Naghihiyawan naman ang lahat nang magharapan sina Aries at Jushua sa pang-apat na laban sa patimpalak. Inaabangan kasi ang harapan ng dalawa dahil magkasing-edad kasi sila.
Kaya nang biglang umatake si Jushua kay Aries, naghiyawan ang lahat. Hindi kasi nila inaasahan ang mabilis na paghampas ni Jushua sa espadang kahoy kay Aries, kaya napagalaw naman ang paa ni Aries dahil sa pag-atake ni Jushua.Pero sa mga pag-atakeng nagawa ni Jushua kailanma'y walang nakatama sa katawan ni Aries kaya naiinis siya...
"Ang lakas talaga nang inutil na ito!"bulong ni Jushua habang naiinis na ng todo kay Aries.
Hindi naman mawala ang mainit na tensyon ng mga taong nakatitig kay Jushua dahil hindi pa kasi siya nakakatama kay Aries. Gusto kasi ng mga tao na manalo si Jushua sa laban dahil para sa mga kababayan nila, si Jushua lang ang pag-asa ng kanilang bayan, siya lang tanging magaling sa lahat sa pakikipaglaban sa edad niya, siya lang din ang magaling sa pagamit ng mahika at sa paghawak ng espada.
Kaya hindi maiwasan ni Jushua ang ma-pressure dahil sa kanya nakasalalay ang mga kababayan niya. Naririnig naman niya ang mga sigaw ng mga tao sa kanya...
"Jushua! Talunin mo siya!"
"Wag kang magpapatalo sa kanya!"
"Jushua, di kita papatawarin kapag di mo siya natalo"
Hindi naman nawala sa dibdib ni Jushua ang kaba na naramdaman niya kaya ibinuhos niya kay Aries ang lahat nang lakas niya pero ito naging sapat...
Hindi pa kasi niya natatamaan ang katawan ni Aries dahil sa mahigpit nitong depensa at sa mabilis nitong mga kamay kaya napahinto ng tuluyan si Jushua upang magpahinga saglit. Lalong tumatagal lalong lumalalim ang gabi kaya lalo ring lumalamig ang temperatura sa paligid nila.
Napatingin naman si Aries kay Jushua dahil hindi na ito umaatake sa kanya kaya tinanong niya ito..
"Jushua, napapagod ka na ba? O nagiginawan ka lang dahil sa lamig? Pwede ka namang magpainit para lumakas ulit ang katawan mo, wag mo naman sanang pilitin ang sarili mo kung hindi mo kaya baka magkasakit ka niyan, gusto mo bang huminto sa laban?"
"Tumahimik ka Aries ayokong marinig ang pinagsasabi mo! Kung gusto mo na akong talunin, talunin mo na ako! Di mo naman kailangang pagsabihan ako, kaya wag ka ng mag-atubiling atakehin ako"sigaw ni Jushua habang humihigal na sa pagod.
Hindi naman inatake ni Aries si Jushua dahil sa sitwasyon nito kaya pinagpahinga muna niya ito ng ilang minuto para makabalik ulit ito sa laban.
Marami namang nainis sa kanilang laban dahil sa ipinakitang kaduwagan ni Aries kaya hindi nila maiwasang magreklamo kay Aries...
"Hoy bata! Lumaban kana! Kanina pa kami naghihintay sa iyo"
"Ang duwag mo kung hindi mo kayang talunin si Jushua, sumuko ka nalang"
"Hinihintay ka nalang naming matapos diyan, bilisan mo na lalo ng lumalalim ang gabi"
Sa narinig na sigawan ni Aries sa kanya agad niyang inatake si Jushua...
Hindi naman gaanong nakaiwas si Jushua sa atake ni Aries sa kanya kaya natamaan siya ng isang beses sa likuran niya sapagkat masuwerte siyang hindi natamaan ulit ng sunod na pag-atake ni Aries dahil nakatakbo pa siya palayo.
Agad namang nagtitigan sina Aries at Jushua sa isa't-isa habang hinihintay na umatake. Kaya nang marinig nila ang tinig ng isang kahoy na nasunog, mabilis naman silang umatake sa isa't-isa kaya naririnig ng mga tao ang tinig ng mga nagkakatamaang espadang kahoy, kaya hindi nila mapigilan ang sarili nilang mamangha dahil sa ipinakita ng dalawa.
BINABASA MO ANG
Myself in Another World (Completed)
FantasyAfter Aries Alefen reincarnated from another world, he didn't remember his past life so he tried everything to live until the world treated him unfair. This is the journey of Aries trying to survive by himself... He will be able to defeat the Dragon...