Chapter 33: Mission

138 26 5
                                    

Isang araw ang lumipas simula nang mangyari ang pag-atake ng grupo ni Judan sa araw ng piyesta ng Ylgad, marami nang nagbabantay na mga kabalyero sa bayan dahil baka nagbabasakaling aatakehin ulit ang bayan.

Sa kasalukuya'y binisita nina Haring Charles at Prinsipe Reinhard kasama si Knight Edward si Knight Mash na nagpapagaling sa pagamutan. Isa kasi siya sa taong nakakaalam sa mga nangyayari sa gabi ng pag-atake ni Judan.

"Knight Mash, ipaliwanag mo nga sa amin ang nangyari sa gabing iyon"utos sa kanya ng hari.

"Simula po noong pinatulog kayo, kung hindi po ako nagkakamali dahil po yon sa inuming alak ay agad po tayong inatake ng grupo ni Judan, ang sabi niya po ay isang batilyon po ang mga kasamahan niya, tapos ang isa po sa mga layunin nila ay nakawin ang kayamanan ng kaharian tapos pabababgsakin din po nila ang kaharian"paliwanag ni Knight Mash.

"Mabuting pinalayas ko ang kabalyerong iyon, saan na ba si Judan na iyon? Nakatakas ba siya?"tanong ng hari kay Mash.

"Hindi ko po alam, nawalan na po ako nang malay, pasensya na po mahal na hari dahil naging mahina po ako"pahingi ng patawad ni Knight Mash.

"Ginawa mo naman ang lahat Knight Mash kaya hindi kita sinisisi"tugon ng hari.

Tanging si Knight Edward ang huling nakaharap ni Judan at nagawa pa nga niya itong putulan ng kamay pero nagawa nitong makatakas kaya hindi rin alam ni Knight Edward ang kinaroroonan ni Judan.

"Mahal na hari, ako po ang huling nakaharap ni Judan subalit nakatakas na po siya simula nang maputulan ko po siya ng isang kamay"paliwanag ni Knight Edward.

"Ganoon ba, dapat maparusahan na ang taong iyon sa lalong madaling panahon"tugon ng hari habang siya'y naiinis na.

Samantala, habang naglilibot ang dalawang kabalyero sa labas ng Ylgad ay agad nilang naaamoy ang mabahong paligid, tumitungin sila sa kapaligiran upang hanapin kung saan nanggagaling ang amoy na para bang patay na mga hayop. Naglakad sila nang naglakad kaya lalong tumatagal ay lalong lumalakas ang amoy na parang hindi na nila nakakayanan ang baho.

"Pare, bumalik na tayo! Nakakamatay na ang amoy rito!"reklamo ng isang kabalyero.

"Tara uuwi na tayo"tugon ng isang kabalyero na sinang-ayunan ang kasamahan niya dahil sa lakas ng baho na di na nila makakayanan.

Sa pagtalikod nila ay agad nilang nakislapan ang mga dugong nagkalat sa isang paligid kaya hindi nila mapigilan mapasuka nang makita nila ang mga pira-pirasong katawan ng mga taong nakakalat sa isang lugar. Wala na ang mga karwahe sapagkat umalis na ang mga kabayo kaya tanging mga pira-pirasong katawan nalang ang naiwan sa paligid. Dali-dali naman nila itong binalita sa hari at sa mga Royal Knights.

Nang makapunta na ang mga Royal Knights at ng hari ay di nila mapigilang ang pagsusuka dahil sa mga pira-pirasong katawang nagkalat, may mga utak pa ngang nagkalat sa lupa. Sa kanilang pag-iimbestiga ay nalaman na ni Knight Edward na isa sa mga napatay si Judan dahil natatandaan pa niya ang damit nito.

"Patay na si Judan"tugon ni Edward habang itinuro niya ang damit ni Judan.

"Sigurado ka ba Knight Edward?"palinaw sa kanya ng hari.

"Hindi po ako nagkakamali, mahal na hari"tugon ni Knight Edward na may halong pagtataka sa isang bagay.

Nagtaka nang nagtaka si Knight Edward dahil wala na siyang alam kung paano napatay si Judan kasama ang natitira nitong mga kasamahan na aabot sa limangpu. Ang isa sa gusto niyang masagutan ay kung sino ang gumawa sa bagay na ito, kung sino ang pumatay sa grupo ni Judan. Wala siyang alam kaya natitirang misteryo hindi lang sa kanya kundi sa lahat ng tao sa Ylgad ang pagkamatay ni Judan pati na ang mga kasamahan nitong mga bandido.

"Ilibing niyo na ang mga iyan!"utos ng hari habang dahan-dahang umaalis dahil di narin niya nakayanan ang baho.

Samantala, nang magising si Aries ay nagulat nalang siya nang makita niyang nandoon na ulit siya sa maganda at malambot na higaan ng kaharian na may mga katulong nagbabantay. Dali-dali naman siyang nilapitan ng mga katulong dahil nag-alala sila sa buong araw na hindi pagising ni Aries.

"Master Aries, mabuti na ba ang lagay niyo, mukhang napasobra yata kayo ng tulog"pangiting bati ng isang katulong.

"Ano ang ibig mong sabihin?"tanong ni Aries.

"Kahapon pa po gising lahat, mukhang naparami yata kayo ng alak Master Aries"tugon ng mga katulong habang sila'y ngumingiting nakatitig sa bagong gising na si Aries.

"Ganoon ba, mukhang yan na yata ang nangyari"pahinang sagot ni Aries habang dahan-dahan niyang iginalaw ang katawan niya dahil hindi pa halos gumagaling ang malalang sugat niya sa tiyan.

"Master Aries, hindi ka po ba dadalo ngayon sa ceremonya na gaganapin ngayong araw"tugon ng katulong kay Aries.

"Ceremonya para saan?"tanong ni Aries dahil ngayon palang niya narinig ang bagay na iyon.

"Ceremonya po para sa pagpaparangal ng mga nagpakabayani noong isang gabi"sagot ng katulong kay Aries. "Master Aries, dadalo ka po ba?"tanong niya ulit kay Aries.

"Siguro hindi, baka may ipapagawa sa akin ang prinsipe baka mapagalitan ako non"sagot ni Aries.

"Ganoon ba Aries, hindi ka namin mapipigilan"tugon ng mga katulong habang sila'y nag-aalisan matapos ang pagbigay nila ng almusal kay Aries.

Sa araw na ito, magaganap ang ceremonyang tinutukoy ng katulong kay Aries. Sa pagkakataong ito ay gusto kasing pahalagahan ng hari ang pagkabayaning ginawa nina Knight Mash, Knight Edward, ang anak niyang si Prinsesa Tiara, ang 1st Rank Knight na si Miyano, sina Harold, Ivan, Marissa, Andrei at Adrian na siyang tumulong para pigilan ang pag-atake ni Judan at nang grupo niya.

Nagpalakpakan naman ang lahat ng mga tao na may halong iyakan dahil naging pansamantalang bayani ang kani-kanilang mga pamilya't anak. Isa-isa silang binigyan ng mga parangal ng hari na isang gintong kwentas na kumikinang na simbolo ng pagkabayani.

Hindi naman nila mapigilang umiyak habang isinasabit sa kanilang leeg ang kwintas na binibigay sa kanila ng hari, kahit na nga si Prinsesa Tiara ay hindi makapaniwala na kung saa'y napahalagahan ng kanyang ama ang kakayahan niya.

"Tiara, hangang-hanga ako sa iyo dahil nagawa mong protektahan ang buong kaharian"puri ng ama sa kanya.

Napa-iyak nalang si Prinsesa Tiara habang isinabit sa kanyang leeg ang gintong kwintas na bigay sa kanya ng ama niya.

"Salamat po ama"pasalamat ni Tiara habang hinahawakan niya ang gintong kwintas.

"Walang anuman Tiara"pangiting tugon ng hari sa kanya.

Kung sila may pinapangaralan ng hari ngayon, si Aries nama'y naka-upo lang sa upuan habang nag-iisip kung ano ang sunod niyang gagawin, hindi naman siya inutusan ngayon ng prinsipe dahil abala ito sa ceremonya. Sa ilang minutong pag-iisip niya ay agad siyang naglakad pababa ng hagdan upang lumabas.

Habang siya'y pababang tumatapak sa hagdan ay agad niyang narinig ang anim na Royal Knights na parang may pinag-uusapan sila. Hindi lang iyon pinansin ni Aries dahil baka tungkol lang iyon sa ceremonya subalit nagulat siya na nang marinig niya na para bang may binabalak silang masama sa kaharian.

Napahinto agad si Aries sa pagbaba niya upang hindi mapahinto sa pagsasalita ang mga Royal Knights. Narinig naman ni Aries ang tungkol sa pagnanakaw nila sa kayamanan ng kaharian at tungkol sa pagdukot sa prinsesa. Naputol nalang ang plano ng mga Royal Knights nang dumaan sa kanila ang mga katulong. Doon na nakababa si Aries sa hagdan tapos habang siya'y bumababa ay isa-isa niyang pinagmamasdan ang mga Royal Knights na nagbabalak ng masama sapagkat dalawang Royal Knights lang ang nakita niya dahil umalis na ang iba.

Dalawa sina Kirsh at Harry na nagplano tungkol sa pagnakaw ng kayamanan at pagdukot sa prinsesa. Guro pa naman ni Prinsipe Reinhard sina Kirsh at Harry, kaya hindi maipaliwanag ni Aries kung bakit nila napagplanuhan iyon.

Wala namang intensyon si Aries na ipagsabi sa prinsipe o sa kahit sinong tao sa kaharian ang tungkol sa masamang binabalak ng anim na Royal Knights baka masira ang plano ng mga ito at baka mapatalsik rin si Aries sa kaharian, alam kasi niyang malaki ang atraso niya sa hari kaya itatahamik nalang niya ito at babantayan nalang niya ang galaw ng ibang Royal Knights.

"Alam kong malaki ang tiwala sa akin ng prinsipe baka ano pa ang isipin niya sa akin"bulong ni Aries sa sarili niya.

Masama naman ang tingin nina Kirsh at Harry kay Aries na para bang alam nila na narinig sila ni Aries. Hindi lang ito pinansin ni Aries para hindi pa lumala ang lahat. Baka darating pa ang panahon na may mapapatay nalang dahil sa ginagawa niya, yan ang isang bagay na iniiwasan ni Aries kung bakit itatahimik niya ang tungkol dito.

Nang magkita sila ng prinsipe ay wala namang naibigkas si Aries tungkol sa narinig niyang masamang binabalak, kung tutuusin tikom-bibig lang siya.

"Aries, bakit ang tagal mong gumising? Parang madami ka yatang nainum"patawang tugon ng prinsipe kay Aries.

"Hindi naman po masyado"sagot ni Aries habang siya'y nagsisinungaling.

"Aries, pinatawag ka ng ama, may ipapagawa siya iyo"tugon ng prinsipe sa kanya. "Aries, wag kang mag-aalala, walang mangyayaring masama sa iyo"paalala ng prinsipe sa kanya.

Pagkatapos, agad namang naglakad si Aries patungo sa opisina ng Hari. Hindi naman kinakabahan si Aries kahit hindi pa niya alam kung ano ang pakay sa kanya ng hari, kaya nang binuksan niya ang pinto ay nakita niya ang anim na Royal Knights na kaharap ng hari.

"Aries, sasama ka sa amin"tugon ni Knight Edward na kasama sa anim na Royal Knights na pinatawag ng hari.

Agad namang pinaghihinalaan ni Aries na kasama si Knight Edward sa Royal Knights na may masamang binabalak sa kaharian, pero hindi naman niya agad inisip na si kasama na talaga si Edward, paghihinala lang.

Naputol ang pag-iisip ni Aries nang marinig niya ang paliwanag ng hari sa kanilang magiging misyon.

"Knight Edward, Kirsh, Harry, Gil, Lucas at Raphael kasama ka na Aries, ang magiging misyon niyo'y iuwi niyo ng ligtas si Duke Salazar sa bayan ng Irch, kahit na anong mangyari ay gawin niyo ang lahat para makauwi siya ng ligtas, sa di malamang kadahilanan ay nagiging aktibo na ang mga dragon sa kasalukuyan, hindi lang iisa o dalawa kundi grupo ng mga dragon na ang lumilipad sa himpapawid kaya kung pwede isakripisyo niyo ang sarili niyo para mabuhay si Duke Salazar dahil mas importante pa ang buhay niya kaysa sa inyo"paliwanag ng hari sa magiging misyon nila.

"Masusunod po mahal na hari!"sagot ng anim na Royal Knights.

Agad namang nakita ng hari na hindi sumagot si Aries kaya agad niya itong pinagsabihan.

"Aries, hindi mo ba gustong sumama sa misyon? gusto mo pa bang manatili lang dito sa kaharian? Natatakot ka na ba?"tanong ng hari kay Aries na parang iniinsulto niya ito.

"Hindi po mahal na hari, gusto ko pong sumama, alang-alang po sa buhay ni Duke Salazar"tugon ni Aries.

"Mabuti nama't nagkaintindihan tayo, sige hindi ko na patatagalin pa ang misyon na ito kaya magsimula na kayo, nandoon na si Duke Salazar sa karwahe kaya protektahan niyo siya"paalala ng hari sa kanila.

"Masusunod po!"tugon ng mga Royal Knights.

Paulit-ulit namang pinagsabihan ni Knight Edward ang magiging takbo ng plano nila kapag sila'y inatake ng mga dragon. Hindi naman nawala sa kanyang plano ang paprotekta kay Duke Salazar bagamat ito ang pangunahi nilang layunin. Sapagkat dalawa ang magiging karwahe nila, ang isang karwahe'y magiging pain ng dragon habang ang isang karwahe nama'y magpapatuloy lang dahil doon nakasakay si Duke Salazar.

"Ako, sina Knight Gil at Raphael ang magiging kasama ko sa karwahe ni Duke Salazar, samantalang sina Knight Kirsh, Harry, Lucas at Aries ang sakay sa pangalawang karwahe"plano ni Knight Edward.

"Masusunod po Knight Edward"tugon nila.

Dali-dali naman silang sumasakay sa kani-kanilang mga karwahe, magsisimula na kasi ang paglalakbay nila patungo sa bayan ng Irch.

"Kahit na anong mangyari, wag kayong magpadalos-dalos kapag inatake tayo ng dragon"huling paalala ni Knight Edward bago sila umalis.

Ang hindi nila alam ay may sampung dragon pala ang lumilipad sa himpapawid patungo sa bayan ng Irch, mga malalakas ang dragon na ito dahil bumubuga ito ng apoy at hangin. May nabiktima na ngang mga karwahe doon at wala ng nabubuhay sa tuwing nadadaanan nila ang sampung dragon. Hindi pa aalis ang dragon kapag hindi pa ulit sila nakakabiktima ng mga tao. Sa kasalukuya'y patuloy na sumisigaw ang dragon na para bang gusto na nilang pumatay ng tao.

(A/Note: The continuation of this chapter will be release after new year.. thank you)
(End of Volume 3: Ylgad Kingdom Arc)
------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Sa di masabing lugar, sa di masabi kung kailan at sa di masabing kadahilanan, agad nakatayo si Aries habang kaharap ang mga panibagong Royal Knights, ang hari sa kaharian ng Ylgad at ang pari na mula sa malaking simbahan. Nag-uusap sila sa magiging hatol nila kay Aries kaya matapos ang ilang oras na pagtatayo ni Aries ay agad nang nakapagdesisyon ang hukom na siyang maghahatol kay Aries.

"Dahil sa kasalanang nagawa ng batang si Aries ay hinahatalunan siya ng pagtalsik sa kontinenteng ito, kailanma'y hindi na siya makakapasok sa kahit anong bayan na matatagpuan sa kontinenteng ito kailanman"hatol ng tagapaghukom kay Aries.

Kahit hinatulan na si Aries ng pagtalsik niya sa kontinente ay naging masaya naman siya sa naging hatol sa kanya kahit binabato na siya ng mga tao ng masasamang salita.

Agad siyang nilapitan ni Prinsipe Reinhard na kung saa'y masama ang loob nito sa kanya.

"Aries, malaki pa naman ang tiwala ko sa iyo, bakit mo ba ginawa ang bagay na iyon"sisi ni Prinsipe Reinhard sa kanya.

Myself in Another World (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon