(Vol. 5) Chapter 52: The Enchanted Forest

99 23 4
                                    

Umaapoy na kapaligiran, mga dragong nagsisilaparan sa himpapawid, mga gusali na nasusunog at mga bangkay ng tao na nakahandusay sa lupa. Alalang-alala pa ni Aries ang sinapit ni Tina bago niya ito pinatay. Habang nakatayo si Aries sa isang mala-kalangitang lugar na may maraming ibon na lumilipad, na puting-puti ang mga ulap ay doon nakita ni Aries si Tina na masayang ngumingiti sa kanya.
 
Hindi naman agad nakapagsalita si Aries nang makita niya si Tina. Dahan-dahan naman siyang lumalapit kay Tina habang tumutulo ang luha niya subalit unti-unti namang napapalayo si Tina sa kanya. May sinabi pa itong mga salita sa kanya kaso hindi niya iyon narinig.
 
Nagulat naman si Aries nang makita niyang unti-unti nang nawawala si Tina.
 
“Tina, wag ka munang aalis! Tina!”sigaw ni Aries habang siya’y biglang nagising sa damuhang hinihigaan niya.
 
Nagsisitakbuhan naman ang mga usa na tahimik na kumakain ng damuhan na hinihigaan ni Aries. Akala kasi ng mga usa na patay na si Aries dahil nakahandusay kasi ito sa damuhan subalit nagsi-alisan nang bigla siyang gumising.
 
“Saan na ba ako?”tanong ni Aries sa sarili niya.
 
Wala naman siyang naalala sa huling nangyari maliban lang sa tatlong araw na walang tigil sa paglalakad niya habang hindi kumakain at umiinom ng tubig. Bigla namang humilab ang tiyan na tapos nakaramdam din siya ng uhaw.
 
Naglakad naman siya para makahanap siya ng makakain at maiinom na tubig. Napadpad naman si Aries sa isang maganda at kumikinang na batis, kaya mabilis siyang lumapit sa batis upang uminom ng tubig. Hindi naman alam ni Aries na may nagbabantay pala doon na isang makapangyarihan na nilalang.
 
Walang miisang hayop o ano mang nilalang ang umiinom ng tubig sa batis na iyon dahil sa takot na atakehin sila o sumpain sila ng isang makapangyarihan na diwata, pero para kay Aries ay hindi siya natatakot kung ano man ang gawin sa kanya sapagkat handa naman siyang harapin kung ano man ang gagawin sa kanya.
 
Matapos ang isang minutong pag-iinom ni Aries ay agad lumabas sa gitna ng batis ang isang mahiwaga at maputing babae, maraming mga gamu-gamu at paru-paru ang nagsisiliparan sa kanya. Gusto kasi niyang parusahan si Aries dahil sa paglabag na pag-inom nito ng tubig sa batis.
 
“Ikaw tao, ang lakas ng loob mong uminom ng tubig sa batis ko, alam mo namang mahiwaga ang tubig na ito at hindi ito ordinaryong tubig lang”paliwanag sa kanya ng isang diwata.
 
“Pasensya ka na, nauuhaw na kasi ako”sagot ni Aries na parang wala lang sa kanya nang makita ang diwata.
 
Umalis lang si Aries na parang wala lang siyang nakita subalit nagalit naman ang diwata sa kanya dahil sa kanyang masamang pag-uugali. Hindi naman nag-alinlangan ang diwata na isumpa si Aries kaya bigla nalang nanginig ang katawan ni Aries.
 
“Tao, isinumpa na kita, kaya hindi ka na magtatagal sa kagubatang ito sapagkat madali ka ng makaakit ng malalakas at makapangyarihan na halimaw, kaya tao! pagbayaran mo na ang ginawa mo sa akin”paliwanag ng diwata kay Aries.
 
Kahit nakakatakot pakinggan ang sumpa ay wala naman ito kay Aries kaya nagpatuloy lang siya sa paglalakad. Ang hindi pala alam ni Aries ay marami na palang nagbabanta na halimaw sa kanya tulad ng malalaking ahas, malalaking gagamba, malalaking uso at iba pang malalaki na nakakatakot na insekto.
 
Sa ngayon ay abala naman si Aries sa pagpapatay ng mga usa para pangtahalian niya. Masaya pa nga siyang kumakain sa isang puno hanggang sa nakasalamuha niya ang isang malaki at makamandag na ahas na siyang nakatira sa punong tinutuluyan niya.
 
Mabilis namang umilag si Aries nang biglang umatake ang malaking ahas sa kanya. Mahihirapan naman siyang patayin ito bagamat patalim lang ang dala-dala niya.
 
Dahil sa sobrang laki ng ahas na nakaharap ni Aries ay agad siyang pina-ikutan nito. Nagsiliparan naman ang mga ibon na siyang nananatili sa mga kakahuyan dahil sa takot.
 
Imbes matakot si Aries sa ahas ay agad lang siyang napangiti habang pinagmamasdan ang nakakatakot na mukha ng ahas.
 
“Gusto mo akong patayin? Sige subukan mo!”pahamon ni Aries sa ahas.
 
Tutuklawin na sana siya kaso agad siyang tumalon sa kaliskis ng ahas at doon niya sinimulang saksakin ang ahas kahit laging nadudulas ang patalim niya. Nagalit naman ang ahas sa ginagawa niya kaya agad siyang itinapon sa malayo na kung saa’y tumama siya sa isang puno.
 
“Masuwerte ka’t hindi espada ang hawak ko ngayon”tugon ni Aries habang dahan-dahang tumayo.
 
Tutuklawin naman siya  ng ahas sa ikalawang pagkakataon sapagkat hindi na siya umilag ngayon, harap-harapan niyang sinalubong ang pagtuklaw kaya habang nakabuka ang bibig ng ahas na may makamandag na pangil ay doon na itinapat ni Aries ang patalim niya.
 
Sinabayan niya ng pagtalon ang pag-atake niya para mapuntirya niya ang mata ng ahas. Sinabayan din niya nang malakas na pagsigaw ang pagsaksak niya sa mata ng ahas para maipalabas niya ang galit niya.
 
“Di mo ako kaya!”sigaw ni Aries habang sinaksak niya ang mata ng ahas.
 
Mabilis namang umalis ang ahas dahil sa natamo nitong sugat. Matapos ang pag-atake ng ahas ay bumalik naman sa payapa ang buhay ni Aries. Nagpatuloy siya sa kanyang paglalakad, payapang kumakain at payapang namumuhay pero makaraan ang ilang araw ay doon na ulit nakaramdam ng pagbabanta si Aries.
 
Mga hindi mabilang na malalaking uso ang nakaharang sa daanan niya, hindi naman siya makakatakas dahil pinalibutan na din siya kaya ang tanging paraan nalang niya na mabuhay ay ang labanan ang mga malalaking uso.
 
Sa tuwing pinapatay ni Aries ang mga uso ay imbes ito’y nauubos ay lalo pa itong dumadami, buong araw na nga siyang lumalaban nang walang kain, walang pag-iinum ng tubig at walang pahinga tapos di pa niya nauubos ang mga uso.
 
Hindi lang kasi malaki ang uso kundi may mga kapangyarihan din sila na dadami sa ano mang oras. Kaya ang dating matapang at malakas na Aries noon ay pagod na pagod na ngayon. Sinubukan naman ni Aries na tumakbo kahit lagi siyang hinahabol ng mga ito. May sugat pa nga siya sa braso at binti niya dahil sa pagkatama niya sa mga kuko ng uso.
 
Mabilis namang nakaakyat si Aries sa malaking puno para maiwasan niya ang mga uso subalit ang pananatili niya sa punong iyon ay magdadala pala ulit sa kapahamakan niya. May malaki at malabakal na sapot ang nakalagay sa punong inaakyatan ni Aries. Ang hindi niya alam ay nasa itaas lang pala niya ang malaki at makapangyarihan na itim na gagamba na may mapupulang mata at matatalis na mga galamay.
 
Akala ni Aries ay naiwasan niya ang pabiglang pag-atake sa kanya ng gagamba subalit dumugo nalang bigla ang balikat niya na siyang natama ng gagamba. Wala nang natitirang lakas si Aries dahil buong araw siyang walang pahinga. Magbabakasali lang sana siya na magpahinga doon sapagkat may gagamba palang nakatira.
 
Wala namang takot na inatake ni Aries ang malaking gagamba, kahit marami na siyang sugat na natamo. Bigla nga siyang nawala sa sarili niya at nagulat nalang siya nang magkamalay siya nang makitang patay na ang itim na gagamba na nasa tabi lang niya.
 
Gutom at uhaw ang naramdaman ngayon ni Aries tapos mga ilang araw narin siyang hindi kumakain dahil maraming mga nilalang ang nagbabanta sa kanya tulad ng di maubos na mga uso. Sa ngayon ay nanatili lang si Aries sa itaas ng kakahuyan hanggang sa lumipas na ang isang linggo, payat na payat na si Aries tapos nagkakasakit narin siya dahil sa walang kain at sa uhaw.
 
“Ito ba ang sumpa na tinutukoy ng babaeng nilalang na iyon”tugon ni Aries habang dahan-dahan siyang bumababa sa puno na tinutuluyan niya.
 
Nang makita niya ang isang ligaw na kuneho na damuhan ay hindi siya nag-alinlangan na hulihin ito tapos kinain niya ito ng hilaw. Parang ibang tao na si Aries habang kinakain ang hilaw na kuneho.
 
Ang ilang oras lang niyang pananatili sa lupa ay hindi nagtagal dahil marami na namang mga nilalang ang nagsilapitan sa kanya para siya’y patayin, hindi lang mga uso kundi kahit anong hayop na parang sinapian ng masamang espirito.
 
Mapupula ang mga mata nito tapos tumutulo naman ang mga laway nito habang pinagmamasdan siya sa itaas ng puno. Akala ni Aries na ligtas na siya doon sa itaas ng puno sapagkat nagkakamali siya sa iniisip niya dahil may mga nasapian pa palang mga ibon at mga lumilipad na insekto ang umatake sa kanya.
 
Mga malalaking lamok, mga makapangyarihang paru-paru at kahit anong lumilipad na insekto. May natitira namang lakas si Aries para labanan ang mga ito, kahit libo-libo pa ang rami nito ay nagawa parin niyang maubos ang mga ito.
 
Napupuyat na ngayon si Aries dahil sa ilang buwang hindi makatulog dahil sa mga pagbabanta sa kanya ng mga ibang nilalang. Tiniis ni Aries ang mga araw na hindi siya kumakain, hindi natutulog para mabuhay lang. Tanging mga patak lang ng ulan ang nasasandigan niya para mabuhay lang ng matagal.
 
------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Lumipas nalang ang anim na buwan ay hindi parin nakakaalis sa kagubatan si Aries, payat na payat na siya ngayon, tapos masakitin na. Pero sa kabila ng masamang kondisyon niya ngayon ay naging matatag parin siya sa kahit ano mang oras para mabuhay pa ng matagal.
 
Iniukit naman ni Aries ang pang-isang daan at walongnapu’t anim na araw niya sa isang kahoy gamit ang taya-tayang patalim niya. Wala na kasi siyang magawa sa buhay niya at hinintay nalang kung kailan siya mamatay, gustuhin man niyang mamatay pero hindi sa pamamaraan nang walang silbing pagpatay sa kanya ng ibang nilalang.
 
“Lolo Andres, wag na po kayong mag-alala dahil makikita ko narin kayo sa anumang oras”pangiting sabi ni Aries na parang nawawalan na siya ng pag-asa.
 
Dahan-dahan namang itinapat ni Aries ang patalim niya sa dibdib niya tapos plano sana niyang saksakin ang sarili niya para magpakamatay. Nang maitutuk na niya sa dibdib niya ang patalim niya ay ginamit niya ang huling lakas niya para itaob sa puso niya ang patalim kaso..
 
Agad niyang nakita sa isip niya ang dating siya na kailanma’y hindi niya naalala kung kailan nangyari. Nakaharap siya sa salamin habang hawak-hawak niya ang isang kutsilyo, hindi naman niya alam kung nasan siya pero ang hinala niya ang nasa loob siya ng isang bahay.
 
“Sino ka ba?”tanong niya sa kanyang sarili habang lumabas sa katawan niya ang ibang Aries.
 
Hindi naman sumagot ang sarili niya sa kanya dahil pumasok na ito sa kwarto nito. Agad naman niyang sinundan ang sarili niya kaya nang binuksan niya ang kwarto ay agad niyang nakita ang sarili niya na walang malay na nakabulagta sa sahig.
 
“Hoy, ayus ka lang ba?”pabiglang tanong niya habang madali niya itong nilapitan kaso agad siyang nagkamalay at nakita niyang nasa kagubatan siya ulit.
 
Ang hindi alam ni Aries ay hindi natuloy ang ginawa niyang pagpakamatay dahil nakatulog siya bigla. Nakarinig naman ng pagpatak ng ulan si Aries kaya kumuha siya ng isang dahon para gawin niyang pangsalop ng ulan. Nakaipon naman ng maiinom si Aries na kahit paunti-unti lang para bumalik lang ang lakas niya.
 
Makalipas ang ilang araw ay doon na nagdesisyon si Aries na bumaba ng puno at labanan nalang ang mga masasamang nilalang na papatay sa kanya. Magaan naman nang maramdaman ni Aries ang katawan niya. habang inaatake ang mga masasamang nilalang.
 
Lumaban nang lumaban si Aries mapa-umaga, tanghali at gabi o kahit aabutin siya ng magdamag. Kahit anong mga malalakas na nilalang ang humaharang sa kanya ay pinapatumba niya. Nagmukha na nga siyang demonyo dahil sa naligo na siya ng mga dugo, tapos iba narin ang ngiti niya.
 
“Sungay nalang ang kulang sa akin para matawag niyo akong demonyo”patawang bigkas ni Aries habang dinidilaan niya ang dugo sa patalim niya.
 
Patuloy na lumalaban si Aries hanggang sa lumipas na ang isang taon niya sa kagubatan. Kahit isanglibong kilometro na ang nilakbay niya ay hindi parin siya nakakaalis sa walang hanggang kagubatan.
 
Hindi na nga niya naalala kung ano ang huling nangyari sa kanya at ang masaklap pa ay hindi na niya halos alam kung ano ang pangalan niya.
 
“Ano ba ang pangalan ko? Ar- Ars? Ano ba yon?”sabi niya sa sarili niya habang pilit niyang inalala ang pangalan niya.
 
Habang siya’y naglalakad ay pinapatay naman niya ang mga halimaw na humaharang sa kanya. Sapagkat parang wala lang sa kanya ang pagpatay sa mga halimaw dahil inaalala pa niya kung ano ang pangalan niya habang pinapatay ang mga halimaw.
 
“Aries!”pabiglang sabi niya habang naalala na niya sa wakas ang pangalan niya. “Muntik ko ng hindi maalala ang pangalan ko, mas mabuting iukit ko lang tong pangalan ko”sabi niya sa sarili niya.
 
Gamit ang patalim niya ay agad niyang inukit sa braso ang pangalan niya, wala naman siyang naging reaksyon habang hinihiwa niya ang braso niya kahit tumutulo na ang mga dugo nito.
 
“Yan, siguradong hindi ko na makakalimutan ang pangalan ko”tugon niya sa sarili niya habang tumatawa.
 
Naglakbay siya nang naglakbay tapos mga laman ng mga napapatay niyang halimaw ang ginagawa niyang pang-almusal.
 
Ang diwata nama’y nagsumpa kay Aries ay nagalit sa kanya dahil mahigit isang taon na siyang nananatili sa mahiwagang kagubatan tapos hindi parin siya napapatay.
 
“Tao, ang lakas talaga ng loob mong mabuhay pa ng matagal rito sa kagubatan ko”bigkas ng diwata habang nagagalit na siya kay Aries. “Papatayin talaga kitang tao ka”banta ng diwata kay Aries.
 
Lumipas nalang ang isang taon at anim na buwan ay hindi parin nakakalabas ng kagubatan si Aries, hindi na nga niya mabilang kung ilang kilometro na ang nilakad niya. Sa kanyang paglalakad ay agad niyang nakita ang isang dragon na kailanma’y hindi na makakalipad dahil sa wala na itong pakpak.
 
Pangiti namang tinitingnan ni Aries ang kawawang dragon tapos agad niyang pinatay ang dragon iyon tapos kinuha niya ang matalis na kuko nito para gamiting sandata.
 
“Salamat”pasalamat ni Aries sa dragon matapos niya itong pinatay. Ang hindi alam ni Aries ay ang dragon palang iyon ang nakalaban niya sa bayan ng Vera.
 
Umaraw, umulan at bumagyo kahit anong unos pa ang dumating ay hindi parin tumitigil sa paglalakbay si Aries dahil nagbabakasali siyang makalabas ng kagubatan. Lumipas nalang ang anim na buwan ay hindi parin siya nakakalabas tapos patuloy parin niyang pinapatay ang mga halimaw na humaharang sa kanya gamit ang kuko ng dragon na naging sandata niya ngayon.
 
Doon na nagalit ng todo ang diwata kay Aries dahil sa hindi nito matagumpay na mapatay siya. Sa pangalawa at panghuling pagkakataon ay nagpakita ulit ang diwata kay Aries.
 
“Tao, ang lakas mong loob na patayin ang mga alaga ko rito sa kagubatang ito, hindi ko ulit hahayaan na magtatagumpay ka ulit kaya ako na ang makakaharap mo tao”paliwanag ng diwata kay Aries.
 
“Wag mong sabihing ikaw ang dahilan kung bakit ako inaatake ng mga halimaw?”palinaw ni Aries sa diwata dahil nakalimutan niya na ang diwatang iyon pala ang nagsumpa sa kanya.
 
“Oo tao, nakalimutan mo na?”patawa ng diwata sa kanya.
 
“Syempre, pangalan ko pa nga ay nakalimutan ko, ikaw pa kaya, teka lang ano ba yong pangalan ko”patawang paliwanag ni Aries tapos nagulat din siya nang makalimutan ulit niya ang pangalan niya. “Oo nga pala Aries pala ang pangalan ko”bigkas niya habang tiningnan niya ang sugat niya sa braso niya.
 
Nagalit ulit ang diwata kay Aries dahil sa hindi niya gustong ugali kay Aries kaya agad ipinalabas ng diwata ang pinakamasamang anyo niya na kung saa’y umitim ang suot niyang damit, umitim din ang mga paru-paru at gamu-gamu na pumapaligid sa kanya.
 
“Ngayon tao, matitikman mo na ang bagsik ng kapangyarihan ko”bigkas ng diwata habang nagsisiliparan ang mga ibon, nagtataguan ang mga malalakas na halimaw sa mga lungga nila at nangingig sa takot ang mga ordinaryong hayop sa kagubatan.
 
Hindi naman nagdadalawang isip ang diwata na atakehin si Aries na malakas na malakas na sa sobrang lakas ay mapapatay na halos ang mga nilalang na nakakaramdam sa atake ng niya. Pero imbes matakot si Aries sa pag-atake ng diwata ay sinalubong lang niya ito at hindi pinansin ang magiging pinsala kapag natamaan siya sa pag-atake.
 
Napahinto naman bigla ang diwata sa ginawang pag-atake niya nang makita niya ang mga itim na enerhiya na dumadaloy sa katawan ni Aries. Para sa kanya ay hindi na niya masukat kung gaano kalakas ang enerhiyang dumadaloy sa katawan ni Aries, kaya naisip niya na mali ang ginawa niyang kalabanin si Aries sa simula pa ng pagkikita nila.
 
“Imposible, ang enerhiya ng taong ito ay higit pa sa inaasahan ko, tao ba itong nakalaban ko o ibang nilalang?”tugon ng diwata sa kanyang sarili habang pinagmamasdan niya si Aries.
 
Mula nang maramdaman ng diwata ang hindi masukat na enerhiya ni Aries ay doon na niya pinutol ang sumpa, tapos dahil sa ayaw niyang mapatay pa ang alaga niya sa kagubatan ay agad rin niyang pinaalis si Aries sa kagubatan niya.
 
Kaya nang maglakbay pa ulit si Aries sa huling pagkakataon ay doon na niya nakita ang liwanag ng araw na kailanma’y hindi niya nakita sa loob ng kagubatan. Hindi masukat ni Aries ang saya nang makita niya ang araw, simbolo kasi iyon ng paglaya ni Aries sa mala-impiyernong bumihag sa kanya.
 
Dahan-dahan siyang naglakad tapos bigla siyang napaluhod sa lupa. Nang lumingon siya sa likuran niya ay wala na ang mahiwagang kagubatang pinasukan niya.
 
“Salamat at tapos narin ang lahat”bigkas ni Aries habang bigla siyang nawalan ng malay.
 
Dalawang taong nanatili si Aries sa mahiwagang kagubatan, pinagdaan niya ang gutom, hirap, sakit at pagtitiis sa walang hanggang kapahamakan. Naging masakitin pa siya, umabot pa nga sa punto na malapit na siyang mamatay, tapos minsan inisip niyang magpakamatay nalang. Mga ilang libong kilometro ang nilakbay niya kaso hindi parin siya nakalabas ng kagubatan kaya ang pagtitiwala at sa hindi pagsuko ay nagbigay sa kanya ng pag-asa.
 
Habang walang malay na nakahandusay si Aries sa lupa ay agad namang may pumulot sa kanya na isang mangangaso na naninirahan sa bayan ng Lyveli, isang mapayapang bayan tapos dinala siya sa isang bahay.
 

Sa bayan din ng Lyveli naninirahan si Mellia, isang bulag na babae na laging lang naka-upo sa upuan. Kahit isa siyang bulag ay isa naman siyang magaling na mananahi tapos may tinatago rin siyang kapangyarihan sa mga kamay niya.
 
Sa ngayon ay nakaupo siya sa labas ng kanilang bahay kaya nang marinig niya ang pagising ni Aries na kung saa’y nanatili sa bahay niya ay dahan-dahan niya itong nilapitan para alagaan ito.

Myself in Another World (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon