(Vol. 5) Chapter 46: The Capital of Rellic City

126 23 5
                                    

Maaga namang nagising si Aries dahil sa masamang panaginip niya. Hindi niya kasi inaasahan na mapapanaginipan niya ang bagay na iyon ang pag-atake ng isang dragon sa isang lugar, hindi naman iyon si Ourovoros tapos unang beses palang niyang nakita ang dragon na iyon.
 
“Mukhang madami lang yata akong iniisip”bulong ni Aries habang siya’y maagang kumilos.
 
Madilim pa nga sa labas tapos malamig pa ang simoy ng hangin. Nakita naman ni Aries ang mga sisidlan ng tubig kaya kinuha niya ang mga ito tapos naglakad siya papunta sa batis. Natatandaan pa naman niya ang daan dahil may mga palatandaan naman. Tumatakbo naman siya patungo doon sa batis upang mapawisan siya, para na kasing pagsasanay iyon kay Aries.
 
Samantala, hindi alam ni Tina na maaga na palang gumising si Aries, siya kasi ang unang magigising sa kanilang magkakapamilya doon. Mag-iigib na sana si Tina upang punuin ang isang bariles kaso napuno na ito. Laki ang pagtataka ni Tina sapagkat kahapon ay wala itong laman.
 
“Paano ito nangyari?”pabiglang tanong ni Tina.
 
Nagulat narin si Tina nang makita niyang nakapastol na sa mga damuhan ang mga hayop nila. Kaya ngayon ay napakalmot nalang siya sa kanyang ulo. Nang pinuntahan niya ang kwarto ni Aries ay nakita narin niyang wala iyon doon kaya nag-aalala na siya.
 
“Saan na kaya si Nogard ngayon? Wag mong sabihing nag-“pasalita ni Tina habang madali siyang tumakbo nang bigla siyang may napa-isip.
 
Kaya nang pumunta siya sa mga bakahan ay doon na niya nakita si Aries.
 
“Magandang araw Tina”bati ni Aries.
 
“Magandang umaga rin, bakit ang aga mo?”tanong ni Tina.
 
“Maaga kasi akong nakagising tapos hindi na ako makatulog kaya yon, nag-igib ako, nagpastol tapos ito rin”paliwanag ni Aries.
 
“Ehh! Mukhang gusto mo rin ang buhay na ito Nogard”pabirong tugon ni Tina.
 
“Sinabi mo kasing trabaho kaya ginawa ko lang ang tungkulin ko”tugon ni Aries.
 
“Sige Nogard, maiiwan muna kita rito, may gagawin pa ako, galingan mo diyan ah!”paalala ni Tina sa kanya.
 
Nang lumiwanag na ang araw ay doon na nagtrabaho ang lahat. May mga taong nagtatanim, ang iba nama’y nag-aani. Masasabi mo talagang masagana ang lupain doon dahil sa mga tanim na gulay at prutas.
 
Matapos ang unang trabaho sa umaga ay nag-almusal naman sila. Kasamang kumain ni Aries ang mga magulang ng magkapatid. Ang huling almusal kasi ni Aries na may kasama siya ay doon sa kaharian ng Ylgad pero ngayon ay ka-antas na niya ang mga tao rito.
 
“Nogard, wag ka ng mahiyang kumain, tayo-tayo lang naman dito eh!”tugon ng tatay ng magkapatid.
 
Pakislap-kislap naman ng tingin si Tina habang kumakain si Aries,  para kasing nagugustuhan niya ang bawat pagnguya ni Aries sa pagkain, tapos mahinhin ding kumain si Aries na para sa kanila ay nasanay ito na sa mayayaman na pamilya.
 
“Nogard, mukhang lumaki ka yata sa mayamang pamilya”tugon ni Mihena.
 
“Paano naman po iyon nasabi tita?”tanong ni Aries.
 
“Wala lang, mahinhin ka kasing kumain tapos alam mo din ang mga etikita sa pagkain”paliwanag ni Mihena.
 
“Ganoon ho ba, mukhang nasanay lang yata ako sa amin”patawang sagot ni Aries.
 
“Nogard, saan ka ba nakatira?”pabiglang tanong ni Tina.
 
Hindi naman kaagad nakasagot si Aries dahil hindi niya alam ang sasabihin niya. Kaya agad siyang napahinto siya sa pagkakain niya.
 
“Siguro sa kapital ka nakatira noh?”pabiglang sagot ni Tina kay Aries.
 
Nabigla naman si Aries sa sagot sa kanya ni Tina, ngayon palang kasi niya narinig ang kapital. Kaya ginamit nalang niya ang salitang iyon para makapagsagot siya kung saan siya nakatira, wala pa naman silang nalalaman tungkol sa buhay niya kaya hindi na siya pagduduhan ng mga ito.
 
“Oo doon ako sa kapital nakatira, napunta lang ako sa batis dahil naisipan kong maligo”paliwanag ni Aries.
 
“Ah ganoon pala kuya Nogard, yon pala ang dahilan kung bakit ka naroroon sa batis”tugon nina Rena at Gina.
 
“Muntik ko nang makalimutan, mabuti’t pinag-uusapn niyo ang kapital, Tina mamalengke ka muna tapos isama mo na rin si Nogard baka gusto na niyang umuwi”tugon ni Mihena kay Tina.
 
“Opo nay, ako na po ang bahala”sagot ni Tina.
 
Pagkatapos nilang kumain ay doon na umalis sina Tina at Aries. Dala-dala naman ni Tina ang isang bayong na lalagyan niya ng mga pinalengke niya. Sa ngayon ay naglalakad na sila patungo sa kapital.
 
Ang kapital ang sentro sa siyudad ng Rellic, doon matatagpuan ang maraming mga gusaling nakatayo, marami ding mga pasyalan ang makikita doon, kadalasan ay mayayaman ang nakatira sa kapital at marami ding mga kabalyero ang mga nakatalaga doon na magbantay.
 
May bitbit namang pangtakip ng mukha si Aries dahil gagamitin niya ito kapag may nakaharap siyang mga kabalyero, mabuti na yong handa sa kahit anong mangyari.
 
Nalilito na nga si Tina dahil mukha kasing iniiwasan ni Aries na ipakita ang mukha niya sa mga tao, kaya tinanong niya ito tungkol sa ginagawa niyang pagtakip sa mukha niya.
 
“Nogard, ano bang problema? Ayaw mo bang maiinitan ang mukha mo?”tanong ni Tina kay Aries.
 
“Hindi naman sa ganoon, sa katunayan nga hindi lang ako sanay na makita ang mukha ko sa ibang tao”paliwanag ni Aries.
 
“Eh! bakit naman? Baka mahanap ka ng mga magulang mo, mayaman ka Nogard no?”pabirong sabi ni Tina kay Aries.
 
“Kung mayaman na ako, bakit naman ako magtratrabaho sa inyo”tugon ni Aries.
 
“May punto ka naman”sabi ni Tina.
 
Hindi naman tumigil sa pagtatanong si Tina kay Aries, kahit personal na bagay ay tinatanong niya na kay Aries. Naiirita na nga halos si Aries dahil umabot na ito sa parte ng katawan niya na kailanma’y walang kinalaman sa buhay niya.
 
“Nogard, ganoon ba kalaki ang talong mo?”paseryosong tanong ni Tina sa kanya.
 
“Seryuso ka ba Tina sa tinatanong mo sa akin? bakit gusto mo talagang malaman ang bagay na iyan?”tanong ni Aries habang siya’y naiirita na sa madaldalin na si Tina. “Ang tahimik mo kapag naroon ka sa bahay niyo, tapos ang daldal mo na kapag wala ka na sa bahay niyo”paliwanag ni Aries kay Tina.
 
“Basta wala akong ginagawa Nogard, madaldalin ako pero kapag may ginagawa ako ay doon na ako tatahimik, nakatuon kasi ang isip ko sa trabaho, pasensya ka na Nogard nasanay lang yata ako”paliwanag ni Tina.
 
“Wala namang problema sa madaldalin Tina, ang pinoprobema ko lang ay mukhang labag na kasi sa isang tao ang tinatanong mo, kung baga personal na bagay na, wala ka bang ibang matatanong sa isang tao”tugon ni Aries ni Tina.
 
Nakatulala naman si Tina kay Aries na parang hindi pumapasok sa isip niya ang sinasabi ni Aries sa kanya, ang mga mata nito’y nakatangin sa kanya habang nakabuka naman ang bibig nito.
 
“Kalimutan mo na ang sinabi ko Tina, hindi ka lang pala madaldalin, wala rin palang laman ang utak mo”paseryusong sabi ni Aries na may kasamang pang-iinsulto.
 
“Nagbibiro lang naman ako Nogard naiintindihan ko naman ang sinabi mo! Tapos grabe ka naman magsalita, alam mo namang babae ang kinakausap mo tapos sasabihan mo lang na walang laman ang utak, alam mo namang nagbibiro lang ako”paliwanag ni Tina.
 
“Yan kasi ang problema mo Tina, hindi ko alam kung nagbibiro ka ba o hindi”tugon ni Aries.
 
“Eh! Mukhang hindi ka yata nasanay sa masayang pamilya Nogard o mukhang nagtitiis ka lang lagi kung baga lagi kang may problema sa buhay mo, yong wala ng halos kumakampi sa iyo dahil kalaban ka na ng sanlibutan, konting biro lang naman mukhang sineseryuso muna agad”paliwanag ni Tina.
 
“Pasensya ka na Tina, marami lang kasi akong iniisip”pabiglang tugon ni Aries.
 
Matapos ang ilang minuto nilang paglalakad ay nakarating naman sila sa harap ng kapital ng siyudad. Maraming tao ang namamasyal, may kasamang mga bata na hawak-hawak ang kanilang mga laruan, may mga magkakasintahan na nagkakainan sa mahal na restawran at iba pa nga’y namimili ng magagandang damit sa isang pamilihan, masasabi mo talagang masigla at maganda talaga ang buhay kapag nakatira sa kapital.
 
Hindi naman mawawala sa kapital ang mga nagkalat na mga kabalyero tapos may nakapaskil ring larawan ni Aries na nakadikit sa bawat poste, iginuhit ito gamit ang tinta. Nabigla naman si Aries nang makita niya ang nakapaskil na larawan niya sa poste na may patong na pera at may nakasulat rin na kung sinong makakapatay sa kanya at madadala ang ulo ay mabibigyan ng pabuya.
 
Napagtanto na pala ni Aries na hindi pala siya ligtas sa siyudad na ito kaya minabuti nalang niyang takpan ang mukha niya para walang makakilala sa kanya.
 
“Ito pala ang sinasabi nilang pagtaksil sa kontinente na kailanma’y hindi ako makakapasok sa mga bayan, hindi ko aakalaing aabot pala sa ganito ang hatol ko”bulong ni Aries habang pilit niyang tinatakpan ang mukha niya.
 
Kahit walang alam si Tina sa nangyayari kay Aries ay nag-alala parin ito sa kanya.
 
“Nogard, kung may problema ka sabihin mo lang sa akin”tugon ni Tina. “Hindi ko inaasahan na hindi ka pala sanay sa ganito, sana hindi nalang kita sinama”tugon ni Tina.
 
“Wag kang mag-aalala Tina, hindi naman kita sinisisi”sabi ni Aries.
 
Patungo na sana sila sa pamilihan nang bigla silang hinarang ng isang kabalyero na nag-iikot sa kapital. Naghihinala na kasi ang kabalyerong iyon kay Aries dahil nakatakip ang mukha nito tapos paiba-iba narin ang kilos nito kaya hindi na siya nag-alinlangan na lapitan ang dalawa.
 
“Hoy ikaw, bakit mo tinatakpan ang mukha mo?”tanong ng kabalyero kay Aries.
 
Hindi naman kaagad nagsalita si Aries dahil nalito siya kung ano ang sunod niyang gagawin, wala naman ngayon siyang dala-dalang espada tapos kung aatakehin niya ang kabalyero ay baka lalala pa ang lahat, wala narin siyang intensyon na tumakbo baka paghihinalaan na siya ng todo at kailanma’y hindi na siya makakabalik sa siyudad o sa bahay man lang ni Tina.
 
Agad namang kumilos si Tina sabay harap sa kabalyero.
 
“Pasensya na po ginoo sa takip ng asawa ko, may sugat po kasi siya sa mukha dahil kung maiinitan po ang sugat niya sa mukha ay hahapdi po iyan, sana po mauunawaan niyo po ang problema ng asawa ko”paliwanag ni Tina habang ginawa niya ang lahat para matulungan lang niya si Aries.
 
“Asawa mo siya?”pabiglang tanong ng kabalyero kay Tina.
 
“Opo, sa katunayan lang po noong huling buwan pa po kami nagpakasal”sagot ni Tina sa kabalyero.
 
“Ganoon ba, pasensya na sa abala, may hinahanap kasi kaming tao”tugon ng kabalyero.
 
Akala ni Aries ay tapos na ang kabalyero sapagkat tumingin ulit ito sa kanya at nagtanong ulit.
 
“Iho, ano bang pangalan mo?”tanong ng kabalyero sa kanya.
 
“Nogard po ginoo”pabiglang sagot ni Aries.
 
“Sige, magpatuloy na kayo, mukhang madami yata ang bibilhin niyo”sabi ng kabalyero sa kanila habang sila’y pinatuloy na.
 
“Oo nga po, pasensya na po sa abala”tugon ni Tina habang madali siyang lumayo sa kabalyero.
 
Nang makalayo-layo na ang dalawa ay agad naman silang pumasok sa isang tagong kalye na walang taong dumadaan, gusto kasing pagsabihan ni Tina si Aries. Nag-alala na ito ng tuluyan sa kaniya sapagkat maaari pa nilang ikapahamak ang ginagawa ni Aries.
 
“Nogard, kapag lalo lang nakatakip ang mukha mo ay lalo ka lang pinaghihinalaan ng mga kabalyero, alam mo naman ang kapital, mahigpit ang pagbabantay dahil madaming mandurukot, magnanakaw o minsan nga mga bandido, baka mapaghihinalaan ka ng isa sa mga sinabi ko, tandaan mo iyan”paalala ni Tina kay Aries.
 
“Pasensya ka na Tina”pahingi ng pasesnya ni Aries.
 
Sasabihin na sana ni Aries ang tungkol sa mga nakapaskil na larawan niya na nagkalat sa buong kapital kaso hindi iyon natuloy dahil may limang lalaki ang pumasok sa kalye. Mga tambay iyon at may grupong sinasalihan, may mga tattoo pa nga ito sa balikat na nagpapatunay na sila ay miyembro ng isang grupo.
 
“Hoy! Hoy! Akalain mo naman na may mga bisita pala tayo dito”patawa ng isang lalaki na sinasabing pinuno ng grupo.
 
“Oo nga, mukhang nagagandahan yata ako sa babaeng kasama ng lalaking iyan”sabi ng isang lalaki.
 
Aalis na sana sina Tina at Aries patungo sa isang labasan ng kalye kaso dumating ulit ang lima pang mga kalalakihan kaya ngayon ay nakulong na sila sa loob ng kalye. Kahit sumigaw pa sila ay hindi na sila maririnig dahil malayo na sila sa kapital at wala nang naglilibot na mga kabalyero doon.
 
“Hindi na kayo makakalabas pa kaya mas mabuting sumuko nalang kayo sa amin”tugon ng pinuno ng grupo kina Tina at Aries.
 
“Pwe! Kailanma’y hindi kami susuko sa inyo, ang pangit mo kaya!”painsultong sabi ni Tina sa pinuno.
 
“Hoy babae! Hindi ko gusto ang tabas ng dila mo!”pagalit na sinabi ng pinuno ng grupo sa kanya.
 
Mabilis namang nilapitan ng lalaking iyon si Tina na may hawak-hawak na patalim subalit madali naman itong pinatumba ni Aries gamit lang ang suntok niya. Kahit mahina lang ang pagkasuntok ni Aries ay durog naman ang mukha ng lalaki,  sira ang ilong at dumudugo ang labi.
 
“Hoy inutil ka! Bakit mo ginawa ang bagay na iyan sa pinuno namin!”sigaw nila habang sunod-sunod nilang inatake si Aries.
 
Kahit may hawak na silang patalim ay kailanma’y hindi parin natatamaan si Aries, pinatabi naman ni Aries si Tina baka matamaan ito. Kahit gumagamit na din sila ng mga mahika ay hindi pa iyon umuubra kay Aries. Napapamangha nalang si Tina sa tuwing pinapatumba ni Aries ang natitirang lalaki gamit lang ang kanyang suntok.
 
Matapos naman ang ilang minuto ay pareho nang natumba ang sampung lalaking umatake sa kanila. Paalis na sana silang dalawa kaso bigla pang nakatayo ang isang lalaki at dali-dali niyang inatake si Tina na walang malay na papalapit sa kanyang likuran.
 
Mabilis namang nakaramdam si Aries kaya agad niyang itinapat ang kamay niya sa likuran ni Tina upang hindi ito masaksak subalit ang kamay niya ang nasaksak ng patalim. Napangiti naman ang lalaki dahil nagtagumpay siya sa kanyang binabalak kundi ang makasaksak kaso nang tiningnan niya ang nakatakip na mukha ni Aries ay nagulat siya nang makitang wala lang reaksyon si Aries sa natamo nitong pagsaksak.
 
“Bakit? Bakit hindi siya nasasaktan?”tanong ng lalaki habang mabilis na tumakbo palayo kay Aries.
 
Nang makita ni Tina ang malaking sugat ni Aries sa kamay ay agad niya itong tinakpan ng isang panyo para hindi na aagos ang dugo. Wala namang nararamdaman na sakit si Aries kaya hindi na niya pinroblema ang sarili.
 
“Wag ka ng mag-aalala sa akin Tina, sanay na ako sa ganito kaya ayus lang ako”tugon ni Aries,
 
“Anong sanay? Dumudugo na nga yong kamay mo dahil sa lalim ng pagkasaksak, dito muna tayo! hindi tayo aalis dito kapag hindi ko nagagamot yong sugat mo, malaki na nga ang utang na loob ko sa iyo dahil tinulugan mo ako tapos hahayaan lang kita na magtiis sa sugat na ito”paliwanag ni Tina habang nag-alala siya ng todo kay Aries.
 
Pinagmamasdan naman ni Aries si Tina habang ito’y gumagamot sa sugat niya, nakikita kasi niya na hindi ito natatakot o nandidiri sa dugo, tapos seryuso na din ito at hindi na madaldalin.
 
“Mukhang ang tahimik mo na ngayon Tina”pabiglang sabi ni Aries na pumutol sa tahimik nilang pagsasama.
 
“Syempre, di ba sinabi ko kapag may ginagawa ako ay doon na nakatuon ang isip ko”sagot ni Tina habang patuloy niyang ginagamot ang sugat ni Aries.
 
“Ah! Ganoon pala, yong pamamalengke natin! Naaalala mo pa ba?”tanong ni Aries.
 
“Syempre naman! Pero mamaya muna natin yan isipin, yong paggaling ng sugat mo muna yong uunahin natin”seryusong sabi ni Tina.
 
Patuloy namang ginagamot ni Tina ang sugat ni Aries, palagi kasi siyang may dala-dalang dahon kaya agad niya itong dinurog at inilagay sa sugat ni Aries tapos tinakpan ng panyo. Kaya lumipas ang sampung minuto ay natapos narin ang pagamot ni Tina sa sugat ni Aries.
 
“Nogard! Pumunta na tayo sa ospital para ipatingin sa espesyalista ang sugat mo”pabiglang sabi ni Tina.
 
Nagulat naman si Aries.
 
“Huh!? Ayoko!”reklamo ni Aries.
 
“Nogard! Tara na! ayoko pang lumala yong sugat mo”paanya ni Tina.
 
“Ayoko”reklamo ulit ni Aries.
 
“Nogard! Pag-sinabi kong tara na! umalis na tayo!”paliwanag ni Tina.
 
“Ayoko!”reklamo ulit ni Aries.
 
“Nogard, wag matigas ang ulo!”sabi ni Tina habang naiirita na kay Aries.
 
“Tina! Wag mo nga akong tratuhing isang bata! Pagsinabing ayus lang ako ay ayus lang ako”paliwanag ni Aries.
 
“Nag-aalala lang kasi ako sa sugat mo eh!”paliwanag ni Tina.
 
“Oo sige na nag-aalala kana! Tina, mabuti na yong lagay ko, yong sugat ko, hindi na sumasakit, ayoko nang magpatingin sa espesyalista dahil ayoko magastos yong pera mo, diba Tina ano yong pinunta natin rito?”pahinhin na paliwanag ni Aries na may kasamang tanong sa huli.
 
“Yong mamalengke”pahinang sagot ni Tina na may kasamang pagkalmot sa ulo.
 
“Alam mo naman pala eh! tara na mamalengke na tayo”pahinhin na sabi ni Aries.
 
Pagkatapos nilang mag-usap ay agad na silang umalis.
 
“Tina hindi ko pa nakakalimutan yong sinabi mo sa isang kabalyero na tayo’y mag-asawa”pabiglang paalala ni Aries kay Tina habang sila’y naglalakad patungo sa pamilihan.
 
Agad namang namula ang pisngi ni Tina nang maalala niya ang bagay na iyon.
 
“Dapat nga ay pinasasalamatan mo ako Nogard!”pabiglang sabi ni Tina habang tumitibok ng mabilis ang puso niya.
 
“Oo na, magpapasalamat na ako”tugon ni Aries. “Salamat pala, Tina mahal ko”pabiro ni Aries na may kasamang halakhak.

Myself in Another World (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon