Hindi naman inaakala ni Joseph na ang magiging sandata pala ni Aries sa laban ay isang patalim lang. Dalawangpung kabalyero din ang makakalaban ni Aries samantalang nag-iisa lang siya.
“Hoy batang nakatakip ang mukha! Wag mong gagawin ang isang imposible, hindi ka isang magiting na kabalyero na kaya mo lang labanan ang mga kabalyero ko nang gamit mo lang ay isang patalim! Kung nagpapatawa ka lang sa ginagawa mo ay mas mabuting sumuko ka na!”paalala ni Joseph kay Aries.
Patuloy naman ang pagtatawanan ng lahat ng mga estudyante kay Aries, kahit na nga ang mga kabalyero ni Joseph ay tumatawa na din dahil sa pinakitang katapangan ni Aries.
Samantala, agad namang umabante ng ilang yapak si Aries para makapaghanda na siya sa laban. Tanging isang mata lang ang pinakita ni Aries sa mga kabalyero at kina Joseph at Joan. Pero ang matang iyon ay hindi ordinaryo na pagkatitig sa kanila, kundi isang patay na mata na nakaranas na sa mga duguang laban at digmaan.
Matuwid naman ang pagkatayo ni Aries tapos nakatapat din ang patalim niya sa mga kabalyero.
Nagalit na may kasamang pagkainsulto ang naramdaman ni Joseph nang makita niya ang ginawa ni Aries kaya agad niyang inutusan ang mga kabalyero niya na atakehin si Aries.
“Ipatikim niyo nga sa batang iyan ang sakit!”utos ni Joseph sa mga kabalyero niya.
Tatlong kabalyero ang unang umatake ng sunod-sunod kay Aries pero kailanmay hindi iginalaw ni Aries ang katawan niya kahit na nga paa niya ay hindi rin gumagalaw nang umatake ang mga kabalyero sa kanya. Kahit pinagtutulugan na si Aries ay hindi parin nila magawang makatama sa katawan nito dahil sa mga mabibilis din na pag-atake ni Aries.
“Bata ba ang kalaban namin?”reklamo ng tatlong kabalyero na umatake kay Aries.
Nagulat nalang ang lahat nang makita nilang naputol ni Aries ang espada ng mga kalaban niya, napapanga sila na may halong paghahanga sa ginawa ni Aries.
“Imposible, nagawa niyang maputol ang espada ng mga kabalyero ni Master Joseph”sabi-sabi ng mga estudyante.
“Oo nga, nakakamangha nga siya eh”tugon naman ng isang estudyante habang tinutukoy si Aries.
Sunod namang umatake ang pito pang mga kabalyero nang sabay-sabay kay Aries dahil mukhang naiinsulto na sila sa pinapakita ni Aries sa laban. Pero kahit pinagtutulungan na nila si Aries ay kailanmanma’y walang nakakatama kay Aries kahit galos lang. Wala pang sugat si Aries sa kahit anong parte ng katawan niya tapos hindi parin siya napapagod sa ginagawa niyang pag-atake.
Hindi naman itinigil ng pitong kabalyero ang kanilang pag-atake subalit naputol bigla ang kanilang mga espada dahil sa patalim ni Aries. Bigla silang napatigil sa laban dahil doon.
“Wag kayong tumigil sa paglaban! Pinahihiya niyo lang ako eh! patayin niyo ang batang iyan kung kinakailangan!”sigaw ni Joseph habang nagagalit na siya dahil sa galing na pinapakita ni Aries sa laban.
Nang marinig ni Rena at ng tatay niya ang huling sinigaw ni Joseph tungkol sa pag-atake ng sabay-sabay kay Aries ay doon na sila kinabahan dahil kahit gaano pa kagaling ni Aries ay kailanma’y hindi niya makakayanan ng sabay-sabay ang dalawangpung mga kabalyero.
“Mag-ingat ka Nogard!”sigaw nila kay Aries.
Hindi naman natakot o kinabahan man lang si Aries sa dalawangpung mga kabalyero sapagkat nakatayo lang siya habang nakaharap sa dalawangpung mga kabalyero na nagsisilapitan sa kanya upang siya’y patumbahin.
Agad namang ipinalabas ni Aries ang sumpa sa kanya ni Ourovoros na kung saa’y makakaramdam lahat ng takot sa hindi alam na kadahilanan. Nagulat hindi lang ang mga kabalyero pati narin ang mga estudyante, guro nang makaramdam sila ng panginginig ng katawan. Nanginginig pa nga din ang mga kamay nina Joseph at Joan nang tinitigan nila ito.
“Ano ba itong nararamdaman ko, bakit nanginginig ang kamay ko?”tanong ni Joseph habang pilit niyang tinititigan ang kamay niya.
Pagkatapos niyang tinitigan ang kamay niya ay agad naman siyang tumingin sa mga kabalyero niya subalit nakaramdam siya ng gulat nang makita niyang napaluhod na ang mga kabalyero niya sa lupa.
“Ano bang ginagawa niyo!? Tumayo na kayo diyan!?”sigaw ni Joseph sa mga kabalyero niya.
“Master Joseph! Hindi po kami makakatayo”sagot ng mga iilang kabalyero.
“Opo Master Joseph, hindi na namin po mararandaman ang paa namin”sagot din ng ibang kabalyero.
“Ano ang ibig niyong sabihin?”tanong ni Joseph na kinakabahan na sa posibleng mangyari.
“Papa, ano na po ang nangyayari? Hindi ko na po naiintindihan ang nangyayari”tugon ni Joan sa papa niya.
Napatulala nalang si Joseph sa nangyayari, kahit sinisigawan na siya ng kanyang anak ay tulala parin siya. Natumba na ang lahat ng mga kabalyero niya tapos nanginginig din ang buong katawan niya, tanging ang mga bagay na iyon nalang ang naiisip niya. Naputol nalang ang pagkatulala niya nang biglang nagsalita si Aries.
“Hindi na makakalaban pa ang mga kabalyero mo! kaya patuloy na mag-aaral si Rena sa paaralang ito”tugon ni Aries kay Joseph.
Nabigla naman si Joseph na may kasamang pagkainis sa sinabi ni Aries sa kanya na para kasing sinasabi na talo na siya sa laban, magrereklamo pa sana siya nang bigla niyang nakitang itinapon ni Aries ang patalim patungo sa kanyang mukha.
Agad napapikit ang mata niya dahil alam niyang matatamaan ang mukha dahil sa pagtapon ni Aries sa patalim subalit nang maidilat niya ang mata niya ay nakita niyang nakuha pa ni Aries ang patalim na itinapon nito ng sobrang bilis sa kanya.
Napatulala nalang si Joseph sa sobrang takot kaya napaihi nalang siya.
“Paano mo nagawa iyon? Nagawa mo pang makuha ang patalim mo sa isang iglap lang”patulalang tanong ni Joseph na may kasamang puri sa huli.
“Talo ka na, kaya patuloy na mag-aaral si Rena dito”pahuling tugon ni Aries bago siya umalis.
Habang naglalakad paalis si Aries ay doon na naghihiyawan ang mga estudyante, pati pa nga si Rena ay napabilid din dahil sa nagawa ni Aries.
Sa ngayon ay tinanggap na ni Joseph ang pagkatalo niya sa laban, kahit hindi niya naintindihan kung bakit siya natalo. Ang anak naman niyang si Joan ay hindi makapaniwala sa naging desisyon ng kanyang papa dahil tinanggap kasi nito ang pagkatalo, agad naman niyang naisip na mapapahiya siya sa buong paaralan dahil sa naging talo sila kahit isa lang yong kalaban nila.
“Hindi ko matatanggap ang pagkatalo namin”sabi ni Joan sa sarili niya habang mabilis niyang kinuha ang isang espada na nakahandusay sa lupa tapos mabilis niyang inatake si Aries sa likuran.
Wala namang malay si Aries sa oras na iyon subalit nagawa parin niya itong mapigilan dahil nararamdaman naman niya ang mga pulso ni Joan na dahan-dahang napapalapit sa kanya.
Natakot naman si Joan nang makita niya ang mga isang mata ni Aries na nakatutuk sa kanya nang wala man lang emosyon. Kaya dahan-dahan siyang napaatras hanggang sa nadapa siya sa lupa. Bigla naman siyang umiyak dahil doon.
“Papa!”sigaw ni Joan habang patuloy siyang umiiyak.
Dahil sa pabiglang iyak ni Joan ay nagtawanan naman ang lahat ng mga estudyante.
“Ano bang problema ni Joan, nadapa nga lang siya eh! iiyak agad!”sabi ng mga estudyante.
“Buti nga sa kanya! para na kasi siyang prinsesa dito sa paaralan”sabi pa ng isang estudyante.
Agad namang umalis si Aries kasama ang tatay ni Rena sa paaralan, panalo na kasi sila sa laban kaya patuloy na mag-aaral si Rena sa mataas na paaralan sa siyudad ng Rellic.
Mula noon ay hindi na minamaliit ni Joan si Rena sa paaralan nila. Marami naring mga kaibigan si Rena sa paaralan niya tapos hindi rin mawawala sa pinag-uusapan nila si Aries.
“Rena, ipakilala mo naman kami kay Nogard oh! Parang hindi naman tayo magkaibigan”tugon ng mga babaeng kaibigan ni Rena.
“Si Nogard? Sumuko nalang kayo! May kasintahan na kasi yon eh!”pabiglang biro ni Rena sa mga kaibigan at kaklase niya.
Nabigla naman sila sa pabiglang sinabi ni Rena sa kanila.
“Rena, paano mo nalaman na may kasintahan na si Nogard”tugon nila kay Rena.
“Syempre, doon kasi siya nakatira sa amin”sabi ni Rena na ikinagulat ng mga kaibigan at kaklase niya.
“Sigurado ka ba Rena, hindi ka lang ba nagbibiro sa amin?”tanong nila kay Rena.
“Syempre hindi, bakit naman ako magbibiro sa inyo”pabiglang sabi ni Rena.
Bigla naman silang napatahimik dahil kay Rena. Naiingit kasi sila dahil doon nakatira si Aries sa bahay ni Rena.
“Rena, bibisita ako sa bahay niyo sa susunod na araw”pabiglang sabi nila kay Rena.
“Kami rin Rena, di ba magkaibigan naman tayo”sabi ng iba pa niyang kaibigan.
“Eh! lahat kayo pupunta sa bahay ko? Bakit naman?”pabiglang tanong ni Rena.
“Gusto lang naming makita si Nog-, yong mga magulang mo”pangiting sagot ng mga kaklase at kaibigan niya.
----------------------------------------------------------------------------------------------------------
Samantala, mag-isa namang umigib ng tubig si Gina sa batis, tanghaling tapat kasi sa oras na iyon tapos abala din ang lahat ng mga kasamahan niya sa bukiran kaya siya lang napag-utusan. Dalawang sisidlan naman ang tubig ang dala-dala niya para mapadali niya ang trabaho niya.
“Si nanay naman oh! Ako lang ang yong napag-utusan, alam mo namang mainit maglakad patungo dito sa batis”reklamo ni Gina sa sarili niya.
Hindi naman alam ni Gina na may nag-aabang pala sa kanya sa batis, mga limang lalaki upang siya’y pagsamantalahan. Matagal nang nag-oobserba ang limang lalaki kay Gina dahil tuwing tanghali kasi ay mag-isa lang itong pumunta ng batis.
“Pare, nandito na yong babae, maghanda na kayo”tugon ng isang lalaki sa mga kasamahan niya.
“Sige, ako na ang bahala”tugon ng isang lalaki habang siya’y lumapit kay Gina.
Nagulat naman si Gina nang may biglang lumapit sa kanya na lalaki. Kaedad niya ang lalaking iyon tapos may kagwapuhan rin iyon.
“Magadang tanghali binibini”bati ng lalaki sa kanya.
“Magandang tanghali din”bati din ni Gina sa lalaki.
“Mukhang nabibigatan ka yata sa dala mo binibini, gusto mo bang tulungan na kita”paginoong sabi ng lalaki sa kanya.
“Huwag na, kaya ko na naman ito”pangiting sagot ni Gina sa lalaki.
Nabigla naman si Gina nang agad hinawakan ng lalaki ang kamay niya tapos kinuha nito ang dala-dala niyang sisidlan ng tubig.
“Binibini, ako nga pala si Doro”pakilala ng lalaki sa kanya. “Ano ba ang pangalan mo”tugon ni Doro kay Gina.
“Gina ang pangalan ko”pangiting sagot ni Gina.
“Gina pwede ba kitang yayain na lumabas”anya ni Doro sa kanya.
“Pasensya ka na Doro, may gagawin pa kasi ako eh! kaya di ko matatanggap ang alok mo”tanggi ni Gina sa kanya.
Agad namang kinuha ni Gina ang sisidlan ng tubig na kinuha ni Doro sa kanya tapos mabilis siyang naglakad para bumalik na siya sa bahay niya kaso agad siyang pinigilan ni Doro tapos tinakpan ng isang panyo ang ilong niya kaya doon na siya dahan-dahang nawawalan ng malay. Ginamitan pala ng pampatulog si Gina ni Doro.
Ang huling nakita ni Gina bago siya nawalan ng malay ay may apat pang mga lalaki ang lumapit sa kanya para siya’y buhatin.
Eksato namang pumunta si Aries sa batis dahil inutusan din siya ni Mihena na umigib ng tubig. Sa tuwing nakakalapit na si Aries sa batis ay lalo naman siyang nag-aalala kay Gina dahil alam kasi niyang inutusan din ito kaso hindi pa ito nakakauwi.
“Bakit hindi pa nakakauwi si Gina?”tanong ni Aries habang nag-aalala na siya kay Gina.
Lalo pang nagulat si Aries nang makita niyang wala rin doon sa batis si Gina kaya lalo siyang nag-aalala. Sa pagmamasid niya sa batis ay doon na niya nakita ang dalawang sisidlan ng tubig na dala-dala noon ni Gina na nakalagay sa mga batuhan.
Narinig naman ni Aries ang ingay ng damuhan kaya mabilis iyong nilapitan ni Aries. Nagulat naman ang limang lalaki nang makita nilang may lumapit sa kanila.
“Hoy sino ka!?”pabiglang tanong nila kay Aries.
Nabigla naman si Aries nang makita nilang pinahiga nila ang walang malay na si Gina sa damuhan. Kaya agad niyang naalala ang nangyari kay Nina noon sa bayan ng Vera. Agad namang nawala sa sarili si Aries dahil naalala niya ang bagay na iyon kaya sa isang iglap lang ay agad niyang pinatumba ang limang lalaki kahit hindi pa nila napapagsamantalahan si Gina.
Makalipas ang sampung minuto ay agad namang nagising si Gina, kaya nagulat siya nang maalala niya ang huling nangyari sa kanya.
“Doro!”pabiglang bigkas niya.
“Gising ka na pala Gina, tara na! kanina pa tayo hinihintay ng mga magulang mo”pabiglang sabi ni Aries na sampung minuto ding naghihintay sa kanya na magising siya.
“Kuya Nogard! Nakita mo ba si Doro? Ang ibig kong sabihin may nakita ka bang lalaki?”pabiglang tanong ni Gina.
“Lalaki? Wala naman bakit?”sagot ni Aries.
“Wala! Wala iyon Kuya Nogard! Tara na”sabi ni Gina habang siya’y may iniisip.
Ang hindi pala alam ni Gina ay pinatay pala ni Aries ang limang lalaking nagsamantala sa kanya. Pinutulan ni Aries ito ng ulo, kamay, paa at maging ang ari nito, tapos itinapon niya ito sa batis para walang makakaalam sa nagawa niya.
Parang wala lang kay Aries ang pagpatay na nagawa niya tapos inilihim niya lang ito kay Gina.
Nang makauwi na sila bahay ni Gina ay pinagalitan naman siya ng nanay niya dahil sa matagal na pag-wi niya.
“Ang tagal mo Gina, kanina pa kami naghihintay sa iyo”reklamo ng nanay niya sa kanya.
“Pasensya na po nay, may ginawa lang po kasi ako doon sa batis”sagot ni Gina.
“Nogard, may naghahanap pala sa iyo kanina”tugon ng nanay ni Gina kay Aries.
“Po? Sino po bang naghahanap sa akin?”tanong ni Aries.
“Yong mga kaibigan at kaklase ni Rena, sabi nila tagahanga daw sila sa iyo, Nogard! Hindi ko alam na sikat ka pala”paliwanag ni Mihena, nanay ni Gina.
“Hindi naman po sa ganoon”tugon ni Aries sa nanay ni Gina.
Samantala, kung abala sa araw na ito sina Aries at Gina ay abala din naman si Tina sa pamamalengke sa kapital. Marami siyang dala-dala ngayon kaya agad siyang napahinto para magpahinga.
“Kung kasama ko lang sana si Nogard ngayon, siguro ay mapapadali na yong pamamalengke ko, ang bigat-bigat pala ng mga dala-dala ko”sabi ni Tina sa sarili niya.
Nang pinagmamasdan niya ang lugar na hinihintuan niya ay agad niyang nakita ang isang larawan na nakapaskil sa poste. Mukhang kilala niya ang mukha na nakaguhit sa larawan.
“Mukhang kilala ko yata tong taong ito”bulong ni Tina sa sarili niya habang nag-iisp siya nang malalim.
May pabuyang nakalagay sa larawan na malaking pera. Pinilit parin niyang iniisip kung sino ba talaga ang nakalagay sa larawan. May pangalan naman itong nakasulat kaso ngayon palang niya narinig ang pangalang iyon.
“Aries? Aries? Mukhang ngayon ko palang narinig ang pangalan na yan, pero natatandaan ko ang mukhang ito, sino kaya ‘tong nagtaksil sa kaharian ng Ylgad”tugon ni Tina habang patuloy niyang pinagmamasdan ang larawan.
Matapos ang ilang minutong pag-iisip niya ay nalaman rin niya sa huli kung sinong tao ang tinutukoy sa larawan.
“Nogard?”pabiglang bigkas niya habang nagulat siya.
BINABASA MO ANG
Myself in Another World (Completed)
خيال (فانتازيا)After Aries Alefen reincarnated from another world, he didn't remember his past life so he tried everything to live until the world treated him unfair. This is the journey of Aries trying to survive by himself... He will be able to defeat the Dragon...