Chapter 24: Trust

131 29 6
                                    

Tatlong araw nalang magsisimula na ang Ranking pero patuloy paring ang kaguluhang pinapagawa ni Sir Luke kasama ang namumuno ng Academy kay Aries upang siya'y mapatanggal sa Academy. Sa kabila ng paghihirap nila kay Aries ay marami namang tumutulong sa kanya upang hindi siya mapatanggal sa Academy. Sina Leo, Hans at kasama pa nga si Jushua ang nagpro-protekta hindi lang kay Aries pati narin sa mga kaklase ni Aries.

Kaya sila ngayon ay hindi lang nagsasanay kundi nagmamasid din sa mga posibilidad na masali ang mga kaklase ni Aries sa kaguluhan. Naiinis na nga Sir Luke nang makita niyang hindi umuubra ang mga plano niya. Natatakot naman siya kina Jushua at Hans at lalo na kay Leo dahil ang ama kasi nito'y isa ring guro sa Academny na mas malaki pa ang antas kaysa sa kanya kaya hinahayaan niya lang ang mga ito sa pagpro-protekta kay Aries.

Nang makaabot ang balitang pagtulong ni Leo kay Aries sa ama niya ay hindi napigilan nito ang magalit sa anak niyang si Leo. Lahat kasi ng guro sa Academy ay galit kay Aries kaya hindi na niya napigilan ang sarili niya nang malaman niyang kasabwat rin si Leo sa kalokohang pagtulong kay Aries.

"Ano bang pinag-iisip ni Leo? Nababaliw na ba siya?"tanong ni ama ni Leo sa sarili niya, dating 1st Rank at sa kasalukuya'y nagtuturo sa Academy.

Pinatawag naman niya si Leo at pinapunta sa opisina upang pagsabihan sa mga ginagawa nito. Kahit maraming naghihintay na guro kay Leo sa loob ng opisina ay hindi parin siya natakot o nakaramdam ng kaba. Kaya nang binuksan niya ang pinto ay sumalabong sa kanya ang ama niya kasama sina Sir Luke at iba pang mga guro.

"Leo, alam mo ba ang dahilan kung bakit kita pinatawag rito sa opisina?"tanong ng ama niya sa kanya.

"Oo alam ko, pero bakit niyo ba pinag-iinitan si Aries? Wala naman siyang ginagawang masama dito sa Academy?"tanong ni Leo sa kanyang ama.

"Walang ginagawang masama? Dapat nga hindi nakapag-aral dito si Aries dahil dati siyang kriminal pero pinilit kami dahil si Knight Edward ang nagpapasok sa kanya"paliwanag ng ama niya sa kanya.

"Kailanma'y hindi ko ihihinto ang pagtulong ko kay Aries hanggang sa hindi pa nagsisimula ang Ranking"lakas na loob na sinabi ni Leo sa kanyang ama.

"Leo, isa kang 2nd Rank Knight, isang paparating nalang na Ranking ay magiging 1st Rank ka na, kaya mag-ingat ka sa mga ginagawa mo baka babagsak ka sa pagiging 2nd Rank mo"alala ng ama niya sa kanya.

Napatawa naman bigla ang namumuno nang marinig niya ang sinabi ng ama ni Leo.

"Leo, napag-usapan namin kanina na maiiba na ang takbo ng Ranking, di ba noong unang mga Ranking ay kailangang maglaban-laban para malaman ang kakayahan ng mga esduyante pero ngayon, gagawin na naming dalawang grupo ang Ranking, ang grupo ng Academy laban sa grupo ni Aries"paliwanag ng namumuno.

"Ang ibig niyo pong sabihin? lalabanan ng grupo ni Aries ang Academy?"palinaw ni Leo.

Agad napangiti ang namumuno ng Academy habang nakatitig kay Leo.

"Yan na nga Leo, kaya kung gusto mong kumampi kay Aries, gawin mo na!"tugon ng namumuno kay Leo.

Hindi naman makapniwala si Leo sa naging desisyon ng namumuno sa panibagong Ranking, pinapahirapan na kasi nila ng todo si Aries. Kung hindi nila mapatanggal si Aries sa ngayong paraan, idadaan naman nila sa Ranking ang pagpapahirap kay Aries.

Samanlata, kung sila'y abala sa kanilang pagsasanay samantalang nakahiga lang si Aries sa loob ng kanyang kwarto. May lagnat kasi si Aries kaya kailangan niyang magpalakas para maka-abot siya sa Ranking.
------------------------------------------------------------------------------------------------------
Mag-isa namang nagsasanay si Jushua sa isang bakanteng lugar na malapit sa isang hardin. Sariwa kasi ang hangin at magandang pa tingnan ang paligid tulad ng bayan ni Jushua sa Egalliv na may maraming magandang tanawin.

Hinahampas niya ang espada niya kasabay ng pagtulo ng kanyang pawis. Gusto pa niyang magpalakas nang magpalakas upang mapantayan na niya ang lakas at tibay ni Aries. Natatandaan pa kasi niya ang huling duwelo niya kay Aries na kung saa'y nabigo siyang manalo gamit ang espada lang.

"Kulang pa! Kulang pa!"bawat bigkas ni Jushua habang hinahampas niya ang espada niya.

Habang patuloy siya sa kanyang pagsasanay, hindi niya alam na matagal na pala siyang pinagamamasdan ni Lila sa isang tabi habang naka-upo sa isang hardin. Nang makilala kasi ni Lila si Jushua noong panahong nagkasama sila upang tulungan si Aries ay parang dahan-dahang nahuhulog ang loob nito kay Jushua.

"Magandang araw Jushua"pangiting bati ni Lila kay Jushua.

Nabigla naman si Jushua kaya agad siyang napahinto sa kanyang pagsasanay.

"Lila ikaw pala iyan! Hindi ka pa ba magsasanay? Malapit na ang ranking baka mahihirapan ka niyan"tugon ni Jushua.

"May dalawang araw pa naman, bukas nalang ako magsasanay"tugon ni Lila.

"Ganoon ba, si Aries saan siya?"tanong ni Jushua.

"Nandoon siguro sa kwarto niya, mukhang nag-aaral"sagot ni Lila habang hindi sigurado.

"Sana, hindi na pinag-iinitan ng Academy si Aries noh, nag-aalala kasi ako sa kanya baka matanggal na siya dito sa Academy"alala ni Jushua.

"Jushua matagal mo na bang kilala si Aries?"tanong ni Lila.

"Hindi ko naman sinasabi na matagal ko siyang kilala, sa katunayan nga ay kalaban ko si Aries noon pero napagtanto ko rin sa sarili ko na isa palang mabait na tao si Aries hindi mayabang at matulungin pa, hindi ko alam kung bakit naging isang kriminal si Aries"tugon ni Jushua.

"Jushua ikaw pa ang nagsabi noon na kung may kasalanan mang nagawa si Aries baka may dahilan siya, di natin alam baka sa poot at galit na iyon ni Aries kaya niya ginawa ang bagay na iyon"tugon ni Lila.

"Kalimutan na natin ang bagay na iyon, hindi naman natin masisisi si Aries"tugon ni Jushua.

Habang nakatulala si Jushua sa hardin, hindi naman niya inaasahan na bigla siyang hahalikan ni Lila sa labi. Lalo na siyang natulala habang nakatitig siya sa mukha ni Lila na parang hindi siya makapaniwala. May kasintahan kasi dati sa Egalliv si Jushua subalit iniwanan lang niya ito upang malayang makapag-aral sa Academy.

"Jushua, para narin yan sa pagtulong mo kay Aries"tugon ni Lila.

"Lila"pahinang sabi ni Jushua habang siya'y nakatingin kay Lila.

Simula nang mahalikan ni Lila si Jushua ay dahan-dahan narin nahuhulog ang loob nito sa kanya. Kaya nang tumagal ay naging magkasintahan narin sila.

--------------------------------------------------------------------------------------------------------
Samantala, habang naglalakad si Hans patungo na sana sa kanyang silid-aralan ay bigla siyang hinarangan ng mga kaklase at dati niyang kagrupo. Pipigilan kasi nila si Hans sa pagpro-protekta kay Aries.

"Hans! Kapag nagpatuloy ka pa sa pagtulong kay Aries ay aalis na kami sa grupo mo"tugon ng mga kasamahan niya.

"Ano ba kayo? Konting bagay lang ay pinoproblema niyo na, wala namang ginagawang masama si Aries diba? Kaya magtiis lang muna kayo, di naman palagi na tutulong ako kay Aries"paliwanag ni Hans sa mga kasamahan niya.

"Hans, iba na ngayon ang Ranking kaya dapat huwag ka ng sumama kay Aries"paalala ng mga kasama niya sa kanya.

"Iba na ang Ranking? Ano ang ibig niyong sabihin?"pabiglang tanong ni Hans.

"Akala ko alam mo na ang bagong patakaran ngayon sa Ranking, Hans dalawang grupo nalang ang maglalaban sa Ranking ngayon, ang unang grupo ay kay Aries at ang pangalawang grupo ay Academy"paliwanag ni Hans.

"Ano?! Ang daya! Paano na kaya kapag walang halos kumampi kay Aries? Siguradong matatalo siya"reklamo ni Hans.

"Kaya nga wag kang kumampi kay Aries! simple lang naman diba? Hans, kapag hindi ka kakampi kay Aries ay malaki ang tsansa mo na tataas ang Rank mo"paliwanag ng mga kasama niya sa kanya.

Agad namang nagdadalawang-isip si Hans. Gusto kasi niyang tulungan pa si Aries hanggang sa matapos ang Ranking pero mas gugustuhin niyang tumaas ang Rank kaya nahihirapan siya kung ano ang kanyang susundin.

------------------------------------------------------------------------------------------------------
Dahan-dahan namang lumiliit ang grupo ni Aries, kasama na doon sina Leo at Hans na nagdesisyon nang hindi kumampi para sa pagtaas ng Rank samantala isa-isa na ding umaalis ang mga kaklase ni Aries sa grupo niya nang hindi niya namamalayan.

Tanging sina Mario, Ponyo, Danilo, Lila at Jushua nalang ang natitirang kasama ni Aries upang siya'y tulungan, kaya nang pumasok si Aries sa silid-aralan ay naramdaman ulit niya ang pag-iisa nang makita niyang hindi na kumakausap at lumalapit sa kanya ang mga kaklase niya na para bang unang pasok niya sa Academy.

"Ano ba itong nararamdaman ko? Bakit parang bumalik ang panahon na nag-iisa ulit ako"bulong ni Aries habang pinagmamasdan niya ang mga kaklase niyang nag-uusap sa isa't-isa.

Kahit may sakit siya ay pinilit parin niyang pumunta para bisitahin lang ang mga kaklase niya kaso natulala nalang siya sa nakitang pagbabago ng mga kaklase niya. Natapos naman ang tulala ni Aries nang biglang lumapit sina Lila at Danilo sa kanya.

"Aries, binago nila ang takbo ng Ranking ngayon, kaya mahihirapan ka ng magpataas ng Rank"paliwanag ni Lila.

"Aries, wala na tayong magagawa, kahit ang ibang kaklase natin ay hindi na kumakampi sa iyo dahil dalawang grupo nalang ang pagbabasehan para tataas ang Rank, ang grupo mo Aries at grupo ng Academy"paliwanag din ni Danilo.

"Kahit na anong mangyari, sumunod parin kayo sa akin, ipapanalo ko parin ang laban sa Ranking"tugon ni Aries.

Nagsi-tinginan naman sina Danilo at Lila na para bang nababaliwan na sila kay Aries.

"Aries, hindi na iilan ang kalaban mo, marami na! buong Academy na ang kalaban mo!"paliwanag ni Lila.

"Kahit na Lila, magtiwala ka parin sa akin"sabi ni Aries kay Lila.

Nagdadalawang isip naman si Lila sa sinabi ni Aries, kahit na magkalapit sina Lila at Aries ay hindi parin sumang-ayon si Lila na kakampi siya kay Aries sa pagkakataong ito. Gusto kasi ni Lila na tumaas din ang Rank niya kaya handa niyang isakripisyo si Aries para lang sa bagay na iyon.

"Syempre naman Aries, tiwala ako palagi sa iyo"sagot ni Lila habang siya'y nagdadalawang isip sa sagot niya.

Kahit na hangang-hanga si Danilo kay Aries ay handa parin niyang iwanan si Aries para din tataas ang Rank niya.

"Wag kang mag-aalala Aries, sasama parin ako sa iyo"sagot ni Danilo habang siya'y nagdadalawang isip din.

"Mabuti naman"tugon ni Aries kina Lila at Danilo.

Kung tutuusin ganoon din ang plano nina Mario at Ponyo na hindi rin nila sasamahan si Aries sa Ranking.

Makalipas ang isang araw, agad naman binisita ni Jushua si Aries sa kwarto niya upang pag-usapan ang paparating na Ranking, bukas na kasi magsisimula ang Ranking kaya nag-alala si Jushua sa lagay ngayon ni Aries. Nang binuksan ni Jushua ang pinto nang kwarto ni Aries ay agad niyang nakitang nanghihina si Aries at nakabulagta ito sa sahig.

Dali-dali naman niyang nilapitan si Aries upang tulungan kaya nang mahawakan niya ang katawan ni Aries ay agad niyang naramdaman ang init na sa sobrang init ay parang mapapaso ka na.

"Aries! May lagnat ka?"tanong ni Jushua.

"Pasensya ka na Jushua, matagal na kasing nanghihina ang katawan ko kaya nahihirapan na akong makatayo ngayon"tugon ni Aries.

"Kailan ka nilagnat?"tanong ni ulit ni Jushua.

"Mag-iisang linggo na"sagot ni Aries.

"Ang tagal na pala, Aries bakit hindi mo sinabi sa amin na may sakit ka pala, dapat sinabi mo sa amin para hindi pa lalala ang sakit mo"reklamo ni Jushua.

"Ayoko kasing mag-aalala kayo sa akin, pinilit ko ang sarili ko na maglakad at ipakita sa inyo na malakas ako para hindi na ninyo ako iisipin"tugon ni Aries habang umuubo.

"Ang tigas pala ng ulo mo Aries! Paano na iyan bukas na ang Ranking, umatras ka nalang sa ngayong Ranking Aries! May dahilan ka naman para hindi lumaban"sabi ni Jushua.

"Ayoko Jushua, bukas tatapusin ko na ang paghihirap ko rito sa Academy"tugon ni Aries.

Nabigla naman si Jushua sa sinabi ni Aries.

"Aries, imposible nang mangyari ang sinasabi mo, hindi lang sampu o isangdaan ang makakalaban mo, kundi aabot na ng isang libo, Aries di mo yan makakayanan sa kondisyon mo kaya mas mabuting umatras ka muna"paliwanag ni Jushua.

"Isang libo? Walang problema Jushua, kahit isang milyon pa sila, basta Jushua magtiwala ka lang sa akin, kayang-kaya ko parin ipanalo ang laban"pangiting sabi ni Aries.

"Aries! Sa totoo lang, bilid ako sa kakayahan mo pero ngayon para ka ng nababaliw, di mo magawang ipanalo ang Ranking sa kondisyon mong iyan tapos buong Academy na ang makakalaban mo, marami ng mga 12th, 11th, 10th, 9th hanggang sa 2nd Rank Knight ang makakalaban mo, kaya imposible mo ng makuha ang panalo"paliwanag ni Jushua.

"Jushua, basta magtiwala ka lang sa akin"huling sabi ni Aries bago siya nakatulog.

------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Pagkabukas, handa naman ang lahat para sa gaganaping Ranking. Dumating narin ang karwahe ni Prinsipe Reinhard kasama ang anim na Royal Knights sa kaharian ng Ylgad. Nagsisiyukuan naman ang lahat habang bumababa si Prinsipe Reinhard sa karwahe.

Dali-dali namang lumapit ang namumuno ng Academy kay Prinsipe Reinhard upang samahan ito sa inuupuan niya.

"Oh! Ito pala ang sinasabi nilang Academy, ang laki pala, kasinglaki ng palasyo namin"tugon ni Prinsipe Reinhard habang namangha siya sa Academy.

"Mahal na Prinsipe, maari po bang magtanong"tugon ng namumuno.

"Oh sige! ano iyon?"sabi ng prinsipe.

"Bakit po hindi nakadalo ang mahal na hari?"tanong ng namumuno.

"Si ama? Abala kasi siya sa mga papeles niya kaya ako nalang ang pumunta rito sa Academy"sagot ng prinsipe.

"Ganoon po ba"pangiting reaksyon ng namumuno.

"Kailan pa ba magsisimula yong Ranking"tanong ng prinsipe habang siya'y naiinip na.

"Ngayon na po mahal na prinsipe"sagot ng namumuno.

Habang inisa-isa na nilang tinatawag ang mga partisipante sa gaganaping Ranking, nagulat naman ang prinsipe nang makita niyang maraming nagtitipong mga estudyante patungo sa isang lugar samantalang nakita lang niyang nakatayo si Aries nang mag-isa doon kaharap ang libong estudyante.

"Bakit mag-isa lang ang estudyanteng iyan?"tanong ng prinsipe habang tinuro niya si Aries.

"Siya si Aries yong sa kabilang grupo"sagot ng namumuno.

"Ah si Aries! Yong laging tinutukoy ni ama at ni Edward, mabuti't nakapunta ako rito dahil gusto ko ring makilala ang Aries na iyan"pangiti ng prinsipe.

"Mahal na prinsipe, alam niyo na yong Aries na iyan"tugon ng namumuno.

"Ganoon ba"reaskyon ng prinsipe.

----------------------------------------------------------------------------------------------------------
Habang handa na ang kabilang grupo sa Ranking, nagdadalawang isip naman sina Mario, Ponyo, Lila, Danilo at maging si Jushua na kumampi kay Aries dahil natatakot sila na baka hindi tataas ang kanilang Rank.

"Handa na ba kayo?"pahinang tanong ni Aries sa kanila habang hindi pa siya gumagaling.

"Aries, di mo naman kailangang lumaban, pwede mo namang ipagpaliban ang Ranking, tingnan mo ang harapan mo Aries, marami nang nag-aabang sa iyo, hindi ka ba natatakot Aries?"tanong ni Lila.

"Magtiwala ka lang sa akin Lila"pahinang sabi ni Aries.

"Aries! Alam ko ang kakayahan mo! Malakas ka! Mabilis ka! At magaling ka! Pero hindi mo matatapatan ang Academy, mas malakas pa sila ng isang libo kaysa sa iyo kaya Aries pasensya ka na kung gagawin ko man ito sa iyo, panandalian lang naman ito kaya sa pagkakataong ito sa Academy ako kakampi Aries"paliwanag ni Lila habang siya'y dahan-dahang pumupunta sa grupo ng Academy.

"Aries pasensya ka narin pero kailangan ko ring manalo sa Ranking para tataas ang aking Rank"tugon nina Mario at Ponyo habang sila'y pumunta sa grupo ng Academy.

"Aries! Pasensya ka na kung hindi man ako tiwala sa iyo ngayon, pero pagmatapos na ang Ranking ito, tutulungan naman kita para makabangon"tugon ni Danilo habang siya'y pumunta sa grupo ng Academy.

Tanging si Jushua nalang ang natitirang kasama ni Aries sa grupo niya. Tanging si Jushua lang din ang nakaka-alam sa karamdaman ni Aries kaya kahit pabor siya na pumunta sa Academy ay pinipigilan parin niya ang sarili niya dahil naaawa siya kay Aries.

"Jushua? Ikaw nalang ang hinihintay ko? Nagtitiwala ka pa ba sa akin?"tanong ni Aries sa kanya.

"Aries! Wala namang mawawala kung matatalo ka kaya kakampi nalang ako sa Academy"lakas na loob na sinabi ni Jushua habang siya'y pumunta sa grupo ng Academy.

Wala ng natirang kasamahan si Aries, kaya tanging siya nalang ang lalaban para sa Ranking kaharap ang buong Academy.

"Ngayon, kung matalo niyo naman ang grupo ni Ari- este si Aries lang pala ay tataas ang rank niyo, ang 12th Rank ay magiging 11th Rank, ang lahat ng 2nd Rank ay magiging 1st Rank kaya simulan niyo na!"sigaw ni Sir Luke.

Aatake na sana ang lahat kay Aries kaso agad itinaas ni Aries ang kanyang kaliwang kamay na simbolo ng paghinto.

"Anong problema Aries? Gusto mo na bang sumuko?"tanong ni Sir Luke.

"May kondisyon ako!"sigaw ni Aries.

Nabigla naman ang lahat sa sinabi ni Aries, maging ang prinsipe ang nabigla din.

"Ano naman ang kondisyon mo Aries?"tanong ni Sir Luke.

"Kung mapatumba ko silang lahat ay gawin niyo akong 1st Rank Knight, pero kapag natalo ako, lalayas na ako sa Academy at hindi na ako babalik rito kailanman"lakas na loob na sinabi ni Aries.

Nabigla ulit ang lahat sa naging kondisyon ni Aries. Sina Lila, Danilo, Jushua, Leo at Hans ay nabigla din kay Aries, para sa kanila ay wala na kasing pag-asa si Aries kaya hindi nila kinampihan si Aries pero lalo pa silang nag-aalala nang malaman nila ang kondisyon ni Aries na kapag natalo siya ay lalayas na siya sa Academy habang buhay.

"Aries! Ano bang pinag-iisip mo"bulong ni Lila habang nag-aalala siya kay Aries.

Hindi pa naman sigurado kong sang-ayon ang namumuno ng Academy sa kondisyon ni Aries dahil hinding-hindi pa siya nakakapagdesisyon. Tutol sana siya sa kondisyon ni Aries kaso agad siyang pinigilan ni prinsipe Reinhard.

"Bakit kayo natatakot kay Aries! Sang-ayonan niyo ang kondisyon ni Aries, gusto kong makakita ng Ranking na isa laban sa lahat"pangiting sabi ni Reinhard.

"Pero mahal na prinsipe"tugon ng namumuno pero agad nagsalita ang prinsipe.

"Walang pero-pero, simulan na ang laban"tugon ng Prinsipe.

Tumayo naman ang namumuno ng Academy upang ideklara ang kondisyon ni Aries.

"Aries! Sang-ayon kami sa kondisyon mo kaya simulan na ang laban!"sigaw ng namumuno.

Napaluha nalang si Lila nang malaman niyang tinanggap ng Academy ang kondisyon ni Aries.

"Aries, dito nalang siguro magtatapos ang pananatili mo sa Academy"bulong ni Lila habang tumulo ang luha niya sa lupa.

Myself in Another World (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon