Umagang-umaga habang nakahiga pa si Aries sa kama, mahimbing pa ang pagkakatulog niya. Naririnig na niya ang paghampas ng mga kahoy na tila ba tinatadtad ang mga ito..
"Ano ba naman ang ingay ngayon, bakit parang masakit sa tainga"reklamo ni Aries habang dahan-dahang siyang nagkakamalay.
Hindi parin nawala ang paghahampas ng kahoy kaya siya nagising. Napa-upo naman siya sa hinihigaan niya at maingat niyang kinilos ang likod niya para hindi siya makaramdam ng sakit. Namamaga naman nang maramdaman niya ang likuran niya na dahilan nang malapit na paghilom nito.
"Siguro maghihilom na ang mga sugat ko"bulong niya.
Maingat siyang tumayo at lumakad palabas ng bahay. Naiingayan kasi siya kaya siya lumabas sapagkat nakita niya si lolo Andres na nagsisibak ng kahoy para gamiting panggatong.
Binati naman siya nang makita siya ni Lolo Andres..
"Magandang umaga Aries, ang himbing ng tulog mo"
Dahan-dahan namang lumalapit si Aries sa gilid ni Lolo Andres upang tabihan ito, nag-alala kasi siya sa kalagayan ni Lolo Andres dahil siya na ang gumagawa nang lahat ng gawain, siya na rin ang nagpapakain sa kanya habang siya'y walang ginagawa at laging natutulog.
"Lolo Andres, hiyang-hiya na po ako sa inyo, dahil po, kayo na po ang bumubuhay sa akin, habang wala po akong ginagawa"paliwanang niya.
"Ano ka ba Aries, di pa nga naghihilom yong sugat mo nag-aalala ka na sa akin, aalahanin mo muna yong sarili mo bago ako, Aries alam ko ang ginagawa ko kaya wag kang mag-alala"paliwanag ni Lolo Andres sa kanya habang siya'y nginitian nito.
Pinagmasdan naman ni Aries na sumisibak ng kahoy si Lolo Andres. Kaya namangha siya sa nang makita niyang hindi ito madaling napapagod, nakita rin niya ang mga malalaking kalamnan nito sa braso kaya tiningnan rin niya naman ang kalamnan niya sa braso sapagkat wala siyang ibang nakikita kundi ang mapapayat na katawan niya..
"Mabuti pa si Lolo Andres kahit matanda na, malakas parin ang pangangatawan"pabulong ni Aries sa kanyang sarili habang pinagmamasdan ang bawat paghampas nito sa kahoy.
"May problema ba Aries? Para ka kasing nakatulala may iniisip ka ba?"tanong ni Lolo Andres sa kanya.
"Wala po"pangiting tanggi ni Aries.
"Sigurado ka ba talaga Aries, sabihin mo lang sa akin pag may problema ka susulusyan natin iyan"sabi ni Lolo Andres.
"Wala po talaga"pangiting sagot ni Aries.
Matapos ang pagsisibak ni Lolo Andres ng kahoy, agad naman niyang inanyayahan si Aries na maligo sa batis dahil umaga pa at para malamig din sa pakiramdam. Tuwing umaga kasi naliligo si Lolo Andres kaya nakasanayan na niyang gawin iyon, kasabay ng pagliligo niya ang pag-eehersisyo upang tumibay pa lalo ang katawan niya.
Dahan-dahan namang nilubog ni Aries ang katawan niya sa malinaw at malamig na batis. Sa sobrang ginaw ng tubig, dahan-dahan namang nawawala ang init ng kanyang katawan at nawawala rin ang kirot ng kanyang likod. Nagmistulang nasa paraiso ang pakiramdam ni Aries.
Habang siya'y nakalubog sa tubig, tiningnan naman niyang nag-eensayo sa taas ng bato si Lolo Andres, hinahampas ang bawat espada, sinasanay ng tuluyan ang sarili at pinapalakas ang mga buto nito, kaya napa-isip ni Aries ang pagsasanay rin pagkatapos niyang gumaling.
"Marunong palang gumamit ng espada si Lolo Andres, nakakamangha naman, siguro magpapaturo ako sa kanya kapag gumaling na sugat ko sa likod"bulong ni Aries habang siya'y namangha.
Nang matapos na ang kanilang paliligo, mabilis namang nakauwi si Lolo Andres kaya naiwan niya sa matatarik na daan si Aries..
"Aries, gusto pa ba kitang tulungan?"tanong ni Lolo Andres.
BINABASA MO ANG
Myself in Another World (Completed)
FantasyAfter Aries Alefen reincarnated from another world, he didn't remember his past life so he tried everything to live until the world treated him unfair. This is the journey of Aries trying to survive by himself... He will be able to defeat the Dragon...