(Vol. 5) Chapter 56: The Ending, The Beginning

238 21 5
                                    

(A/N: This is the last chapter of this story)

Iilang tao lang ang nakaligtas sa pag-atake ng dragong si Ourovoros, isa na doon si Aling Vivian na siyang nagligtas sa anak ni Aries, kasama rin niya ang asawa niya. Sa ngayon ay nagtatago sila sa isang kakayuhan na malayo sa bayan.

"Sana ayus lang sina Aries at Mellia ngayon, sana hindi sila napatay ng dragon"alala ni Aling Vivian.

"Ayus lang sila, malaki ang tiwala ko kay Aries"tugon ng asawa niya na kasama niya.

"Sana nga, ayokong maging ulila ang anak nila"sabi ni Aling Vivian habang siya'y natatakot sa posibilidad.

Samantala, umiiyak naman si Ismael, kaibigan at katrabaho ni Aries nang makita niyang namatay ang kanyang masakitin na mga magulang dahil sa pag-atake ng dragon. Pareho kasing naipit ang kanyang mga magulang sa paguho ng bahay nila. Hindi naman nawala ang paghawak ng kamay niya sa kamay nito habang umiiyak. Magiging ulila na kasi siya kasama ang mga kapatid niya.

"Nay, Tay, wag niyo po kaming iiwan!"sigaw niya habang wala siyang tigil sa pag-iyak.

Kasama naman niyang umiyak ang mga kapatid niya kaya makaraan ang ilang minuto, ang bahay na kanilang pinasukan ay tuluyan ng gumuho na siyang kumuha sa kanilang mga buhay. Parehong namatay si Ismael kasama ang mga kapatid niya sa paguho ng bahay,

Maraming kumitil sa buhay ng mga tao dahil sa pag-atake ng dragon kaya ang mapayapa ang masaganang bayan nila noon ay sira na ngayon. Malapit nang lumiwanag ang araw nang hinarap ni Aries ang dragong si Ourovoros. Ang laban kasi nila ngayon ay panghuli na kung si Aries ang pagsasabihin.

Nakatayo si Aries sa isang gusali na may maraming palapag para makita niya ng lubusan si Ourovoros. Ngumiti naman ang dragong si Ourovoros nang makita niya si Aries sa pagkakataong ito.

Matapos magsalita si Aries ay bigla namang umatake ang dragon sa kanya. Sira ang buong gusaling tinatayuan ni Aries nang umatake sa kanya ang dragon pero nagawa pa niyang makatalon at makalayo sa paguho ng malaking gusali.

Sunod-sunod namang binugahan si Aries nang malalakas na kuryente na nagmula sa dragon pero kailanma'y walang nakatama sa kanya. Nagulat naman ang mga taong nakaligtas nang makita nilang bumubuga ng kuryente ang dragon na parang nagtataka sila kung bakit ganoon ang kilos ng dragon.

"Sino bang binubugahan ng dragon? yong mga kababayan natin? Imposible, hindi naman kailangan gawin yan ng dragon para patayin tayong lahat"sabi ng isang lalaki habang siya'y nalilito.

"Siguro may nakalaban ang dragon, yan ang hinala ko"teorya ni Aling Vivian.

"Aling Vivian, sino naman po ang lakas na loob na lalaban sa dragon?"tanong niya kay Aling Vivian.

"Basta naniniwala akong may nakalaban ang dragon kahit hindi ko alam kung sino"tugon ni Aling Vivian.

Hindi naman natatamaan ng dragong si Ourovoros si Aries dahil sa naging bilis na ito na lalo pang bumilis. Nasira nalang ang halos kabahayan sa bayan tapos hindi pa napapatay ng dragon si Aries.

Naghahanap naman ng pagkakataon si Aries na umatake kay Ourovoros, sa tuwing bumababa kasi ang pakpak ni Ourovoros ay agad hinahampas ni Aries ang espada niya kaso hindi niya ito napuputol dahil sa malabakal na kaliskis nito. Nahihirapan din kasi ang dragon na tamaan si Aries dahil sa bulag na ang isang mata niya.

May pagkakataon pa ngang nagawa ni Aries na makahawak sa pakpak ng dragon kaya nakapunta siya sa himpapawid kasama ang dragon. Agad namang nakapunta si Aries sa likuran ng dragon tapos dahan-dahan siyang lumapit patungo sa mukha ng dragon.

Myself in Another World (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon