Naka-upo si Aries sa isang madilim na kwarto na kung saa'y walang nakakaalam, hinihintay nalang kasi niya ang kamatayan niya subalit makalipas nalang ang ilang araw na araw ng kasunduan ay hindi parin siya nabibitay. Hindi naman gaanong nagtaka si Aries sapagkat hindi siya kinutuban ng kahit isang beses.
"Hindi ako natatakot na mamatay sapagkat kapatid ko ang kamatayan"bulong ni Aries habang ngumingiti.
May isa namang matandang kasamahan si Aries na nandoon sa loob ng kulungan na nakakulong din. Sa una, pinag-oobserbahan lang niya si Aries sa kung ano ang ugali niya at kilos niya sa loob ng kulungan sapagkat wala namang kakaiba kay Aries maliban sa pagiging bata nito na maagang nakulong.
Sa tagal-tagal na nilang nagkikita doon, lumipas na nga ang isang linggo, ngayon pa nagdesisyon ang matanda na makipag-usap sa matahimikin na si Aries.
"Bata, wag kang mag-alala, ang katulad mo ay makakalaya rin, sa tagal-tagal ko ng nandito madami na akong nakilalang bata na nakulong din dahil sa pagnanakaw"sabi ng matanda.
Hindi naman sumagot si Aries dahil akala ng matanda na pagnanakaw ang naging kasalanan niya subalit mas mabigat pa ang nagawa niya sa inaasahan nito kaya tahimik lang si Aries.
"Bata, bakit ka ba nagnakaw? Dahil ba sa kahirapan? Bata normal lang naman iyan dahil kailangan naman natin gawin ang lahat para mabuhay"kausap ng matanda kay Aries.
Hindi parin sumasagot si Aries dahil di niya gusto na malaman ng matanda ang kasalanang nagawa niya kahit ilang beses nang nakikipag-usap ang matanda sa kanya. Napatingin lang siya lagi habang nag-uusap ang matanda sa kanya.
"Bata, may mga magulang ka pa ba?"pabiglang tanong ng matanda kay Aries.
Sa pagkakataong iyon, hindi na ordinaryong pag-uusap ang ginawaga ng matanda sa kanya kundi pagtatanong na, ayaw naman niyang magtahimik lagi sapagkat naaawa siya sa matanda.
"Wala na po akong mga magulang Lolo"pahinang sagot ni Aries.
"Mabuti naman na sumagot ka na, kanina lang ako naghihintay na magsalita ka sa akin bata"sabi ng matanda. "Ano ba ang pangalan mo bata?"
"Aries po"
"Aries, kakaibang pangalan"sagot ng matanda. "Aries, bakit mo naman naisipang magnakaw?"
Hindi naman nag-alinlangan si Aries sa pagsagot.
"Lolo, hindi po pagnanakaw ang kasalanang nagawa ko kundi nakapatay po ako ng mga tao, kadalasan po mga kabalyero po napatay ko"paliwanag ni Aries.
Nabigla naman ang matanda sa kanya dahil sa mabigat na kasalanang nagawa ni Aries.
"Bata, mabuti't buhay ka pa ngayon? Sa ibang tao niyan siguro isa o dalawang araw lang patay na sila"paliwanag ng matanda.
"Nagtataka lang po ako kung bakit hindi pa po ako napapatay"sabi ni Aries.
"Dapat nga bata na nagpapasalamat ka sa Diyos dahil walang nangyaring masama sa iyo"paliwanag ng matanda.
"Nagpapasalamat sa Diyos dahil nangyari sa akin? Sila nga ang dahilan kung bakit nila pinatay si Nina kaya ko nga rin napatay sila kung tutuusin wala naman akong nagawang kasalanan dahil naghiganti lang naman ako sa kanila, tapos ako pa ang magpapasalamat sa Diyos kasi hindi pa ako namamatay?"paliwanag ni Aries.
"Bata, kasalanan parin ang nagawa mo, kahit ginawa mo lang iyon para maghiganti pero sa mata ng Diyos, kasalanan parin iyon, dapat hinding-hindi ka maghihiganti kahit sa masama o mabuting paraan iyon"paliwanag ng matanda.
Hindi naman nakapagsagot si Aries dahil napagtanto kasi sa sarili niya ang maling nagawa niya. Makaraan ulit ang isang linggo, hinding-hindi parin nabibitay si Aries kung kaya'y ang panahong naiilaan niya sa kulungan ay ginamit nalang niya upang magsanay sa pamamagitan ng pagamit ng isang kahoy na nakalagay sa loob ng kanyang kulungan. Magdamag na nagsasanay si Aries kahit madilim, masikip at walang init na lumiliwanag sa kanya ay napapatuloy lang siya sa pagsasanay para makalabas lang ang mga pawis sa kanyang katawan.
Napamangha naman ang matanda sa ginawang pagsasanay ni Aries dahil nagsisimbolo kasi ito ng pagbabago at pagbabangon, kadalasan kasi ng mga nakakulong ay nawawalan na sila ng pag-asa kaya napapahiga nalang sila sa sahig at hinihintay nalang ang oras ng kanilang kamatayan pero sa naging sitwasyon ni Aries, lalo pang nasiyahan ang matanda dahil sa nakita niya ang mga mata ni Aries na determinadong mabuhay.
"Kakaiba talaga ang batang ito"bulong ng matanda habang kumakain ng almusal na binigay sa kanya ng kabalyero.
Makaraan ang dalawang buwan, naroon parin si Aries sa kulungan at buhay parin ang matanda. Wala paring pinagbago si Aries sapagkat pinagpapatuloy lang niya ang kanyang pagsasanay pero lalong tumatagal lalong binabawasan ng kabalyero ang kain niya, noong una'y tatlong beses sa isang araw makakain si Aries pero lalong tumatagal ay nagiging dalawang beses sa isang araw nalang kumakain si Aries. Hindi naman binago ng mga kabalyero ang sistema na ginawa nila sa matanda kung saa'y nakakain pa ito ng tatlong beses sa isang araw.
Sa pagkakataong ito, nalaman ni Aries na dahan-dahan na siyang pinapatay ng mga kabalyero.
Nagpatuloy lang sa pagsasanay si Aries kahit kumukulo na ang sikmura niya sa tanghali kasi yon lang ang pagkakataong hindi siya makakain, tinitiis lang niya ang gutom hanggang sa makaabot siya ng hapon. Alam naman ng matanda ang naging problema ni Aries kung kaya'y binibigyan niya ito ng kalahati sa pagkain niya para hindi magkasakit si Aries.
Makaraan ang limang buwan, lalo pang naging istrikto ang mga kabalyero na kung saa'y pinapakain nalang nila si Aries ng isang beses sa isang araw, at iyon ay pang-almusal lang. Doon na unti-unting nagkakasakit si Aries hanggang sa siya'y napahinto sa kanyang pagsasanay dahil sa gutom na nararanasan niya, kahit binibigyan na siya ng kalahati ng matanda hindi parin iyon sapat dahil maliit lang din ang binibigay na pagkain sa matanda na kasya lang ng isang tao, kahit nga ang matanda ay unti-unti na ding nagkakasakit dahil sa maliit nalang ang binibigay niyang pagkain.
Pwede naman niyang mailigtas ang kanyang sarili sa pamamagitan ng hindi pagbibigay ng pagkain kay Aries pero hindi niya iyon naiisip dahil para na ring apo ang turing niya kay Aries.
Napapaubo, nilalagnat minsan at sumasakit ang tiyan, yan ang kanilang nararanasan sa loob ng kulungan dahil parang hindi na sila inaalagaan ng mga kabalyero, dumating pa nga ang pagkakataong hindi na pinapakain si Aries kaya napipilitan ang matanda na ibigay kay Aries ang mga pagkain natatanggap niya mula sa mga kabalyero.
"Bata, kainin mo ito"sabi ng matanda habang pinaabot niya ang pagkaing binigay sa kanya mula sa mga kabalyero.
"Wag na po Lolo, sa inyo po iyan, kainin lang niyo po iyan!"tanggi ni Aries.
"Bata, wag mo na akong aalahanin, matanda na ako, unti-unti na akong nagkakasakit kahit makakain pa ako ng tatlong beses sa isang araw, hindi parin sapat iyon para mabuhay ako. Bata magkatulad din tayo, nakapatay din ako ng kabalyero noon dahil ginahasa nila ang anak ko kaya ko nagawang makipaghiganti sa kanila, hindi ko nga alam kung bakit hindi pa ako namamatay ngayon pero malaki ang pasasalamat ko sa Diyos dahil binigyan niya pa ako ng mahabang buhay, ngayon bata kahit mali ang paghihiganti, hinding-hindi parin ako nagsisisi sa mga nagawa ko kaya habang nandito pa ako, iaalay ko ang buhay ko sa iyo Aries"paliwanag ng matanda na unang beses palang niyang binigkas ang pangalan ni Aries.
"Lolo"bigkas ni Aries habang naalala niya si Lolo Andres.
Sa tuwing binigyan ng pagkain ang matanda, patago niya itong binibigay kay Aries para ito makakain. Sa kabila ng pagkakasakit at pagkagutom niya, tiniis niya lang ito para lalo pang tumagal ang buhay ni Aries, kapag nawala na kasi siya, mawawala na rin si Aries dahil hindi na sinusuportahan ng mga pagkain si Aries.
"Bata, kumain kalang diyan, wag mo na akong aalahanin"sabi niya habang nahihirapan na siyang huminga dahil sa iniindang sakit.
Nagawang maialay ng matanda ang buhay niya na umabot nang siyam na buwan bago siya nilagutan ng hininga, nagawa niyang matiis ang walang kain at sakit ng apat na buwan para mabigyan lang niya ng mahaba pang buhay si Aries. Napaiyak nalang si Aries habang nakita niyang nakahandusay ang katawan ng matanda na dahan-dahan ng nilalangaw.
"Lolo!"sigaw ni Aries.
Makaaraan ang isang araw, kinuha ng mga kabalyero ang katawan ng matanda tapos sinunog nila ito. Nakatitig ang isang kabalyero kay Aries dahil nakita niya itong umiiyak at sumisigaw.
"Bata, wag kang mag-alala, ikaw naman ang susunod na mamatay, kaya makikita mo rin yong lolo mo rito"patawa ng kabalyerong tumitig sa kanya.
Nagsimula ulit bumalik ang sakit at gutom ni Aries mula nang mamatay ang matandang kasama niya sa kulungan. Wala ng sumusuportang kabalyero sa kanya, napapahiga nalang siya sa sahig habang iniinom ang bawat pagtulo ng tubig na nangagaling sa butas ng semento. Inabandona na kasi siya ng mga kabalyero kaya naghahanap nalang siya ng paraan para mabuhay.
Nagawa niyang matiis ang paghihirap ng dalawa at umabot pa sa tatlong linggo. Hindi na siya gaanong malakas tulad noon, payat na payat na rin siya at nagkakasakit na rin siya. Wala nang bumibisita sa kanyang mga kabalyero dahil ang kulungan niya doon ay ang magiging libingan niya. Mag-iisang buwan na mula nang mamatay ang matanda kaya dahan-dahan na siyang nakaramdam ng paninikit ng dibdib.
Ipipikit na sana niya ang mata niya dahil tanggap na niya ang kamatayan niya kaso may isang kabalyero ang dumating upang siya'y palayain. Nang binuksan ng kabalyero ang kulungan ni Aries, agad niyang pinaabot ang kamay niya kay Aries sabay sabi...
"Aries, laya ka na"
Nabigla naman si Aries dahil parang nakilala niya ang boses na tumulong sa kanya. Kahit na nahihirapan siya sa pagalaw pinilit parin niyang tingnan ang mukha ng kabalyerong tumulong sa kanya.
"Aries, wag kang mag-alala nandito na ako"sabi ni Knight Edward.
Ngumiti naman si Aries bago siya nawalan ng malay.
Nang idinilat ni Aries ang mga mata niya, nagulat siya nang makita niya ang sampung katulong na nagbabantay sa kanya. Sa pagmamasid niya sa magandang kwartong natulugan niya, agad siyang nagtaka nang maalala niya ang kabalyerong tumulong sa kanya, kaya agad siyang napatanong sa mga katulong na nagbabantay sa kanya.
"Kaninong bahay ito?"tanong ni Aries.
"Kay Master Edward po"pahinang sagot ng sampung katulong sabay yuko.
Nang bumangon si Aries, agad naman siyang sinuutan ng isang katulong ng damit dahil hubad na hubad kasi siya.
"Kung si Master Edward po ang hinahanap niyo, nasa labas lang po siya kasama po ang pamilya niya"sabi ng isang katulong kay Aries.
Agad namang lumabas si Aries upang kausapin si Knight Edward, kaya sa pagbukas niya sa isang pinto patungong labas, nakita niya ang asawa't anak ni Edward na masayang naglalaro at nag-uusap.
Nahinto naman ang paglalaro ni Edward sa anak niya nang makita niyang lumabas si Aries, nilapitan niya ito tapos binati.
"Magandang umaga Aries, kumusta na ang lagay mo?"tanong ni Edward.
"Bakit niyo po ako tinulungan?"tanong ni Aries.
"Di ba pareho naman tayong pamilya ni Lolo Andres, tapos noong isang araw ko palang nalaman na matagal ka ng nakulong doon sa Bayan ng Vera"paliwanag ni Edward.
"Gusto kong pumunta sa Bayan ng Vera, gusto kong humingi ng tawad sa mga magulang ni Nina"sabi ni Aries.
"Aries, wag muna ngayon, magpagaling ka muna, mamaya mo muna isipin iyan"alala ni Edward.
Agad namang nag-almusal ang pamilya ni Edward kasama si Aries, kahit alam nila ang kwento nito tinanggap parin nila ang pagkatao ni Aries, pero hindi parin mawawala ang paalala ni Edward kay Aries.
"Aries, mag-ingat ka sa kaharian, sa ginawa mong pagpatay kay Don Juan, baka yan pa ang ikakamatay mo, Aries ikaw lang ang unang tao na kinalaban ang kaharian, kaya mag-ingat ka lang"
"Knight Edward, ipasok mo ako sa Academy"pabiglang sabi ni Aries.
"Aries, bakit mo naman napag-isipan na mag-aral sa Academy?"tanong ni Edward.
"Bago namatay si Lolo Andres, sinabihan kasi niya ako na mag-aral ako sa Academy"tugon ni Aries.
"Namatay na si Lolo Andres??!"pabiglang tanong ni Edward habang napaluha.
"Matagal nang patay si Lolo Andres"pahinang sabi ni Aries.
"Bakit di mo sinabi sa akin na matagal na palang patay si Lolo Andres, Aries bakit di mo sinabi?"tanong ni Edward habang di mapigilan ang mag-emosyonal.
"Sinakripisyo niya kasi ang sarili niya para mailigtas niya ang bayan ng Rulid"kwento ni Aries.
"Aries, saan mo ba nilibing ang bangkay ni Lolo Andres?"tanong ni Edward.
"Doon lang sa bakuran ng bahay niya"sagot ni Aries habang napatingin siya kay Edward."Sige Aries, tutuparin natin ang pangako ni Lolo Andres sa iyo, sa susunod na araw kapag gagaling ka na, ipapasok kita sa Academy"paliwanag ni Edward kay Aries.
BINABASA MO ANG
Myself in Another World (Completed)
FantasyAfter Aries Alefen reincarnated from another world, he didn't remember his past life so he tried everything to live until the world treated him unfair. This is the journey of Aries trying to survive by himself... He will be able to defeat the Dragon...