Sa isang di malamang panahon at lugar, umungol ang isang malaki at malakas na dragon sa isang bayan. Nag-iiyakan na ang mga bata, natatakot na ang kanilang mga ina habang kinakabahan na ang kanilang mga ama. Nakatayo naman si Lolo Andres habang pinagmamasdan ang malaking dragon na umaatake sa barrier.
Napatingin siya sa mga tao sapagkat nahihirapan na ang mga ito...
Binunut niya ang kanyang espada habang dahan-dahan siyang lumabas sa barrier kaya biglang napasigaw si Aries..
"Lolo Andres!! Delikado po diyan!"
Agad namang itinaas ni Lolo Andres ang kanyang mga kamay na nagsasabing kaya niyang mapatay ng mag-isa ang dragon. Marami ang namangha sa ipinakitang kabayanihan ni Lolo Andres kaya nang umatake ang dragon sa kanya, wala niyang takot na hinarap ito.
Sa kanyang pakikipaglaban sa dragon...
Sa kasawiang palad, nadisgrasya si Lolo Andres...
Napatapon siya sa loob ng bayan kaya hindi na siya magawang maatake ng dragon. Umiiyak naman si Aries habang niyayakap niya ang nag-aagaw buhay na si Lolo Andres, hindi mawala ang sigaw niya at pilit niyang binigkas ang pangalan ni Lolo Andres...
"Lolo Andres! Lolo Andres! nandito lang po ako, wag po kayong mamatay! Di ba po ang lakas niyo! wala na ngang halos nakakatalo sa inyo tapos mawawala lang kayo ng ganoon-ganoong lang, diba may pangako po kayo na lalabanan niyo po ako ulit, paano ko po kayo matatalo kapag namatay na po kayo"sabi ni Aries habang umiiyak na pinaalahanan si Lolo Andres.
Wala namang naisagot si Lolo Andres subalit iginalaw niya ang isa niyang kamay at dahan-dahan niyang inihawak sa mukha ni Aries..
Pilit niyang hinahawakan ang mukha ni Aries hanggang sa nagising siya sa malalim niyang panaginip, hingal na hingal siya at pinapawisan kaya na nong gumising niya ay nagising rin si Aries. Kaya tinanong niya si Lolo Andres...
"Lolo Andres, may problema po ba? Bakit para kayong nakakita ng isang multo?"
"May napanaginipan lang akong kakaiba Aries, sige matulog ka na ulit, mahaba pa yong gabi"paalala ni Lolo Andres.
Hindi naman nawala ang pagmamasid ni Aries kay Lolo Andres dahil paminsan-minsan nga lang niyang nakikitang nagkakaganoon si Lolo Andres. Alam naman ni Aries na may pinagdadaanan talaga si Lolo Andres kaya hindi na siya nag-alinlangang tanungin ulit ito..
"Lolo Andres, alam ko pong may napanaginipan kayong masama, pwede niyo po bang isabi niyo sa akin"pakiusap ni Aries.
"Aries, kalimutan mo nalang iyon, di naman yon mahalaga"tanggi ni Lolo Andres sa kanya.
"Sige napo Lolo Andres, para malaman ko po din kung ano yong napanaginipan niyo, di po ako tatahimik kapag di niyo sinabi sa akin"sabi ni Aries habang kinukulit si Lolo Andres.
"Oo sige na Aries, sasabihin ko na sa iyo..."sabi ni Lolo Andres.
Nang sinabi ni Lolo Andres ang masamang panaginip niya kay Aries, hindi naman napigilan ni Aries ang tumawa dahil sa birong panaginip ni Lolo Andres...
"Lolo Andres, mapapatay po kayo ng dragon? Imposible po ang sinasabi niyo, ang lakas niyo nga po eh! Tapos sa tagal niyo na pong naninirahan sa mundo, ngayon pa po kayo madidisgrasya ng dragon, mas mabuti nalang pong hindi ko nalang kayo pinakausapan pa sa panaginip niyo, natatawa po ako sa inyo Lolo Andres"paliwanag ni Aries habang patuloy na tumatawa.
"Aries, kailanma'y hindi magkakatotoo ang panaginip, kaya wag mo namang seryusuhin ang sinasabi ko sa iyo"paalala ni Lolo Andres.
"Pasensya na po, di ko po kasi mapigilan ang tumawa"sabi ni Aries.
BINABASA MO ANG
Myself in Another World (Completed)
FantasyAfter Aries Alefen reincarnated from another world, he didn't remember his past life so he tried everything to live until the world treated him unfair. This is the journey of Aries trying to survive by himself... He will be able to defeat the Dragon...