(Vol. 4) Chapter 44: Judgement

111 24 2
                                    

Tatlong araw ang lumipas simula nang mangyari ang gabi nang patayan sa Ylgad, nakulong naman si Aries dahil siya kasi ang tinuturo na may kasalanan ng lahat kahit siya naman ang tumulong sa prinsesa. Sa ngayon ay takot naman ang prinsesa na lumabas sa kwarto dahil sa ginawa ni Aries, napapasuka pa nga siya sa tuwing naalala niya ang mga dugo na nagkalat sa sahig.
 
Pilit namang pinapakalma ng mga katulong ang prinsesa dahil lagi narin itong umiiyak.
 
“Mahal na prinsesa, uminom na po kayo ng tubig”alala ng mga katulong sa prinsesa habang ibinigay nila ang isang baso na naglalaman ng tubig.
 
Umuubo naman ang prinsesa habang iniinom ang tubig.
 
“Mahal na prinsesa”bigkas ng isa pang katulong habang nag-alala na siya sa prinsesa.
 
Samantala, naging abala naman ang araw na iyon sa hari dahil pinalibing na niya ang mga labi na pinaslang ni Aries. Nakaharap naman ang hari sa libingan ng mga Royal Knights niya kaya nang tumagal ay hindi niya mapigilang magalit kay Aries.
 
“Sa simula pa lang ay wala na talaga akong tiwala sa Aries na iyan”bigkas ng hari sa sarili niya.
 
Nang dumating naman ang prinsipe ay agad siyang pinagalitan ng ama niya kahit kaka-kasal palang ng anak niya. Mapula naman ang mga mata ng hari na dahilan ng pag-iyak niya ay pagkainis niya kay Aries.
 
“Reinhard, ano na ang gagawin mo ngayon? Ipapatay si Aries? Tama talaga ang hinala ko na may masasamang mangyayari sa atin kapag nanatili si Aries sa kaharian”paliwanag ng ama niya sa kanya. “Ano na ang gagawin mo ngayon? Hahayaan mo lang ba ang pangyayaring ito Reinhard?”tanong ng ama niya sa kanya.
 
“Ama, dedepensahan ko parin po si Aries, ayaw ko pong may mangyaring masama kay Aries”lakas na loob na sinabi ni Reinhard sa ama niya na ikinagalit sa kanya ng todo.
 
“Nababaliw ka na ba Reinhard, nakita mo namang nakapatay si Aries diba!? Dedepensahan mo parin siya? ano ka tagapagdepensa ni Aries? Isa siyang mamamatay tao! Isa siyang kriminal kaya kalimutan mo na si Aries, Reinhard!”paliwanag ng ama niya habang nagagalit ito sa kanya.
 
“Hindi po natin alam ang nangyari sa gabing iyon ama, alam ko pong hindi po yon magagawa ni Aries, hindi po madaling makuha ang kayamanan sa kaharian natin, tapos dinukot po niya si Tiara, hindi po magagawa ni Aries yon ng mag-isa”paliwanag ni Reinhard habang pilit niyang dinedepensahan si Aries. “Tapos kung may sala po si Aries sa gabing iyon, bakit po hindi siya nanlaban sa akin o sa atin, tutal po nakapatay naman po siya ng malalakas na Royal Knights, bakit sumama lang po siya nang hindi po natin pinipilit”dagdag pa ni Reinhard sa sinabi niya.
 
“Sinasabi mo bang inosente si Aries, Reinhard?”tanong sa kanya ng ama niya.
 
“Wala po akong sinasabing inosente si Aries ama, nagpapaliwanag lang po ako”tugon ni Reinhard.
 
“Reinhard, mag-isip-isip ka nga! Alam mo namang ibang tao si Aries, hindi natin siya kadugo o kalahi, napulot mo lang siya sa Academy kaya tandaan mo yan Reinhard!”paliwanag sa kanya.
 
Agad namang umalis ang ama niya dahil sumama ang pakiramdam nito nang magka-usap sila ng anak niyang si Reinhard, tumaas kasi ang dugo nito dahil sa galit, sa pagod at pag-iisip na rin. Hindi naman nag-alinlangan si Reinhard na bisitahin si Aries sa kulungan upang magtanong kung ano ba talaga ang nangyari sa gabing iyon.
 
“Alam kong inosente si Aries”bulong ni Reinhard sa sarili niya.
 
Habang naglalakad siya patungo sana sa gusali ng kulungan ni Aries ay agad niyang nakasalubong si Knight Edward na kung saa’y bibisitahin rin si Aries. May dala-dala namang pagkain si Knight Edward dahil alam niyang kumakalam na ang sikmura ni Aries sa oras na ito.
 
“Mahal na prinsipe, dadalawin niyo ho ba si Aries?”palinaw ni Knight Edward sa kanya.
 
“Dadalawin ko siya upang masagot ang lahat ng mga katanungan sa isip ko”tugon ni Reinhard.
 
“Kung ganoon po mahal na prinsipe, sabay na po tayo”paanya ni Edward.
 
Kung sila man ngayon ay malayang nakakalakad, si Aries naman ay naka-upo lang sa gilid ng kulungan niya. Naghihintay na kasi siya kung ano ang mangyayari sa buhay niya. Wala naman siyang naging kasalanan subalit tinanggap parin niya ang katotohanan.
 
Nag-iisip nang nag-iisip si Aries dahil gusto na niyang makala-alis sa Ylgad. Kaya habang siya’y tulala na pinagmamasdan ang kanyang buong kulungan ay agad dumating sina Edward at Reinhard na ang dalawang tumulong sa kanya.
 
Unang bumati si Knight Edward dahil may pinaabot siyang pagkain ni Aries, sunod ring bumati si Prinsipe Reinhard dahil may mga katanungan siya kay Aries.
 
“Aries, ano ba talaga ang nangyari sa gabing iyon?”tanong ni Reinhard kay Aries.
 
Papakain na sana si Aries mula sa baong dinala ni Knight Edward kaso napahinto siya dahil sa pabiglang tanong ni Reinhard sa kanya. Agad siyang tumingin kay Reinhard na kailanma’y hindi siya nakasagot sa isang tanong.
 
 “Aries, di ba sabi mo inosente ka, di ba sabi mo sila ang nagtraydor sa kaharian, hindi ikaw?”palinaw ni Reinhard habang paulit-ulit niya itong sinasabi.
 
Hindi parin sumagot si Aries dahil nagsimula na itong kumain. Kaya matiyagang naghintay sina Edward at Reinhard sa kanya, gusto pa kasi nilang malaman ang nangyari sa gabing iyon.
 
“Aries, ipaliwanag mo na sa amin, ano ba talaga ang nangyari sa gabing iyon?”tanong ulit ni Reinhard.
 
Dahil tapos nang kumain si Aries ay agad siyang napatingin kay Reinhard, hindi ordinaryong tingin kundi masamang tingin.
 
“Ako ang nagnakaw ng kayamanan ng kaharian at ako rin ang nagtangka na dumukot sa prinsesa, mahal na prinsipe! Kontento ka na? ngayon alam mo na ang nangyari mahal na prinsipe”pamasamang ngiti ni Aries habang siya’y nagpapaliwanag.
 
Nagulat naman si Knight Edward lalo na si Prinsipe Reinhard sa sinabi ni Aries dahil hindi inakala nito na siya pala ang kalaban ng gabing iyon.
 
“Aries, hinding-hindi ako naniniwala sa sinabi mo, nagsisinungaling ka lang”tugon ng prinsipe habang siya’y di makapaniwala sa sinabi ni Aries.
 
“Tanggapin niyo na ang katotohanan mahal na prinsipe, hindi rin ninyo alam na ako ang utak ng pagpaslang niyo noong naglalakbay tayo patungo sa bayan ng Relig kasama si Knight Gerren”paliwanag ulit ni Aries.
 
“Aries, Aries! Malaki naman ang tiwala ko sa iyo pero bakit!? Bakit mo ba ginawa sa amin ito”tugon ng Prinsipe habang tumutulo ang luha niya.
 
Pilit namang pinapakalma ni Knight Edward ang umiiyak na si Reinhard.
 
“Aries, itigil mo na ito!”pagalit na pigil ni Edward kay Aries.
 
Nang umalis sila ay agad nagbitaw ng salita si Edward kay Aries.
 
“Aries, wag mo nang bigkasin ang pangalan ko”tugon ni Edward kay Aries.
 
Hindi naman napigilan ni Aries na sumama kanyang loob dahil sa nagawa niya sa prinsipe. Ayaw na kasi niyang mag-aalala na ang prinsipe sa kanya kaya niya ginawa ang bagay na iyon, kung ipapatay man siya ay tatanggapin rin naman niya ito.
 
“Pasensya ka na mahal na prinsipe”pahingi ng tawad ni Aries habang siya’y nakayuko sa loob ng kulungan.
 
Sa ngayon ay nagpatawag na ng mga tao ang hari para maghuhukom kay Aries. Kaya dalawang araw nalang ay malalaman na nila ang magiging hatol ni Aries. Habang matagal pa ang paghahatol kay Aries ay nagtalaga naman ng bagong Royal Knights ang hari, kasama sa naging Royal Knights si Miyano na matagal nang nananatili sa kaharian.
 
Nagpapalakpakan naman ang lahat ng mga tao dahil may mga panibago na namang Royal Knights sa kaharian.
 
“Ipagbunyi ang mga bagong Royal Knights!”sigaw ng mga tao.
 
Samantala, habang sila’y nagdidiriwang sa mga panibagong Royal Knights ay mag-isa namang bumisita si Fiana sa kulungan upang kamustahin si Aries. Dali-dali siyang bumababa sa kulungan para hindi siya makita, bawal kasi pumasok sa kulungan sapagkat hindi pinahihintulutan ang lahat.
 
Kaya hindi mapigilan ni Fiana ang lumuha nang makita niya si Aries.
 
“Aries”pabiglang bigkas niya.
 
Agad namang nagising sa pagkatulog si Aries nang marinig niyang may bumigkas sa pangalan niya.
 
“Fiana, ano ang ginagawa mo rito?”tanong ni Aries sa kanya.
 
“Aries, kinukumusta ka lang kita rito kung maayus lang ba ang lagay mo”alala ni Fiana kay Aries.
 
“Fiana, hindi ba sinabi sa iyo ni Reinhard ang sinabi ko sa kanya?”tanong ni Aries.
 
“Sinabi niya sa akin Aries, pero kailanma’y mo gagawin ang bagay na iyon, kaya naniniwala parin ako sa iyo Aries”paliwanag ni Fiana. “Aries, mga ilang araw nalang ay hahatulan ka na Aries, natatakot na ako baka ipapatay ka nila Aries”alala ni Fiana.
 
Agad namang napangiti si Aries nang marinig niya ang sinabi ni Fiana sa kanya na hahatulan na siya.
 
“Aries, hindi ka ba natatakot sa magiging hatol mo Aries?”tanong ni Fiana.
 
“Fiana, nasanay na ako sa ganito”sagot naman ni Aries.
 
Hindi naman nakapagsalita si Fiana dahil para kasing sinasabi ni Aries na handa na siyang mamatay kaya agad nalang napaluha si Fiana.
 
“Fiana, bago ako hahatulan, may ipapakiusap muna ako sa iyo”tugon ni Aries na unang beses niyang nagmakiusap kay Fiana.
 
“Ano iyon Aries?”tanong ni Fiana.
 
“Pagkatapos akong hatulan ay kunin mo ang mga papel na sinulat ko na makikita sa loob ng aking kwarto, Fiana sunugin mo ang mga iyon”pakiusap ni Aries ni Fiana.
 
“Aries, ano ba ang laman ng mga papel na iyon?”tanong ni Fiana.
 
“Basta wag mo nalang basahin”paalala ni Aries.
 
Agad namang tinandaan ni Fiana ang pakiusap ni Aries sa kanya kaya nagpaalam na siya nang umalis siya.
 
------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Dalawang araw ang lumipas na kung saa’y ang lahat ng mga tao ay nagsisidatingan sa labas ng kaharian, mangyayari na kasi ang paghahatol ni Aries. Inaabangan ito ng lahat hindi lang ng mga tao sa bayan ng Ylgad kundi kasama narin ang mga Royal Knights, hari at ang prinsipe.
 
Agad namang pinalabas si Aries tapos sinamahan siya nang maraming kabalyero patungo sa loob ng kaharian, kahit wala naman siyang intensyon na tumakas. Marami namang nambabato kay Aries habang siya’y naglalakad papasok sa kaharian.
 
“Mamamatay tao ka palang bata ka!”sigawan ng mga tao.
 
“Nagawa mo pang dukutin ang prinsesa at nakawin ang kayamanan, dapat sa iyo! Mamatay ka na!”sigawan ulit ng mga tao kay Aries.
 
Hindi naman ito pinansin ni Aries kahit minsa’y nambabato na sila ng mga matitigas na bagay na tumatama sa kanyang ulo. Pinupunasan naman ng mga kabalyero ang dugo na tumutulo kay Aries sabay pinapagalitan ang mga tao.
 
“Hindi pa nga hinahatulan si Aries!”sigaw ng mga kabalyero sa mga tao.
 
Nang pumasok si Aries sa kaharian ay agad niyang nakita ang maraming mga taong nakaharap sa kanya, hindi mawawalaa ng hari, prinsipe at ang prinsesa. Naroon din isang taong maghuhukom kay Aries.
 
Agad pinahinto si Aries sa isang lugar para makinig siya sa paliwanag ng tagapaghukom sa kanya.
 
Matiyagang nakinig si Aries kahit mali-mali ang mga paratang sa kanya, pero kailanma’y hindi siya nagreklamo, kahit binigyan pa siya ng pagkakataong magpaliwanag ay hindi parin niya sinabi ang katotohanan.
 
“Inaamin ko po ang kasalanang nagawa ko”pahuling paliwanag ni Aries sa lahat.
 
Hindi naman napigilan ng lahat ang magulat lalo na ang prinsesa na kung saa’y may mangyayari sa kanya kapag nagtagumpay si Aries. Umiiyak naman ang prinsesa habang siya’y patakbong pumasok sa kwarto niya.
 
Samantala, agad nakatayo si Aries habang kaharap niya ang mga panibagong Royal Knights, ang hari sa kaharian ng Ylgad at ang pari na mula sa malaking simbahan. Nag-uusap sila sa magiging hatol nila kay Aries kaya matapos ang ilang oras na pagtatayo ni Aries ay agad nang nakapagdesisyon ang hukom na siyang maghahatol kay Aries.
 
“Dahil sa kasalanang nagawa ng batang si Aries ay hinahatalunan siya’y ng pagtalsik sa kontinenteng ito, kailanma’y hindi na siya makakapasok sa kahit anong bayan na matatagpuan sa kontinenteng ito kailanman”hatol ng tagapaghukom kay Aries.
 
Kahit hinatulan na si Aries ng pagtalsik niya sa kontinente ay naging masaya naman siya sa naging hatol sa kanya kahit binabato na siya ng mga tao ng masasamang salita.
 
Agad siyang nilapitan ni Prinsipe Reinhard na kung saa’y masama ang loob nito sa kanya.
 
“Aries, malaki pa naman ang tiwala ko sa iyo, bakit mo ba ginawa ang bagay na iyon”sisi ni Prinsipe Reinhard sa kanya.
 
Hindi namang sumagot si Aries sapagkat nakatayo parin siya.
 
“Kahit ang pangalan ni Aries ay pinagbabawal naring maibigkas!”paliwanag ulit ng tagapaghukom.
 
Nagulat nama’y kasamang saya ang reaksyon ni Fiana nang malaman niyang hindi pinapatay si Aries.
 
“Salamat naman!”bulong ni Fiana sa sarili niya. “Subalit hindi ko na ulit makikita si Aries”bulong ulit niya.
 
Kahit hindi makapaniwala si Aries sa naging hatol sa kanya dahil marami namang nagplano na ipapatay siya lalo na ang hari ay tinanggap parin niya ang hatol sa kanya. Pero ang hindi niya alam ay ginawa lahat nina Knight Edward, Mash at lalo na ang prinsipe na hindi ipapatay si Aries, kahit ang pari at ang hari ay sang-ayon na ipapatay siya.
 
Sa ngayon ay mapayapang lumabas si Aries sa labas ng kaharian. Paisa-isa naman siyang humahakbang samantalang nagmamasid lang ang tao sa kanya. Walang mga pagkain o perang dala-dala si Aries nang siya’y lumabas sa bayan ng Ylgad.
 
Kaya nang mawala si Aries ay naging normal na ang takbo ng bayan ng Ylgad.
 
Samantala, mga ilang oras ang lumipas simula nang umalis si Aries sa Ylgad ay agad namang pumasok si Fiana sa kwarto ni Aries upang gawin ang huling pakiusap nito sa kanya kundi ang sunugin ang mga papel na isinulat nito.
 
Maraming mga papel na itinago si Aries sa isang baul kaya hindi inaakala ni Fiana na marami palang naisulat si Aries. Kahit pinaaalahanan siya ni Aries na wag basahin ang mga nakasulat doon ay hindi parin niya iyon sinunod.
 
Mga ordinaryong sulat naman ang nakasulat sa mga papel, tulad ng mga araw-araw na buhay ni Aries.
 
“Ano ba itong sinusulat ni Aries, mga talasarili lang pala ito”tugon ni Fiana.
 
Agad namang pumukaw ng atensyon ni Fiana ang kahina-nalang papel na walang gaanong sulat kaya agad niya itong kinuha upang basahin. Naglalaman ang papel na iyon ng impormasyon sa traydor na anim na Royal Knights. Nakasulat doon ang mga plano nila at pagtatangka nila.
 
“Isa itong pruweba na magpapatunay na inosente si Aries”tugon ni Fiana. “Pero bakit inamin ni Aries na siya ang may kasalanan sa gabing iyon kahit siya naman yong tumulong?”patanong ni Fiana sa kanyang sarili.
 
Matapos ang ilang minutong pag-iisip ni Fiana ay napagtanto rin niya sa sarili niya na may mga dahilan si Aries kung bakit niya ginawa ang bagay na iyon. Kaya hindi narin siya nag-alinlangan na sunugin din ang papel na iyon.
 
“Tanging ako lang ang nakaka-alam na inosente si Aries”bigkas ni Fiana habang pinagmamasdan niya ang malaking apoy. “Saan ka na ngayon Aries?”tanong ni Fiana habang siya’y nag-aalala na.
 
------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Naglalakbay naman si Aries patungo sa hindi alam na lugar. Sisimulan na kasi ni Aries ang totoong hangarin at kadahilanan niya sa mundong ito na walang iba kundi ang maging isang magiting na bayani na sinabi ni Lolo Andres sa kanya bago ito namatay.
 
Sa ngayon ay nagiging agresibo na ang mga 7 Holy Dragons dahil mula sa kalahating-mundo (Half-world) ay nagsisiliparan na sila patungo sa mundo ng mga tao.
 
Isa sa nakalaban ni Aries na miyembro ng 7 Holy Dragons ay si Ourovoros pero kailanma’y hindi niya ito napaslang.
 

Kasama ni OUROVOROS na sisirain ang mundo, ang dragon na sina TEMPEST, XODUS, ASTAROTH, OUVERTURE, EXITIUM at CYAEGHA. Silang pito ay miyembro ng 7 Holy Dragons na pinakamalakas at makapangayarihan na dragon na itinalaga ng Dragon God, ang immortal  na dragon na sirain ang mundo.

Myself in Another World (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon