(Vol. 4) Chapter 42: Wedding

119 26 5
                                    

Sa isang magandang araw na lumiwanag sa kaharian ng Ylgad na kung saa’y ang mga tao ay naghahanda sa isang paparating na selebrasyon, abala naman ang mga manluluto sa mga ihahawin nilang mga hayop at ang mga kababaihang nagdedesenyo sa loob ng kaharian. Magaganda naman ang mga palamuting nakapaloob sa kaharian at  makikita din sa labas ng kaharian ang maraming bulaklak na nakalagay sa tabi-tabi.
 
May mga mahahalaga ring mga bisita ang nagsisidatingan na nagmula sa malayong bayan tulad ng bayan ng Irch, Vera, Egalliv at Relig. Marami ding bata ang nakasuot ng magagarang damit na may hawak-hawak na mga bulaklak. Hindi naman din nagpadaig ang mga kababaihan at kalalakihan na suot ang magara nilang damit, ang kabataan kasi ang magiging tema sa selebrasyong ito.
 
Maputi naman ang mga kasuotan ng mga kabalyero at mga Royal Knights sa kaharian dahil nagsisimbolo kasi ito ng kapayapaan at pakikiisa. Sa ngayon, sila ay matuwid na naglilinya sa loob ng kaharian upang magabayan nila ang dalawang mahahalagang tao na masasabing sila ang sentro ng selebrasyong ito.
 
Samantala, handa naman ang maiting damit na suot ni Prinsipe Reinhard. Patingin-tingin naman siya sa salamin habang inaayos niya ang kanyang buhok. Matapos ang ilang minutong pananatili niya sa kwarto niya ay agad narin siyang tinawag ng kanyang ama na kung saa’y suot din ang magagarang damit.
 
“Reinhard, ito na simula ng pagbabago sa kaharian”bigkas ng ama niya sa kanya.
 
“Salamat ama”pasalamat naman niya.
 
Agad namang itinapik ng ama niya ang likod niya na nagsisilbing pag-abante para sa hinaharap niya.
 
“Reinhard, alam kong nasa mabuting lagay ang kaharian kapag ikaw na ang mamumuno”tugon ng ama niya sa kanya.
 
Samantala sa isang kwarto na kung saa’y pinapaganda si Fiana, hindi naman kumulang sa limang babae ang nagpaganda sa kanya. Hindi na nga makilala kung si Fiana na ba talaga iyon dahil sa sobrang ganda niya.
 
“Sister Fiana, sa tingin ko po lalo pong magkakagusto sa inyo ang prinsipe”pangiting sabi nila kay Fiana.
 
“Wag naman kayong magsalita ng ganyan”tugon ni Fiana na parang binobola siya ng mga ito.
 
“Totoo nga po Sister Fiana”tugon ng mga  babaeng nagpapaganda sa kanya.
 
Hindi naman napigilan ni Fiana na tumingin sa salamin kaya agad niyang nakita ang mukha niya, tulala naman niyang pinagmamasdan ang magaganda niyang mga mata kaya sa isang iglap lang ay agad niyang nakita ang mga patay na mata ni Aries sa isip niya habang ito’y umalis sa bayan nila.
 
Dahil sa malalim na iniisip ni Fiana ay agad siyang napapikit na ikinabigla ng mga babaeng kasama ni Fiana dahil sa pabiglang pagpikit niya.
 
“Sister Fiana, pangit po ba ang paglagay namin ng pampaganda sa mukha niyo?”alalang tanong ng mga babae kay Fiana.
 
“Hindi! Bakit niyo naman naisabi yan?”pabiglang tanong ni Fiana sa kanila.
 
“Dahil pinikit niyo po ang mata niyo nang makita ang mukha niyo sa salamin”tugon nila.
 
“Pasensya na kayo, may iniisip lang kasi akong bagay, wala naman akong sinabing pangit ang ginagawa niyo sa akin”paliwanag ni Fiana sa kanila.
 
“Mabuti naman po, akala po namin napapangitan ka na po sa mga pampaganda na nilalagay namin”tugon nila kay Fiana.
 
Kung sila may abala ngayon sa paparating na selebrasyon, si Aries nama’y nagmamasid mula sa tuktuk ng kaharian dahil siya kasi ang itinalaga upang magbantay sa lahat. Suot-suot ni Aries ang puting uniporme na ibinigay sa kanya ng prinsipe. Nakita naman ni Aries ang mga karwahe na sunod-sunod na pumapasok sa bayan, pero hindi iyon mga kalaban kundi mga bisita iyon na nagmula sa Academy.
 
Wala namang nakikitang kahina-hinala si Aries maliban lang sa anim na traydor na mga Royal Knights na nasa loob ng kaharian.
 
Samantala, isang oras nalang ay magsisimula na ang inaabangan ng lahat ang kasalan, handa na ang mga pagkain na nakalagay sa bawat mesa, nandoon narin sa loob at labas ng kaharian ang mga mahahalagang bisita na dumalo at naroon narin ang pari at hari sa harap ng maraming tao.
 
Lumipas ang isang oras ay nagsimula na ang kasalan, hindi naman napigilan ng lahat ang mamangha nang makita ang magandang si Fiana na paisa-isang naglakad patungo sa altar ng kaharian. Marami namang ang mga tao ang hindi nakilala si Fiana pero naniniwala silang karapat-dapat siya sa prinsipe.
 
“Hindi ko inaasahang hindi pala dugong bughaw ang mapapangasawa ng prinsipe”sabi-sabi ng mga tao na dumalo sa kasalan.
 
“Oo pero kahit na, alam ko namang bagay sila sa isa’t-isa”sabi-sabi ulit ng mga tao.
 
Matapos ang paglalakad ni Fiana ay nakatabi narin niya ang prinsipe sa harap ng pari. Nakinig sila ng ilang minuto ng sermon ng pari tapos nagsi-ayunan naman silang dalawa sa lahat ng tinatanong sa kanila.
 
Wala namang tumutol sa kanilang kasal kaya sa huli ay naghalikan ang dalawa. Kasabay ng paghalik ng dalawa, ang pag-iba din ng pakiramdam ni Aries na nagmamasid lang sa tuktuk ng kaharian.
 
“May mangyayaring masama ngayong araw”banggit ni Aries habang sinisimoy niya ang malamig na hangin.
 
Matapos ang kasalan ay nagkainan naman ang lahat ng mga bisita samantalang ang ibang mahahalagang bisita nama’y bumati kina Prinsipe Reinhard at Fiana.
 
“Kinagagalak ko ang pag-iisang dibdib niyo lalo na si iyo iha”tugon ng mga bisita habang binabati nila ito.
 
“Salamat po”masayang sabi nila sa mga bisita.
 
Nagulat naman si Fiana nang biglang lumapit sa kanya ang isang lalaki na kababayan niya sa Egalliv at unang lalaking hinahangaan niya na walang iba kundi si Jushua na kasalakuya’y nag-aaral sa Academy.
 
“Masaya ako sa inyong dalawa Fiana”bati ni Jushua sa kanya.
 
Wala namang naisagot si Fiana dahil sa tulala siyang nakita si Jushua. Magpapasalamat sana siya kay Jushua kaso napahinto siya nang makita niyang may babaeng lumapit kay Jushua na inaakala niyang kasintahan nito.
 
“Jushua, naghihintay na ang mga kasamahan natin sa labas”tugon ni Lila kay Jushua na may kasamang pag-aalala.
 
“Pasensya ka na Lila kung bigla akong nawala, binati ko lang kasi yong prinsipe”sagot ni Jushua.
 
Bago sila umalis ay biglang humarap si Lila kay Fiana na may kasamang pagngiti nito.
 
“Masaya ako sa inyong dalawa”bati ni Lila kay Fiana.
 
Pagkatapos bumati sina Jushua at Lila ay hindi naman napigilan ni Fiana ang lumuha bigla kaya agad nagulat si Reinhard nang makita siya.
 
“Fiana, ano ka ba, iiyak ka lang ba sa harap ng mga estudyante sa Academy”pabiro ni Reinhard sa kanya.
 
“Hindi ah!”sagot ni Fiana.
 
Masaya namang nagkakainan ang lahat na may kasamang pag-iinuman.
 
------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Samantala, nagtipon-tipon naman sa isang tagong lugar ang anim na magta-traydor sa kaharian sapagkat malapit nang magsisimula ang kanilang plano. Hindi naman sila agad aatake dahil alam nilang may pipigil sa kanila na malakas na tao na halos hindi nila napipigilan.
 
“Anong gagawin natin kapag hinarap tayo ni Aries?”tanong ni Knight Kirsh.
 
“Inutil talaga ito, sa dinadami-daming tao dito sa kaharian si Aries pa ang nakatuklas sa plano natin”reklamo ni Knight Harry.
 
“Simple lang naman ang pagpapatumba kay Aries, kayo naman oh! Mukhang wala kayong pinag-aralan”pabiglang tugon ni Knight Teru.
 
“Ano ba ang plano mo Knight Teru?”tanong nila.
 
“Bakit naman natin siya lalabanan eh pwede naman nating mapatumba siya sa ibang paraan”patawang sabi ni Knight Teru. “Lalasunin natin si Aries”dagdag ni Knight Teru sa sinabi niya.
 
Nang magtanghali ay maliit nalang ang mga tao doon sa kaharian dahil nagsisi-uwian na ang lahat sakay ng kani-kanilang mga karwahe. May mga nag-iinuman naman ng mga kabalyero at mga Royal Knights sa bayan at sa kaharian.
 
Sa kusina ay mag-isa namang kumakain si Aries dahil busog na ang mga kasamahan niyang mga Royal Knights, siya lang kasi ang nagbabantay kaya siya nalang ang tanging hindi pa kumakain. Marami namang nakahandang pagkain sa kanya pero ang mga pagkaing iyon ay nalalagyan na pala ng mga lason.
 
Walang namang malay si Aries sa mga pagkain habang siya’y kumakain kaya ilang minuto lang sa pagkakain niya ay agad siyang nakaramdam ng panghihilo, hindi narin niya maigalaw ang kanyang katawan, tapos bumubula narin ang kanyang bibig. Wala nang naiisip si Aries kundi ang pag-iikot ng paningin niya.
 
Habang siya’y natumba sa sahig at nanginginig ang buong katawan ay agad niyang nakita ang anim na mga Royal Knights na nakatingin lang sa kanya. Pinilit ni Aries na humingi ng tulong kaso hirap na siyang makabigkas ng salita.
 
“Tu- ong”pahinang bigkas ni Aries.
 
Hindi naman siya pinakikinggan nito sapagkat nakatitig lang ang mga ito sa kanya.
 
“Anong gagawin natin, papatayin na ba natin si Aries?”tanong ni Knight Raphael.
 
“Huwag niyong gagawin iyan, baka may makita sa katawan ni Aries dito at malaman nang lahat ang pinaplano natin, hahayaan nalang natin si Aries dito na nakabulagta, mamatay lang naman diyan eh!”paliwanag ni Knight Teru.
 
“Kung ganoon, mamayang gabi ay magsisimula na tayo”tugon ni Knight Lucas habang sila’y nagsisi-alisan.
 
Mag-isa lang si Aries sa kusina, nakabulagta siya tapos nanginginig ang buong katawan. Walang nakatulong sa kanya dahil parehong pagod ang mga tao sa loob ng kaharian. Kahit minsan nalang humihinga si Aries ay pinilit parin niyang huminga para mabuhay, ang liwanag na nakikita ng mga mata niya ay unti-unti nang dumidilim, nananakit narin ang dibdib niya subalit tinitiis parin niya ito.
 
Walang ibang iniisip si Aries kundi ang mabuhay lang subalit sa isang iglap lang ay agad siyang nawalan ng malay. Hindi naman natatandaan ni Aries ang huling nangyari sa kanya, sa ngayon ang madilim na paligid nalang ang nakikita ni Aries.
 
“Saan na ba ako?”tanong ni Aries sa isip niya.
 
Naalala ulit ni Aries ang madilim na kapaligiran na nakikita niya kaya hindi niya mapigilang magtaka ulit. Habang patuloy siyang naglalakad ay agad niyang nakita ang sarili niya na nakatayo lang. Iba ito kumpara sa sarili niya dahil ang mga mata nito’y masigla, tapos masayahing bata rin ito kaysa sa kanya. Ang nakita niyang repleksyon ay parang wala lang problema at kabaliktaran lang ng kanyang sarili ngayon.
 
Pilit niyang pinagmamasdan ang sarili niya hanggang sa bigla niya itong hinawakan. Nagulat nalang si Aries nang magising siya, alam niyang sa kusina ang huling kinaroroonan niya kaya doon narin siya nang magising siya. Nang tumayo siya ay agad bumalik sa normal ang katawan niya tapos naalala narin niya ang huling pagkain na kung saa’y nalason siya.
 
Nakita niya ang mga nilasong pagkain na nakalagay sa mesa kaya agad niya itong kinuha at kinain rin, sa una ay umuubo pa si Aries pero nang tumagal ay agad nasanay ang katawan niya sa mga lason, kung baga hindi na natatablan ng lason si Aries dahil nasanay na ang katawan niya.
 
Wala na siyang nakitang tao sa loob ng kaharian kahit na mga katulong ay wala na din. Gabi na kasi kaya nagtaka si Aries na baka sinimulan na ng mga Royal Knights ang masamang binabalak nila.
 
Nilibot ni Aries ang buong kaharian sapagkat wala na siyang nakikitang gising pa kaya nang pumunta siya sa tuktuk ng kaharian ay agad niyang nakita ang kahi-kahinalang karwahe na may sakay na isang babae. Patungo na iyon sa labas ng bayan kaya hindi nag-alinlangang kumilos si Aries.
 
Mabilis na tinakbo ni Aries ang buong bayan upang mahabol lang niya ang karwahe.
 
Samantala, masaya namang sumasakay ang mga Royal Knights habang dala-dala nila ang kayamanan ng kaharian at dinukot rin nila ang prinsesa upang pagsamantalahan.
 
“Ganoon lang pala kasimple ang plano natin, hehe!”sigaw ni Knight Teru habang tumatawa.
 
“Ang talino mo talaga Knight Teru, hindi mo lang napadali ang pagkuha ng kayamanan at sa prinsesa, napatumba mo rin si Aries”puri ni Knight Kirsh.
 
“Knight Kirsh, walang makakapigil sa atin kapag ako na ang nagplano”pabiro ni Knight Teru.
 
“Oo hinding-hindi ka na mapipigilan Knight Teru, kaya saludo na ako sa iyo”patawang suporta ni Knight Lucas.
 
Habang sila’y tumatawa ay nagulat sila nang biglang may sumunod sa kanilang isang tao. Hindi naman nila masyadong nakikita ang mukha nito dahil sa dilim, napatanong nalang sila bigla sa kanilang mga sarili.
 
“Sino ang humahabol sa atin?”
 
Kaya sa isang iglap ay biglang nasilawan ng liwanag ang mukha ni Aries na tumatakbo palapit sa kanilang karwahe.
 
“Buhay pa si Aries!”sigaw ni Knight Harry.
 
“Paano nangyari iyon, dapat patay na iyan dahil sa lason”pabiglang sabi ni Knight Teru.
 
Hindi pa nakakalayo ang karwahe ay agad na itong sinira ni Aries sa isang hampas lang ng espada niya.
 
“Simulan na natin ang selebrasyon!!”pademonyong ngiti ni Aries habang nakabulagta sa lupa ang anim na traydor na Royal Knights.

 
“Tumakbo kayo!”sigaw ni Knight Teru sa mga kasamahan niya.
 
Bitbit naman nila ang prinsesa at ang kayamanan habang sila’y patakbong tumatakas. Samantala, may dalawang Royal Knights naman ang naiwan doon upang pigilan si Aries.

Myself in Another World (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon