Isang buwan nalang, magaganap na ang pinaka-aabangan ng lahat ang Ranking. Ang Ranking ang isa sa pinakaimportanteng pangyayari sa Academy pagkat dito magaganap ang paglalaban ng iba't-ibang estudyanteng kabalyero o salamangkero. Tuwing tatlong buwan mangyayari ang Ranking kaya may apat na Ranking sa isang taon.
Samantala, kilala ang kaguluhan ng bawat estuyante sa Academy kapag malapit na ang Ranking dahil kapag nasentro ka sa kaguluhan maaari kang matanggal na pagkasanhi ng hindi pagkasali sa Ranking.
Malayo pa nga ang Ranking pagkat marami nang nagkakagulo sa Academy.
Nakikipaglaban naman ang ibang estudyante ni Sir Luke sa ibang baguhan rin na estuyante dahil nag-aagawan sila ng pwesto sa isang lugar ng Academy kasi gusto nilang magsanay ng payapa.
"Kami ang nauna rito kaya dapat nasa amin ang pwestong ito!"sigaw ng mga estudyante ni Sir Luke.
"Sinong nagsabi kayo ang nauna? Ang layo nga ng silid-aralan ninyo dito tapos sinasabi niyong kayo ang nauna rito"reklamo naman ng ibang estudyanteng nakalaban nila.
Lumipas ang ilang minuto, nagkaiinitan ang dalawang grupo hanggang sa sila'y naglaban. Nakarating naman sa Academy ang balita tungkol sa kaguluhan kaya nagtipon-tipon sila upang hanapan ito ng sulusyon.
------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Samantala, lalong tumatagal ang pag-aaral ni Aries sa Academy, unti-unti na siyang napapalapit sa mga kaklase niya. Marami na rin siyang mga nakaibigan dahi marami kasing humahanga sa kanyang abilidad at kakayahan. Isa na doon si Danilo na hangang-hanga sa kanya.
Isang araw, habang naka-upo si Aries sa upuan ng silid-aralan niya. Hindi niya inaasahan na bigla siyang lalapitan ng isang estudyante na hindi niya kaklase at hindi rin niya kilala. Napatingin sa kanya ang estudyanteng iyon na parang may plano siya sa kanya.
"Ikaw ang Aries na tinutukoy nilang magaling na baguhan?"tanong ng estudyante.
"Aries ang pangalan ko"tugon ni Aries na habang abala sa kanyang pag-aaral.
"Aries, may isang taong gustong makipagkita sa iyo"tugon ng estudyante.
"Taong makipagkita sa akin? sino naman ang taong iyon?"tanong ni Aries habang bigla siyang napatingin sa lalaking estudyante.
"May klase pa kayo ngayon Aries?"tanong sa kanya.
"Wala, pero tinatapos ko lang itong pinapagawa sa akin"sagot ni Aries habang abala siya sa kanyang pagsusulat.
"Mamaya mo lang gagawin iyan, sundan mo muna ako"tugon ng estudyante habang pinipilit niya si Aries.
Agad namang tumayo si Aries sabay ligpit ng mga gamit niya. Pinipilit kasi siya ng estudyanteng lumapit sa kanya kaya sinundan niya lang ito. Gusto rin niyang malaman kung sino ang isang taong gustong makipagkita sa kanya. Pagkatapos niyang niligpit ang mga gamit niya, hindi naman siya nag-alinlangan na sundan ang lalaking estudyante.
Nagtaka naman sina Danilo at Lila nang makita nilang umalis si Aries kasama ang hindi kilalang lalaki. Ngayon palang kasi nilang itong nakitang sumama sa iba kaya nag-aalala sila baka may mangyayaring masama kay Aries.
"Saan kaya pupunta si Aries?"tanong ni Lila.
"Baka pinatawag lang siya ng Academy"sagot ni Danilo na hindi sigurado.
Naglalakad naman si Aries patungo pa sa loob ng Academy na kung saa'y hindi pa siya nakakapunta roon, hindi naman kabisado si Aries doon dahil sa laki ng Academy, hindi rin siya nakakapunta doon dahil lagi lang siya sa loob ng kanyang silid-aralan at kwarto.
Habang siya'y naglalakad, nadadaanan naman niya ang mga ibang estudyante na malalakas at may matataas na Rank. Hindi naman nila maibaling ang attensyon nila kay Aries na parang may masama silang binabalak kay Aries.
Naririnig naman ni Aries ang bulong-bulongan ng mga estudyante tungkol sa kanya, kaya kahit baguhan pa si Aries ay masasabi mo nang espesyal na siya sa Academy.
Patuloy na sinusundan ni Aries ang lalaking estudyante hanggang sa bigla itong pumasok sa isang malaki at magarang silid-aralan. Hindi naman napigilan ni Aries ang magtaka dahil wala naman siyang kaalam-alam sa taong gustong makipagkita sa kanya.
"Sino naman 'tong taong gustong makipagkita sa akin sa magandang silid-aralan na ito?"bulong ni Aries habang siya'y nag-alinlangan na pumasok.
Nang dahan-dahan siyang tumapak papasok sa loob ng silid-aralan, agad naman niyang napagmasdan ang mga estudyante mapa-babae o lalaki na nakalinya habang nakaharap sa kanya. Nagmistulang prinsipe si Aries nang pumasok siya sa loob ng silid-aralan habang may nagbabantay sa kanyang mga kabalyero.
Dahan-dahan siyang pumapasok sa loob hanggang sa narinig niya ang boses ng isang lalaking na parang kilala niya.
"Kumusta ka na Aries"bati ng isang lalaki sa kanya.
Nagpatuloy naman sa pagpasok si Aries, gusto kasi niyang malaman kung sinong boses ang bumati sa kanya, natatandaan pa niya ang boses na iyon pero hindi niya alam kung saan at sino. Ngumingiti naman ito nang magkita na sila ni Aries.
"Kumusta na ang buhay mo ngayon Aries?"tanong ni Jushua habang naka-upo siya sa gitna na nagmistula siyang isang hari.
"Jushua"pabiglang bigkas ni Aries.
Agad namang tumayo si Jushua tapos dahan-dahan niyang nilapitan si Aries.
"Aries, hindi ko inaasahan na makaka-abot ka rito sa Academy, wala ka namang mahika! Diba? Sino namang tao ang may lakas na loob na papasukin ka rito sa Academy"paliwanag ni Jushua habang inaagbayan niya si Aries.
Hindi naman sumagot si Aries dahil naiinis na siya ng todo kay Jushua.
"Aries, di ba isa kang kriminal!? Tama ba ako? Kaya wala kang karapatan na makapasok rito sa Academy"tugon ni Jushua habang pinipilit niyang iniinsulto si Aries.
"Jushua, nakapag-aral ka lang dito sa Academy kung makapagsalita ka para ka ng kung sino"sagot ni Aries habang inalis niya ang kamay ni Jushua sa balikat niya. "Aalis na ako! may importanteng gagawin pa ako"sabi ni Aries habang siya'y dahan-dahang lumalabas.
Bigla namang sinarado ang pinto ng silid-aralan sabay harang ng mga kaklase ni Jushua sa pinto.
"Aries, bago ka aalis rito sa silid-aralan na ito, dapat mo muna akong talunin sa isang duwelo"tugon ni Jushua habang siya'y umupo ulit sa inuupuan niya.
Pinagmasdan naman ni Aries ang paligid niya, lahat ng mga labasan mapabintana't pinto ay parehong hinarangan ng mga kaklase ni Jushua.
"Jushua, panalo ka na! kaya paalisin mo na ako"tugon ni Aries.
"Aries! Wag ka ngang mapagkumbaba! Kaya yan ang isa sa hindi ko gusto sa iyo Aries dahil hindi ka mayabang, hindi ka mapagmataas, alam mo namang malakas ka! Magaling ka! Mabilis ka! Naiinis ako sa tuwing iniisip ko na natalo lang kita sa laban dahil may mahika ako! Aries! kaya nagsanay ako nang nagsanay ngayon dahil ang isa sa dahilan ko kung bakit ako nag-aral sa Academy ay para talunin kita sa laban ng patas"paliwanag ni Jushua habang siya'y nagagalit kay Aries.
"Di ba natalo muna ako sa laban noon sa kompetisyon ni Knight Edward, bakit mo ulit ako tatalunin eh! Di pa nga ako nanalo sa iyo"sagot ni Aries.
"Tumahimik ka Aries!"sigaw ni Jushua habang dali-dali siyang tumayo sabay bunot ng espada niya. "Bunutin mo na ang espada mo Aries!"sigaw ulit niya habang bigla niyang inatake si Aries.
Hindi naman makapaniwala ang mga kaklase ni Jushua sa nagawang kilos niya. Si Jushua ay isang 5th Rank Knight at siya rin ang kinatatakutan na kabalyero hindi lang sa silid-aralan niya pati narin ang lahat ng 5th Rank Knight sa ibang silid-aralan.
"Ano naman ang kakaiba sa Aries na iyan, bakit galit na galit si Jushua sa taong iyan? Di ba sabi niya natalo niya si Aries sa kompetisyon ni Knight Edward, ano pa ba ang ibang dahilan niya para labanan si Aries"tanong ng mga kaklase ni Jushua habang sila'y nalito.
"Baguhan naman yang si Aries na iyan! Tapos 5th Rank Knight na si Jushua, ano kaya ang mapapala ng Aries na iyan"tugon nila habang minamaliit nila si Aries.
Nang pinagmasdan nila ang laban, napatulala nalang sila nang makita nilang napigilan ni Aries ang kanang kamay ni Jushua na kung saa'y doon nakahawak ang espada niya.
"Jushua, ayokong labanan kita"pahinang sabi ni Aries kay Jushua.
Sa sobrang galit ni Jushua, agad niyang ginamit ang lakas niya upang mabitawan ni Aries ang kamay niya.
Nang mabitawan na ni Aries ang kamay niya, doon na niya ipinakita kay Aries ang natutunang galaw niya na kung saa'y sa isang segundo lang magagawa na niyang makahampas ng sampung beses.
Nabigla naman ang lahat ng mga kaklase ni Jushua nang maramdaman nila na gagamitin nito ang kanyang pinakamalakas na abilidad.
"Jushua, itigil mo yan! Baka mapatay mo si Aries!"sigaw ng mga kaklase niya habang natatakot na sa mangyayari.
"Kahit gaano pa kalakas ang isang kabalyero kapag ginamit na ni Jushua ang abilidad niya, siguradong makakapatay siya ng tao o kung hindi man ay makaranas ng malubhang sugat ang kaharap niya"tugon ng babaeng kaklase ni Jushua habang siya'y napapikit.
Pero kahit gaano man kadelikado ang abilidad ni Jushua ay nagawa parin itong mapigilan ni Aries, sa sampung paghampas ng espada ni Jushua sa isang segundo ay nagawa naman itong pigilan ni Aries sa pamamagitan din ng sampung beses na paghampas sa espada niya sa isang segundo rin. Kahit hindi napag-aralan ni Aries ang abilidad ni Jushua ay nagawa niya itong kopyahin sa isang segundo lang.
Nabigla ulit ang mga kaklase ni Jushua nang makita nilang nakopya ni Aries ang abilidad ni Jushua.
"Paano nagawa ni Aries ang abilidad ni Jushua, imposible! Kahit nga si Jushua ay naglaan ng mahigit isang taon para maperpekto ang abilidad na iyan, pero si Aries na baguhan lang ay nagawa na niya sa isang segundo lang"tugon nila habang natulala sila kay Aries.
"Ito pala ang sinasabi nilang espesyal si Aries sa Academy"sabi nila habang namangha.
Nagpatuloy sa pag-atake si Jushua pero kailanma'y hindi niya natamaan si Aries kaya agad niyang ginamit ang mahikang apoy niya. Kahit labag sa kalooban niya na gamitin ang mahika dahil gusto niyang matalo si Aries nang hindi gumagamit ng mahika ay pinatuloy parin niya ito.
Agad namang sinalo ng kaliwang kamay ni Aries ang mahikang apoy ni Jushua kaya agad nasunog ang kaliwang kamay niya dahil akala niya na mahina lang ito. Humapdi bigla ang kaliwang kamay niya kaya nahirapan niya itong igalaw dahil sa sakit.
Patuloy na ginamit ni Jushua ang mahika niya pero hindi na inulit ni Aries ang huling ginawa niya pagkat sumasakit na ang kanyang kaliwang kamay. Gamit ang espada niya sa kanang kamay niya, pinaghati-hati niya ang mga mahika ni Jushua.
Paulit-ulit nalang na ginagamit ni Jushua ang mahika niya hanggang sa umiilag na si Aries dahil hindi na niya nakayanan ang paghati-hati sa mahika ni Jushua dahil sa sobrang lakas nito.
Unti-unti na ring nasusunog ang nasa likurang bahagi ng silid-aralan nina Jushua dahil sa kanya.
Naiinis naman si Jushua nang makita niyang hindi niya natatamaan si Aries kaya agad niyang sinigawan ang mga kaklase niya.
"Atakehin niyo si Aries!"utos niya sa mga kaklase niya.
Kahit humahapdi na ang kaliwang kamay ni Aries, pinilit parin niya ang sakit nito upang mapigilan lang ang bawat pag-atake ng espada ng mga kaklase ni Jushua.
Sa dalawangpung kaklase ni Jushua, agad naman nilang pinagtulungan si Aries dahil sa utos ni Jushua sa kanila.
Kahit unti-unti nang napapagod si Aries pinagpatuloy parin niya ang pag-iilag at paghahampas ng espada niya para hindi lang siya matamaan sa pag-atake ng mga kaklase ni Jushua. May pagkakataon pa ngang muntik matamaan ni Jushua ang isang kaklase niya dahil sa kanyang mahika sapagkat madali namang sinakripisyo ni Aries ang kaliwang kamay niya upang protektahan ito.
Napahinto nalang ang laban nila nang biglang pumasok ang guro ni Jushua sa silid-aralan nila.
"Jushua! Ano bang kaguluhan ang nangyayari dito sa loob?"pabiglang tanong ng guro nila sa kanya.
Sa pagmamasid ng guro, agad niyang nakita si Aries na silid-aralan kaya agad niya itong dinala sa opisina kasama si Jushua na nagpasimuno rin ng gulo.
Nang makarating na sila sa opisina, agad namang pinagalitan ng namumuno sina Jushua at Aries dahil sa ginawa nilang duwelo na kung saa'y nakasira sila ng isang parte sa silid aralan.
"Jushua! Saludo pa naman ako sa kakayahan mo! Bakit nasentro ka pa sa gulo?"tanong ng namumuno ng Academy.
"Pasensya na po Sir, hindi na po mauulit"sabi ni Jushua habang siya'y humungi ng patawad.
"At ikaw naman Aries, mag-iisang buwan ka pa rito tapos kung umasta ka! Parang ang tagal mo na rito! Aries, wala na akong masasabing iba sa iyo, kaya wala akong magagawa kundi ang paalisin ka rito sa Academy"desisyon ng namumuno sa Academy.
Napangiti naman si Jushua dahil parang nasisiyahan siya sa naging desisyon ng namumuno. Gusto kasi niyang mapaalis si Aries sa Academy kaya hindi niya mapigilan na sumaya.
"Aries! Lumayas ka na rito sa Academy! Wag mo ng ipakita ang pagmumukha mo rito"tugon ng namumuno.
"Pasensya na po sir"pahinang sagot ni Aries.
"Sino ba sa inyo ang nagpasimuno ng gulo?"tanong ng namumuno.
Agad namang kinabahan si Jushua sa naging tanong ng namumuno sa Academy dahil kung sasabihin niyang siya ang nagpasimuno ng gulo baka may tsansang matatanggal siya sa Academy, alam naman ng mga kaklase na siya talaga ang unang umatake kay Aries baka tatanungin yong mga kaklase niya at ituro nila na siya ang nagpasimuno ng gulo.
"Mukhang dito na yata magtatapos ang pananatili ko rito sa Academy, di naman ako nagsisisi dahil marami naman akong natutunang bagay rito"bulong ni Jushua.
Nagalit naman ang namumuno dahil walang sumagot sa tanong niya.
"Sino ba sa inyo ang nagpasimuno ng gulo?"tanong ulit ng namumuno.
"Ako po!"pabiglang sagot ni Aries. "Binisita ko po si Jushua sa silid aralan niya upang makipagduwelo po sa kanya"paliwanag ni Aries.
Agad namang napatingin si Jushua kay Aries na parang nakokonsensya siya.
"Ikaw pala Aries! Mabuting lumayas ka rito, ngayon na! ikaw lang pala ang dahilan kung bakit nagkakagulo rito sa Academy!"sigaw ng namumuno sa Academy habang nagagalit siya kay Aries.
"Opo Sir"sagot ni Aries habang siya'y dahan-dahang umaalis.
Agad naman siyang pinigilan ni Jushua sa pag-alis.
"Sir ako po ang nagpasimuno ng gulo, hindi po si Aries! kahit tanungin niyo pa po ang mga kaklase ko, ako po talaga ang nanghamon kay Aries"lakas na loob na pinaliwanag ni Jushua sa namumuno.
Nakumpirma naman nilang si Jushua ang nagpasimuno ng gulo kaya nasa kanya ang mabigat na kasalanan.
"Nakumpirma nang si Jushua ang nagpasimuno ng gulo kaya masusupende ka ng isang linggo dito sa Academy kaya hindi ka makakapasok o makakapag-aral"hatol ng namumuno kay Jushua.
Sumaya ulit si Jushua dahil sa naging hatol ng namumuno.
"Pero matatanggal parin si Aries dito sa Academy dahil sa naging sentro siya ng kaguluhan"hatol ng namumuno kay Aries.
"Huh! Bakit sa akin masusupende lang ng ilang linggo! Di ba nasa akin po ang mabigat na kasalanan, tapos si Aries lang na biktima rito patatanggalin niyo na siya, mukhang di yata patas ang pagtingin niyo sa mga estudyante rito sir"paliwanag ni Jushua.
"Tumahimik ka Jushua kung ayaw mong ipatanggal rin kita!"sabi ng namumuno.
"Sir! di po patas iyon, sa katunayan po dapat ako po ang matatanggal di po si Aries, alam mo namang biktima lang po siya sa ginawa ko"paliwanag ni Jushua.
"Wala akong pakialam, basta desisyon ko ang masusunod!"tugon ng namumuno.
Nagalit naman si Jushua pero pinigilan naman siya ni Aries.
"Jushua salamat sa pagtulong, ipagpatuloy mo nalang ang pag-aaral mo rito sa Academy alam kong mataas pa ang aabutin mong pangarap, Jushua wag ka ng magreklamo pa! wala na tayong magagawa kundi sundin ang desisyon ng kataas-taasan"sabi ni Aries habang siya'y umalis.
Wala namang nagawa si Jushua kundi ang pagmasdan lang si Aries habang siya'y pumunta sa kwarto nito upang mag-impake.
"Ang daya naman!"sabi ni Jushua habang siya'y naiinis sa namumuno sa Academy.
BINABASA MO ANG
Myself in Another World (Completed)
FantastikAfter Aries Alefen reincarnated from another world, he didn't remember his past life so he tried everything to live until the world treated him unfair. This is the journey of Aries trying to survive by himself... He will be able to defeat the Dragon...