Tanging sina Knight Teru at Knight Raphael lang ang humarap sa nag-iisang si Aries, nagawa kasi silang mahabol nito at nagawa ding masira ang kanilang sinasakyang karwahe kaya ngayon ay kaharap nila si Aries.
“Aries, paano mo nagawang nabuhay sa pagkalason?”pabiglang tanong ni Knight Teru.
“Ikaw pala ang utak ng paglagay ng lason sa pagkain, kung ibang tao ang kumain sa pagkain, siguradong mapapatay mo talaga siya”paliwanag ni Aries habang siya’y nagagalit na.
“Aries, di ko na palalampasin ang pagkakataong, papatayin ka namin”bigkas ni Raphael sa kanya.
Magkasabay namang umatake sina Teru at Raphael upang malito nila si Aries. Pareho silang magagaling na mga kabalyero kaya nga sila ay mga Royal Knights. Nahihirapan si Aries sa ginagawa nilang pag-atake dahil dalawang tao ang babantayan niya.
Kaliwa, kanan, sa taas o pababa, ginagawa ni Aries ang lahat ng makakaya upang mailagan lang niya ang mga pag-atake ng mga kalaban niya. Hindi naman siya agad maka-atake dahil magiging alanganin ang lagay niya sa isa pang kalaban kapag pumuntirya siya ng isa. Alam niyang magagaling ang kalaban niya kaya nag-isip-isip muna siya.
Nakakuha naman si Aries nang pagkakataon na atakehin si Raphael kaya agad niya itong matamaan sa balikat sapagkat agad naman siyang natamaan ni Knight Teru sa likuran niya. Hindi na nakapaghiganti si Aries dahil pareho nang lumayo ang mga Royal Knights sa kanya.
“Ano bang ginagawa niyo? Naduduwag na ba kayo?”pabiglang tanong ni Aries sa kanila.
“Aries, hindi ito ordinaryong laban na sasabihan mo lang ng duwag ang kalaban mo, tandaan mo Aries magpapatayan na tayo rito”paliwanag ni Teru habang mabilis niyang inatake si Aries.
Nagawa namang mailagan ni Aries ang lahat ng pag-atake ni Knight Teru kaso hindi niya namalayan na inatake pala siya ni Raphael sa likuran niya.
Tumatawa naman si Raphael dahil matutusok na niya ng espada si Aries sapagkat agad lumingon si Aries sa kanya at agad siyang pinuntirya.
Nagawang maputol ang kanang kamay ni Raphael dahil kay Aries samantalang natamaan naman ulit si Aries sa likuran niya. Napaatras nang tuluyan si Raphael na may kasamang pagsisigaw dahil sa natamo niyang sugat.
“Papatayin talaga kita Aries! Tandaan mo yan!”pagalit na sigaw ni Raphael habang tumutulo ang luha niya dahil sa sakit.
“Kailanma’y hindi niyo ako mapapatay tandaan niyo yan!”paalala ni Aries sa dalawa lalo na kay Raphael na may galit na sa kanya.
Dahil sa galit narin ni Teru ay agad niyang ginamit ang lahat ng lakas niya upang masugatan lang siya si Aries, parang natatalo na kasi sila sa laban dahil si Raphael ay hindi na makakahawak ng espada. Kahanga-hanga ang kakayahan ni Teru na kung saa’y kaya niyang ihampas ang espada niya ng isangdaang beses na sunod-sunod habang hindi tumitigil.
Sa unang sampung beses nang paghampas niya’y hindi gaanong kabilisan at kalakasan sapagkat nang tumagal na’y doon na naramdaman ni Aries ang panginginig ng mga kamay niya. Kahit gaano kalakas si Aries ay hindi niya halos napigilan ang pag-atake ni Teru nang tumagal na.
“Anong klaseng pag-atake ito?”reklamo ni Aries habang namamanhid na ang kanyang kamay dahil kay Teru.
Muntikan pa ngang matamaan si Aries sa mahika ni Raphael sapagkat nakailag siya kaso ang pag-ilag lang pala ang magdadala sa kapahamakan niya. Hindi pa pala nagtatapos ang pag-atake ni Teru kaya tatlongpung beses beses nahiwa ang braso ni Aries.
Akala naman nina Teru at Raphael na tapos na si Aries dahil sa natamong sugat nito kaso narinig lang nila ang tawanan nito na para bang wala lang sa kanyang nangyari.
“Hanggang ito lang ba ang kaya niyo, mukhang mas masakit pa nga ang sugat ko kapag ako ang hihiwa sa braso ko”paiinsulto ni Aries.
Dali-dali namang tumakbo si Teru upang atakehin ulit si Aries kaso agad na siyang pinutulan ng dalawang kamay nito.
“Tapos na ang biruan”paseryusong banggit ni Aries.
Nakaramdam naman ng kakaibang takot si Raphael na para bang naalala niyang naramdaman niya ulit ito. Bigla siyang napaluhod habang nanginginig ang buo niyang katawan.
“Diba ito yong naramdaman ko noong panahong naglalakbay kami patungo sa bayan ng Irch kasama si Duke Salazar, imposible! paano ito nagawa ni Aries”bulong ni Raphael sa sarili niya habang pinagmamasdan si Aries.
Dinaanan lang ni Aries ang nakaluhod na si Knight Teru na walang mga kamay kaya sa isang iglap lang ay agad nagpira-piraso ang katawan nito nang hindi ginagalaw ni Aries. Gulat na gulat si Raphael kaya hindi siya nakapagsalita nang lumapit si Aries sa kanya.
“Di ba sabi ko di niyo ako mapapatay”pahinang sabi ni Aries sabay hinawakan niya ang ulo ni Raphael.
Agad namang inatake sa puso si Raphael na pagkaresulta ng pagkamatay niya, namatay lang ang dalawa nang hindi inaatake si Aries kaya masasabi mong ganyang makapangyarihan si Aries.
Pagkatapos napatay ni Aries ang dalawa ay hinabol niya ang apat pang natitira na kung saa’y dala-dala nila ang prinsesa at ang kayamanan ng kaharian.
Naabutan naman ni Aries si Knight Lucas na kung saa’y palabas na sana ng gate ng bayan. Wala namang nagbabantay na kabalyero dahil lasing na ito kaya walang nakakita sa kanilang paghaharap.
“Lucas, malaki pa naman sana ang respeto ko sa iyo, kaso binigo mo ako dahil sa pagtraydor mo sa kaharian”tugon ni Aries.
“Saan na sina Knight Raphael at Teru, wag mong sabihing pinatay mo sila?”tanong ni Lucas kay Aries.
“Knight Lucas, wala naman akong ginagawang masama sa kanila, namamatay lang sila”sagot ni Aries.
“Namamatay lang sila? imposible! Hinding-hindi ako maniniwala sa iyo Aries”tugon ni Knight Lucas habang binunut niya ang kanyang espada.
“Hinding-hindi ka ba naniniwala sa akin Knight Lucas, bakit? Nagawa ko bang magsisinungaling sa harap mo”tugon ni Aries kay Knight Lucas.
“Kailanma’y hinding-hindi ako naniniwala sa katulad mo!”sigaw ni Lucas.
“Knight Lucas, tandaan mo ikaw ang kalaban dito, hindi ako”pabiglang sabi ni Aries na ikinagulat ni Lucas.
Agad namang umatake si Lucas kay Aries, kaya sa isang kislap lang ay nagawa siyang maputulan ng mga paa ni Aries. Hindi pa naman siya namatay sapagkat nakahandusay lang siya sa lupa.
“Pakiusap Aries! Wag mo akong patayin! Oo naniniwala na ako sa iyo na hindi mo pinatay sina Teru at Raphael, kaya wag mo na akong patayin”paiyak-iyak na pahingi ng tawad ni Lucas.
“Knight Lucas, malaki pa naman ang respeto ko sa iyo, kaya kung hindi mo gustong patayin kita, ikaw nalang ang papatay sa sarili mo, tutal ginawa mo naman ito kaya pagbabayarin mo ang nagawa mo”tugon ni Aries habang nakatitig ito sa kanya.
Nabigla naman si Lucas sa pabiglang desisyon ni Aries.
“Diba may mga kamay ka pa naman, kaya itusok muna ang espada mo sa dibdib mo para matapos na ang lahat ng ito”utos ni Aries sa kanya.
“Aries, bakit mo namang ginagawa sa ‘min ito, diba pwede mo naman kaming ikulong dahil alam kong mababawi mo naman ang kayamanan at ang prinsesa na nakuha namin, diba hindi naman gaanong mabigat ang kasalanan namin”paliwanag ni Lucas.
“Pasensya ka na kung hindi lang sana niyo ginawa ang bagay na ito, hindi sana kayo magkakaganito”tugon ni Aries habang siya na ang tumapos sa buhay ni Knight Lucas. “Wag niyong kalilimutan na muntikan na rin akong mamatay dahil sa lason”dagdag ni Aries.
Samantala, dali-dali namang binuksan nina Knight Harry at Kirsh ang isang bodega na kung saa’y naroroon ang isang karwahe, yon na kasi ang natitirang paraan nila para makatakas sapagkat natatakot na silang mapatay ni Aries.
Nang makapasok sila sa loob ng bodega ay agad nilang nilagay sa loob ng karwahe ang kayamanan kasama na ang prinsesang walang malay.
“Bilisan niyo, kunin niyo na ang kabayo!”utos ni Knight Gerren sa kanila.
“Oo binibilisan na namin Knight Gerren, ihanda mo na ang karwahe!”tugon ni Knight Kirsh habang nagmamadaling kumuha ng kabayo.
Palabas na siya nang bigla niyang nakita si Aries na naglalakad palapit sa bodega. Nagdadalawang isip naman si Kirsh kung ano ang sunod niyang gagawin. Kung magpapagtuloy pa siya o aatras siya.
“Ano ang gagawin ko, kung babalik pa ako sa bodega siguradong mapapatay ako ni Aries, pero imposible marami kami kaya madali lang sa amin na patumbahin siya”desisyon ni Kirsh sa sarili niya.
Nang pumasok si Aries sa bodega ay hindi niya inaasahan na bigla pala siyang aatakehin ni Knight Kirsh na nasa likuran niya. Agad tumagos sa balikat ni Aries ang espada ni Knight Kirsh kaya agad nawala sa kontrol si Aries dahil sa natamo niyang sugat.
“Mag-ingat kayo!”paalala ni Knight Kirsh sa mga kasamahan niya.
Hindi pa nga nakakatakbo si Kirsh ay agad na siyang pinuntirya ni Aries na mabilis na mabilis pa sa kanyang inaasahan. Nagawang madepensahan ni Kirsh ang ulo niya gamit ang kamay niya.
Habang abala pa si Aries ay kay Kirsh, agad namang umatake sina Knight Harry at Gerren parehong dala-dala ang kanilang espada.
Agad namang binitiwan ni Aries ang espada niya tapos sinuntok niya lang sina Harry at Gerren.
Nagalit naman ang dalawa dahil sa pagtama sa kanila ng suntok kaya muli na naman nilang pinagplanuhan si Aries. Malaki naman ang tsansa nila dahil wala ng hawak-hawak na espada si Aries kaya hindi na sila natatakot na harapin ito.
“Patay ka na ngayon Aries”tugon ni Knight Gerren.
“Knight Gerren, tandaan mo malaki pa ang atraso mo sa akin”sabi ni Aries habang iniilagan niya ang mga pag-atake ng dalawa.
“Ano naman ang magiging atraso ko sa iyo Aries?”sabi ni Knight Gerren habang napahinto siya sa pag-aatake kay Aries.
“Alam kong ikaw ang utak sa pagpatay sa prinsipe kaya itaga mo yan sa isip mo!”sigaw ni Aries.
Hindi naman mapigilan ni Knight Gerren ang mabigla dahil nalaman ni Aries ang masamang pinaplano niya sa prinsipe. Kaya ngayon ay ngumingiti na si Gerren habang pinagmamasdan si Aries.
“Ang galing mo Aries, ang galing mo talaga, hindi ko inaasahan na maiilagan mo ang mga pana sa panahong iyon, nakakabilid ka talaga”puri ni Knight Gerren sa kanya.
Sa ngayon, sabay-sabay naman silang umatake kay Aries dahil nakulong na ito at hindi na ito makakalabas ng bodega. Kaya ilang minutong nag-iilag si Aries tapos suntok lang ang sandata niya kahit espada ang mga kalaban niya. Kahit gumagamit ng mga mahika ang kalaban niya ay hindi parin siya natatamaan hanggang sa nakuha niya ang kanyang espada.
Samantala, naririnig na nila ang mga boses ng mga tao na parang hinahanap sila kaya hindi napigilan nina Kirsh, Harry at Gerren na mabigla sapagkat kung magtatagal pa sila ay baka mahanap sila. Agad nilang sineryuso ang laban kay Aries pero hindi na nila nakayanan ito dahil may hawak na siyang espada.
Bigla na sanang tatakbo si Harry kaso agad itinaob ni Aries ang espada sa tiyan niya. Doon naman nakakuha ng opurtunidad si Gerren na saksakin din si Aries.
“Tapusin mo na si Aries, Knight Kirsh”utos ni Gerren sa kanya.
Kahit may sugat si Knight Kirsh sa kamay niya buhat nang pagpigil sa atake ni Aries ay pinilit parin niyang mahawakan ang espada niya. Magawa sana niyang maputulan ng ulo si Aries kaso agad nawala sa kontrol sa isip si Aries kaya hindi inaakala ni Kirsh na mawalan na pala siyang mga kamay at paa. Tapos putol narin ang ulo ni Gerren at nahati na din sa dalawang parte ang katawan ni Harry.
“Harry, Gerren”paiyak na bigkas ni Kirsh.
Hindi na gaanong makasalita si Kirsh dahil sa natamo niyang sugat.
Nakatayo parin si Aries habang hindi makapaniwala sa nangyari, puno narin ng sugat ang katawan niya dahil sa natamo niya sa laban. Nag-aagaw naman buhay pa si Kirsh na nakabulagta sa sahig.
Sa pagkakataong iyon, ang prinsesa naman na kung saa’y nakahiga sa karwahe ay dahan-dahan namang nagkakamalay, wala na siyang alam kung anong nangyayari sapagkat ang huling alam niya lang ay agad siyang nakatulog sa kwarto niya. Nagulat nalang siya nang umiba ang paligid na hinihigaan niya kaya nang maidilat niya ang mga mata niya ay agad niyang nakita si Aries na duguan tapos nakita rin niya sa tabi ang kayamanan ng kaharian.
Walang ibang inisip ang prinsesa kundi ang pagnanakaw at pagdukot sa kanya kaya agad siyang napasigaw nang malakas na malakas na dinig ng mga taong naghahanap sa kanila.
Nang pumasok ang prinsipe sa bodega ay doon na niya nakita si Aries na naligo na ng mga dugo, hindi din siya nakapagsalita buhat sa nangyari kay Aries.
“Mahal na prinsipe, wala na po sila”tugon ni Aries habang tinutukoy niya ang mga Royal Knights.
“Aries, ano ang nangyari dito?”pabiglang tanong ng prinsipe kay Aries.
Magsasalita na sana si Aries kaso naunahan siya ni Knight Kirsh na mabilis nagsalita.
“Si Aries po mahal na prinsipe, tinangka niya pong nakawin ang kayamanan ng kaharian at dukutin ang prinsesa, kaya po pinigilan po namin siya kaso po hindi po namin siya nakayanan”paliwanag ni Knight Kirsh.
Nabigla naman ang prinsesa at ang prinsipe kaya hindi nila inaasahang tinraydor sila ni Aries.
“Hindi ko po gagawin iyon mahal na prinsipe”tugon ni Aries habang pinapakita niya na siya’y inosente.
“Kaya wala akong tiwala sa Aries na iyan!”reklamo ng prinsesa habang siya’y nasusuka na dahil sa mga bangkay na nagkalat sa paligid.
Kahit ilang beses magpaliwanag ni Aries ay hindi parin siya pinakikinggan ng prinsipe.
“Mahal na prinsipe, maniwala po kayo sa akin, sila po yong nagtraydor hindi po ako”paulit-ulit na paliwanag ni Aries.
“Aries, hindi ko inaakalang gagawin mo ang bagay na ito, kung inosente ka Aries sumama ka sa amin”tugon ng prinsipe kay Aries.
Hindi naman nanlaban si Aries para mapatunayan na siya’y isang inosente. Kaya ngayon tahimik nilang ikinulong si Aries sa kulungan ng bayan ng Ylgad na matatagpuan sa ika-ilaliman ng isang gusali na binabantayan ng mga kabalyero.
Nagawa namang maibaliktad ni Knight Kirsh ang pangyayari bago siya binawian ng buhay. Nagalit naman ang hari dahil namatayan siya ng anim na Royal Knights dahil kay Aries.
“Sa simula pa lang ay wala na talaga akong tiwala sa Aries na iyan”bigkas ng hari sa sarili niya.
BINABASA MO ANG
Myself in Another World (Completed)
FantasyAfter Aries Alefen reincarnated from another world, he didn't remember his past life so he tried everything to live until the world treated him unfair. This is the journey of Aries trying to survive by himself... He will be able to defeat the Dragon...