Chapter 2: Andres

379 46 0
                                    

Ibang-iba ang paningin ni Aries nang maidilat niya ang kanyang mga mata na para kasing nababaguhan siya sa kapaligiran. Kahit wala siyang naaalala nilalarawan parin niyang kakaiba ang mundo niyang tinatapakan ngayon..

Napamangha naman siya habang pinagmamasdan ang kakaibang mundo. Mga malalaking puno, mga matataas na kabundukan, mga malalapad na batis, mga kakaibang bulaklak at iba pang nakakamanghang misteryong nababalot sa mundo.

Kakaiba rin ang mga hayop na nakikita niya na parang isang kakaibang nilalang na may kapangyarihan at abilidad. Ang mga ibon rin na nag-iiba ng mga kulay, sumisilaw sa mga mata na parang nakakabulag at nakakaaliw ring tingnan. Dahan-dahan niyang binaba ang isang burol hanggang sa nakita niya ang isang malinaw na batis...

Napatingin siya sa kanyang repleksiyon kaya nagtaka siya nang makita niya ang kanyang mukha...

"Sino ba talaga ako? Bakit wala akong maalala, bakit kakaiba ang tingin ko sa sarili ko taga dito ba talaga ako sa mundong ito?"paulit-ulit na tanong ni Aries sa sarili niya.

Habang tulala niyang pinagmamasdan ang repleksiyon niya sa batis. Naibaling ang attensyon niya nang dahan-dahan niyang nakikita ang isang grupo nang mahihiwagang isda na lumalangoy. Para kasi itong naglalaro sa kapwa isda. Nasiyahan naman si Aries sa mga isda kaya bigla nalang siyang nabasa nang magsilapitan ito sa kanya...

Napagising naman siya....

Nang maidilat niya ang kanyang mga mata, agad niyang nakita ang matandang nagbuhos sa kanya nang malamig na tubig.

Napa-aray naman siya nang gumalaw dahil hindi pa naghihilom ang mga sugat niya sa likod. Naramdaman rin niyang nanghihilab ang kanyang tiyan dahil ilang araw siyang hindi kumakain. Kaya napakain nalang siya mabilis nang biglang siyang bingyan ng matandang nag-alaga sa kanya.

"Iho, dahan-dahan lang baka mabulunan ka"paalala ng matanda sa kanya.

Huli na nang masabi ng matanda ang paalala niya kay Aries kaya agad itong nabulunan. Kumuha naman siya ng isang basong tubig tapos ay binigay niya kay Aries...

"Iho sabing dahan-dahan lang eh! Yon tuloy nabulunan ka"sabi ng matanda.

Pinagmamasdan naman ng matanda si Aries na kumakain. Pinag-aaralan kasi niya ang mga galaw at katauhan ni Aries kaya napagdudahan niya ito. Kaya tinatanong niya ito...

"Iho, ano ba ang pangalan mo?"

Napahinto naman sa kain si Aries dahil sa pabiglang tanong ng matanda sa kanya. Kaya napatanong narin siya sarili niya kung sino ba talaga siya...

"Sino ako?... Bakit wala akong maalala?"pahinang tanong ni Aries sa kanyang sarili.

Bigla namang sumakit ang kanyang ulo dahil sa pag-iisip kaya agad siyang tinulungan ng matanda. Kinuha ng matanda ang pagkaing hawak niya upang ito'y ligpitin, nawawala na kasi siya sa kanyang sarili. Lumulutang na ang kanyang isip sa madilim na kapaligiran...

Sa paglalakbay niya sa kanyang isip agad niyang narinig ang boses ng isang babae..

"Aries...."

Kaya napagtanto niya sa sarili niya ang binigkas na salita ng isang babae.

"Aries.. Aries... Oo Aries ang pangalan ko..."pabiglang sabi niya habang siya'y hinawakan ng matanda.

"Ano ang sabi mo? Iho?"tanong ng matanda.

"Aries, Aries po ang pangalan ko, ngayon naalala ko na ang pangalan ko pero hindi ko pa naalala ng tuluyan ang sarili ko"sabi niya.

Tumayo naman ang matanda na parang nasagot na ang gusto niyang maitanong. Matagal na kasi niyang gustong malaman ang pangalan ni Aries kaya napamangha siya sa kakaibang pangalan.

Myself in Another World (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon