Chapter 26: Meet

131 29 4
                                    

Tatlong araw ang nakakaraan simula pa nang hindi pa nagkakamalay si Aries. Nagbabantay naman sina Jushua at Lila sa kanya habang siya'y nakahiga sa kanyang kama. Pangalawang araw pa iyon na pagpapahinga ni Aries simula nang matapos ang Ranking sa Academy. Hindi pa gaanong naghihilom ang kanyang sugat tapos hindi pa nawawala ang iniindang niyang lagnat.

"Lila, may lagnat si Aries"pabiglang sabi ni Jushua habang siya'y nakatitig kay Aries.

Nabigla naman si Lila dahil ngayon palang niya nalaman ang bagay na iyon.

"Jushua, kailan pa nilagnat si Aries?"tanong ni Lila.

"Mag-iisang linggo na"sagot ni Jushua.

"Mag-iisang linggo na? wag mong sabihing? Nilalagnat pa si Aries noong araw na naglalaban siya sa Ranking?"palinaw ni Lila.

"Oo Lila, pero kahit ilang ulit kong pinigilan si Aries, hindi parin siya nakinig sa akin kaya wala akong nagawa kundi ang hayaan nalang siya"tugon ni Jushua.

"Nakakamangha talaga si Aries dahil nagawa pa niyang makapagpatumba ng maraming estudyante sa kalagayan pa niyang iyon"tugon ni Lila.

"Lila, ano na ang gagawin natin ngayon, siguradong aalis na si Aries sa Academy, mawawala na rito si Aries kapag gigising na siya"bigkas ni Jushua habang siya'y nag-aalala kay Aries.

Hinawakan naman ni Lila ang kamay ni Jushua.

"Jushua, malaki na si Aries kaya wag na natin siyang aalahanin, alam naman niya ang ginagawa niya kaya hahayaan nalang natin siya"sabi ni Lila.

Habang patuloy na nagbabantay sina Jushua at Lila kay Aries sa kwarto niya ay biglang dumating si Prinsipe Reinhard. Nabigla naman ang dalawa kaya agad silang napayuko nang makita nila si Prinsipe Reinhard na simbolo ng pagrespeto.

"Mga kaibigan kayo ni Aries?"tanong ni Prinsipe Reinhard kina Jushua at Lila.

"Opo mahal na prinsipe"pahinang sagot nina Jushua at Lila.

Agad napatingin si Prinsipe Reinhard sa natutulog na si Aries na parang may naiisip siyang maganda.

"Dadalhin ko si Aries sa kaharian"pabiglang sabi ni Prinsipe Reinhard.

"Po!"pabiglang reaksyon nina Jushua at Lila. "Pero alam niyo naman pong dating nakulong si Aries"palinaw nila.

"Syempre alam ko ang bagay na iyan, alam ko rin na nagagalit din ang ama ko sa kanya dahil sa ginawang pagpatay nito sa kaibigan niyang si Don Juan"paliwanag ni Prinsipe Reinhard.

"Po ang ibig niyo pong sabihin, napatay po ni Aries si Don Juan yong sinasabi nilang pinakamayamang tao sa bayan ng Vera?"palinaw ni Lila.

"Hindi kapani-paniwala na nagawa ni Aries na mapatay si Don Juan kahit marami na yong bantay na mga malalakas na kabalyero, kaya hangang-hanga na ako ngayon sa kakayahan ni Aries kaya gusto ko siyang dalhin sa kaharian upang magsilbi hindi sa akin kundi sa buong kaharian"paliwanag ni Prinsipe Reinhard.

"Yong ama niyo po- este yong mahal na hari po, baka kung makita niya si Aries ay baka ipapatay niya ito natatakot po ako sa posibilidad na iyan"alala ni Lila.

"Kailanma'y hindi mangyayari ang bagay na iyan, pro-protektahan ko si Aries hanggang nandoon siya sa loob ng kaharian"lakas na loob na sinabi ni Prinsipe Reinhard.

"Mahal na prinsipe, bago po kayo aalis, nagmamakiusap po ako sa inyo na tulungan niyo po si Aries at gabayan niyo po siya sa tamang landas"pakiusap ni Jushua habang siya'y lumuhod sa harap ng prinsipe.

Napatingin naman ang prinsipe sa kanya tapos agad hinimas ng prinsipe ang ulo niya.

"Tumayo ka na! Wag mo akong pakiusapan tungkol sa pagtulong at paggabay ko kay Aries, tungkulin ko iyan kaya wag kang mag-alala"tugon ni Prinsipe Reinhard habang inutusan niyang pumasok ang anim na Royal Knights sa kwarto upang dalhin si Aries sa karwahe. "Mabuting tao si Aries! kaya magpapa-alam na ako"tugon ni Prinsipe Reinhard sa dalawa.

"Salamat po at mag-ingat po kayo sa biyahe"tugon nina Jushua at Lila habang sila'y yumuko sa papaalis na si Prinsipe Reinhard.

Samantala, hindi naman napigilan ng namumuno kasama si Sir Luke na sumaya dahil tagumpay nilang napatanggal si Aries sa Academy sapagkat ngayon hinihintay nalang nila ang pagising nito para aalis na.

"Kahit gaano pa kahalimaw si Aries ay di parin niya magagawang maipanalo ang laban sa Ranking"tugon ng namumuno.

"Oo nga Sir, kaya hindi na tayo mag-aalala na makakapunta pa si Aries sa kaharian ng Ylgad"tugon ni Sir Luke habang siya'y tumatawa ng malakas.

Makalipas ang ilang minuto nilang pag-uusap ay nagulat nalang sila nang makita nilang dala-dala ng mga Royal Knights ang walang malay na katawan ni Aries. Hindi naman nila inaakala na dadalhin pala ni Prinsipe Reinhard si Aries kaya agad silang napalapit sa prinsipe upang magtanong.

"Mahal na prinsipe, saan niyo po dadalhin ang katawan ni Aries?"tanong ng namumuno Reinhard.

"Sa kaharian"pabiglang sagot ni Prinsipe Reinhard.

"Po? Mahal na prinsipe, dati pong kriminal ang taong iyan"paliwanag nila sa prinsipe kaso agad nairita ang prinsipe sa kanila.

"Alam ko na ang bagay na iyan kaya tumahimik na kayo"reklamo ni Prinsipe Reinhard habang napahinto sa pag-uusap ang namumuno at si Sir Luke.

Pagkatapos, nagpatuloy naman sa paglalakad ang prinsipe hanggang sa nakaupo na siya sa kanyang karwahe. Nang makapasok narin ang katawan ni Aries sa karwahe ay nagsimula na silang bumiyahe patungo sa Kaharian ng Ylgad.

Habang sila'y naglalakbay patungo sa Bayan ng Ylgad ay hindi naman nawala ang pagtitig ni Prinsipe Reinhard kay Aries dahil hindi parin nawawala sa kanyang isipan ang nagawa nitong imposible. Pero kailanma'y hindi niya naisip na labanan si Aries dahil alam niyang wala siyang kalaban-laban nito kapag nagseryuso si Aries.

"Mahal na prinsipe, ano po ang gagawin niyo sa taong iyan?"tanong ni Kirsh, miyembro ng 12 Royal Knights.

"Pagsisilbihan ko siya sa Kaharian"sagot ni Reinhard.

"Ano po ang gagawin niyo kapag hindi po siya magsisilbi sa kaharian?"tanong ni Kirsh habang tinutukoy niya si Aries.

"Magtiwala ka Kirsh, alam kong papayag si Aries na magsilbi sa kaharian"tugon ni Prinsipe Reinhard habang nananalig siya kay Aries.

"Ano naman po ang ipapagawa niyo po kay Aries, mahal na prinsipe?"tanong ni Harry, miyembro din 12 Royal Knights.

"Tulad din ng ginagawa niyo"pangiting sagot ng prinsipe.

"Po!? Ang ibig niyo pong sabihin, magtra-trabaho din ang taong iyan tulad ng ginagawa namin?'palinaw nila sa prinsipe.

"Syempre, diba magsisilbi siya"tugon ng prinsipe.

"Hindi po ba delikado ang ginagawa niyo, baka tra-traydorin po tayo ng taong iyan"alala ng mga Royal Knights.

"Alam kong mabuting tao si Aries kaya imposible nang mangyari ang pinagsasabi niyo"tugon ulit ng prinsipe.

Matapos ang isang araw na paglalakbay nila ay nakarating na rin sila sa malaking gate nang bayan ng Ylgad. Marami namang mga sumalabong na tao sa kanilang pagdating kaya nagsisitapunan ang lahat ng mga bulaklak sa karwahe ni Prinsipe Reinhard na simbolo ng pagbabalik.

"Maligaya pong pagbabalik mahal na prinsipe!"sigaw ng mga tao sa bayan ng Ylgad.

Kumakaway naman si Prinsipe Reinhard sa mga tao habang siya'y napapadaan sa mga ito. Kaya nang makapasok na sila sa kaharian ay agad dali-dali siyang binati ng kanyang ama kasama ang lahat ng mga katulong at mga nagbabantay sa Kaharian.

"Maligayang pagbabalik Reinhard!"bati ni Haring Charles sabay yakap siya sa kanyang anak.

"Dalhin niyo si Aries sa kwarto ko"utos ni Prinsipe Reinhard sa mga Royal Knights.

Nabigla naman ang hari nang marinig niya ang pangalang Aries kaya agad niyang tinanong ang anak niya.

"Reinhard ano ang ibig nitong sabihin? Saan na yong 1st Rank? Tapos sino yong tinutukoy mong Aries?'tanong ng Hari sa kanya.

"Ama, iniba po nila ang takbo ng Ranking sapagkat may naging 1st Rank naman kaso umatras ito"paliwanag ni Reinhard.

"Ang Aries na tinutukoy mo! Wag mong sabihing yon yong kriminal na pumatay sa kaibigan ko?"palinaw ni Haring Charles.

"Yon na po ang tinutukoy niyo pero mabuti pong tao si Aries kaya hindi ko po hahayaang saktan niyo po siya"lakas na loob na sinabi ni Reinhard.

"Nababaliw ka na Reinhard!? Anong gagawin mo kapag tayo ang pinatay niyan?"palinaw ng ama niya habang ito'y nagagalit na.

"Ama, handa ko pong patunayan sa inyo na mabuting tao si Aries"paliwanag ni Reinhard.

"Reinhard, sisiguraduhin mo yan! kaya kung may mangyari mang masama sa atin ay kasalanan mo na iyan"tugon ng ama niya sa kanya.

Kahit malaki pa ang galit ni Haring Charles kay Aries ay wala naman siyang magawa kundi panatilihin ito sa kaharian dahil dinepensahan kasi ng anak niyang si Prinsipe Reinhard si Aries.

Pagkatapos nakapaghingi ng pahintulot si Prinsipe Reinhard sa kanyang ama ay pinaalaga naman niya si Aries sa mga katulong niya sa Kaharian. Pinagamot niya ang lahat ng mga sugat ni Aries, pinababa niya ang lagnat ni Aries, pina-alaga niya si Aries, lahat niya'y pinagawa niya sa mga katulong upang gumaling lang ito.

"Gawin niyo ang lahat upang magising lang si Aries"utos ni Prinsipe Reinhard sa mga katulong niya.

"Opo Mahal na prinsipe"tugon ng mga katulong.

Dalawang araw na lumipas sapagkat hindi parin nagigising si Aries. Buong araw na nga siyang binabantayan ng mga katulong pero wala paring palatandaan ng pagising niya. May pagkakataon pa ngang bumibisita si Prinsesa Tiara sa kanya upang siya'y pagmasdan.

"Ikaw pala ang Aries na tinutukoy nila"sabi ni Prinsesa Tiara habang hinahawakan niya ang mukha ni Aries.

Nasisiyahan naman si Prinsesa Tiara habang nandoon siya katabi ang walang malay na si Aries. Kinukulit naman niya si Aries sa pamamagitan ng pakikirot nito sa mukha na para bang sanggol ang turing niya kay Aries.

"Inosente naman ang mukha mo Aries, bakit ka ba nakagawa ng malaking kasalanan?"tanong ni Tiara habang pilit niyang pinagmamasdan ang mukha ni Aries.

Tuwing oras-oras nalang ay binibisita ni Prinsesa Tiara si Aries sa kwarto nito na nagbabakasaling magising. Hindi na kasi mawala ang tingin niya kay Aries, hindi rin niya alam kung bakit basta parang gusto lang niyang mapalapit kay Aries. Pusong bato naman si Prinsesa Tiara pero ngayon ay parang unti-unting nababasag ang batong humaharang sa kanyang puso.

"Tiara, wag kang magpapahulog ng loob sa lalaking iyan, dati siyang kriminal tapos isa din siyang kabalyero kaya dapat matututu ka na"bulong ni Tiara na para bang pinaaalahanan niya ang kanyang sarili.

Makalipas ang tatlong araw, dahan-dahan namang idinilat ni Aries ang mata niya kaya nang magising siya ay agad niyang nakita ang magarang kwarto na may mga gintong palamuti sa bawat ding-ding. Kaya agad siyang napatanong nang malaman niyang natalo siya sa Academy na dapat kailangan na niyang umalis dahil nabigo siya sa kondisyon niya. Sa pagtingin niya sa tabi niya ay agad niyang nakita ang lalaki na naka-upo sa tabi niya, suot nito ay magagarang damit at parang nirerespeto din ito dahil nakita niyang may mga katulong siyang kasama.

"Sino po ba kayo?"pabiglang tanong ni Aries sa lalaki.

Nabigla ang lahat nang katulong sa tanong ni Aries dahil parang hindi nito kilala ang lalaking kaharap niya.

Napangiti naman ng hilaw ang lalaki habang nakatitig kay Aries.

"Aries, ako nga pala si Reinhard, prinsipe Reinhard"pakilala ni Prinsipe Reinhard na ikinagulat ni Aries.

"Pasensya na po mahal na prinsipe sa naging ugali ko po sa inyo"pahingi ng tawad ni Aries. "Mahal na prinsipe bakit po ako nandito?"tanong ni Aries.

"Aries! Magsilbi ka dito sa Kaharian"tugon ng prinsipe.

"Eh!"reaksyon ni Aries habang siya'y nabigla. "Magsisilbi po ako sa kaharian? Wag niyong sabihing nandito ako sa loob ng kaharian?"tanong ni Aries.

"Oo Aries, kaya magsilbi ka dito"tugon ng prinsipe sa kanya.

"Ano naman po ang gagawin ko, mahal na prinsipe?"tanong ni Aries.

"Syempre, kung ano ang nakasanayang gawin dito ng mga kabalyero ay gagawin mo rin"sagot ng prinsipe.

"Tulad po ng ano?"tanong ulit ni Aries.

"Tulad nang pagbabantay rito sa kaharian, kung may gagawin mang paglalakbay ay dapat kasama ka, pagtuturo din sa mga dugong bughaw ng pagamit ng espada, at marami pang iba"tugon ng prinsipe.

"Mahal na prinsipe, mukhang hindi yata ako bagay sa gawaing iyan"reklamo ni Aries.

"Aries, mahirap lang naman yan sa umpisa kaya pumayag ka na"pilit ng prinsipe sa kanya.

"Sige po, tatanggapin ko po ang alok niyo"pahinang sagot ni Aries.

"Mabuti naman kaya kumain muna tayo doon sa baba"tugon ng Prinsipe sa kanya.

Hindi naman napigilan ni Aries na magulat dahil baka magkita sila ni Haring Charles na hari ng kaharian ng Ylgad, natatandaan pa kasi niya ang paalala ni Knight Edward sa kanya na kailangan niyang mag-ingat dahil siya pa unang taong nagkalaban sa kaharian.

"Pwede naman akong lumayas pero paano kung makikita ako ng mga tao tapos makilala nila ako, siguro dito na ako mamamatay"bulong ni Aries habang siya'y kinakabahan nang makita ang hari.

Sa pagbaba niya sa sala ay agad sumalubong sa kanya ang lahat ng mga katulong, kasama na ang lahat ng miyembro ng 12 Royal Knights na nakatitig sa kanya. Nakita rin ni Aries ang hari na naka-upo sa mesa kasama si Prinsipe Reinhard at hindi pa niya nakilalang prinsesa.

Dahan-dahan siyang pababa ng hagdan hanggang sa nakababa siya kaya nang palapit na siya sa mesa upang kumain ay bigla siyang nilapitan ni Knight Edward dahil ngayon palang niyang nakita si Aries na pumasok ito sa loob ng kaharian.

"Aries? Bakit nandito ka?"bulong na tanong ni Knight Edward kay Aries.

"Pinagsilbi kasi ako ni Prinsipe Reinhard dito sa kaharian"bulong na sagot ni Aries kay Edward.

"Huh! Ano naman ang relasyon ni Prinsipe Reinhard sa iyo, bakit ka niya pinagsilbi dito sa kaharian?"bulong na tanong ulit ni Edward kay Aries.

"Di ko alam, nagulat nalang ako sa pagising ko na nandito na ako"bulong na sagot ni Aries kay Edward.

Agad namang natigil ang pagbubulungan nilang dalawa nang biglang nagsalita ang hari.

"Anong problema Edward?"tanong ng hari sa kanya. "Ikaw Aries, ano bang pinagbulong-bulungan niyo diyan?"tanong ng hari kay Aries.

"Wala po!"sagot nilang dalawa sa hari.

Nang umupo si Aries sa mesa kaharap sa hari ay nakita niyang may masama itong tingin sa kanya.

Myself in Another World (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon