Nakatayo si Saidon habang pabaliw siyang nakaharap kay Aries, mamatay tao kasi si Saidon kahit isa pa siyang bata, dahil sa kanyang kakayahang humawak ng dalawang espada at mga malalakas na mga mahika ay madali niyang napapatay ang mga taong puntirya niya lalo na ang mga mayayaman at may matataas na antas. Sa kasalukuya'y inutusan siya ni Judan na atakehin ang bayan ang Ylgad upang kunin ang kayamanan ng kaharian.
Hindi pa naman pumupasok o nagpapakita si Judan kasama ang dalawangdaan na kasamahan niya, alam kasi nila na may magbabantay sa harap ng gate kaya hindi agad sila nagpadalos-dalos. Tanging si Saidon lang ang kanilang pinapunta sa harap ng gate upang linisin ang mga nagbabantay.
"Judan, kahit mga 12 Royal Knights siguro ng kaharian ay hindi magawang pigilan si Saido, mistulang demonyo na kasi si Saidon kapag nakipaglaban siya"tugon ng mga kasamahan ni Judan.
"Kung si Saidon lang ang pag-uusapan natin, wala nang makakatapat sa kanya sa mundong ito, tapos ang isang bagay lang na di ko gusto sa batang iyon ay dahil kaibigan niya ang turing niya sa mga dragon"tugon ni Judan.
"Kaya nga masasabi nating delikado siya Judan"alala ng kasamahan niya.
Samantala, binunut naman ni Saidon ang dalawa niyang espada dahil nakita niyang tumayo si Aries sabay nakatingin sa kanya.
Hindi pa nga nahahablot ni Aries ang espada niya sapagkat mabilis nang umatake sa kanya si Saidon na sa sobrang bilis ay para na siyang isang hangin na di na makikita. Nagulat naman si Aries nang inihampas ni Saidon ang kanang espada nito, pero nagawa naman itong pigilan ni Aries gamit ang kaliwa niyang kamay.
Pero hindi pa nagtatapos ang pag-atake ni Saidon dahil may espada pa siya sa kanyang kaliwang kamay. Kaso napigilan ulit ni Aries gamit ang kanang kamay niya sa ginawa pag-atake ni Saidon sa pangalawa nitong espada. Kaya pareho nang napigilan ni Aries ang dalawang espada ni Saidon.
Habang hawak-hawak ni Aries ang dalawang espada ni Saidon ay nagulat ulit siya nang makita niyang may namumuong mahika na nagmula sa mukha ni Saidon. Hindi ito ordinaryong mahika na mahihina pero sa nakikita ni Aries ay malaki ang magiging pinsala niya kapag natamaan siya nito, may posibilidad pa ngang mapatay siya kaya agad niyang binitawan ang espada ni Saidon upang mailagan niya ito.
Kung tagumpay mang nailagan ni Aries ang malakas na mahika ni Saidon ay hindi naman niya nailagan ang pagsaksak ni Saidon sa kaliwa niyang kamay. Hindi naman nakaramdam ng sakit si Aries sapagkat nasanay na siya kaya ang ginawa nalang niya ay naghiganti siya sa pag-atake dahil nasa kanang kamay niya ang espada niya.
Papa-atake na sana si Aries kaso bigla siyang naunahan ni Saidon na mas mabilis pa sa kanya. Nasaksak din ang kanang kamay ni Aries kaya agad niyang nabitawan ang espada niya. Wala nang natitirang paraan si Aries para labanan si Saidon dahil wala naman siyang mahika kaya nakatulala nalang siya habang dahan-dahang napapa-atras.
"Patay ka na!"pabaliw na bigkas ni Saidon habang ay tumutulo ang dugo sa espada niya.
"Hindi mo ako mapapatay!"sabi ni Aries habang nakatingin siya kay Saidon.
"KAYA KITANG PATAYIN!"sigaw ni Saidon na sobrang galit ay inatake niya ulit si Aries.
Sa isang iglap lang ay biglang nakislapan ni Aries si Saidon na nakalapit na pala sa kanya. Hindi na magawang ilagan ni Aries ang dalawang espada ni Saidon kaya ginamit niya ang bilis upang bawasan ang puntirya ni Saidon sa kanya. Sa dibdib kasi ni Aries ang puntirya ni Saidon kaya ginawa ni Aries ang lahat upang hindi ito matamaan.
Hindi naman nagtagumpay si Saidon na tamaan ang dibdib ni Aries subalit sa kaliwa namang niyang kamay natusok ang espada ni Saidon na sa sobrang lakas ng pagtusok ay agad napasigaw si Aries dahil sa sobrang sakit.
"AH!!!!"paiyak na sigaw ni Aries.
Dahan-dahan namang lumalapit si Saidon kay Aries na umiiyak sa sigaw. Ngumingiti naman si Saidon na parang isang demonyo habang pinapakinggan niya ang sigaw ni Aries.
"Patay ka na!"bigkas ulit ni Saidon habang itunusok niya sa ang pangalawa niyang espada sa tiyan ni Aries.
Dahil sa pagtusok ng espada ni Saidon sa tiyan na ay hindi na siya sumisigaw subalit napapasuka na siya ng mga dugo. Pagkatapos napatahimik si Aries ay agad pumunta si Saidon upang pagsabihan si Judan na nilinis na niya ang harap ng gate.
"Judan, nalinis ko na ang harap ng gate, pwede na kayong pumasok"pawalang emosyon ni Saidon.
"Mabuti naman Saidon, Saidon dito ka lang sa labas, kung may dumating man kalaban ay pigilan mo sila o kung pwede patayin mo sila"bilin ni Judan.
"Sige Judan ako na ang bahala"sagot ni Saidon.
"Sige, tara na! pasukin na natin ang bayan, halughugin niyo ang mga bahay tapos hanapin niyo ang mga kayamanan nila!"sigaw na utos ni Judan.
"Masusunod po Judan!"sagot ng mga kasamahan niya.
Samantala, matapos ang ilang minutong pakikinig ni Knight Mash sa labas ng harap ng gate ay ngayon nalaman na niya kung sino ang utak ng pag-atake.
"Knight Judan! Walang hiya ka talaga"galit na sinabi ni Knight Mash sa sarili niya nang malaman niyang si Judan ang utak ng pag-atake.
Dati namang Royal Knights si Judan magdadalawang taon na ang lumipas kaso ilang buwan lang ang pananatili niya doon dahil lagi kasing nagnanakaw ng kayamanan si Judan kahit sakto ang bayad na binibigay sa kanya ng hari. Noong una'y mabuti pa ang pasasama ni Judan sa kaharian kaso agad rin siyang pinalayas nang malaman nila ang tunay na kulay nito, isang sakim sa pera.
Sa kasalukuya'y naglalakad si Judan patungo sa kaharian upang pangunahan ang pagnanakaw at pag-atake, kasama niya ang dalawangpung mga bandido rin. Pero ang paghihimasok nila sa kaharian ay hindi naging madali dahil nag-aabang na kasi sa kanila si Knight Mash sa gate ng kaharian na may hawak-hawak nang espada.
"Mash, kumusta ka matagal na tayong di nagkita ah! Mabuti na ba ang pamumuhay mo rito sa sakim na bayang ito!"bati ni Judan kay Mash na may halong pang-iinsulto.
"Judan, ikaw nga yong sakim dito! hindi ang bayang ito!"sigaw ni Mash habang sinagot niya ang pang-iinsulto ni Judan.
Agad namang napatawa nang malakas si Judan sa pang-iinsultong sinabi sa kanya ni Knight Mash.
"Patumbahin niyo ang kabalyerong iyan!"utos ni Judan sa dalawangpung bandido na kasamahan niya habang itinuro si Mash.
Hindi naman nag-alinlangan si Mash na atakehin ang dalawangpung bandido na umatake din sa kanya. Habang hinahampas ni Mash ang espada niya ay nakakatama siya nang dalawang bandido pero hindi nawawala sa kanyang istelo ang pag-iilag na kung saa'y isa sa mga kalakasan niya. Mabilis ang mga paa't kamay ni Knight Mash at lalo namang mabilis ang kanyang mga mata para na nga niyang malalaman ang galaw ng mga kalaban niya.
Sa tuwing tinititgan ni Knight Mash ang mga bandido ay malalaman na niya ang susunod nitong mga pag-atake kaya sa dalawang minuto lang ay nagawa na niyang mapatumba ang dalawangpung bandido na umatake sa kanya.
Agad namang pumalakpak si Judan dahil sa ipinakitang galing ni Mash sa pakikipaglaban.
"Wala ka paring pinagbago Mash, ang galing mo parin!"bati ni Judan habang nasisiyahan kay Mash.
"Judan, tinalo ko na ang mga kasamahan ko! Kaya ikaw naman ang isusunod ko!"sigaw ni Mash habang ay espada niya'y nakatutuk kay Judan.
Nagsidatingan naman ang tatlungpong mga bandido na pumunta sa tabi ni Judan na ikinabigla ni Mash.
"Mash, isang batalyon ang pinadala kong bandido rito sa bayan niyo kaya humanda ka dahil mapapasa-amin rin naman ang kayamanan ng kaharian"bigkas ni Judan.
Nainis naman si Mash dahil mukhang mahihirapan siyang pigilan ang susunod na grupong aatake sa kanya, napapagod na kasi siya tapos nakikita narin niya ang ilang mga bandido na pumapasok pa sa bayan nila.
"Judan, gusto mo talaga kaming pabagsakin"painis na sabi ni Mash.
Napahalakhak naman si Judan na parang isang demonyo.
"Buti't alam mo Mash, yan kasi ang plano namin kundi nakawin ang kayamanan ng kaharian tapos pababagsakin rin namin ito"tugon ni Judan.
Matapos ang ilang minutong pagtatayo ni Knight Mash ay agad nang umatake sa kanya ang tatlongpung mga bandido. Sa pagkakataong ito, hindi na espada ang nakakaharap niya kundi mga mahika na. Mga nagbabagang apoy ang isa sa mga pinakamahirap pigilan ni Knight Mash dahil hindi lang sarili niya ang protektahan niya kundi ang buong kaharian din.
"Sinusubukan mo talaga ako Judan!"sigaw ni Knight Mash habang ang hinahati niya ang lahat ng mga mahikang apoy.
Nagagawa naman niyang mahati ang mga apoy na mahika kaso ang iba nama'y napupunta sa kanyang sarili at ang iba din ay nakakalusot sa kaharian. Tatlong minutong tiniis ni Mash ang pagsasakripisyo niya hanggang sa umatake na ng espada ang tatlungpung mga bandido sa kanya.
Humihingal na si Knight Mash habang pinagmamasdan niya ang mga bandidong lumalapit sa kanya upang siya'y atakehin.
"Di ko alam kong mabubuhay pa ako"pangiting bulong ni Mash habang sinusubukan niyang ilagan ang pag-atake ng tatlongpung mga bandido.
Napapatalon o napapalundag, napapadapa minsan, napapaluhod, napapa-atras mapakanan man o mapakaliwa, lahat ay ginagawa ni Mash upang mailagan lang niya ang lahat ng mga pag-atake ng mga bandido. Sinusubukan naman niyang umatake kahit hindi na kalakasan, sa kabila nang mahina niyang pag-atake ay nagagawa naman niyang makapagpatumba ng iilang bandido.
Naiinis na nga si Judan sa tuwing nakakapagpatumba ng iilang mga kasama niya si Mash.
"Tsk!"reaksyon ni Judan habang siya'y nagagalit na ng todo kay Mash.
Kung makikita man ni Judan na mukhang madali lang kay Mash ang lahat, pero para kay Mash ay nahihirapan na talaga siya ng todo, lumuluha na nga siya ng dugo dahil sa pinilit parin niya ang kanyang sarili kahit na nasa limitasyon na ang kanyang kakayahan.
Atake siya nang atake, umilag siya ng umilag, halos hindi na nga tumitibok ang kanyang puso pero pinilit lang niya ang kanyang sarili. Sa isang iglap lang, napatingin nalang siya kay Judan habang ang tatlungpung mga bandido ay natumba na.
Napapahingal siya habang seryusong tinititigan si Judan.
"Judan, kaya ko kayong patumbahin kahit ilan pa kayo!"sigaw ni Mash habang siya'y napaluhod sa lupa dahil sa natamo niyang pinsala sa pakikipaglaban niya.
"Mash, limangpu palang ang napatumba mo, pero hindi mo alam! dalawangdaan ang mga kasamahan ko kaya may isangdaan at limangpu pa akong natitirang kasamahan!"sigaw ni Judan habang tumatawa ng malakas.
Ngayon si Mash na ang nagagalit dahil hindi pa nagtatapos ang pag-atake ni Judan sa kaharian at hindi na rin kaya ni Mash na gumalaw kaya agad siyang napatumba sa sahig.
------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Ngayon, pareho nang napatumba ng grupo ni Judan sina Aries at Knight Mash na dalawa sa natitirang gising sa bayan ng Ylgad. Samantala, habang naglalakad sina Harold, Ivan, Andrei, Adrian at Marissa papunta sa kaharian ay nagulat nalang sila nang makita nila ang sampung mga bandido na kakalabas palang galing sa isang bahay.
"Kuya Harold! mga bandido!"sigaw ni Marissa habang itinuro ang sampung mga bandido.
Narinig naman ng sampung bandido ang sigaw ni Marissa kaya nabaling ang tingin sa kanila. Habang hawak-hawak ng mga bandido ang espada't supot ng mga kayamanan ay dahan-dahan silang pinalilibutan.
"Pare, mga dugong bughaw yata ang mga batang ito!"tugon ng isang bandido.
"Yan rin ang hinala ko pare! Mabuting kukunin natin sila para ibenta sa merkado"plano ng isang bandido.
"Mabuti na nga pare, mas malaki pa ang halaga nila kaysa sa ninakaw natin dito"tugon ng isang bandido.
Habang pinaplanuhan na sila ng mga bandido ay hindi parin sila natakot lalo na sina Harold at Ivan na matatanda sa kanilang magpinsan.
"Subukan niyong hawakan ang mga pinsan ko, kundi-"tugon ni Ivan sa sampung bandido.
"Kundi? Kundi ano? Lalabanan mo kami?"tanong nila kay Ivan. "Hoy bata! Alam kong hindi pa kayo marunong ng espada kaya mas mabuting sumuko nalang kayo para hindi na kayo mapapahamak pa!"tugon nila kay Ivan.
"Subukan niyo! Kundi ako ang papatay sa inyo"tugon ni Ivan habang ang mga mata niya'y walang emosyong nakatitig sa mga bandido.
Nararamdaman din ni Harold ang lakas ni Ivan dahil naramdaman din niya ito nang maglaban sila sa patimpalak.
"Ibang-iba na talaga si Ivan ngayon, kahit bunso ko lang siya ng isang taon ay masasabi ko ng malaki ang agwat naming dalawa sa isa't-isa"bulong ni Harold habang pinagmamasdan niya ang mga patay na mata ni Ivan.
Pagkatapos, ipinikit naman ni Ivan ang mga mata niya nang bigla silang inatake ng sampung bandido. Ginawa iyon ni Ivan para mapalabas niya ang kanyang tinatagong kakayahan.
BINABASA MO ANG
Myself in Another World (Completed)
FantasyAfter Aries Alefen reincarnated from another world, he didn't remember his past life so he tried everything to live until the world treated him unfair. This is the journey of Aries trying to survive by himself... He will be able to defeat the Dragon...