon