(Vol. 5) Chapter 47: Rena

109 23 4
                                    

Agad namang nakatayo si Tina sa isang di masabing lugar, pamilyar naman ang lugar na iyon sa kanya kaso hindi niya talaga masabi ang eksaktong lokasyon. Maraming mga taong nakaharap sa kanya, alam niyang mga sundalong-kabalyero iyon dahil may mga hawak silang pana. Iba kasi ang kabalyero lang dahil espada ang mga hawak nito. May isa namang tao ang lumapit sa kanya upang sakalin siya.
 
May mga sinabi naman itong salita kaso hindi niya ito naririnig, lalong tumagal ay sinisigawan naman siya nito dahil parang may sinasabi siyang salita na hindi rin niya naririnig. Pilit pa siyang sinasakal kaya dahil doon ay nahihirapan na siyang huminga. Hindi talaga alam ni Tina ang nangyayari, pinapawisan na nga siya at nasasaktan kaya sa isang iglap lang ay agad namang siyang nagising sa malalim na panaginip.
 
Eksaktong madaling araw na nang siya’y magising.
 
“Panaginip lang pala”pabiglang sabi ni Tina sa sarili niya habang tumutulo ang pawis sa mukha niya.
 
Masarap naman ang tulog ng mga kapatid niya na katabi niya sa pagtulog. Lumabas naman siya sa kanilang kwarto upang pumunta sa kusina. Gusto kasi niyang uminom ng tubig para mabawasan ang kaba sa dibdib niya, hindi na kasi mawawala sa isipan niya ang masamang panaginip niya.
 
“Sa dinadaming magandang nangyari kahapon, binangungot pa ako”reklamo ni Tina sa sarili niya habang patuloy niyang iniinom ang isang basong tubig.
 
Mag-isa naman siyang umupo sa upuan  upang ayusin pa ang sarili, di pa kasi mawala ang pawis na tumutulo sa mukha niya at bumibilis parin ang tibok ng dibdib niya. Habang siya’y nakaupo, hindi naman niya namamalayan na may bagay na nagmamasid na pala sa kanya. Tanging sa kusina lang ang may ilaw at sa lahat ng bahagi ng malaking bahay nila ay madilim pa.
 
Naririnig na ni Tina ang mahihinang yapak na napapalapit sa kanya kaya doon na siya nagkamalay na may tao o ibang nilalang pala na nagmamasid sa kanya. Lalo naman siyang kinabahan dahil doon kaya dahan-dahan niyang kinuha ang patalim na nakalagay sa mesa at itinago niya ito sa likuran niya.
 
“Hoy sino ka ba? Magnanakaw ka ba? Multo ka ba? Halimaw ka ba? Kung sino ka man, magpakita ka na sa akin”pahinang tugon ni Tina habang kinakabahan siya.
 
Hindi pa naman nakikita ni Tina ang bagay na nagmamasid sa kanya dahil paikot-ikot ito sa madilim na bahagi ng bahay nila. Minsan ay naririnig niya ang mga yapak na kung saa’y mapapaghandaan niya ang paglapit nito, minsan nama’y hindi na ang iniiwasan niyang mangyari. Matapos ang ilang segundo ng pagyapak nito ay agad namang tumahimik ang paligid na lalo pa niyang ikinatakot.
 
Agad namang may bagay na umakbay sa kanya kaya agad siyang nagulat. Mabilis niyang iginalaw ang kamay niya at inatake niya sa likurang bahagi niya ang patalim. Nang lumingon naman siya ay agad niyang nakita si Aries na ang nagtakot sa kanya. Hindi naman natamaan si Aries sa patalim subalit isang sentimetro nalang ay matutusok na siya.
 
“Ikaw pala yan Nogard! Ang ulol mo! Tinakot mo pa ako!”reklamo ni Tina habang naiinis na siya kay Aries.
 
“Nagpapatawa lang naman ako, kanina ka pa kasi may iniisip diyan sa upuan”paliwanag ni Aries.
 
“Nogard! Hindi na nakakatawa ang ginagawa mo ah!”reklamo ni Tina kay Aries.
 
“Kapag ikaw ang nagpapatawa sa akin ay ayus lang, tapos kung ako naman ay magagalit ka”tugon ni Aries.
 
“Hindi na kasi nakakatawa yong biro mo Nogard! Alam mo ba kung ano ang nararamdaman ko kanina?”pabiglang tanong ni Tina kay Aries.
 
“Malungkot?”pahinang sagot ni Aries na parang nagdadalawang isip siya sa sagot niya.
 
“Nalulungkutan ka kanina sa akin Nogard!? Alam mo bang takot na takot ako! Muntikan na akong himatayin dahil sa iyo, kung may sakit lang ako sa puso ay matagal na akong inatake Nogard!”paliwanag ni Tina na parang nag-iistrikta siya kay Aries.
 
“Pasensya ka na Tina, humihingi na ako sa iyo ng paumanhin”tugon ni Aries.
 
“Chee! Tumahimik ka Nogard!”tugon ni Tina habang umalis ito sa loob ng kusina at pumunta na sa labas para mag-igib ng tubig.
 
Magta-tatlong linggo na simula nang nagtrabaho si Aries sa bukiran ni Tina. Kahit hindi pa siya katagalan roon ay unti-unti naman niyang nababago ang sarili niya, nagagawa narin niyang tumawa na noo’y mahirap niyang gawin dahil sa mga pinagdadaanan niya. Hindi narin nakakawak ng espada si Aries dahil inilaan muna niya ang buhay niya sa pagtratrabaho. Nasasarapan pa nga siya sa buhay na mayroon siya ngayon dahil sa payapa at malayo sa problema.
 
Sa ngayon ay masaya namang nagtatanim si Aries nang mga gulay sa taniman, natatandaan pa kasi niya ang maliit na hardin ni Lolo Andres noon na nasa likuran ng bahay nito na kahit maliit lang ay hindi naman nakakasawang tingnan. Pangiti-ngiti naman si Aries habang hinuhukay niya ang lupa.
 
“Iho, ang galing mo pala sa ganito, bakit hindi ka pa nag-asawa?”pabiglang sabi ng lolo ng magkakapatid kay Aries, magkasama kasi silang nagtatanim ng mga gulay.
 
Nabigla naman si Aries at hindi siya nakapagsalita dahil sa pabiglang sabi ng lolo ng magkakapatid sa kanya. Wala pa nga sa isipan niya ang bumuo ng pamilya sapagkat wala pa siyang nililigawan na babae.
 
“Lolo, wala pa po akong intensyon na bumuo ng pamilya, trabaho lang po muna yong uunahin ko”sagot ni Aries.
 
“Eh!! iho lagi lang naman ang trabaho, ang pamilya kasi iho, yan kasi ang masasandigan mo sa oras ng problema, siya yong karamay mo tapos kung uuwi ka sa bahay mo ay may babati sa iyo, may mag-aalaga sa iyo”paliwanag ng matanda kay Aries.
 
Agad namang napaisip bigla si Aries dahil tama naman lahat ang sinabi ng matanda sa kanya. Totoo namang may mag-aalaga sa kanya kapag mayroon siyang pamilya, may mga anak siyang magbibigay sa kanya ng saya at may asawa siya na mag-aaruga sa kanya. Pero agad naman niyang naisip ang kasalungat sa inisip niya, kung hindi magiging maganda ang takbo ng buhay niya ay anong gagawin niya, hahayaan niya lang ba ang pamilya niya.
 
Hindi pa nga niya nalalaman ang hinaharap sa buhay niya, kung magtatagal pa ba siya sa mundo, maraming tao na kasi ang magtatangka sa buhay niya dahil sa pabuyang patong ng kanyang ulo at kalaban na rin ang turing sa kanya ng sanlibutan.
 
Kahit patuloy na tinutukoy ng matanda ang pagbuo niya ng pamilya ay napapangiti nalang siya habang iniisip ang bagay na sinasabi sa kanya.
 
“Lolo, aayusin ko muna itong buhay ko”tugon ni Aries na ikinabigla ng matanda.
 
“Ano ang ibig mong sabihin iho?”tanong ng matanda sa kanya.
 
“Malalaman din ninyo ang bagay na iyan Lolo”tugon ni Aries habang siya’y umalis para uminom ng tubig.
 
------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Samantala, nang umuwi si Rena galing sa mataas na paraalan ng siyudad ng Rellic ay umiiyak naman ito dahil may nangyari kasi sa eskwelahan niya. Nang ikinuwento niya ang nangyari ay nagulat naman ang mga magulang niya sa kanya, pati na nga sina Tina, Gina at iba pang kasapi ng pamilya niya ay nagulat din.
 
“Rena, nakipag-away ka sa kaklase mong si Joan? Yong anak ng mayaman na si Joseph?”palinaw ng nanay niya sa kanya.
 
“Siya kasi po ang nauna nay! Bigla niya po akong tinulak nang palabas ako ng silid-aralan tapos natumba po ako, tapos naghiganti po ako, hindi naman po siya gaanong nasaktan, sa katunayan po ay masakit pa nga yong natamo ko kaysa sa kanya”paliwanag ni Rena sa nangyari.
 
“Patay tayo diyan Rena, alam mo namang anak mayaman yang si Joan, tapos marami din silang sariling mga kabalyero, sa lahat ng tao sa eskwelahan niyo, siya pa ang nakaharap mo”paliwanag ng tatay niya na nag-aalala na sa posibleng mangyari hindi lang sa anak niya kundi sa buong pamilya niya din.
 
“Nay, Tay, pasensya na po”pahingi ng tawad ni Rena.
 
“Kaya ano na ngayon Rena?”tanong ng nanay niya sa kanya.
 
“Gusto po nilang makipag-usap sa inyo, doon daw po tayo magkita-kita sa harap ng paaralan”pahinang tugon ni Rena na ikinagulat ng mga magulang niya.
 
“Rena, patay ulit tayo diyan, mukhang diyan magtatapos ang pag-aaral mo, mas mabuting tumigil ka nalang sa pagpunta sa paaralan mo, hindi natin sila kayang harapin Rena, kahit magmamakiusap pa tayo ay hindi parin tayo bibigyan ng pangalawang pagkakataon”paliwanag ng tatay niya na natatakot.
 
“Tay gusto ko pa pong mag-aral, gusto ko pong magsanay pa nang magsanay para matupad po ang pinapangarap ko”tugon ni Rena.
 
Agad namang nagtinginan ang mga magulang niya na may kasamang pangangamba. Mataas kasi ang pangarap ni Rena tapos ayaw rin nilang mapahamak ang anak nila.
 
“Sige Rena, sasamahan kita bukas sa paaralan mo, gagawan natin ng paraan para magkaayus kayo ng Jona na iyan”lakas na loob na sinabi ng tatay niya sa kanya.
 
“Salamat po”pasalamat ni Rena sa mga magulang niya.
 
Kalaunan, kasama namang pumunta ni Rena ang tatay niya kasama narin ang nakatakip na mukha na si Aries sa paaralan. Si Aries kasi ang magbabantay sa kanila kapag may nangyaring masama.
 
“Nogard! Sigurado ka ba na sasama ka sa amin? Alam mo namang malupit yong mga kabalyero ni Joseph”palinaw ng tatay ni Rena kay Aries.
 
“Ayus lang po ako”sagot ni Aries.
 
“Tapos Nogard! Bakit ayaw mo talagang ipakita ang mukha mo sa mga tao? Mahihiya ka ba?”tanong ulit ng tatay ni Rena sa kanya.
 
“Sabihin nalang po natin na ganoon na nga”sagot ni Aries.
 
Matapos ang ilang minutong paglalakad nila ay nakarating narin sila sa mataas na paaralan sa siyudad ng Rellic. Malaki at magara ang paaralang ito at halos magkasintaas na ito ng Academy sa bayan ng Vera kung ihahambing ni Aries.
 
Nang pumasok sila sa paaralan ay tumambad sa kanila ang dalawangpu na mga kabalyero na nakalinya paharap sa kanila. Naroon din si Joan kasama ang mayaman na tatay niya na walang iba kundi si Joseph.
 
Di naman mawala ang kaba ng tatay ni Rena nang makita niya ang mga kabalyero na umaaligid sa kanya. Hindi rin mawala ang tingin ni Rena sa mga estudyanteng nakatitig sa kanila na nagmula sa iba’t-ibang palapag ng kanilang paaralan.
 
“Pagbabayaran mo ang ginawa mo Rena!”sigaw ng mga estudyante sa kanya.
 
Pati mga kaklase niya ay pinagtutulugan din siya sa pag-iinsulto.
 
Samantala, agad namang nag-usap ang tatay ni Rena kay Joseph na tatay ni Joan. Kahit kinakabahan siya sa kanyang sasabihin ay ginawa parin niya ang lahat para makapagsalita.
 
“Pasensya na po sa nagawa ng anak ko kay Joan, ako na po ang humihingi ng paumanhin sa inyo”pahingi ng tawad ng tatay ni Rena kay Joseph.
 
“Sa tingin mo ba ay matatanggap lang ba namin yang paumanhin mo? Tingnan mo ang nangyari sa anak ko, nasugatan siya sa kanyang tuhod!”pagalit na paliwanag ni Joseph sa kanya.
 
“Pasensya na po talaga”patuloy na pahingi niya ng tawad kay Joseph.
 
“Nakikinig ka ba? O bingi ka lang!? di ba sinabi ko sa iyo ay matatanggap pa ba namin yong paumanhin mo?”pasigaw ni Joseph.
 
Narinig naman ng lahat ang sigaw ni Joseph, pero sa kabila nang pagsisigaw nito ay hindi naman lumapit ang mga guro sa paaralan dahil natatakot na din sila na baka madamay pa sila sa away ng dalawang magkapamilya. Nagtutulakan pa nga sila para lapitan ang pag-aaway ng makagpamilya kaso wala parin silang lakas na loob na pigilan ang pag-aaway.
 
Samantala, kahit ilang beses nang humihingi ng tawad ang tatay ni Rena ay hindi parin siya pinapatawad ni Joseph. Humantong pa nga na naiirita na siya sa ugali ni Joseph sa kanya.
 
“Sa katunayan lang po ay yong anak niyo po ang nagsimula ng gulo, naghiganti lang naman yong anak ko”lakas na loob na sinabi ng tatay ni Rena kina Joseph at Joan.
 
“Huh! Sinasabi mo bang kasalanan pa ng anak ko? Yan ang ba ang gusto mong ipakita?”tanong ni Joseph sa kanya.
 
Natakot na ng todo si Rena dahil mukhang aabot na sa kaguluhan ang pag-uusap ng tatay niya sa tatay ni Joan. Kahit na nga yong tatay niya ay natatakot na din sa posibleng mangyari kaso nagpatatag lang siya. Wala namang reaksyon si Aries na nagmamasid lang sa pag-aaway ng dalawang ama.
 
Hindi naman natigil ang kanilang pag-uusap hanggang sa naghamon na si Joseph sa tatay ni Rena sa isang labanan.
 
“Sige maglaban tayo! yong mga bantay niyo laban sa mga bantay ko rin, kung magawa niyong manalo sa labanan ay bibigyan ko kayo ng pagkakataon na mag-aral ang anak niyo rito sa paaralang ito at kapag hindi naman ay kailanma’y hindi na babalik ang anak niyo rito”kondisyon ni Joseph.
 
Nagulat naman si Rena lalo na ang tatay niya sa kondisyon ni Joseph sa kanila. Alam naman na wala silang mga sariling kabalyero tapos hindi rin sila sanay na humawak ng espada kaya kung tatanggapin nila ang hamon ay masasabing talo na sila kahit hindi pa nagsisimula ang laban. Wala naman silang naisip na ibang paraan kundi ang tanggapin nalang ang hamon kaso hindi sumang-ayon ang tatay ni Rena.
 
“Pasensya ka na Rena, kailangan kong gawin ito”pahinang tugon ng tatay niya sa kanya. “Hindi na po babalik ang anak ko sa paaralang ito, kailanman”desisyon ng tatay niya kay Joseph.
 
Napaluha nalang si Rena sa naging desisyon ng tatay niya tapos pinagtatawanan din ng mga estudyante kasama na ang mga kaklase ni Rena ang tatay niya dahil sa naging duwag ito sa hamon.
 
“Rena, may mga bagay talaga na kailangan mong isakripisyo para sa ikakabuti ng pamilya o nang sarili mo, kaya Rena pasensya ka na, ipag-aaral nalang kita sa ibang paaralan”pahinang tugon ng ama niya sa kanya.
 
“Tay, gusto ko pong mag-aral dito”paiyak na sabi ni Rena.
 
“Rena, tara na aalis na tayo”tugon ng ama niya sa kanya.
 
Agad namang tinanggap ni Rena ang sinabi ng kanyang tatay na kailanma’y hindi na siya makakapag-aral sa paaralang iyon, madami pa namang siyang mga kaibigan doon subalit kailangan na niyang kalimutan iyon dahil sa desisyon ng kanyang tatay.
 
Palabas na sana sina Rena, ang tatay niya at si Aries nang biglang lumapit si Joan sa likuran ni Rena upang itulak ito kaso nagulat nalang si Joan nang pinigilan siya ni Aries na nakatakip ang mukha.
 
“Hoy! Sino ka ba para pigilan ako?”patanong ni Joan kay Aries.
 
“Di ba ikaw ang unang tumulak kay Rena, kaya wala ka ng karapatan pa na itulak siya”paalala ni Aries kay Joan.
 
Nagalit naman si Joseph dahil sa naging ugali ni Aries kaya agad niya itong pinagsabihan.
 
“Hoy bata, sino ka ba para pigilan ang anak ko, ang inutil mo ah!”pabiglang sabi ni Joseph kay Aries.
 
Napahinto naman sa paglalakad sina Rena at ang tatay niya nang uminit ang tensyon nina Aries at Joseph. Kahit ilang ulit nilang binulongan si Aries na umuwi na ay hindi parin siya nakinig.
 
“Nogard! Umuwi na tayo! Mapapahamak ka lang sa ginagawa mo”bulong ng tatay ni Rena sa kanya.
 
Hindi naman pinakinggan ni Aries ang bulong ng tatay ni Rena sa kanya, pagkatapos siya pa nagtaggap san hamon ni Joseph sa kanila.
 
“Gusto kong tanggapin ang hamon mo, sino ba ang gusto mong ipanlaban mo?”tanong ni Aries kay Joseph habang hinahamon ito.
 
Napatawa naman ng malakas si Joseph dahil sa matapang na sinabi nito.
 
“Batang nakatakip ang mukha! Nababaliw ka na? hindi mo ba alam na ang lahat ng mga kabalyero ko ang lalaban, akala mo lang siguro na isang kabalyero lang ang ilalaban ko, ano ako bobo!”patawa ni Joseph kay Aries.
 
“Kung lahat naman ng mga kabalyero mo ang ilalaban mo, sige simulan na natin, kapag nanalo kami sa laban ay mag-aaral dito si Rena”pabiglang tugon ni Aries.
 
Agad nagulat ang lahat sa pabiglang desisyon ni Aries pati na nga si Joseph na siyang tumanggap sa hamon ni Aries, tapos nagulat din ang tatay ni Rena dahil tapang at delikadong desisyon ni Aries.
 
“Nogard! Ano ka ba? Alam mo namang wala tayong sariling mga kabalyero”pabulong na reklamo ng tatay ni Rena sa kanya.
 
“Ako na po ang bahala”tugon ni Aries sa kanya habang binunot niya ang sandata niya na walang iba kundi ang isang patalim.
 

“Eh! isang patalim, nababaliw na ba ang taong iyan”tugon ng mga estudyante habang nakatitig sila kay Aries na nakatakip ang mukha.

Myself in Another World (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon