Sa pangunguna ni Knight Edward kasama sina Knight Krish, Harry, Gil at Mash ay pumunta sila sa bayan ng Irch upang kunin si Duke Salazar dahil dadalo kasi ito sa paparating na piyesta sa bayan ng Ylgad . Kaya nang matapos silang itinalaga ni Haring Charles ay nagsimula na silang umalis.
Abala naman si Prinsipe Reinhard sa kanyang ginagawa, tulad ng pagsasanay na nakasanayan na niyang gawin sa kaharian tapos minsan pa nga'y umaalis siya dahil lagi siyang pinapatawag sa Bayan ng Ylgad para sa isang pagpupulong, ang ama kasi niya'y laging abala sa mga papeles habang ang kapatid niyang si Tiara ay abala lagi sa pag-aaral ng pana.
Ang pitong Royal Knights naman na naiwan sa kaharian ay tumulong sa mga tao doon sa bayan ng Ylgad para sa paghahanda sa paparating na piyesta. Si Miyano naman ay may binisitang isang lugar na itinalaga sa kanya ng hari. Masasabi mong abala na ang lahat dahil sa paparating na piyesta. Malaki at magara ang gaganaping piyesta sa Ylgad sapagkat nakasanayan na nila itong gawin.
Kung ang lahat ay abala sa paghahanda sa paparating na piyesta, naka-upo naman si Aries habang pinagmamasdan niya ang mga estudyante niyang sina Harold, Andrian, Ivan, Lourenz at Marissa na nagduduwelo sa isa't-isa gamit lang ang espadang kahoy. Hindi naman pinapakialaman ni Aries ang mga estudyante niya dahil kagustuhan naman nila ito. Kung tutuusin siya lang ang tagapaghukom sa bawat duwelo ng mga estudyante niya.
Si Harold at Ivan naman ang naglaban sa huling duwelo nilang apat maliban kay Marissa. Nagharapan naman ang dalawa habang nakatitig sila sa isa't-isa na para bang nasa kompetisyon sila.
"Harold, kahit matanda kapa sa akin ng isang taon, hindi parin ako magpapatalo sa laban natin"tugon ni Ivan.
"Ivan, malapit na ang piyesta sa bayan natin kaya gagawin ko ang lahat para manalo lang sa patimpalak"tugon ni Harold.
Nabigla naman si Aries habang tinitingnan niya sina Harold at Ivan na parang seryuso sa kanilang magiging laban.
"Seryuso ba talaga ang mga batang ito!? Kung may mangyaring masama sa kanila, siguradong malalagot ako"bulong ni Aries habang siya'y nag-aalala.
Hindi naman agad pinigilan ni Aries ang paglalaban nang dalawa dahil wala pa namang nangyayaring masama. Kaya matapos ang titigan ng dalawa ay agad silang umatake sa isa't-isa na para bang magkalaban sila sa totoong buhay. Hinahampas ni Harold ang kahoy na espada niya nang malakas na malakas na parang may galit siya kay Ivan, napapa-atras naman si Ivan habang sinasalubong niya ang mga pag-atake ni Harold gamit ang kanyang kahoy na espada.
Napatigil naman sa paghinga sina Andrei at Adrian nang makita nilang kakaiba na ang pananaw nila kina Harold at Ivan.
Agad namang naghiganti sa pag-atake si Ivan kaya sa sobrang bilis nang paghampas ng mga pag-atake niya'y natamaan niya sa kaliwang kamay si Harold na pagkaresulta nang pagka-inis nito sa kanya.
Hindi naman natapos ang laban dahil hindi pa sumusuko si Harold kaya naghiganti rin siya sa pag-atake kaya agad niyang natamaan si Ivan sa kaliwa rin nitong kamay. Kaya ngayon pareho na silang may isa-isang tama sa kaliwang kamay.
Dahan namang namamalayan ni Aries na nagtitiis na sa hapdi sina Harold at Ivan sa kaliwang kamay nila dahil sa pagkatama ng espadang kahoy. Isa kasi sa mga layunin ni Aries kung bakit siya itinalaga ni Prinsipe Reinhard sa mga batang ito ay para protektahan ito.
Ibinuhos naman nina Harold at Ivan ang lahat nang lakas nila para sa huling atake. Gusto na kasi nilang tapusin ang duwelo kaya hindi na sila nagdadalawang-isip pa. Mabilis silang umabante sa isa't-isa hanggang sa inahampas nila ang huling pag-atake nila.
Napatingala nalang sina Adrian, Andrei kasama na si Marissa na parang may nakikita silang may madidisgrasya sa duwelo. Pero sa sobrang bilis at lakas ni Aries ay nagawa niyang pigilan ang espadang kahoy ng mga ito gamit ang kamay niya.
"Tabla ang laban ninyo"hatol ni Aries sa duwelo nina Harold at Ivan.
Hindi naman makapaniwala sina Harold at Ivan nang makita nilang napigilan ni Aries ang kanilang malakas na pag-atake. Hindi naman din napigilan nina Andrei at Adrian na mamangha kay Aries dahil sa ipinakita nitong pagpigil sa duwelo.
"Malalagot ako kapag may mangyaring masama sa inyo"paalala ni Aries sa kanila.
"Pasensya na Aries, nadala lang kami sa emosyon namin"pahingi ng tawad nina Harold at Ivan.
"Bakit parang seryuso kayo sa duwelo niyo, di ba magkalahi naman kayo"palinaw ni Aries.
"Malapit na kasi yong piyesta dito, kaya alam mo na may patimpalak kasi na inaabangan ng lahat ng tao, kaya gusto naming sumali"tugon ni Harold.
"Gusto niyong sumali? Sigurado ba talaga kayo? Baka mapapahamak lang kayo diyan, hindi madali ang patimpalak"paalala ni Aries.
"Aries, ito ang dahilan namin kung bakit kami nagsasanay para makasali kami sa patimpalak"tugon ni Ivan.
"Kuya Aries, sasali karin po ba sa patimpalak?"pabiglang tanong ni Marissa kay Aries.
"Marissa, mukhang hindi yata ako makakasali, alam mo na baka maraming ipapagawa sa akin"tugon ni Aries.
"Kuya Aries, inaasahan ko naman po makita ang laban niyo"tugon ni Marissa habang siya'y nalungkot.
"Marissa, magaling naman yong sina Kuya Harold at Ivan mo, tapos isali mo pa sina Kuya Andrei at Adrian mo, pareho naman silang magagaling kaya alam kong may mananalo talaga sa kanila, kaya suportahan mo sila"tugon ni Aries habang siya'y nakatitig kay Marissa.
"Opo kuya!"pangiting sagot ni Marissa kay Aries.
---------------------------------------------------------------------------------------------------------
Kalaunan, nakarating naman ang karwahe ni Knight Edward sakay si Duke Salazar ang isa sa kalahi ni Haring Charles na nakatira sa Bayan ng Irch. Nagyakapan naman ang Hari at ang Duke na simbolo ng kanilang pagbati.
"Salazar, galak akong makita kang muli"bati ni Charles.
"Ako rin Charles"bati ni Salazar.
Agad naman silang nag-usap para sa gaganaping piyesta sa bayan ng Ylgad. Si Duke Salazar ay isa sa maraming naiambag tuwing may gaganaping importanteng okasyon sa bayan ng Ylgad lalo kapag piyesta dahil isa kasi siya sa pinakamalapit na kalahi ni Haring Charles.
"Charles, ano bang maiitulong ko sa bayan ng Ylgad?"tanong ni Duke Salazar sa hari.
"Salazar, wag mo ng isipin mo iyon, dapat nga magpakasaya ka nalang dahil nandito ka naman"patawang tugon ni Charles.
Agad namang silang nagtawanan.
-------------------------------------------------------------------------------------------------------
Samantala sa bahay ni Harold na kung saa'y ang mga magulang niya'y naka-upo sa isang hapag-kainan dahil sila'y kumakain. Paisa-isa namang humahakbang si Harold para makalapit siya sa kanyang mga magulang, may gusto kasi siyang sasabihing importante, at iyon ay tungkol sa paghingi ng pahintulot sa pagsali sa patimpalak.
"Ama, Ina, may gusto po sana akong sasabihin sa inyo"tugon ni Harold.
"Ano ba iyon Harold?"tanong ng ama niya habang kumakain.
"Ama, gusto ko pong sumali sa patimpalak ngayong paparating na piyesta"tugon ni Harold.
Nabigla naman ang mga magulang niya nang marinig nila ang sinabi nito. Ayaw kasi nilang mapahamak ang anak nila dahil may dugong bughaw ito tapos hindi rin sanay ang mga matataas na antas na sasali sa patimpalak lalo na ang mga may dugong bughaw.
"Ano ang sinabi mo Harold? Nababaliw ka na ba! Gusto mo bang makipaglaban sa ibang mga tao! Ayoko! Hindi kita pahihintulutan na sumali sa patimpalak!"paliwanag ng ama niya sa kanya.
"Ama, gusto ko pong makipaglaban sa ibang tao, malakas naman po ako"sabi ni Harold.
"Anong malakas? Ilang buwan ka pa ngang nagsasanay sa kaharian tapos sasabihin mo ng malakas ka na, ano ka isang henyo?"paliwanag ng ama niya sa kanya.
"Ama malakas na po ako, kaya ko iyong patunayan sa inyo"tugon ni Harold.
"Patunayan? Bakit Harold, masasabi mo na bang malakas na ang isang tao kapag nagsanay lang ng ilang buwan sa kaharian, alam kong hindi kayo pinaramdam ng hirap at pagod ng mga Royal Knights dahil baka mapagalitan sila ng hari, ang mga Royal Knights Harold, panimula lang ang laging tinuturo nila lalo na sa inyo"tugon ng ama niya sa kanya.
"Kaya ko po talagang patunayan sa inyo na malakas na po ako, hindi na po ako tulad noong dati na mahina lang"ilang ulit na pinaliwanag niya sa kanyang ama.
Agad namang nagsalita ang ina niya na nag-aalala din sa kanya.
"Harold, di mo naman kailangang sumali sa patimpalak, kung gusto mo ng salapi ay marami naman tayo, Harold mapapahamak ka lang sa ginagawa mo"paalala ng ina niya sa kanya.
"Ina, hindi naman po salapi ang habol ko sa patimpalak, sadyang gusto ko lang po makipaglaban sa ibang tao"tugon ni Harold.
"Harold, sumali ka kung gusto mong sumali, pero hindi na namin kasalanan kung may mangyari mang masama sa iyo"tugon ng ama niya.
Sumaya naman si Harold kahit naiirita na ang ama niya sa kanya.
Kaya masayang nagsasanay ngayon si Harold.
Bukas na mangyayari ang piyesta kaya may itinalagang kabalyero si Haring Charles na magbantay sa bayan. Itinalaga niya sina Miyano, Knight Mash, kasama ang dalawang kabalyerong nagbabantay sa harap ng bayan at kasama si Aries na pinagsilbi ni Prinsipe Reinhard sa kaharian.
"Kayong tatlo ang magbabantay doon sa harap ng gate ng bayan, kung may nakita man kayong kahina-hinala ay wag kayong mag-alinlangang tumawag ng tulong, naiintindihan ba?"tugon ng hari kay Aries kasama ang dalawang kabalyerong nagbabantay sa harap ng gate.
"Opo Mahal na hari, kami na po ang bahala!"sagot nilang tatlo.
"Miyano, Mash, kayo naman ang magbantay dito sa loob ng Kaharian, wag niyong papasukin ang ibang tao maliban lang kung may importante silang gagawin o kukunin na napag-utusan ng mga anak ko o ang utos ko, naiintindihan ba?"tugon ng hari kina Miyano at Mash.
"Opo! Mahal na hari!"sagot nilang dalawa.
-----------------------------------------------------------------------------------------------------------
Pagkabukas, nangyari na ang hinihintay ng lahat ang piyesta, maraming nakahandang mga pagkain sa mesa na nakalagay sa harap ng bawat bahay, marami namang bumisita ang dumalo isa na doon si Duke Salazar, at mga mahal na inuming dumating sa kanila na nagmula sa isang bayan.
Nagtalumpati naman si Haring Charles at isa sa mga sinabi niya ay ang pagpapasalamat dahil sa magarang piyesta na naganap ngayong araw.
"Hindi kumpleto ang araw na ito kung wala kayo!"huling sinabi ni Haring Charles sa talumpati niya sabay sigawan at palakpakan ng mga tao.
"Mabuhay si Haring Charles! Mabuhay ang Ylgad!"sigaw ng mga tao.
Nagsimula naman ang kainan at inuman.
Samantala, hindi naman mawawala ang patimpalak na nakasanayan nilang gawin kapag mayroong piyesta sa Ylgad. Maraming sumali sa patimpalak tulad na ordinaryong mga tao, hindi naman pinahihintulutan ang mga kabalyero na sumali dahil malakas na sila, sapagkat mga baguhan lang ang pinahihintulutang sumali. Hindi naman nagpahuli sina Ivan at Harold na kung saa'y sumali din sa patimpalak, nabigla na nga yong nagbabantay sa kanila dahil pareho silang may dugong bughaw.
"Sigurado ba kayo mga iho,baka mapapagalitan kami kapag pinasali ko kayo"palinaw ng nagbabantay.
"Manong, ayus lang po kami"sagot nina Ivan at Harold.
Wala namang nagawa ang nagbabantay kundi pasalihin ang dalawa dahil pinipilit siya ng mga ito.
Wala namang takot na hinarap nina Ivan at Harold ang mga kalaban nila sa patimpalak kahit mga simpleng bata palang sila. Unang nakipaglaban si Harold sa isang lalaking may edad na tatlongpu at sanay na sa paghawak sa espada.
"Di ba ikaw yong may dugong bughaw na pamangkin ng hari?"palinaw ng lalaki sa kanya.
"Oo, Harold ang pangalan ko"pakilala ni Harold.
"Bata, sigurado ka ba na hindi kami pagagalitan kapag may nangyaring masama sa iyo?"alala ng kalaban niya sa kanya.
"Syempre naman"pangiting sagot ni Harold.
Nabigla naman ang mga tao na nanonood sa laban nang makita nilang nandoon si Harold sa gitna ng laban.
"Diba pamangkin yon ng hari?"tanong nila habang nakaturo ang daliri nila kay Harold.
"Mukhang yan na yata ang sinasabi niyo"tugon nila.
Samantala, nabigla naman ang hari, prinsipe at ang prinsesa nang makita nilang nandoon rin si Harold sa patimpalak.
"Ano ang ibig sabihin nito?"pabiglang tanong ni Haring Charles sa mga magulang ni Harold na katabi niyang naka-upo.
"Mahal na hari, kagustuhan po ni Harold na sumali sa patimpalak kaya pinayagan ko lang po siya"tugon ni ama ni Harold sa hari.
"Ano ang gagawin mo kung mapapahamak ang anak mo?"tanong ng hari sa kanya.
"Si Harold na po ang tanungin niyo po mahal na hari, wag po ako"tugon ng ama ni Harold.
Samantala, nag-aalala naman ang lahat dahil baka may mangyaring masama kay Harold sa laban, ang iba pa nga'y napapikit nalang dahil ayaw nilang makitang madisgrasya si Harold sa laban.
Kaya nang magsimula ang laban sa pagitan nina Harold at kalaban niyang lalaki ay unang umatake si Harold sa lalaki samantalang napatawa naman ang malakas ang kalaban niya dahil naisip niya na di pa marunong ang kalaban niyang si Harold kaya hinintay lang niya ito habang hindi siya gumagalaw.
"Bibigyan ko ng pagkakataon ang batang ito na umatake sa akin, baka mapapagalitan ako ng hari kapag inatake ko din ang batang ito, alam ko namang mahina lang ang paghampas ng batang ito"bulong ng lalaki.
Kaya nang humampas si Harold sa lalaki ay agad niya itong natamaan sa balikat, nagulat naman ang lahat habang nakatitig sila sa lalaki dahil nakatayo lang ito na parang wala lang nangyari.
"Tama nga ang hinala ko na mahina lang yong pamangkin ng hari"bulong-bulongan nila.
Hindi nila alam ay nawalan na pala ng malay ang lalaki habang nakatayo lang ito. Nakatitig lang ang mata ni Harold sa mata ng lalaki, kaya nalaman niyang wala na sa sarili ang lalaki. Itinapat niya ang esapdang kahoy sa ulo ng lalaki tapos agad niya itong inihampas ng mahina kaya napatulala nalang ang lahat nang makita nilang napatumba ni Harold ang lalaking kalaban niya.
"Imposible, pamangkin ba yan ng Hari?"tanong nila habang sila'y nagulat.
Kahit na ang hari at ang mga magulang ni Harold ay nagulat din sa ipinakita niyang laban.
"Paano nangyari iyon? Mag-iilang buwan pa siyang nagsasanay! Tama nga yong sinabi niya na papatunayan niya na siya'y lumakas ngayon"tugon ng ama ni Harold habang napabilid sa kanyang anak.
"Iba kasi ang guro nila kaya lumakas sila nang lumakas ngayon"pangiting sagot ng prinsipe.
"Wag mong sabihing si Aries ang tinutukoy mo?"palinaw ng hari kay prinsipe Reinhard.
"Sino pa ba"pangiting reaksyon ng prinsipe.
------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Samantala, sa isang di masabing lugar, may hindi kumulang na dalawangdaang tao ang nagtipon-tipon sa isang lugar. Ang misyon kasi nila'y pasukin ang bayan ng Ylgad upang nakawin ang kayamanan ng kaharian. Pinamumunuan naman ni Judan ang grupo na kung saa'y dating Royal Knigts sa kaharian.
"Judan, wag na po kayong mag-aalala nalagyan napo namin nang pampatulog ang inumin nila doon sa bayan"tugon ng kasamahan niya."Mabuti naman, hihintayin lang natin ang gabi marahil tulog na ang lahat sa oras na iyan"pangiting sagot ni Judan.
BINABASA MO ANG
Myself in Another World (Completed)
FantasíaAfter Aries Alefen reincarnated from another world, he didn't remember his past life so he tried everything to live until the world treated him unfair. This is the journey of Aries trying to survive by himself... He will be able to defeat the Dragon...