Ipinikit naman ni Ivan ang mga mata niya nang bigla silang inatake ng sampung bandido. Ginawa iyon ni Ivan para mapalabas niya ang kanyang tinatagong kakayahan. Kaya habang papalapit na sa kanila ang mga bandido ay agad idinilat ni Ivan ang mga mata niya. Sa isang iglap lang ay agad ipina-agos ni Ivan ang sarili niya kaya agad niyang napatumba ang sampung mga bandido.
Napasigaw nalang si Marissa habang hindi nalang napatingin sina Andrian, Andrei at Harold nang makita nilang dumalak ang dugo sa lupa, ngayon palang kasi sila nakakita ng bagay na iyon kaya natakot sila.
Kung sila may may natatakot, si Ivan nama'y nakangiti habang may mga dugo na sa kanyang damit na dahilan ng paghiwa niya sa katawan ng mga bandido. Maya-maya'y agad napatumba si Ivan dahil sa paggamit niya sa kanyang kakayahan at sa pagod din. May iniinda namang sakit si Ivan sa kaliwa niyang kamay kaya isa rin iyon sa nagpatumba niya.
"Kuya Ivan!"parehong sigaw nina Marissa, Andrei at Adrian.
"Ivan, ayus ka lang ba?"tanong ni Harold habang niyakap niya si Ivan.
"Ayus lang ako kaya wag na kayong mag-aalala, umalis na tayo rito baka may makakita na naman sa ating mga bandido"tugon ni Ivan.
Papa-tayo na sana si Harold kasama si Ivan kaso agad silang nakita ng sampung mga bandido. Nagalit din ang sampung mga bandido nang makita nilang nakabulagta sa sahig ang iba nilang kasamahan na pinatumba ni Ivan.
"Mga inutil kayong mga bata kayo!"sigaw ng mga bandido habang sila'y tumatakbo palapit sa mga bata.
Agad namang pina-agbay ni Harold kina Andrie at Adrian si Ivan.
"Tandaan niyong tatlo, kapag sinabi kong takbo! Tumakbo kayo lalo ka na Marissa"bilin ni Harold sa mga ito.
"Anong gagawin mo Kuya Harold?"tanong ni Marissa.
"Lalabanan ko sila"lakas na loob na sinagot ni Harold.
"Kuya Harold, di mo sila kayang talunin, mapapahamak ka lang"tugon ni Marissa.
"Pero kailangan kong gawin ito Marissa"tugon ni Harold.
Habang hawak-hawak ni Harold ang espada niya ay agad din siyang umatake kahit delikado pa ang kanyang ginagawa. Sa unang bandidong nakaharap niya ay agad niyang sinalubong ang pag-atake nito, muntikan pa nga siyang matamaan sa ulo pero nagawa pa niya itong ilagan sa pamamagitan ng pagyuko.
Kaya nang maitaas niya ang ulo niya na nakalapit sa unang bandido ay agad niyang itinusok ang espada niya sa tiyan nito. Napatumba nalang ang unang bandido dahil sa tama nito. May siyam pang natitirang mga bandido na kailangan pang pigilan ni Harold, nilakasan pa niya ang hawak ng kanyang espada tapos walang takot na hinarap ang natitirang mga bandido.
Kahit nalagay na sa alanganin ang buhay ni Harold ay nagawa parin niyang makapagpatumba ng apat pang mga bandido. Napa-atras nalang ang limang bandido dahil sa kakayahan ni Harold. May masama namang kutob ni Harold sa mangyayari kaya dahan-dahan rin siyang napapalayo. Nagulat nalang si Harold nang makita niyang itinapat ng limang bandido ang mga kamay nila sa kanya.
"Mahika!"pabiglang bigkas ni Harold habang siya'y nabigla.
Kaya natulala nalang si Harold nang makita niya ang mga mahikang nakapuntirya sa kanya.
Sa pagkakataong iyon ay hindi pa naman nakaka-alis si Marissa dahil alam niyang mapapahawak ang kuya Harold niya. Tama nga ang hinala niya nang makita niyang nagsisilabasan ng mga mahika ang kalaban nilang mga bandido.
Itinapat naman ni Marissa ang dalawang kamay niya sa kuya Harold niya tapos inisip niya ang paglabas ng kanyang mahika, kaya sa isang iglap lang ay tagumpay niyang naipalabas ang mahikang niyang yelo. Napapikit na nga si Harold dahil akala niya'y matatamaan siya sa mga mahika ng mga bandido kaso nabigla siya nang makita niyang hinarangan ng malaking bloke ng yelo ang mga mahika ng mga bandido upang siya'y protektahan.
"Imposible, kaninong mahika ito?"pabiglang tanong ni Harold habang siya'y namangha.
"Kuya Harold, umalis na po kayo diyan!"sigaw ni Marissa.
Kaya napagtanto nalang ni Harold na kay Marissa pala nanggagaling ang malakas na mahika, na kahit isa pa siyang bata at hindi pa gaanong nagsasanay sa mahika ay makikita mo nang may potensyal na talaga siya bilang isang magiting na salamangkero.
Sa kasalukuya'y tumatakbo paalis sina Harold at Marissa upang makalayo sa limang bandido.
"Sina Kuya Andrei at Adrian mo, saan na sila?"tanong ni Harold kay Marissa.
"Nandoon sa bahay ni Andrei, doon sila nagtatago"sagot ni Marissa.
Wala pang ilang segundo ay agad ring nasira ang blokeng yelo na mahika ni Marissa na siyang humaharang sa mga bandido upang sila'y makatakas. Agad namang nagulat si Harold nang makita niyang umatake ang limang bandido sa kanila gamit ang kani-kanilang mga mahika.
"Umilag ka Marissa!"sigaw ni Harold habang siya'y nagbabala kay Marissa sa paparating na atake ng mga bandido.
Nakita naman ni Marissa ang pagharang ni Harold sa mga mahika upang hindi gaanong makaabot sa kanya ang pinsala. Itinapat ulit ni Marissa ang dalawang kamay niya kay Kuya Harold niya at inisip muli ang mahika.
Matatamaan na sana si Harold sa mga mahika ng bandido kaso agad ulit siyang pinrotektahan ni Marissa gamit ulit ang blokeng yelo. Lalong tumatagal ay lalong napapahanga si Harold sa pinsan niyang si Marissa dahil sa kakayahan nito pero nang siya'y tumingin kay Marissa ay agad na itong napatumba dahil naubos na ang enerhiya nito sa pagamit niya ng malalakas na mahika.
"Marissa!"sigaw ni Harold habang dali-daling niyayakap si Marissa.
May tatlungpung segundo pang natitira bago mabasag ang blokeng yelong mahika ni Marissa na siyang humaharang sa mga bandido. Kaya agad binuhat ni Harold ang pinsan niya sabay pagtakbo ng mabilis.
"Ang layo pa ng tatakbuhin ko sana makaabot pa ako sa bahay ni Andrei at para makapagtago kami"sabi ni Harold habang siya'y humihingal dahil tumatakbo siya na pasan-pasan si Marissa.
Nagulat nalang si Harold nang makita niyang may sampu pang mga bandido ang humahabol sa kanila.
"Hulihin niyo ang mga batang iyan!"sigaw ng isang bandido habang itinuro sina Harold at Marissa.
"Masusunod po!"sigaw nila habang binilisan nila ang paghabol sa dalawa.
Kinakabahan naman si Harold habang sinusundan sila nang labinglimang mga bandido. Mahina kasi ang pagtakbo niya dahil napapagod na siya at pasan-pasan rin niya si Marissa, mga ilang metro nalang ang pagitan niya sa mga bandido na humahabol sa kanya, mga iilang segundo nalang ay maaabutan na siya.
Nagpatuloy siya sa kanyang pagtakbo pero hindi parin siya nakakaabot sa bahay ni Andrei na kung saa'y madaming matataguan na ligtas doon.
"Makakaabot ako!"sigaw ni Harold.
Muntikan na sana matamaan ng ligaw na mahika si Harold kaso pinrotektahan ulit siya ni Marissa. Nagawa pang maidilat ni Marissa ang kanyang mga mata upang makita niya ang mga bandidong sumusunod sa kanila.
"Kuya Harold magpapatuloy kalang sa pagtakbo, wag mo na akong aalahanin sa gagawin ko ngayon"sabi ni Marissa habang isa-isa niyang pinatumba ang mga bandido gamit ang mahika niyang yelo.
"Sigurado ka ba talaga Marissa, wag mong piltin ang sarili mo ah!"alala ni Harold.
Pakaliwa, pakanan at mga pagbabato rin ng mahika sa kanila ay pinipigilan ni Marissa para walang makalapit sa kanila, kahit nasa limitasyon na si Marissa ay ibinubuhos parin niya ang lahat.
"Marissa wag mong pilitin ang sarili mo"paalala ulit ni Harold.
"Kuya Harold, ayokong makuha nila tayo"pahinang sagot ni Marissa.
Patuloy na ginagamit ni Marissa ang kanyang mahika hanggang sa ginamit niya ang malakas na mahika niya, ang blokeng yelo na siyang humaharang sa mga bandido. Nagulat nalang ang mga bandido nang makita nila ang malaking yelong humaharang sa kanila na unang beses palang nilang nakita sa buong buhay nila.
"Imposible, kahit mga magigiting na salamangkero ay hirap itong palabasin"pahangang sabi ng mga bandido habang nakakatitig sila sa mala-palasyong yelong humaharang sa kanila.
Samantala, nawalan na nang malay si Marissa nang magamit niya ang malakas na mahika niya tapos ligtas rin silang nakapasok sa bahay ni Andrei upang magtago.
Isangdaan at tatlungpu't-lima nalang ang natitirang mga bandidong umatake sa bayan ng Ylgad dahil sa pagtumba nina Ivan, Harold at Marissa ng labing-limang bandido.
------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Lalo nang lumalalim ang gabi sa bayan ng Ylgad sapagkat hindi pa nagtatapos ang mga pag-atake ng mga bandido sa pangunguna ni Judan. Malaya namang nakapasok ang dalawangpu't limang mga bandido sa kaharian kasama si Judan dahil napatumba na si Knight Mash. Madali lang ang pagpasok nila kaso nag-aabang naman sa kanila si Miyano na isang 1st Rank Knight noon sa Academy na sa kasalukuya'y nagsisilbi sa kaharian.
"Kung nagawa niyong matalo si Knight Mash, di ko hahayaang makuha niyo ang kayamanan ng kaharian!"sigaw ni Miyano habang binunut niya ang kanyang espada.
"bata, mas mabuting sumuko ka na, wala ka paring mapapala kung mag-isa kalang, wala ngang napala yong si Knight Mash niyo rito sa kaharian tapos ikaw pa kaya na isang bata palang!"paliwanag ni Judan kay Miyano.
"Hindi ko alam kung sino ka, pero hindi ako magpapatalo sa inyo, alang-alang sa kaharian!"sigaw ni Miyano habang sinalubong niya ang dalawangpu't limang mga bandido.
Hindi pa nga nakakapagpatumba si Miyano ay agad na siyang natamaan sa likod ng espada. Napa-aray siya bigla pero kailanma'y hindi siya sumuko, inihampas niya ang kanyang espada at nagawa niyang makapagpatumba ng limang bandido. Nasaksak ulit si Miyano sa likuran niya kaya agad na siyang napa-atras dahil dumudugo na ang kanyang likod dahil sa sugat.
"Bata, sumuko ka nalang, alam naman nating mapapabagsak ka lang tulad ng ginawa ko kay Knight Mash"paalala ni Judan kay Miyano.
"Kung yan naman ang mangyayari sa akin, mas mabuting mamatay nalang ako nang may karangalan"pangiting sagot ni Miyano habang ngumingiti siya na parang magtatapos na ang kanyang buhay.
Inutusan naman ni Judan ang limang mga bandido upang tapusin na ang buhay ni Miyano, alam kasi niya na wala na talaga itong kalaban-laban at puro nalang ito salita para makalaan siya ng oras upang mabuhay.
"Patayin niyo na iyan, hindi na yan makakatakbo pa"utos ni Judan sa limang bandido.
"Masusunod po Judan!"tugon nilang lima habang mabilis na inatake si Miyano.
Dahil sa hapdi ng nararamdaman ngayon ni Miyano ay hindi niya maiipangako sa sarili niya ang mabuhay kaya ngumiti nalang siya sa huling pagkakataon, pero akala niya'y doon na magtatapos ang kanyang buhay sapagkat may isang taong tumulong sa kanya. Isa-isa nitong pinapana ang mga kamay ng mga bandido upang mabitawan nila ang kani-kanilang mga espada.
Napatingin nalang sa itaas si Miyano pati na ang mga bandido dahil doon kasi nanggagaling ang mga pana.
"Miyano, hindi ko hahayaang mapatay ka rito sa kahariang ito! Ayokong dumalak ang dugo ng mga naninilbihan dito sa kaharian namin"lakas na loob na sinigaw ni Prinsesa Tiara kay Miyano para marinig talaga ito ng lubusan ng mga bandido.
"Magandang gabi po mahal na prinsesa, kinagagalak ko po kayong makita ulit"bati ni Judan habang siya'y yumuko na tanda ng pagrespeto.
"Tumahimik ka Judan! Taksil ka sa kahariang ito, wala ka ng ibang hangarin kundi magnakaw lang ng kayamanan! Kaya ka pinatalsik ni ama rito!"sigaw ni Prinsesa Tiara na kung saa'y narinig ito ni Miyano at nalaman niya kung sino si Judan.
"Wag naman po kayong magsalita ng ganyan mahal na prinsesa, sinasaktan niyo naman po yong kalooban ko, alam niyo naman pong dati akong Royal Knights sa kahariang ito"pahinahong tugon ni Judan kay Prinsesa Tiara.
"Tumahik ka! Isa kang sakim! Kapangyarihan at pera lang ang hanap mo sa buhay kaya mas mabuting lumayas na kayo dito!"sigaw ni Prinsesa Tiara.
Agad namag nainis si Judan kaya agad ulit niyang inutusan ang mga kasamahan niya na patumbahin narin ang prinsesa.
"Patayin niyo ang prinsesa! Gamitin niyo ang mga mahika niyo!"utos ni Judan.
Nagalit naman si Miyano habang ginagamit ng mga bandido ang mga mahika nila upang patumbahin rin ang prinsesa. Mabilis na umatake si Miyano sa mga bandido upang ito'y pigilan sapagkat may mga bandido ding pumipigil sa kanya.
Kumikislap naman ng pag-atake si Prinsesa Tiara upang hindi siya matamaan sa mga mahika ng mga bandido. Dahan-dahan namang nakakapagpatumba sina Tiara at Miyano dahil nahati kasi sa kanilang dalawa ang atensyon. Ang iba'y nakatingala kay Tiara at iba nama'y nakapukos kay Miyano.
Pana at mahika ang ginagamit ni Tiara tapos umiilag rin siya, atras-abante, atake at mahika rin kay Miyano upang makapagpatumba siya ng iilan na bandido. Nakalaan na nga sila ng limang minuto sa pakikipaglaban hanggang sa nakapagpatumba na sila ng dalawangpung mga bandido. Ngayon tanging limang bandido at si Judan nalang ang natitirang kalaban sa loob ng kaharian.
Napapagod na ngayon si Miyano at nauubusan na rin ng sima si Prinsesa Tiara, limang sima ng pana nalang ang natitira sa kanya. Kapag nagkamali siya ay doon na magtatapos ang kanyang pag-atake sa mga bandido.
Samantala, sa sobrang galit ni Judan ay agad niyang inatake si Miyano tapos inutusan rin niya ang mga kasamahan niya.
"Akyatin niyo ang prinsesa!"utos ni Judan sa lima niyang natitirang kasamahan.
Lalo pang nabigla si Prinsesa Tiara dahil may dalawang hagdanan paakyat ng taas kaya nalilito siya dahil pwedeng sabay na maka-akyat ang limang bandido na kung saa'y mahihirapan na siyang makapuntirya sa kanila.
Agad nang sinimulan ng limang bandido ang pag-akyat sa hagdanan ng sabay-sabay, nahihirapan namang matulugan ni Miyano si Prinsesa Tiara dahil kaharap niya ngayon si Judan ang lider ng grupo. Hindi inaakalang mas malakas pa sa inaasahan ni Miyano si Judan. Halos nanginginig na nga yong kamay niya kapag nagkakabangga ang kani-kanilang mga espada.
Kaya habang abala si Miyano, ay abala rin naman si Prinsesa Tiara sa kanyang pagpuntirya sa limang bandidong umakyat patungo sa kanya. Pukos na pukos talaga si Prinsesa Tiara dahil hindi niya hahayaang masayang lang ang kanyang sima. Sa unang pana niya'y tagumpay siyang nakatama, ganoon rin sa pangalawa at pangatlo. Pero sa pang-apat na pagkakataon ay nahirapan na siya dahil limang metro nalang ang pagitan niya sa mga bandido.
Hindi na nga siya nakapuntirya pa dahil tumatakbo na siya paatras, pero nang napahinto siya bigla ay agad niyang natamaan ang isa pang bandido na sumusunod sa kanya nang siya'y pumana. Isang bandido nalang ang humahabol sa kanya tapos isa narin ang sima ng pana niya.
Alam niyang hindi na niya magagawang mapana ang isa pang bandido dahil sa tatlong segundo ay malalapitan na siya, imbes papanain niya ang bandido ay kinuha lang niya ang sima tapos kanya itong tinusok sa tiyan ng bandido. Nakailag pa siya sa pag-atake ng bandido. Hindi rin niya mapigilang masuka nang makita niya ang dugong dumalak sa sahig ng kaharian.
Kung tutuusin ay ubos na ang mga dalawangpu't-limang kasamahan ni Judan, tapos si Judan narin ang tanging kalaban na nandoon sa loob ng kaharian. Habang abala sa pakikipaglaban sina Miyano at Judan ay dahan-dahan namang pinuntirya ni Prinsesa Tiara si Judan, gamit ang natitirang isang sima ay nagawa niyang maatake ang panghuli niyang pagpana.
Dahil sa bilis at galing ni Judan ay nagawa niyang mahati ang sima ni Prinsesa Tiara. Wala nang sima si Prinsesa Tiara tapos pagod narin si Miyano.
"Hoy bakit parang pagod na kayo"tugon ni Judan kay Miyano.
"Tanging ikaw nalang ang natitira Judan!"sigaw ni Miyano.
"Ho! Ganoon ba"pangiting sabi ni Judan habang pumasok pa ang sampung mga bandido sa kaharian. "Nagsisimula palang ang palabas"pademonyong sabi ni Judan kina Miyano at Tiara.
------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Habang lalong lumalim ang gabi ay lalo namang ninanakaw ng mga bandido ang kayamanan ng bayan at nilalagay nila ito sa loob ng kanilang karwahe. Sa isang lugar na kung saa'y doon ginanap ang patimpalak ay makikitang nakahiga lang si Knight Edward, wala siyang malay pero sa isang iglap lang ay agad gumalaw ang kanyang kamay tapos naidilat rin niya ang mga mata niya.
Kaya nalaman niya ang sitwasyon ng bayan nang marinig at makita niya ang mga bandidong nagnanakaw ng mga kayamanan."Hindi ko hahayaang magtagumpay kayo!"bulong ni Knight Edward habang hawak-hawak niya ang kanyang espada.
BINABASA MO ANG
Myself in Another World (Completed)
FantasyAfter Aries Alefen reincarnated from another world, he didn't remember his past life so he tried everything to live until the world treated him unfair. This is the journey of Aries trying to survive by himself... He will be able to defeat the Dragon...