Isang buwan ang lumipas, hindi parin nalalaman ni Aries ang tatlo pang mga Royal Knights. Patuloy parin niyang hinahanap ang tatlo pang Royal Knights na magta-traydor sa kaharian.
Sa ngayon kasama ulit siya sa gagawing paglalakbay patungo sa bayan ng Hyon para kunin si Duke Alleba kasama ang buong pamilya niya. Tatlong araw na kasing inatake ng limang dragon ang bayan nila kaya nag-aalala na sila sapagkat anumang oras ay pwede nang masira ang mga barrier nila.
“Nagpadala nang sulat ang isa sa mga kadugo ko na si Duke Alleba, sa ngayon dahan-dahan nang nasisira ang barrier nila sa bayan ng Hyon kaya ang magiging misyon niyo ngayon ay dapat makuha niyo si Duke Alleba kasama ang mga pamilya niya tapos maidala niyo sila rito ng ligtas”paliwanag ng hari kina Aries, Knight Raphael, Mash at apat pang mga Royal Knights.
“Masusunod po mahal na hari”tugon nilang pito kasama na doon si Aries na sumang-ayon sa utos ng hari.
“Ang magiging pinuno ng paglalakbay niyo ngayon ay walang iba kundi si Knight Teru dapat susundin niyo ang lahat ng mga pinagsasabi niya”bilin sa kanila ng hari.
“Opo mahal na hari”sagot nilang lahat maliban lang kay Knight Teru na siyang pinuno ng paglalakbay.
Pinangungunahan naman ni Knight Teru ang paglalakbay samantalang kasama niya sina Knight Raphael, Mash, Zas, Seryu, Harry at Aries. Kaya ngayon, nagsimula na silang maglakbay patungo sa bayan ng Hyon.
------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Maingay, magulo kung ihahambing mo ang nangyayari ngayon sa bayan ng Hyon. Ang dating tahimik at masiglang bayan noon, ngayon ay magulo na. Nag-iiyakan na ang mga bata dahil sa hindi nila maiintindihan ang nangyayari. Kahit walo pa ang aparato ng mga barrier sa bayan nila ay hindi parin iyon sapat dahil sa limang dragon ang umatake sa kanila. Masuwerte pa nga ang isang mensahero ni Duke Alleba dahil nakalabas pa siya sa bayan ng ligtas at nakarating rin siya sa bayan ng Ylgad upang humingi ng tulong sa hari.
Hindi pa naman nasisira ang barrier ng Hyon sapagkat magtatagal pa ito ng dalawa o tatlong araw bago mawala. Kung tutuusin ay mahirap nang tulungan ang bayan ng Hyon sapagkat maraming dragon ang umaaligid nito. Ang natitira nalang nilang paraan para mabuhay ay lagyan ng mahika ang aparato ng barrier kaso sa pagkakataong ito ay kailangan nila nang maraming tao para matustusan ang mahika ng barrier. Wala na silang gaanong mga taong aktibo dahil pareho na itong pagod at nawawalan na ng enerhiya.
Malaki ang bayan ng Hyon, marami ding mga mayayaman naninirahan doon at isa na doon si Duke Alleba, katulad ng bayan ng Vera ang bayan ng Hyon ay masigla din sa agrikultura at maunlad din ang merkado.
Samantala, si Alicia isang batang babae na lumaki sa bayan ng Hyon ay nakatulala lang habang pinagmamasdan ang mga taong nagkakagulo. Hawak-hawak niya ang kanyang manika na kung saa’y regalo iyon ng kanyang ina sa kanyang kaarawan. Sampung-taong gulang palang si Alicia sapagkat namulat na siya sa kaguluhang ito na siyang magtatapos sa kani-kanilang mga buhay.
Hindi katulad ng mga bata, si Alicia ay hindi umiiyak at hindi rin siya natatakot kahit ang mga batang nakikita niya sa paligid ay sumisigaw at umiiyak na ng malakas. Naglalakad lang si Alicia palapit sa mga katulad niyang bata upang ito’y patahamikin, pareho kasing abala ang mga magulang nila sa mga barrier kaya hindi na nila napagtutuunan ng pansin ang mga anak nila.
“Maglaro tayo!”pangiting anya ni Alicia sa isang batang umiiyak.
Agad namang napatingin ang batang umiiyak kay Alicia kaya imbes na siya’y maglaro dahil inanyaya siya nito, nagpatuloy nalang siya sa pag-iyak. Patuloy niyang sinisigaw ang pangalan ng kanyang ina habang umiiyak.
“Maglaro nalang tayo ng bahay-bahayan, ako yong mama mo tapos ikaw yong anak ko”pangiting anya ulit ni Alicia sa batang umiiyak.
Ginawa ni Alicia ang lahat para lang hindi umiyak ang kaedad niyang bata. Napatingin ulit ang batang umiiyak kay Alicia.
“MAMA!”pabiglang sigaw ng batang umiiyak habang tinatawag niya ang kanyang ina.
Hindi parin tumigil sa pag-iyak ang batang kaedad ni Alicia kaya iniwan niya lang ito doon. Naglakad-lakad lang nang normal si Alicia habang nagsisitakbuhan na ang mga tao. Dahan-dahan naman siyang napupunta sa isang lugar na palabas na sana barrier ng bayan nila. Kaya hindi niya naiwasang pagmasdan ang mga taong taga-ibang bayan na tumulong sa kanila para labanan ang mga dragon.
Maraming karwaheng pandigma ang dumating sa bayan ng Hyon upang tulungang puksain ang limang dragon na umaatake sa Hyon kaso hindi nila nakayanan ang mga dragon dahil kulang sila ng mga tao. Ang iba’y mabilis na pumasok sa barrier habang ang iba nama’y hindi nakaabot ay napapatay sa mga dragon.
Hindi kumulang sa isangdaan na ang mga taong napatay ng mga dragon, lahat kasing magtatangkang lumabas sa barrier ay pinapatay ng mga dragon at lahat ng mga lumalaban ay namamatay rin. Walang kahit isang dragon ang napatumba ng mga tao dahil sa makapangyarihan ito.
“Dito na yata tayo mamamatay!”reklamo ng isang taong taga-ibang bayan na tumulong lang sa mga tao sa bayan ng Hyon.
“Kung mananatili tayo ng matagal rito, siguro mauubos na tayong lahat rito”tugon ng isang lalaki habang umiiyak na.
Marami namang nagtatangka na magnakaw ng mga karwahe upang makatakas sa bayan ng Hyon kaso lagi silang nahahabol ng mga dragon kaya napapatay sila. Paulit-ulit itong ginagawa ng mga tao kaso lagi lang silang napapatay. Napapasigaw nalang ang mga tao sa tuwing nakikita nila ang mga kababayan nilang napapatay.
Lalong tumatagal ay nawawalan sila ng pag-asang mabuhay sa tuwing inaatake ng mga dragon ang mga barrier. Unti-unti na kasing nasisira ang mga barrier kaya hindi na nito makakayanan pang tumagal.
“Kailan pa kaya aabot ang tulong?”tanong ng matanda habang sila’y nagdadasal.
Matagal-tagal pa bago makarating ang grupo nina Knight Teru kasama ang ibang mga Royal Knights. Tapos sumuko narin ang karatig bayan ng Hyon na tulungan sila dahil natatakot din sila na ganoon din ang mangyari sa kanila.
Tanging mga iyak nalang ang naririnig ni Alicia sa paligid niya. Wala siyang ibang nakikita kundi ang mga luhaan na mga kababayan niya. Dahan-dahan siyang naglakad patungo sa labas ng barrier hanggang sa siya’y nakalabas na. Nagulat naman ang mga tao nang makita nila ang isang batang babaeng lumabas ng barrier na may hawak-hawak na manika.
“Yong bata! Lumabas sa barrier!”sigaw ng isang matandang babae habang itinuro niya si Alicia.
Lalo pang nagulat ang lahat nang biglang pinuntirya ng dragon si Alicia.
“Iha! Pumasok ka dito sa loob!”sigaw ng mga tao kay Alicia.
Tulala namang pinagmasdan ni Alicia ang dragon hanggang ilang metro nalang ang lapit nito sa kanya.
“Ikaw lang ang nagpagulo sa tirahan namin!”bigkas ni Alicia habang itinapat niya ang kamay sa dragon.
May lumabas namang malakas na mahika na nangagaling kay Alicia na siyang nagpaabo sa dragon. Hindi naman makapaniwala ang lahat ng mga tao sa nakita nilang malakas na mahika ni Alicia.
“Imposible, napatay nang batang iyan ang dragon, sa isang mahika lang, kakamangha”puri ng mga tao.
Matapos pinaabo ni Alicia ang dragon ay agad siyang pumasok sa loob ng barrier na kung saa’y naghihintay sa kanya ang mga tao. Pupuriin na sana siya kaso agad siyang nawalan ng malay. Dali-dali naman siyang binuhat upang dalhin siya sa ligtas na lugar para pagpahingahin.
Apat nalang na dragon ang umaaligid sa kanila.
“Siguro kung hindi lang nawalan ng malay ang batang iyan ay maliligtas sana tayong lahat rito sa bayan”bulong-bulongan ng mga tao.
“Oo nga”tugon ng kausap niya.
Niyakap naman si Alicia ng ama at ina niya, hindi kasi nila inaakala na may tinatago palang malakas na mahika si Alicia sa katawan niya. Patuloy nilang binabantayan ang anak nila hanggang narinig nila ang isang ingay na para bang nabiyak na salamin, yon pala ang isang barrier na pala ay nasira. Isang barrier nalang ang natitira sa bayan ng Hyon kaya lalo pang kinabahan ang lahat.
“Sira na ang unang barrier, hindi na tayo maliligtas rito”tugon nila habang tumutulo na ang kanilang mga luha.
Habang natatakot na ang lahat dahil lalo pang nawawalan ng proteksyon ang kanilang bayan, may naiisip namang paraan ang mga magulang ni Alicia, isang maganda at di mabuting paraan.
Dinala nila ang kanilang anak sa isang aparato ng barrier tapos hinayaan nilang makuha ang maraming mahika na nangagaling sa katawan nito. Alam kasi nilang may marami itong mahika kaya ginamit nila ito para matustusan nila ang enerhiya ng barrier. Kahit na nasasaktan na si Alicia, kahit nahihirapan na siyang huminga ay pinilit parin siya ng mga magulang niya para malagyan lang ng mahika ang aparato ng barrier.
“Aray! Nasasaktan napo ako!”pahinang sabi ni Alicia habang dumudugo na ang kanyang ilong dahil di na nakayanan ang pagkuha ng mahika sa katawan niya.
“Alicia, tiisin mo lang iyan”tugon ng ina niya sa kanya.
“Mama, nasasaktan na po ako”reklamo ni Alicia sa ina niya.
Patuloy na umiiyak si Alicia na may kasamang pagmamakaawa dahil hindi na niya talaga makayanan ang pagkuha ng mahika sa katawan niya. Ang hindi alam ni Alicia ay handa na pala siyang isakripisyo ng mga magulang niya upang mabuhay lang silang lahat. Nanginginig na ang buong katawan ni Alicia hanggang sa tuluyan siyang nawalan ulit ng malay.
Bumalik ulit ang sigla ng unang barrier kaya hindi na muli nag-alala ng tuluyan ang mga tao.
“Mabuti’t nakayanan mo pa Alicia”masayang tugon ng ama niya sa kanya.
Ang gagawin nalang ng mga tao ngayon maghintay sa susunod na tutulong sa kanila, kahit imposible na.
Mga ilang oras na ang lumipas pero wala paring dumarating na tulong, ang mga barrier ulit nila’y dahan-dahan nang nasisira, hindi narin matustusan nang mga tao ang mga mahika sa aparato ng barrier sapagkat wala nang mahika ang mga tao.
Nagmamasid naman sa kapaligiran ang mga magulang ni Alicia habang pinagmamasdan ang mga taong halos hindi na makatayo dahil sa pagod at sa wala na din silang enerhiya.
“Ayokong mamatay kami rito sa bayang ito!”sabi ng ina ni Alicia habang nababaliw na kung ano ang kanyang gagawin.
Pati na nga ang ama ni Alicia ay nababaliw na din dahil ayaw niya ding mamatay.
Wala na silang natitirang paraan kundi isakripisyo na si Alicia para lalo pang tumagal ang proteksyon ng barrier. Walang awa nilang ginamit ulit si Alicia para malagyan ng mahika ang aparato ng barrier kaya umiyak ulit si Alicia nang maramdaman niyang nakukuha ulit ang mahika niya sa katawan niya kahit sa sobrang sakit na.
Tumutulo ang mga dugo sa ilong niya, pati na sa mata niya at tainga niya pero kahit pa nagtitiis siya ay hindi parin tinigil ng magulang niya ang pagkuha ng mahika sa katawan niya.
“Alicia, alam kong malakas ka diba kaya tiisin mo lang ito”tugon ng ina niya sa kanya habang ngumingiti na parang nababaliw.
“Opo mama, alam kong malakas po ako mama”tugon ni Alicia habang dahan-dahan siyang nagkakamalay.
Nakaabot pa ng tatlong oras ang paglalagay ng mahika ni Alicia pero ang katawan niya’y nanghihina na, tapos minsan narin siyang humihinga. Tiniis ni Alicia ang pinapagawa niya sa kanya, inisip niya ang magagandang mga araw na kasama niya ang kanyang ina at ama sa bayan. Mahal niya pareho ang mga magulang niya kaya ayaw niya itong mawala sa buhay niya.
“Mama, Papa, mahal ko po kayo”bigkas ni Alicia habang naalala niya ang huling kaarawan niya na kung saa’y niregaluhan siya ng ina niya ng manika.
Pero hindi niya inaakala na magtatapos lang pala ang lahat sa araw na ito kaya ang natitirang enerhiya sa buhay niya ay inilaan nalang niya sa paglagay sa barrier upang mabigyan ng proteksyon ang mga tao.
Nabigla nalang ang lahat nang biglang lumiwanag ang himpapawid na para bang nadagdagan ng maraming proteksyon ang barrier, unti-unti ding napapahinto ang pag-atake ng mga dragon dahil sa silaw ng liwanag.
“Ang ganda!”tugon ng mga tao habang sila’y nakatingala sa itaas.
“Tingnan niyo rin ang mga dragon, hindi narin nila inaatake ang mga barrier, siguro nasisilawan sila sa mga liwanag”tugon ng isang tao habang nakaturo sa mga dragon.
“Oo nga, isa itong himala na dumating sa atin”sabi ng isang matanda.
Dahil sa pangyayaring iyon ay madaming nakakita sa liwanag kaya na-enganyo silang tulungan ang bayan ng Hyon para puksain ang mga dragon. Nakita rin ng grupo nina Knight Teru kasama ang mga Royal Knights ang liwanag na nangagaling sa bayan ng Hyon.
“Saan kaya nangagaling ang liwanag na iyan?”tanong ni Knight Zas.
“Siguro sa bayan ng Hyon”sagot ni Knight Mash.
Makaraan ang limang oras ay madami nang rumespondeng mga tulong hindi lang galing sa iisang bayan kundi sa marami pang karatig bayan, lahat sila’y nagbayanihan upang tulungan ang bayan ng Hyon.
Nag-emosyonal naman ang lahat nang dahil sa wakas nakarating narin ang tulong sa kanila.
Masaya naman ang mga magulang ni Alicia nang makita nila ang pagresponde ng karatig bayan. Bigla nilang niyakap ang anak nilang si Alicia na siyang tumulong sa kanila.
“Alicia anak, salamat”pasalamat ng mga magulang niya sa kanya.
Nagulat nalang sila nang makita nilang hindi na gumagalaw si Alicia. Patuloy nilang binibigkas ang pangalan nito kaso hindi parin ito nagigising. Kahit niyayakap na nila ito ay hindi parin ito nagigising. Kaya doon nalang nila napagtanto na patay na pala ang kanilang anak na si Alicia. Ang buhay ni Alicia pala ang nagsilbing liwanag sa himpapawid na kung saa’y tumulong na mabigyan ng mataas na proteksyon ang barrier at para mapahinto din ang pag-atake ng mga dragon sa barrier.
“Alicia! Patawarin mo kami!”parehong pahingi tawad ng mga magulang niya sa kanya habang umiiyak sila na yakap-yakap ang bangkay ni Alicia.
BINABASA MO ANG
Myself in Another World (Completed)
FantasyAfter Aries Alefen reincarnated from another world, he didn't remember his past life so he tried everything to live until the world treated him unfair. This is the journey of Aries trying to survive by himself... He will be able to defeat the Dragon...