Dahil sa ginawang pagkapanalo ni Harold sa unang laban sa patimpalak ay marami nang namanghang tao sa kanya, hindi lang mga ordinaryong mga tao kundi pati narin ang mga matataas na antas tulad ng hari at duke. Kaya nang makita '1din ng mga magulang niya ang pagkapanalo niya'y ay hindi nila napigilang mamangha din.
Kaya nang makita ni Harold ang mga mata ng mga manonood na nakatitig sa kanya ay biglang gumaan ang kanyang pakiramdam na para bang nakuha niya ang loob ng mga manonood.
"Kaya kong ipanalo ang laban"bulong niya habang lumakas ang kanyang loob.
Habang dahan-dahan siyang bumababa sa entablado na kung saa'y doon ginanap ang patimpalak, dahan-dahan din namang humahakbang paakyat si Ivan dahil siya na ang sunod na lalaban.
Kaya nang makita nila si Ivan ay hindi ulit mapigilan ng mga manonood na magulat dahil hindi lang iisa ang lumaban sa patimpalak na may dugong bughaw kundi dalawa.
"Di ba si Ivan yon?"turo ng mga manonood kay Ivan.
"Bakit hinahayaan silang makasali sa patimpalak?"tanong ng mga manonood.
"Siguro hindi yata alam ng mga magulang nila na nandito sila't lumalaban"tugon ng isang manonood.
"Anong di alam, tingnan mo nga doon sa itaas"habang itinuro ang upuan ng hari dahil nandoon ang lahat ng mga kalahi ng hari. "Nandoon ang mga pamilya niya katabi ng hari, imposible namang hindi nila nakilala ang mga anak nila"tugon niya.
"Mga malalakas na bata na kasi sila baka pinahintulutan na sila ng mga magulang nila"tugon ng isang manonood.
Samantala, kaharap naman ni Ivan ang isang may edad na lalaki na dating nag-aaral sa Academy, kahit hindi ito nakapagtapos doon sa Academy ay may marami parin itong alam at karanasan kaysa kay Ivan na labing-apat na taong gulang lang.
Dali-dali namang pinahinto ng mga magulang ni Ivan ang laban dahil parang hindi patas ang paghaharap ng dalawa, isang batang ngayon pa nakapagsanay laban sa may edad na lalaki na may marami ng nalalaman.
"Ano ba namang sistema ang pinapatakbo niyo rito sa patimpalak na ito, alam niyo namang bata lang yan si Ivan tapos ipapaharap niyo na siya sa may marami nang natutunan, diba marami naman diyan yong nagsisimula palang nagsasanay"reklamo ng ina ni Ivan habang nagagalit sa nagpapatakbo sa patimpalak.
"Pasensya na po, kamahalan, hindi po kasi namin alam na ang anak niyo po ang lalaban"tugon ng lalaki na nagpapatakbo sa patimpalak.
Agad namang sumigaw si Ivan na ikinagulat ng ina niya.
"Ituloy niyo po ang laban! Kagustuhan ko naman po ito eh! kaya kung sino man ang makakaharap ko ay siya na ang makakalaban ko!"lakas na loob na sinigaw ni Ivan.
"Ivan, mapapahamak ka kapag siya ang nakalaban mo"alala ng ina niya sa kanya.
"Ina, wag po kayong mag-alala, di po ako mapapahamak"pangiting sabi ni Ivan.
Napagtanto ng ina niya na nagbago bigla ang anak niyang si Ivan, hindi naman niya alam kung bakit o sino ang nagpabago sa kanya basta ang huling nalalaman niyang ugali kay Ivan ay matigasin ang ulo tapos mayabang pa, ngayon para na siyang batang mabait at hindi na bata kung mag-isip.
Pareho nilang hawak ang espadang kahoy at kung sino man ang unang matutumba sa laban o susuko ay talo na kaya hinigpitan ni Ivan ang kanyang paghawak sa espadang kahoy dahil mukhang mahihirapan siya sa laban.
Nagulat nalang si Ivan nang biglang umatake nang mabilis na mabilis ang kalaban niya na para bang naiihalintulad niya kay Aries ang guro niya sa kasalukuyan. Mabilis at malakas ang bawat paghampas ng kalaban niya kaya napapatras nalang siya sa tuwing nagtatamaan ang kanilang mga espadang kahoy.
Patuloy na umaatras si Ivan kaya dahan-dahan na rin siyang nakukulong dahil wala na siyang ibang daan para makatakas, walang ibang paraan si Ivan kundi ang labanan ang kalaban niya kahit hindi niya alam ang kasigaraduhan kung makakatama siya o hindi, matatapatan niya o hindi.
Nang inihampas niya ang kanyang espadang kahoy ay agad siyang nakatama sa balikat nito samantalang natamaan din siya sa kaliwang kamay. Pareho silang napa-atras sa isa't-isa dahil pareho silang may tama. Kung tutuusin mas masakit pa ang iniindang tama ni Ivan sa kaliwang kamay niya dahil hindi pa ito gumagaling mula noong natamaan siya sa paghampas ni Harold sa kanya.
Sa kabila parin ng pagtitiis ni Ivan ay agad niyang ipinakita sa lahat na ayus lang siya lalo na sa kanyang ina na nag-aalala sa kanya ng tuluyan.
"Ina, kaya ko pong ipakita sa inyo na malakas na po ako, hindi na po ako isang batang anak niyo na mahina at lagi niyong minamaliit"bulong ni Ivan.
Noon, lagi kasing minamaliit si Ivan ng kanyang ama na isang prinsipe na kapatid ni Charles. Isang magiting na kabalyero ang ama niya kaya hindi nawala sa ugali ng ama niya na siya'y tawaging mahina dahil puro lang siya salita.
Hindi naman siya tinuturuan ng ama niya dahil lagi itong abala, hindi naman siya pinag-aaral ng ina niya sa mababang paaralan ng espada dahil baka mapahamak lang siya kaya walang nagawa si Ivan kundi ang manatili lang sa bahay nila o sa kaharian. Kung tutuusin, may natutunan pa nga sina Andrei at Adrian na bunsong pinsan niya.
Sa tuwing umuuwi ang kanyang ama ay lagi siyang nagmamakiusap sa kanyang ama pero lagi siyang sinisigawan nito. At lagi siyang pinagsasabihan na wala na siyang tsansang maging malakas dahil sa kondisyon niya.
Naging matigasin naman ng ulo at mayabang si Ivan sa tuwing nagkita-kita sila ng mga pinsan niya sa kaharian. Ayaw kasi nilang malaman na mahina siya kaya dinadaan nalang niya sa salita na magaling siya.
"Tinuruan ako ng ama ko, kaya ko ring humawak ng totoong espada, muntikan ko pa ngang matalo ang ama ko kaso nadapa ako"payabang ni Ivan sa mga pinsan niyang sina Andrei, Adrian at Marissa.
"Oh! Ang lakas mo pala kuya Ivan"pahangang sabi nila.
"Ako pa, kaya wag niyo akong subukan labanan"payabang na sabi ni Ivan sa kanila.
Pero kung tutuusin, kahit paghampas pa nga lang ng espada ay di niya halos magawa, totoong espada pa kaya? Sa edad na labing-apat, unang naging estudyante si Ivan sa kaharian as ilalim ng pagtuturo ni Knight Edward. Laging matigasin ang ulo niya, mayabang kung ihahambing ni Knight Edward kaya naiirita siya sa tuwing tinuruan niya ito.
Lumipas pa nga ang ibang araw na naging estudyante rin sina Harold, Adrian, Andrei at Marissa sa kaharian. Para hindi malaman ng mga pinsan niya na siya'y hindi magaling ay dinadaan ulit niya ito sa pagsasalita, tapos ginagawa rin niya ang lahat para maiwasang pag-usapan ang kakayahan niya.
Lalong tumatagal ay lalong dumadami ang natutunan ni Ivan pero dahil panimula lang ang kaya ng mga Royal Knights sa kanila ay napilitan ang mga pinsan niya na tumigas din ang ulo dahil gusto nilang makahawak ng totoong espada.
Makaraan ang tatlong buwan nilang pagsasanay sa kaharian ay nakilala nila ang bago nilang guro na si Aries. Ganoon parin ang ugali nila, hindi sila rerespeto sa mga matatanda, titigas ang ulo, laging gumagawa ng mga kalokohan at higit sa lahat hindi gaanong sumusunod sa bilin ng mga guro dahil isa lang naman ang gusto nilang matutunan ang paghawak sa totoong espada.
Kaya hindi nila inaasahan lalo na si Ivan nang binigyan sila ng pagkakataon ni Aries na makahawak ng totoong espada na kung saa'y matagal ng pinapangarap ni Ivan, natutunan din ni Ivan ang mga mahihirap, pagtitiis at delikadong pagsasanay dahil kay Aries na ang unang paboritong guro niya sa buhay niya.
Samantala, matapos ang ilang segundong paghinto ni Ivan kaharap ang may edad na lalaking kalaban niya ay bigla na itong umatake sa kanya. Dahil sa hangang-hanga siya kay Aries ay agad niyang kinopya ang galaw ni Aries na sa panahong sinubukan nilang apat na labanan si Aries.
Nakatayo lang si Ivan na nagmistula na siyang si Aries kaya hindi napigilan ni Prinsipe Reinhard na tumayo sa kanyang inuupuan dahil naalala niya muli ang panahong nilalabanan ni Aries ang lahat ng estudyante sa Academy sa Ranking nang makita niya ang tayo at mata ni Ivan na para bang walang kibo at handang ipaagos ang sarili sa tubig.
Sa isang iglap lang, agad natamaan ni Ivan ang tiyan ng kalaban niya na resulta ng pagkatumba nito. Nabigla nga siya kung paano niya nagawa ang bagay na iyon.
Dahil sa ipinakitang kakahayan ni Ivan ay bumilid ang kanyang ama na nagmamasid lang sa kanya sa itaas.
"Inutil na bata ka! Paano mo nagawa ang bagay na iyon"tugon ng ama niya na parang nasisiyahan sa anak niya na may halong inggit.
Nagpalakpakan naman ang lahat sabay hiyawan dahil sa ipinakita nilang laban.
Nilapitan ni Ivan ang natumbang kalaban at inabot nito ang kamay para makatayo.
"Iho, ang galing mo ah! Paano mo natutunan iyon?"tanong ng may edad na lalaki na kalaban niya.
"Kinopya ko lang po iyon sa guro ko"pangiting sagot ni Ivan.
"Siguro, sobrang galing talaga ng guro mo"bigkas ng may edad na lalaki.
"Magaling na magaling po talaga"pangiting tugon ni Ivan.
Kung tinutukoy naman ng may-edad na lalaki at ni Ivan si Aries, ay nandoon lang si Aries sa harap ng gate kasama ang dalawang kabalyerong nag-iinuman.
"Bata, gusto mo bang uminom"paanya nila kay Aries.
"Hindi po ako umiinom, pasensya na po"tugon ni Aries sa mga kabalyero.
"Bahala ka bata, minsan lang naman ito dahil piyesta"tugon ng mga kabalyero habang sila'y nag-iinuman.
Nag-iinuman naman ang lahat ng mga tao sa bayan ng Ylgad, pati na nga ang hari at ang prinsipe, mga kapatid ng hari at asawa ng mga kapatid ng hari. Mga bata lang ang hindi umiinom maliban lang kina Miyano at Mash na nagbabantay sa kaharian. Walang malay ang lahat na may masama na palang binabalak si Judan sa pamamagitan ng paglagay ng pampatulog sa mga inumin.
Samantala, nagpatuloy naman ang patimpalak hanggang sa nagharapan nalang sa huli sina Ivan at Harold. Naghihiyawan naman ang bawat manonood dahil lahat sila'y humahanga sa dalawa.
"Kaya mo yan! Ivan!"
"Kaya mo yan! Harold!"
Kung tutuusin malaki ang tsansa ni Harold na manalo sa laban dahil si Ivan ay may iniinda nang sakit sa kaliwang kamay. Sa ngayon, pareho nilang hawak-hawak ang espadang kahoy.
Nagsi-atakehan naman ang dalawa nang magsimula na ang laban, pareho ang kanilang bilis na halos nagkakatama ang kanilang mga espadang kahoy sa sa isa't-isa at pareho din ang kanilang lakas na halos nanginginig nalang ang kanilang mga kamay kapag nagtatama ang kanilang mga pag-atake.
Gustuhin man ipanalo ni Ivan ang laban kaso nahihirapan siya dahil si Harold ang kalaban niya na kung saa'y iisa lang sila ng guro.
Kahit nanginginig na ang kaliwang kamay ni Ivan ay nagawa parin niya itong matiis para ipagpatuloy lang ang laban niya kay Harold, pero ang tatlong minutong labanan nila ay magtatapos na pala.
Pinuntirya ni Ivan ang balikat ni Harold samantalang pinuntirya naman ni Harold ang kaliwang kamay niya, kaya nang tagumpay nilang maitama ang kanilang mga pag-atake ay agad napaluhod si Ivan sa pagkaresulta ng pagkatalo niya.
Hindi na kasi niya matiis ang kaliwang kamay niya na lalo pang dinagdagan ni Harold, pero hindi aakalain na tutulo ang luha ni Harold nang natamaan siya sa balikat sa pag-atae ni Ivan.
"Ang sakit"pabulong na sinabi ni Harold habang tumutulo ang luha niya dahil sa sakit ng balikat niya.
Dali-dali namang tumayo si Ivan sabay yakap kay Harold.
"Pasensya ka na Harold"patawang sabi ni Ivan.
"Ang lakas ng pagkahampas mo Ivan, mukhang matatanggal mo na ang leeg ko"pabirong tugon ni Harold.
Lalo namang naghiyawan ang lahat nang makita nilang niyakap ni Ivan si Harold na simbolo ng pagrespeto sa laban.
Napaluha naman ang ina ni Ivan dahil sa ipinakita niyang kakamanghang laban.
"Ivan, ibang-iba ka na talaga"bulong ng ina niya habang nag-eemosyonal.
Kahit na nga ang mga magulang ni Harold ay napaiyak din dahil nagawa pa nitong makasali sa huling laban tapos nanalo pa ito.
"Ikaw talagang bata ka! Hindi mo lang pinatunayan na malakas ka na! kundi pinamangha mo rin ako"tugon ng ama niya na masaya siyang pinagmamasdan.
Matapos ang patimpalak ay marami namang mga pangyayaring nagaganap tulad ng palaro, pagkanta at pagsayaw sa entablado.
Nang dahan-dahan nang dumilim, agad namang namamalayan ni Aries na siyang nagbabantay sa harap ng gate ang tahimik ng bayan. Napatingin din siya sa kanyang likod na kung saa'y nandoon ang dalawang kabalyerong kasama niyang nagbabantay na natutulog na.
"Ilang bote ng alak palang ang nainum nila, tumba na agad sila"tugon ni Aries.
Ang hindi pala alam ni Aries ay tulog na pala ang lahat ng tao sa bayan ng Ylgad maliban lang sa mga bata na umiiyak dahil ang mga magulang nila'y nakabulagta sa sahig dahil natutulog na.
Nabigla pa nga sina Harold, Ivan, Andrei, Andrian at Marissa nang makita nilang tulog na ang lahat ng tao kasama ang mga magulang nila. Nilibot nila ang buong bayan pero wala na silang nakitang mga kababayang nagdidiriwang pa, tulog na ang lahat.
Samantala, nabigla din ang prinsesa na sa panahong iyon na pumunta sa kaharian upang magbanyo pero nang bumalik siya sa bayan ay wala narin siyang nakitang taong nagdidiriwang pa. Kaya agad siyang pumunta kina Mash at Miyano na nagbabantay sa kaharian upang pagsabihan sa kung ano ang nangyari sa mga tao doon sa bayan.
"Knight Mash, Miyano, tulog na ang lahat ng tao sa bayan"pabiglang tugon ng prinsesa sa kanila.
"Po mahal na prinsesa, paano po nangyari iyon? Hindi naman po sila madaling matutumba sa alak"tugon ni Miyano.
"Siguro kagagawan ito ng isang tao, hindi! Kagagawan ito ng grupo ng mga tao"tugon ni Mash habang alam na niya ang sunod na mangyayari.
"Ano ang gagawin natin ngayon Knight Mash?"alala ni Prinsesa Tiara.
"Wag po kayong mabahala mahal na prinsesa, ako po ang hahawak sa problemang ito"tugon ni Mash. "Miyano, bantayan mo ang kaharian pupunta ako sa bayan upang maghanap kung sino pa ang taong gising"tugon ni Mash.
"Ako na ang bahala Knight Mash"tugon ni Miyano habang ginabayan niya ang prinsesa.
Agad nilibot ni Mash ang buong bayan kaso mga bata nalang ang nakikita niyang gising. Napansin rin niya na iba ang kulay at amoy ng alak kaya napagtanto niya na may taong naglagay ng pampatulog sa mga inumin.
"Sino naman ang taong gumawa nito?"tanong niya sa sarili niya.
Habang dahan-dahan niyang binubuhat ang hari at ang prinsipe papasok sa kaharian ay bigla niyang narinig ang mga yapak na mga taong dahan-dahang lumalapit sa bayan nila.
"Imposible! Mga bandido!"pabiglang tugon ni Mash habang nagulat siya.
Ang hindi nila alam na aatake na pala ngayon ang grupo ni Judan kasama ang dalawangdaan mga bandido.
"Judan, bakit kailangan pa nating magparami? Pwede namang sampu lang tayo dahil natutulog naman ang lahat ng mga tao doon sa loob ng bayan ng Ylgad maliban lang sa mga bata"tugon ng kasamahan niya sa kanya.
"Hindi natin alam baka may mga Royal Knights pa ang nagigising, kaya mas mabuti na yong magsisigurado tayo"pangiting paliwanag ni Judan habang dahan-dahan nang pumunta sa harap ng gate.
"Tapos Judan, sigurado ba talaga tayo na ligtas tayo kay Saidon, alam mo namang natatakot ako sa batang iyo"tugon ng kasamahan niya.
"Alam mo naman na si Saidon ang sekretong armas natin kapag nadisgrasya tayo sa ginagawa natin"tugon ni Judan.Samantala, tanging sina Aries, Miyano, Knight Mash, Prinsesa Tiara, Harold, Ivan, Andrei, Andrian, Marissa at lahat ng mga bata nalang ang natitirang hindi pa natutulog sa bayan ng Ylgad samantalang may dalawangdaang bandido naman ang pumasok sa kanilang bayan upang sila'y atakehin at kunin ang kayamanan ng kaharian.
Handa ba nilang maprotektahan ang Bayan?
Handa ba nilang maprotektahan ang Kaharian?
Kahit na si Aries ay may naramdaman ding masamang nangyayari, tumagal nang tumagal ay para bang nanginginig ang buo niyang katawan sa di malamang dahilan. Kaya makalipas ang ilang minuto ay may nakita siyang isang batang lalaki na kaedad rin niya na malayong nakatayo sa harap niya.
"Simula pa nang makita ko ang batang iyon, ngayon ko palang naramdaman ang takot sa buong buhay ko"tugon ni Aries habang ang mga kamay niya'y nanginginig sa sobrang takot.
Samantala, demonyo namang nakatingin si Saidon kay Aries.
"Patay ka na!"pabaliw na bigkas ni Saidon habang nakatitig siya kay Aries na malayo sa kanya.(A/Note: The continuation of this chapter will be release after Christmas.. TY)
BINABASA MO ANG
Myself in Another World (Completed)
FantasyAfter Aries Alefen reincarnated from another world, he didn't remember his past life so he tried everything to live until the world treated him unfair. This is the journey of Aries trying to survive by himself... He will be able to defeat the Dragon...