“Hindi ko maipaliwanag kung bakit lagi akong may nakikitang babae, hindi ko gaanong naalala ang mukha niya, tapos lagi siyang yumayakap sa akin, nang tinititigan ko siya ay lagi lang siyang nakaupo sa upuan na parang walang kibo, laging siyang may bulaklak sa tainga niya, kung kilala ko siya bakit wala akong maalala tungkol sa kanya....”
“Yan ang isang bagay na lagi kong tinatanong....”
Agad namang iminulat ni Aries ang mata niya kaya agad niyang nakita ang isang babae sa tabi niya na nakaupo lang habang nakaharap sa kanya. Wala namang kibo na nakaharap ang babae sa kanya sapagkat bigla nalang itong nagtanong tungkol sa kalagayan niya.
“Ayus ka lang ba?”tanong ni Mellia habang nag-aalala siya kay Aries.
“Ayus lang ako salamat sa pag-aalala”pasalamat ni Aries kay Mellia.
Agad namang nagtaka si Aries nang makita niyang nasa loob ng bahay siya, sa huling naalala kasi niya ay nasa kagubatan pa siya, tapos hindi na niya alam ang sumunod na mangyari nang siya’y mawalan na ng malay.
“Pwede mo bang sabihin sa akin kung nasaan na ako ngayon?”pakiusap ni Aries.
“Narito ka na sa bayan ng Lyveli”pangiting sagot ni Mellia kay Aries.
Ilang minuto namang nakatitig si Aries kay Mellia dahil nakikita kasi niya na hindi ito tumitingin sa kanya habang nagsasalita, tapos lagi rin itong tulalang nakatitig sa ding-ding ng bahay nito.
“Bakit ka laging nakatingin sa ding-ding? May problema ba sa aking mukha?”tanong ni Aries kay Mellia.
“Pasensya ka na kung ganito man ako makatingin sa iyo, bulag kasi ako”sagot naman ni Mellia na ikinagulat ni Aries.
Tatayo na sana si Aries kaso hindi niya maigalaw ang kanyang paa. Pinilit man ni Aries na igalaw ito subalit hindi parin niya nararamdaman ang paa niya.
“Wag ka munang gumalaw, sabi ni lolo sa akin mukhang matatagalan pa bago mo maiigalaw ang paa mo, ano bang nangyari sa iyo? Bakit hindi mo pinagpahinga ang sarili mo sa paglalakad?”alala ni Mellia kay Aries.
Nagulat naman si Aries nang makalimutan na niya ang huling nangyari sa kanya, wala na rin siyang naalala sa pananatili niya sa mahiwagang kagubatan dahil tinanggalan na siya ng ala-ala ng diwata.
“Di ko alam kung anong nangyari sa akin, di ko rin alam kung bakit ako naglalakbay, basta ang tanging alam ko lang ay naglalakad lang ako para mabuhay”paliwanag ni Aries.
Agad namang dumating ang lolo ni Mellia na siyang pumulot kay Aries sa kagubatan, may dala-dala naman itong usa na nakuha sa niya sa pangangaso. Bumati naman ito kay Aries dahil nakita niyang nagkamalay na ito.
“Iho, ayus ka lang ba? Mga ilang araw ka ng hindi nagigising?”tanong ni Luis, lolo ni Mellia.
“Ayus lang po ako maliban lang po sa paa ko”tugon ni Aries.
“Ganoon ba, mabuti naman kung yan lang ang natamo mo, sige ipagluluto ko muna kayo ng almusal”tugon ni Lolo Luis.
“Pasensya na po sa abala”tugon ni Aries.
Agad namang inihaw ni Lolo Luis ang dala-dala niyang usa para lutuin niya pang-almusal at panghalian. Bukod sa pangangaso ay dati namang kabalyero si Lolo Luis na nagbabantay noon sa bayan ng Lyveli subalit nang iniwanan na ng mga magulang si Mellia ay siya na ang nag-alaga nito.
Sariwang-sariwa pa sa kaisipan ni Lolo Luis ang pag-iwan nila kay Mellia sa tirahan nito, kaya siya na ang kumupkop nito sa mahabang panahon. Kung tutuusin ay dapat hindi na siya nagtataguyod kay Mellia dahil sa tanda na niya kaso hindi kasi mabubuhay si Mellia nang mag-isa lang dahil sa bulag ito.
Wala namang nanliligaw kay Mellia dahil alam nilang magiging pabigat lang ito sa kanilang pamilya. Tanging siya lang ang nag-aalaga kay Mellia, tapos hindi niya mawawala sa isipan kung ano ang mangyayari kay Mellia kapag nawala na siya sa mundo, tinitiis nalang niya ang mga sakit na nararamdaman niya para mabuhay lang niya si Mellia.
Samantala, habang nag-uusap sina Aries at Mellia ay nagulat naman bigla si Aries nang tanungin siya kung ano ang pangalan niya. Sa ngayon ay bigla kasi niyang naalala ang nangyari kay Tina noon at sa pagtaksil sa kaharian tapos bigla rin niyang naalala ang pangalang ginamit niya para maitago ang pagkakakilanlan niya.
“May problema ba? Hindi mo na ba naalala ang pangalan mo?”palinaw ni Mellia kay Aries habang paulit-ulit nitong tinatanong ang pangalan niya.
Alam ni Aries na mapapahamak lang siya kapag nalaman nila ang tunay niyang pangalan kaya kahit ganoon ang posibilidad ay handa parin niyang sabihin ang totoong pangalan niya. Magpapakilala na sana si Aries kaso agad kinuha ni Mellia ang isang kamay niya.
“Pwede mo bang ilagay ang kamay mo sa kaliwang kamay ko”tugon ni Mellia.
“Bakit naman?”tanong ni Aries.
“Para malaman ko ang buhay mo”sagot ni Mellia.
“Para malaman ang buhay ko?”pabiglang tanong ni Aries sabay lagay ang kamay niya sa kaliwang kamay ni Mellia.
Sa iilang segundo lang ay agad nalaman ni Mellia ang buhay ni Aries, ang pagkatao niya, pagkakakilanlan niya at ang nakaraan niya.
“Aries pala ang totoo mong pangalan”sabi ni Mellia na ikinagulat ni Aries.
Narinig naman ito ni Lolo Luis na kakatapos lang magluto kaya lalo nang nagulat si Aries.
“Aries yong sinasabi nila noon na taksil at traydor sa kaharian”bigkas ni Lolo Luis.
Hindi naman agad nakapagsalita si Aries dahil akala niya ay ipagsasabi na siya sa mga kabalyero pero nagulat siya nang makita niya ang ordinaryong reaksyon nina Mellia at Lolo Luis.
“Di ba niyo ako huhulihin?”tanong ni Aries sa kanila.
“Iho, matagal na panahon na iyon, mga ilang taong na iyong nakalipas, kung gahaman lang siguro ako sa pera ay matagal na kitang isinuko kaso hindi naman ako gahaman, tapos iho mag-ingat ka kung pupunta ka sa sentro ng bayan dahil nakaukit parin ang pangalan mo sa braso mo”paliwanag ni Lolo Luis.
Nagulat naman si Aries nang makita niya ang pangalan niyang naka-ukit sa braso niya. “Paano nangyari ito?”tanong niya sa sarili niya habang siya’y nalilito.
Nag-almusal naman sila matapos ang kanilang pag-uusap.
-----------------------------------------------------------------------------------------------------------
Mga ilang araw hindi makatayo si Aries tapos si Mellia lang ang nag-aalaga sa kanya. Araw-araw ay lagi namang sinasanay ang paa niya hanggang sa nakatayo-tayo na siya, tanging si Mellia lang ang gumagabay sa kanya para makatayo siya ng matuwid.
“Lia, salamat pala sa pagtulong mo sa akin”pasalamat ni Aries kay Mellia.
“Walang anuman Aries, tungkulin ko naman iyan eh”pangiting sagot ni Mellia habang nakaupo siya sa kanyang paboritong upuan.
Nang makalakad na talaga ng tuluyan si Aries ay doon na siya lumabas ng bahay upang tulungan si Lolo Luis na laging abala sa pagtatanim nito. Bumilid naman si Aries kay Lolo Luis dahil nagawa pa nitong maghanapbuhay kahit matanda na.
“Lolo Luis, ako na po ang bahalang magtanim, nagiging pabigat narin po ako sa inyo”tugon ni Aries.
“Aries, wag mo na ngayon, magpagaling ka muna”tugon ni Lolo Luis.
“Kaya ko na po ang sarili ko”sabi ni Aries habang siya na ang nagpatuloy sa ginagawa ni Lolo Luis.
Bumilid naman si Lolo Luis kay Aries dahil sa sipag nito. Sa lahat kasi ng mga trabaho niya ay si Aries na ang gumagawa, pagtatanim, pangangaso, pag-iigib at marami pang iba. Nasanay kasi si Aries kaya madali nalang sa kanya ang mga pinagagawa niya.
Makalipas ang tatlong buwan ay naging malapit naman si Aries sa kanila kaya para naring mga apo ang turing ni Lolo Luis kina Mellia at Aries. Masaya pa nga silang nagkakainan sa isang madilim na gabi kaso nabigla nalang sila nang agad bumulagta sa sahig si Lolo Luis.
Dali-dali namang niyakap ni Aries si Lolo Luis at binuhat ito patungo sa kama niya.
“Lia, himasin mo lang ang palad ni Lolo Luis, magpapakulo lang ako ng tubig”utos ni Aries kay Mellia.
“Sige Aries, bilisan mo lang”tugon ni Mellia.
Habang hinihimas ni Mellia ang palad ni Lolo Luis ay hindi naman nawala ang pagkwe-kwento niya na kung saa’y limang-taong gulang palang siya ay si Lolo Luis na ang nag-alaga sa kanya.
“Lolo, wag niyo po akong iiwan, hindi na po ako mabubuhay kapag wala na kayo, paano na po ang ako?”tanong ni Mellia habang siya’y umiiyak.
“Mellia, matagal na akong nananatili sa mundo kaya anumang oras Mellia ay mawawala na ako sa mundo, Mellia gustuhin ko mang tulungan ka pa kaso hindi ko na kaya ang katawan ko, matanda na ako, Mellia patawarin mo ako kung hindi ko man matupad ang pangako ko”pahingi ng tawad ni Lolo Luis kay.
Napamahal na kasi si Mellia kay Lolo Luis kaya natatakot siya na mawala ito sa buhay niya. Labing-anim na taon siyang kinupkop ni Lolo Luis na siya’y inalagaan para mabuhay lang.
“Mellia, pasensya na kung hindi ko man matupad ang pangako kong hahapin ko ang mga magulang mo, sana mapatawad mo ako Mellia”pahingi niya ng tawad kay Mellia habang siya’y umuubo ng dugo.
“Lolo, wag po muna kayong bibitaw!”paulit-ulit na binibigkas ni Mellia kay Lolo Luis.
Ngumiti naman si Lolo Luis na may kasamang pagkalungkot. Gustuhin pa kasi niyang mabuhay ng matagal subalit hindi na kaya ng katawan niya. Tumutulo na nga lang ang luha niya sa tuwing naririnig niya ang pakiusap ni Mellia sa kanya. Nag-aalala kasi siya kung sino na ang mag-aalaga kay Mellia. Nagdasal siya nagdasal kaso hindi parin dumadating. Isa lang kasi ang gusto niyang mangyari bago siya mamatay kundi malaman niyang may taong mag-aalalga kay Mellia.
“Lolo Luis, ako na po ang mag-aalaga kay Lia, kaya huwag niyo na pong pilitin ang sarili niyo, magpahinga na po kayo, alam kong madami ring kayong pagsasakripisyo para mabuhay si Mellia”paliwanag ni Aries habang pinagsabihan si Lolo Luis.
“Salamat naman, Aries ipangako mo sa akin na bibigyan mo ng magandang buhay si Mellia, salamat”pahinang tugon ni Lolo Luis bago siya nalagutan nang hininga.
Nang maramdaman na ni Mellia na hindi na humihinga ang lolo niya ay doon na niya ito niyakap nang mahigpit, at umiyak siya ng malakas na malakas.
“Lolo!”sigaw niya habang tumutulo ang luha niya sa mukha ni Lolo Luis.
Kalaunan ay agad namang inilibing ng mga kababayan nila si Lolo Luis sa libingan. Tanging sina Aries at Mellia lang ang hindi nakapunta dahil wala kasing magbabantay kay Lia doon sa bahay.
Sa ngayon ay unti-unti namang nawawala ang pag-iiyak ni Mellia dahil lagi kasing pinapagaan ni Aries ang kalooban niya.
Nag-aalala naman si Mellia kung ano ang magiging kinabukasan niya, gustuhin man sana niyang makabuo ng sariling pamilya kaso hindi niya magawa. Iniwan nga siya ng mga magulang niya, paano na kaya kung mag-aasawa siya.
“Aries, pwede mo naman akong iwanan rito kung nabibigatan ka na sa akin”pabiglang sabi ni Mellia na ikinagulat ni Aries.
“Huh? Iiwanan kita rito? Ano ka ba? Ikaw nga nag-alaga sa akin noong hindi pa ako halos makalakad tapos iiwanan lang kita ng ganoon-ganoon nalang, malaki pa nga ang utang na loob ko sa iyo”paliwanag ni Aries.
“Oo pero darating rin ang panahon na mababayaran mo na iyan tapos ako naman ang may utang na loob sa iyo”tugon ni Mellia.
“Ano naman kung may utang na loob ka sa akin? iiwanan na kita rito na hindi alam ang sunod na gagawin? Maging kawawa? Ano ang tingin mo sa akin, ganoon ako na klaseng tao, Lia gagawin ko ang lahat para mabuhay ka lang kaya wag ka ng mag-aalala”paliwanag ni Aries.
“Aries, kalimutan mo na ako at bumuo ka ng sarili mong pamilya, alam kong marami pang tatanggap sa iyo, ayokong maging pabigat sa iyo”lakas loob na sinabi ni Mellia.
“Lia, mahal na mahal kita kaya gusto kitang pakasalan, gusto ko ng mapayapang buhay, mapayapang pamilya, matagal ko ng pinapangarap ang bagay na iyan ang magkaroon ng katuwang sa buhay, sa hindi naman ako naaawaan sa iyo, pero alam kong isa kang mabait na tao, matulungin at mapagmahal kaya ikaw ang napili ko Lia”paliwanag ni Aries habang pinalabas na niya ang tunay na nararamdaman niya kay Mellia.
Hindi naman nakapagsalita si Mellia dahil unang beses palang niyang narinig na may nagmamahal pala sa kanya.
“Lia, panahon na ito para ako naman ang mag-alaga sa iyo”pahinang sabi ni Aries na ikinagulat ni Mellia.
Dahan-dahang tumutulo ang luha ni Mellia nang hinawakan ni Aries ang kamay niya na nakaluhod sa kanyang harapan.
“Aries, hindi ko alam ang sunod na sasabihin ko tapos hindi ko rin alam kung ano ang nararamdaman ko ngayon, Aries sigurado ka ba talaga sa sinasabi mo?”palinaw ni Mellia sa kanya.
Para patunay na totoo ang pagmamahal ni Aries ay agad niyang hinalikan sa labi si Mellia. Makalipas ang ilang araw ay agad silang nanirahan sa bayan ng Lyveli. Tinanggap naman ng mga tao si Aries dahil alam naman nilang mabait na tao ito.
Pagkaraan ng isang taon ay ipinaganak ni Mellia ang unang anak nila ni Aries na isang babae na pinangalanan nilang Aria.
BINABASA MO ANG
Myself in Another World (Completed)
FantasyAfter Aries Alefen reincarnated from another world, he didn't remember his past life so he tried everything to live until the world treated him unfair. This is the journey of Aries trying to survive by himself... He will be able to defeat the Dragon...