**PAALALA: ANG MABABASANG KABANATA AY MAY HINDI ANGKOP NA PARTE KAYA PINAAALAHANAN ANG LAHAT NG MAMBABASA**
Nagbago naman si Aries simula ng mapatay si Lolo Andres nang malaking dragon dahil sa pagsakripisyo nito para mailigtas ang bayan ng Rulid. Pinagmamasdan naman ni Aries ang libing ni Lolo Andres na nakalagay sa hardin ng bakuran ng bahay nito tapos agad niyang itinusok sa lupa ang espada ni Lolo Andres na nagsisilbing ala-ala sa lahat ng mga nangyari.
"Lolo Andres, hindi-hindi ko po kayo bibiguin"pahinang sabi ni Aries.
Hindi naman nagtagal si Aries sa bayan ng Egalliv dahil mayroon pa siyang gagawin sa kanyang buhay, ang maglakbay patungo sa bayan ng Vera kung saan naroon ang pinakatanyag at malaking eskwelahan, ang Academy.
"Ipapakita ko sa inyo ang kakayahan ko Lolo Andres"sabi ni Aries habang mag-isang nilakbay ang daan patungo sa bayan ng Vera.
Sobrang init ng panahon, maraming umaaligid na mga delikadong hayop tulad ng mga gutom na lobo, ligaw na uso at iba pang delikadong hayop, kahit naging delikado ang lagay ni Aries, hindi parin siya natakot at patuloy lang siya sa paglalakad, kahit alam din ni Aries na wala siya sa loob ng barrier, hindi parin niya pinapansin ang kapaligiran lalo na ang himpapawid na baka may biglang umatakeng dragon sa kanya.
Sa kanyang paglalakad, hindi naman napigilan ng tatlong lobo na lumabas sa kanilang lungga dahil gusto nilang makain si Aries, nilalabas nito ang mga matatalis na pangil habang tumutulo ang laway dahil sa gutom. Dahan-dahan namang pinapalibutan si Aries ng tatlong lobo pero hindi parin iyon pinapansin ni Aries at nagpatuloy lang siya sa paglalakad.
Habang papalapit si Aries sa isang galit na lobo, bigla siyang inatake nito pero nagawa namang mabunot ni Aries nang mabilis ang espada niya kaya nahiwa niya sa dalawang parte ang isang lobo. Pagkatapos napatay ni Aries ang lobo, nagpatuloy lang siya sa paglalakad kahit may dalawa pang lobo na nasa likuran at gilid niya,
Bigla namang tumakbo ang nasa likurang lobo sa kanya sapagkat naramdaman niya ang pagpapalapit nito kaya nailagan niya ang pagkagat nito sa kanya, dumudugo naman ang mukha ng lobo habang napapaunggol sa sobrang sakit dahil itinusok ni Aries ang daliri niya sa mata ng lobo. Nanginginig naman sa takot ang isa pang lobo habang pinagmamasdan nito ang kasama niyang lobo na pinapahirapan nang pinapahirapan ni Aries, lalo pang nilaliman ni Aries ang pagtusok ng daliri niya sa mata ng lobo hanggang sa nakaabot siya sa utak ng lobo.
Pinisil-pisil pa ni Aries ang utak ng lobo hanggang sa dinurog niya ito ng daliri na ikinaresulta ng pagkamatay ng lobo. Kahit natatakot pa ang isang natitirang lobo, hindi parin siya nagpatinag kay Aries kaya inatake niya ito nang mabilis na mabilis na halos hindi na makita ni Aries, akala ng lobo na maiisahan na niya si Aries sapagkat inihampas lang ni Aries ang espada niya nang limang beses na pagkaresulta ulit ng pagputol sa apat na paa ng lobo at sa ulo nito. Matapos mapatay ni Aries ang tatlong lobo, nagpatuloy lang siya sa paglalakad na parang wala lang nangyari.
Hindi pinansin ni Aries ang init ng panahon kahit nanghihina, napapagod, nagugutom at nauuhaw na siya. Malayo pa ang lalakbayin ni Aries kaya hindi siya sigurado kung makaabot siya ng ilang araw sa bayan ng Vera. Sa kanyang paglalakad, dahan-dahan siyang nakaramdam ng hilo kaya hindi niya namalayan na natumba na pala siya tapos dahan-dahang umiikot ang kanyang paningin hanggang sa nawalan na siya ng malay sa gitna ng daan.
Ang huling naalala lang niya ay may isang karwaheng huminto sa kanya..
Makalipas ang dalawang oras, dahan-dahan namang nagkamalay si Aries kaya habang siya pa'y nakahiga sa isang malambot na higaan, nagulat nalang siya nang naramdaman niya na parang tumatakbo ang kanyang hinihigaan, kaya nang gumising siya nakita niya ang mga pagkain, damit at mga sandata na nakalagay sa tabi niya. Ngayon palang niya nalaman na nasa loob pala siya ng isang karwahe. Agad siyang pumunta sa harap ng karwahe upang tingnan kung sino ang tumulong sa kanya, kaya nakita niya ang isang lalaki na hindi niya kilala.
BINABASA MO ANG
Myself in Another World (Completed)
FantasíaAfter Aries Alefen reincarnated from another world, he didn't remember his past life so he tried everything to live until the world treated him unfair. This is the journey of Aries trying to survive by himself... He will be able to defeat the Dragon...