Kalaunan, maaga namang bumisita si Jushua sa bahay ni Reka upang kumustahin ang lagay nito. Agad naman siyang pinapasok ng nanay ni Reka sa kwarto nito kaya nakita niyang nakahiga ito sa kama niya habang ang mukha niyang nababalot ng bendahe. Hindi parin mawawala ang pagtulo ng dugo nito kaya napaluha nalang si Jushua nang maramdaman niya ang hirap ni Reka.
"Reka, naririnig mo pa ba ako?"pahinang tanong ni Jushua habang kinuha niya ang kamay nito.
"Jush-Jushua ik-aw b-ayan?"pahinang tanong ni Reka.
"Oo Reka, ngayon mabuti na ba ang lagay mo? May masakit pa ba sa sugat mo?"tanong ni Jushua habang nasasakatang tinitigan si Reka.
"O-Okay la-ng nam-an ako-o Jush-Jushua"pahinang sagot ni Reka habang kinuha niya ang kamay ni Jushua tapos hinamas-himas niya ang palad nito.
"Reka, wag mo munang piliting magsalita, baka lalo lang lalaki yong sugat mo sa mukha..."sabi ni Jushua.
"Reka, may sasabihin sana ako sa iyo sana hindi ka magagalit sa akin, Reka alam mo naman yong resulta ng patimpalak kahapon, nanalo kasi ako kaya ako yung kukunin ni Knight Edward upang magsanay sa Academy, Reka alam mo naman yong pangarap ko na maging isang magiting na kabalyero diba? Kaya kapag aalis man ako Reka sana hihintayin mo ako sa pagbabalik ko rito sa bayan, sana Reka maiintindihan mo ako"paliwanag ni Jushua.
Patuloy parin ang paghihimas ni Reka sa kamay ni Jushua na nangangahulugang naiintindihan niya...
Kaya nang magsalita si Reka sa kanya ay nagulat siya nang marinig niya ang mga ito...
"Jushu-a di mo nama-n kailanga-ng pilitin ang sarili mo, al-am kong hin-di mo na ako nagugus-tuhan da-hil sa hitsu-ra ko ngayon, ka-ya wag mong sabi-hing lalayo ka dah-il kinuha ka ni Knight E-dward, naiintin-dihan na-man kita Jushu-a kay-a pakiusap lang maging totoo ka nama-n sa sar-ili mo"pilit na pinapaliwanag ni Reka.
"Hindi totoo yan Reka, mahal na mahal parin kita ngayon! Di na yan magbabago, kahit magunaw man ang mundo, ikaw at ikaw parin ang minamahal ko, diba Reka naiintindihan mo naman ako diba, alam mo naman na hindi ako tulad ng ibang lalaki diyan"paliwanag ni Jushua.
"Oo al-am ko Jushu-a na di ka tul-ad ng ibang lalak-i kaya Jushu-a pakiusap lang, kalimuta-n mo na ak-o"sabi ni Reka habang pilit niyang binibigkas ang mga salita.
"Reka wag ka ngang magsalita ng ganyan"sabi ni Jushua habang nasasaktan na ang sarili niya.
"Jushu-a pakiusap lang umalis ka na a-yaw na k-itang makit-a rito kaya pakiusap lang"sabi ni Reka habang pilit niyang pinagsasabihan si Jushua.
Hindi naman umalis si Jushua sa kwarto niya kung kaya'y napasigaw nalang si Reka nang malakas na dahilan ng pagkagulat ng mga magulang niya, nang pumasok sila sa kwarto agad naman nilang pinalabas si Jushua dahil sa hindi na gusto ni Reka na makita siya.
Agad namang humingi ng tawad ang nanay at tatay ni Reka kay Jushua kaya napaluha nalang si Jushua sa narinig niyang salita sa mga magulang ni Reka...
"Jushua, alam kong mahal mo ang anak namin, alam namin iyan dahil lagi ka niyang ikinukwento sapagkat may sinabi si Reka sa amin kagabi, ayaw kasi niyang maging pabigat sa buhay mo kaya pinalaya ka nalang niya, Jushua kailanma'y hindi ka malilimutan ni Reka kaya pinalaya ka lang niya sa sobrang mahal niya sa iyo"
Tinawag naman ni Jushua ang pangalan ni Reka sa labas ng bintana nito, kahit patuloy na siyang sumisigaw pero hindi parin siya pinapansin hanggang sa pinaalis niya siya ng mga magulang ni Reka at sabay na sinabihan..
"Pakiusap lang Jushua, tama na, kalimutan mo na si Reka"
Nakikinig lang si Reka sa sigaw ni Jushua sa kanya kaya napaiyak nalang siya ng husto..
BINABASA MO ANG
Myself in Another World (Completed)
FantasyAfter Aries Alefen reincarnated from another world, he didn't remember his past life so he tried everything to live until the world treated him unfair. This is the journey of Aries trying to survive by himself... He will be able to defeat the Dragon...