Mag-iisang taon na ang lumipas noong panahong nakakulong pa si Aries sa kulungan ng Vera. Ilang araw no'n ay nagdesisyon ang namumuno sa bayan ng Vera na ibibitay nila si Aries dahil sa kasalanang nagawa nito. Nagtipon-tipon sila para sa isang pagpupulong tungkol sa magiging hatol kay Aries.
Madami namang tao na halos mayayaman ang sumang-ayon na bibitayin si Aries.
"Dapat mamatay na ang kriminal na iyon, dapat hindi na siya magtatagal dito sa mundo"reklamo ng isang mayamang tao.
"Oo nga, kung hindi natin siya bibitayin baka mauulit pa ang pangyayaring ito"suporta ng isang mayamang tao.
Hindi naman halos ng tao doon ay pabor sa pagbibitay ni Aries dahil para sa kanila may tama namang ginawa si Aries.
"Bibigyan siguro natin ng pangalawang pagkakataon yong bata, alam naman natin na masamang tao si Don Juan kaya naging masama rin ang pagtrato ng batang iyon kay Don Juan, kung sinasabi niyo mang kriminal siya, bakit alam niyo ba ang totoong katauhan ni Don Juan"paliwanag ng tagasuporta ni Aries.
"Mabuti nga kayo't hindi kayo nabiktima ni Don Juan, kung naging mahirap pa kayo, siguro ganoon din ang magiging reaksyon niyo kapag may nangyaring masama sa inyong pamilya"
Hindi naman nagpadaig ang mga taong pabor na bibitayin si Aries.
"Bakit niyo ba pinagsasalitaan ng masama si Don Juan, hindi niyo ba alam na marami siyang ginawa sa bayan natin para umunlad ang ekonomiya at agrikultura natin"
"Kung makapagsalita kayo, para kayong hindi taga bayan ng Vera"
Nagpatuloy naman ang kanilang debate hanggang sa nakapagdesisyon na ang namumuno sa bayan ng Vera.
"Ngayon, bibigkasin ko na ang magiging hatol ko sa batang iyon, hindi na magbabago ang aking desisyon, sa susunod na araw bibitayin na siya"desisyon ng namumuno sa bayan ng Vera.
Hindi naman makapaniwala ang mga tagasuporta ni Aries sa naging desisyon ng namumuno samantala naging masaya naman ang ibang tao na sang-ayon sa pagbibitay ni Aries.
"Yan ang tamang hatol"bulong nila.
Nang makarating ang balita sa labas na Vera na bibitayin na si Aries sa susunod na araw, hindi naman mapigilan ng mga magulang ni Nina na mag-emosyal sapagkat mahal na mahal nila si Aries at parang anak narin ang turing nila nito.
Hinanda na ng mga tao ang magiging bitayan ni Aries na nakalagay sa harap ng maraming tao. Gusto kasi nilang ipakita ang kamatayang mangyayari sa buhay ni Aries para magsilbing aral sa lahat ng mga taong lalabag sa batas.
Sa pagdating ng araw na bitayan ni Aries, agad namang nagmakausap ang ama ni Nina sa namumuno tungkol sa pagbitay ni Aries.
"Ginoo, pwede niyo bang ipagpaliban niyo nalang sa susunod ang pagbitay kay Aries, nagmamakaawa po ako sa inyo, isang simpleng bata lang po si Aries, ginawa lang niya po ang bagay na iyon dahil naghiganti siya para sa aming anak"pakisuap ng tatay ni Nina sa namumuno sa bayan ng Vera.
"Ngayong araw na mangyayari ang bitayan kaya di na pwedeng ipagpaliban"sagot ng namumuno.
"Ginoo, ako nalang po ang bibitayin niyo, tutal dahil naman po sa akin at sa asawa ko kung bakit ginawa ni Aries ang bagay na iyon"paliwanag ng tatay ni Nina.
"Sigurado ka ba? Ikaw ang papalit sa pwesto ng batang iyon?"palinaw ng namumuno.
"Opo ginoo, basta wag niyo lang galawin si Aries, kahit makulong lang siya sa kulungan ay ayus lang"lakas na loob na sinabi ng tatay ni Nina kahit nanginginig na siya sa takot.
Sa oras na nang bitayan ni Aries, hindi naman makapaniwala ang lahat ng tao lalo na ang nanay ni Nina nang makita nilang iba ang nakita nilang tao na bibitayin, di kasi nila makita ang mukha nito dahil nakabalot ito, mataas din ang taong iyon kumpara kay Aries kaya naisip nila na hindi ang batang iyon na si Aries ang mabibitay sa bitayan.
"Bakit hindi ang batang iyon ang nandiyan sa bitayan?"tanong nila.
Agad namang nagpaliwanag ang namumuno sa harap ng mga tao tungkol sa pagpalit ng pwesto ng tatay ni Nina kay Aries. Wala namang alam ang asawa niya na siya pala ang mabibitay kapalit ni Aries.
"Mahal sana mapatawad mo ako"bulong ng tatay ni Nina dahil alam niyang nandoon ang kanyang asawa.
Hindi naman napigilan ng mga tao ang magalit dahil iniba ng namumuno ang desisyon niyang bibitayin si Aries.
"Ngayon masasaksihan na natin ang pagbibitay!"sigaw ng namumuno habang dahan-dahang tinatali sa leeg ng tatay ni Nina ang lubid.
Kahit na natatakot siyang mamatay, kahit nanginginig ang buo niyang katawan, sinakripisyo parin niya ang sarili niya para mailigtas lang niya si Aries. Nang itinanggal ng isang lalaki ang takip na nakabalot sa mukha niya, hindi naman makapaniwala ang asawa niya nang makita siya na bibitayin na.
"Mahal?"pabiglang sabi ng asawa niya habang nakatulala siya sa pagtingin sa kanya.
"Patawarin mo ako"pahinang sabi ng asawa niya habang nagsimula na siyang bitayin.
"Mahal?!"sigaw niya habang dali-dali siyang pumunta sa bitayan upang pigilan ang pagbibitay sa asawa niya.
Pinigilan naman siya ng mga kabalyero kaya hindi na siya nakalapit sa kanyang asawa. Nagawa niya sanang makalapit kaso namatay na ito, dali-dali niyang niyakap ang asawa niya nang ibinababa ang katawan nito.
"Bakit? Bakit di mo sinabi sa akin na ikaw pala ang papalit sa pwesto ni Aries, bakit?"tanong niya sa bangkay ng asawa niya. "Ibitay niyo rin ako"pahinang sabi niya sa mga taong bumitay sa asawa niya.
Nagsisi-alisan na sana ang lahat kaso bigla nilang narinig ang isang sigaw ng isang babae na nangagaling sa bitayan.
"Ibitay niyo ako!"
"Manang wala ka pong nagawang kasalanan, kaya wala pong dahilan para ikaw ay bitayin"paliwanag nila.
"Pakiusap lang, bitayin niyo ako ayaw ko ng mabuhay sa mundo, patay na ang aking anak tapos patay narin ang aking asawa, paki-usap lang, paki-usap lang patayin niyo ako"tugon niya habang siya'y nagmamakaawa.
"Sige bitayin niyo lang ang isang iyan"tugon ng namumuno sa mga kabalyero habang naiinis.
Nang itinali ng mga lalaki ang lubid sa leeg ng nanay ni Nina agad siyang nagmakiusap sa mga lalaki sa huling pagkakataon.
"Matapos mo akong bitayin, pumunta kayo sa batis na iyon"turo niya sa mga lalaki. "Tapos may makikita kayong isang libing doon, doon niyo kami ilibing ng asawa ko"pangiting sabi niya habang umiiyak na sa takot.
"Manang handa napo ba kayo?"tanong ng mga lalaki.
"Sige, simulan niyo na"utos niya sa mga lalaki.
Bago siya binitay, nakapaghingi pa siya ng tawad kay Aries sa huling pagkakataon.
"Aries, patawarin mo kami"
Matapos siyang mamatay, agad namang sinunod ng mga kalalakihan ang sinabi ng nanay ni Nina sa kanila na kung saa'y inilibing nila ang bangkay niya at sa asawa niya katabi ng libing ng kanilang anak.
Makalipas ang bitayan, agad namang pinaalis ng mga namumuno ang mga taong naninirahan sa labas ng Vera para hindi na maulit ang pangyayari at pa narin payapa ang pamumuhay ng mga tao sa loob ng Vera.
Kahit bigo man silang mapatay si Aries, dahan-dahan naman siyang pinagplanuhan ng namumuno.
"Alam nating di natin mapapatay ang batang iyon sa paglalaban kaya patayin niyo lang siya sa pamamagitan ng hindi ng pagbibigay ng pagkain"
BINABASA MO ANG
Myself in Another World (Completed)
FantastikAfter Aries Alefen reincarnated from another world, he didn't remember his past life so he tried everything to live until the world treated him unfair. This is the journey of Aries trying to survive by himself... He will be able to defeat the Dragon...