Mag-isa namang naglakad si Aries patungo sa lugar na hindi niya nalalaman. Pinalayas na kasi siya sa bayan ng Ylgad tapos hinatulan narin siya na pagtalsik sa kontinente na kung saa’y hinding-hindi na siya makakapasok sa kahit na anong bayan dahil pinagbabawalan na siya. Kalaban na kasi ang turing sa kanya ng sanlibutan pero sa kabila nang pagturing sa kanya ng masama ay kailanma’y hindi siya nagtanim ng galit sa mga tao.
Hindi naman matukoy kung saan na ngayon si Aries dahil malayong-malayo na siya sa bayan ng Ylgad tapos mga ilang araw narin siyang naglalakad. Natutulog na nga siya sa mga kakahuyan para maging ligtas siya sa mga pag-atake ng mga halimaw. Kumakain din ng mga prutas at hilaw na mga gulay si Aries upang matustusan niya ang pangangailangan ng kain niya sa araw-araw minsan pumapatay din ng mga ligaw na mga hayop si Aries tapos niluluto niya.
Tanging espada lang ang dala-dala niya ngayon na nagmistulang kakasimula palang ng buhay niya sa paglalakbay. Sa dalawang linggong paglalakbay niya ay agad naman siyang nakakita ng isang maganda at malinis na batis. Mabilis namang inilubog ni Aries ang katawan niya dahil simula nang kanyang paglalakbay ay hindi na siya nakaranas ng paliligo.
Agad namang nilabhan ni Aries ang masangsang na amoy na damit niya kaya ngayon ay hubad na hubad siya. Habang siya’y naghihintay na matuyo ang kanyang damit ay nakahiga naman siya sa isang damuhan para magpahinga. Pinagmamasdan niya ang mga punong kahoy na parang nagsasayaw dahil sa malakas at malamig na simoy na hangi at pinapakinggan rin niya ang mga ibong kumakanta.
“Matagal-tagal narin akong hindi nakaranas ng mapayapang buhay”bigkas ni Aries habang pinapasigla niya ang kanyang katawan.
Bigla namang nakatulog si Aries kaya nang magising siya ay nagulat siya nang tumambad sa kanya ang tatlong magagandang babae na animo’y mga diwata dahil sa sobrang puti at sa sobrang ganda. Nakatulala naman tatlong babae kay Aries dahil mukhang nagdadalawang isip pa kasi sila kung patay o buhay pa si Aries dahil nakahandusay kasi siya sa damuhan.
Tumayo lang si Aries na parang wala lang nakakita sa kanya tapos pinuntahan niya ang kanyang sinampay na damit upang isuot ito. Pagkatapos niyang isuot ang damit niya ay agad niyang kinuha ang espada niya, kung baga kalmado lang si Aries sa nangyayari kahit may nakatitig na sa kanyang mga babae.
“Hinding-hindi mo ba kami nakikita?”tanong ng isa sa mga babae kay Aries.
“Syempre nakikita ko kayo! Inuna ko lang ang pagbibihis ko bago kayo kakausapin, nakakahiya namang magsasalita ako habang hubad ako”paliwanag ni Aries.
“Wag ka ng mahiya sa amin, sanay na kami sa ganyan, minsan may malalaking talong kaming nakikita minsan may maliliit”paliwanag ng isang babae na pinakamatanda sa kanila.
Agad namang napatulala si Aries sa sinabi ng isang babae.
“Biro lang naman! Ikaw naman oh hindi mabiro, sa katunayan nga unang beses palang kami ng nakakita ng talong ng tao”tugon naman niya kay Aries.
Hindi naman nakapagsalita si Aries dahil mukhang hindi niya nagugustuhan ang pinagsasabi ng isa sa mga babae sa kanya, kaya tumalikod nalang siya sabay alis. Nainis naman ang isang babae kay Aries dahil sa naging ugali nito kaya agad niyang nilapitan si Aries sabay agbay nito sa balikat.
“Gusto kong malaman ang pangalan mo”tugon ng babaeng umagbay sa kanya.
Hindi naman nagpadalos-dalos sa pagsasalita si Aries baka malaman nalang nila na siya pala ay taksil sa kaharian, alam na kasi ng lahat ang pangalang Aries dahil pinagkalat na ito kaya hindi na madaling makakapasok si Aries pwera nalang kung iibahin niya ang kanyang pagkakakilanlan. Napaisip bigla si Aries kaya agad niyang binigkas sa babae ang pangalan niya.
“Nogard, Nogard ang pangalan ko”pabiglang pakilala ni Aries.
“Nogard? kakaibang pangalan mukhang pangmatanda, yan ba talaga ang pangalan mo? O ginagawa-gawa mo lang ang pangalang iyan?”tanong ng babae sa kanya.
“Pinakilala ko na ang sarili ko, ikaw naman ang magpakilala sa akin”tugon ni Aries habang iniba niya ang pinag-uusapan ng babae.
“Ako nga pala si Tina, yon dalawa ko namang kapatid ay sina Gina at Rena, pareha kaming magaganda noh”pabirong pakilala ni Tina, ang matanda sa magkakapatid.
Pabiro namang tumingin si Aries sa mukha ni Tina tapos sinundan niya nang pagtingin kina Gina at Rena.
“Ikaw ba yong pinakamatanda?”tanong ni Aries kay Tina.
“Syempre, dalawangpung-taong gulang na yata ako”pabirong sagot ni Tina.
“Kaya pala, sa kayong magkakapatid ikaw lang ang pinakapangit, wag ka ng mangarap na gumanda, talo ka na ng mga bunsong kapatid mo”pabiro ni Aries kay Tina.
Ang madaldalin na si Tina ay agad nang napatahimik ngayon dahil sa sinabing biro ni Aries. Nagpatuloy naman sa paglalakad si Aries kaso pinigilan ulit siya ni Tina.
“Nogard, ano ka ba naman! Hindi mo pinapahalagahan yong ganda ko, yong maputi kong kutis, yong sexy kong katawan at magandang hugis ng aking mukha”pabirong puri ni Tina sa sarili niya.
Agad namang napatulala si Aries kay Tina, ang mukha kasi ni Aries ay iba sa inaasahan ni Tina na para kasing nalalaswaan ito sa kanya na may kasamang pandidiri.
“Pangit ba talaga ako Nogard?”paseryusong tanong ni Tina kay Aries.
“Kung tatahimik ka, gaganda ka na”tugon ni Aries na ikinagulat naman ni Tina.
Kaya patuloy na namang naglakad si Aries upang magsimula na sa kanyang paglalakbay subalit pinigilan ulit siya ni Tina.
“Nogard, saan ba ang punta mo ngayon?”tanong ni Tina.
“Hindi ko alam, basta lalakad lang ako bakit?”patanong ni Aries.
“Sakto may trabaho ako sa bukid, gusto mo bang magkatrabaho? Wag kang mag-aalala babayaran naman kita, gusto ko lang ng may makasama sa bukid sa pag-aararo, pagpipitas ng mga prutas, pagpapastol ng mga hayop, pag-iigib ng tubig, pagtatanim ng mga gulay at marami pang iba”paliwanag ni Tina habang pinapakiusapan niya si Aries.
“Sige”alanganing sagot ni Aries.
“Mabuti naman Nogard! Kaya umalis na tayo!”paanya ni Tina. “Gina, Rena, umalis na tayo!”sigaw ni Tina sa mga kapatid niya.
“Ate! Hindi pa tayo nakakaigib ng tubig”reklamo ni Rena.
Agad namang napahinto si Tina sa paglalakad sabay suntok sa ulo niya.
“Oo nga pala noh! Muntik ko ng makalimutan! Pasensya ka na Nogard minsan makakalimutin talaga pagmaganda”pabirong tugon ni Tina habang kinuha niya ang sisidlan ng tubig.
Dahil sa bunso naman ni Tina sina Rena at Gina na may bitbit ring sisidlan ng tubig ay dali-dali naman itong kinuha ni Aries para ito’y tulungan, ayaw niya kasing makitang pumapasan ng mabibigat ang dalawang dalagita. Nabigla naman si Tina dahil tanging ang mga bunsong kapatid lang niya ang natulungan ni Aries(Nogard).
“Nogard, ano ang ibig nitong sabihin bakit sila lang tinulungan mo? Paano naman ako?”pabiglang tanong ni Tina kay Aries.
“Pasensya ka na dalawa lang kasi ang kamay ko”tugon ni Aries habang pinabayaan lang niya si Tina.
Sa totoo lang ay sanay na talaga ang magkapatid sa mga trabaho at sa pagpapasan ng mabibigat na bagay tulad ng sako-sakong gulay at prutas o sa sisidlan ng tubig na inigib. Malayo pa naman ang kanilang lalakbayin patungo sa tirahan ng magkakapatid sapagkat dahan-dahan nang napapagod ngayon si Tina dahil sa bigat niyang dala kaya nagdesisyon siyang huminto muna sa nakasanayan nilang lugar na pinaghihintuan.
“Nogard, napapagod na ako, huminto na muna tayo dito”reklamo ni Tina habang bigla siyang napa-upo sa isang malaking bato.
Nagulat naman ang magkakapatid nang makita nilang hindi pa pinapawisan si Aries. Sa ibang lalaki na kasi na laging nakakasama at nakakasabay nila kahit nasanay na sa trabaho ay pinapawisan at napapagod na dahil sa layo at matarik na daanan.
“Nogard, hindi ka pa ba napapagod? Kami napapagod na sa paglalakad”patanong ni Tina kay Aries.
“Gusto mo bang buhatin pa kita sa inyo”tugon ni Aries.
“Sige nga!”pangiting sabi ni Tina habang dali-dali niyang hinawakan ang kamay ni Aries.
“Nagbibiro lang naman ako, wag mo naman akong seryusuhin”sabi ni Aries.
“Cheee! Akala ko pa naman na maginoo ka Nogard, tara na nga”sabi ni Tina habang dali-dali siyang naglakad.
Nagpatuloy naman sila sa paglalakad sapagkat sa kanilang paglalakad ay nag-alala naman si Aries kay Tina dahil mukhang nasaktan niya ang kalooban nito. Pero sa katunayan lang ang biro lang pala iyon ni Tina, tumatawa pa nga siya sa tuwing pinagmamasdan niya ang nalulugmok na mukha ni Aries.
“Mukhang nag-aalala na yata si Nogard sa akin?”pabulong na sabi ni Tina sa sarili niya habang patuloy siya sa paglalakad.
“Kuya Nogard, wag po kayong mag-aalala kay Ate Tina, alam ko pong nagdradrama lang po siya, tingnan niyo po ang mukha niyan tumatawa po yan”tugon ni Rena kay Aries.
“Hoy Rena, tumahimik ka!”pabiglang sigaw ni Tina.
Kaya nainis naman si Aries nang makita niyang ayus lang pala si Tina.
“Pinag-aalala mo pa ako, gusto mo talaga na buhatin kita?”tanong ni Aries.
Napatawa naman bigla si Tina dahil sa sinabi ni Aries.
“Bakit ka tumatawa? Seryuso ako!”paseryusong sabi ni Aries.
Hindi naman nakapagsalita si Tina dahil sa pabiglang sabi ni Aries tungkol sa pagbuhat sa kanya. Agad namang ibinababa ni Aries ang dala-dala niyang sisidlan ng tubig dahil handa na kasi niyang buhatin si Tina na pinapangarap na gawin nito sa kanya.
“Halika, bubuhatin na kita”paanya ni Aries.
Agad namang namula ang pisngi ni Tina dahil kinikilig na kasi siya. Gusto man niyang mabuhat ni Aries kaso nanginginig ang kanyang katawan, hindi kasi niya inaasahan na seseryushin siya nito. Kahit nakabuka na ang kamay ni Aries dahil handa na siya kaso hindi na lumapit si Tina.
“Nogard, magtratrabaho muna ako, mamaya na muna ang pagbuhat-buhat na iyan”tugon ni Tina habang madali siyang naglakad habang bitbit ang sisidlan ng tubig.
“Si Ate naman kung makapagsalita parang hindi ito gusto”tugon ni Gina.
“Oo nga, Ate kalimutan mo na ang lahat ng lalaking nag-iwan sa iyo, may tadhana kasi na hindi para sa iyo, kaya magsimula kang muli”tugon din ni Rena.
“Ano ang ibig niyong sabihin?”tanong ni Aries sa magbunso.
“Si Ate Tina kasi lagi nalang iniiwanan ng mga lalaki, kaya nangangarap siya na makahanap nang lalaking magmamahal sa kanya ng tunay”paliwanag ni Rena.
“Maganda naman ang Ate niyo sa hindi ako nagbibiro, bakit pa siya laging iniiwanan?”patanong ni Aries.
“Kasi Kuya Nogard, basta dalagang bukid hindi kasi yan gusto ng mga lalaki, kaya laging iniiwanan si Ate Tina”paliwanag ni Rena.
“Ganoon ba, wala namang mali sa dalagang bukid ha!”tugon ni Aries habang patuloy sa paglalakad.
Nang nag-uusap pala sina Aries, Rena at Gina ay namumula na pala si Tina na kung saa’y siya pala ang pinag-uusapan ng tatlo. Gusto sana niyang pigilan ang tatlo kaso mukhang nagugustuhan rin niya ang pag-uusap.
Matapos ang ilang minutong paglalakad nila ay nakarating narin sila sa tirahan ng magkakapatid. Malawak ang kanilang lupain tapos marami din silang tanim na mga gulay at prutas, marami ding nakapastol na mga hayop tulad ng baka, kambing at kabayo. Marami din mga taong nagtratrabaho doon kabilang na doon ang kanilang mga magulang na nagbabantay sa mga hayop.
“Tina sino ba yong kasama mong lalaki?”tanong ng matanda na lolo ng magkakapatid.
“Bagong nobyo mo Tina?!”sigaw ng mga lalaki na nagtratrabaho sa mga pananim.
“Mga inutil kayo! Bagong kakilala pa nga namin si Nogard!”sigaw ni Tina.
“Eh! Akala ko may bago ka na namang nagugustuhang lalaki”tugon ng mga lalaki.
Habang nag-uusap si Tina ay agad namang binaba ni Aries ang dala niyang sisidlan na may tubig sa sahig.
“Kuya Nogard, kami na po ang bahala dito”tugon ni Rena.
“Rena, Gina, wag niyo akong tawaging kuya mukhang magka-edad lang yata tayo”reklamo ni Aries.
“Ilang taon ka na po?”tanong ni Gina.
“Labing-walong taong gulang”sagot ni Aries.
“Magka-edad lang po kayo ni Ate Tina”tugon ni Gina.
“Magkaedad? di ba sabi niya kanina, dalawangpu na siya”tugon ni Aries habang siya’y nalilito.
“Alam mo namang palabiro si Ate Tina, kuya Nogard”tugon ni Rena.
Si Tina ay labing walong taong gulang na, sumunod naman si Gina na labing-anim na taong gulang at sinundan ni Rena na labing-limang taong gulang. Sa ngayon ay abala na ang magkakapatid dahil sa kani-kanilang mga trabaho, si Tina ay abalang nagwawalis, si Gina nama’y nagsasaing samantalang naghuhugas naman ng gulay si Rena. Naiwan lang nakatayo si Aries sa harap ng malaking bahay.
“Tatayo lang ba ako dito? Mukhang nakalimutan yata ni Tina ang tungkol sa patratrabaho ko”bulong ni Aries habang patuloy lang siya sa kanyang pagtatayo.
Makalipas ang ilang minutong pagtatayo ni Aries ay bigla naman siyang nilapitan ng isang babae na mukhang may asawa na. Agad naman itong nagpakilala kay Aries.
“Nogard, ako nga pala si Mihena, magulang nina Tina, Gina at Rena, pasensya ka na kung ngayon palang kita nilapitan, abala kasi ako sa pagpapastol ng mga hayop, kanina kapa nga tinutukoy ni Tina”paliwanag ni Mihena. “Nogard, marunong ka bang magpagatas ng baka?”tanong sa kanya ni Mihena.
“Magpagatas ng baka?”palinaw ni Aries.
“Oo Nogard, marunong ka ba?”tanong sa kanya.
“Hindi naman po masyado”dalawang isip na sagot ni Aries.
“Mabuti naman kaya pasasamahan na kita ni Tina ngayon”tugon ni Mihena habang umalis dahil tinatawag niya si Tina.
Samantala, agad namang sinamahan ni Tina si Aries sa mga bakahan. Ang magpapagatas kasi ang unang matratrabaho ni Aries.
“Sa dinadaming trabahong makikita dito, ito pa”bulong ni Aries habang siya’y nagrereklamo.
“Nogard, simulan mo na”patawang tugon ni Tina kay Aries.
“Ngayon na?”pabiglang tanong ni Aries habang siya’y nag-aalinlangan.
“Syempre naman, simulan mo sa bakang iyan”turo ni Tina sa isang baka.
“Hindi ako marunong nito Tina”reklamo ni Aries.
“Madali lang iyan Nogard!”tugon ni Tina habang kinuha niya ang sisidlan ng gatas tapos nilagay niya ito malalim sa suso ng isang baka, tapos agad niyang hinawakan ang suso nito sabay pinapagatas ang baka.
Napatulala nalang si Aries habang pinagmamasdan niya si Tina.
“Wala bang mabibigat na trabaho diyan Tina”tugon ni Aries habang iniiwasan niyang magpagatas ng baka.
“Madali lang naman ito Nogard”tugon ni Tina habang patuloy na pinapagatas ang baka. “Ikaw naman Nogard”sabi ni Tina.
Wala namang nagawa si Aries kundi ang sundin ang ginagawa ni Tina, hindi na kasi siya makapagrereklamo sapagkat nagpapasalamat siya na may trabaho na siya. Sa unang beses palang ni Aries na magpagatas ng baka ay muntikan na siyang masipa ng baka dahil sa ginagawa niya kaya agad siyang pinagtawanan ni Tina.
“Ano ka ba Nogard, dapat lumapit ka pa sa suso ng baka, wag kang lalapit sa paanan ng baka”patawa ni Tina.
Masaya namang pinagmamasdan ni Tina si Aries na halos hindi marunong sa pinagagawa nito.
Samantala, nang gumabi ay nagdesisyon namang umalis si Aries dahil uuwi na siya sa kagubatan kaso agad siyang pinigilan ni Mihena, nanay ng magkapatid.
“Nogard, saan ka pupunta?”tanong sa kanya.
“Tita, uuwi na po ako”tugon ni Aries.
“Nogard, dito ka nalang magpalipas ng gabi, delikado na ngayon na lumabas ka baka marami kang halimaw na makikisalamuha, wag kang mag-aala, marami namang kwartong mapaghihigaan rito”paliwanag ni Mihena sa kanya.
Agad namang nagdadalawang isip si Aries sapagkat pinili nalang niya ang manatili sa tirahan ni Mihena.
“Sige Nogard, maghintay ka lang dito, tatawagin ko muna si Tina para ipakita sa iyo ang magiging kwarto mo”pangiting tugon ni Mihena.
Matapos ang paghihintay ni Aries ay agad namang nakalapit si Tina sa kanya na noo’y abala sa kanyang paliligo. Kahit hindi pa gaanong bihis si Tina ay nagawa parin niyang lumapit kay Aries.
Hindi naman nawala ang tingin ni Aries sa katawan ni Tina na tanging sa dibdib at binti lang nito nakatapis ang tuwalya niya.
“Ano bang tinitingnan mo diyan Nogard? May plano ka ba sa akin?”pabirong tanong ni Tina.
Habang tumatawa si Tina ay agad naman niyang nakita ang mga patay na mata ni Aries na mukhang hindi yata interesado sa pinagsasabi niya.
“Tara na! sapagkat magbibihis pa ako”pabiglang tugon ni Tina.
Nabigla naman si Aries nang makita niyang maganda ang kwartong pananatilihan niya, kahit ordinaryong kwarto lang na kahoy ang bawat dingding ay maganda naman ang pagkakagawa. May malambot na higaan at magagandang kumot at unan.
“Sigurado ba kayo dito Tina?”paliwanag ni Aries.
“Syempre naman, kung tatanggap kami ng bisita ay dito naman pinapanatili”paliwanag ni Tina. “Sige Nogard, magbibihis muna ako”paalam ni Tina tapos siya’y umalis.
Mabilis namang humiga si Aries upang makapagpahinga na, marami kasi siyang ginawa ngayon araw kaya napagod na siya. Hindi naman inaakala ni Aries na magiging ganito ang takbo ng buhay niya, may makilala siyang mga bagong tao, may pananatilihan siyang tirahan at may mag-aalaga sa kanya.
“Habang hindi pa nila alam ang tunay kong pagkakakilanlan ay magiging pansamantalang mayapayapa naman ang takbo ng buhay ko”bulong ni Aries habang siya’y inaantok na.
Samantala, sa isang di masabing panahon ay agad nakita ni Aries ay buong siyudad na sinira ng malaki at makapangyarihan na dragon, sunog na ang lahat ng mga kabahayan, tapos patay na ang mga tao. Iba ito sa dragon na nakikita niya dahil hindi iyon si Ourovoros.
Kaya nang magising si Aries ay agad siyang kinabahan sa nakita niya.
“Panaginip lang pala”bulong ni Aries habang humihingal siya.
BINABASA MO ANG
Myself in Another World (Completed)
FantasyAfter Aries Alefen reincarnated from another world, he didn't remember his past life so he tried everything to live until the world treated him unfair. This is the journey of Aries trying to survive by himself... He will be able to defeat the Dragon...