(Vol. 5) Chapter 51: Farewell

125 21 4
                                    

“Ipagdiwang ang bagong hari ng Ylgad”sigawan ng mga Royal Knights kay Prinsipe Reinhard.
 
Dumating na kasi ang panahon na magiging hari na si Prinsipe Reinhard tapos magiging reyna naman si Fiana na asawa niya. Ngayon ay paisa-isa namang humahakbang si Reinhard patungo sa harap na kung saa’y naghihintay sa kanya ang ama niya. Ibibigay na kasi sa kanya ang korona ng ama niya.
 
Hindi naman mapigilan ni Reinhard na maluha nang mailagay na sa kanyang ulo ang korona na nagpapatunay na siya’y magiging hari na.
 
“Reinhard, ikaw na ang bagong hari ng Ylgad”bigkas ng ama niya sa kanya.
 
Matapos tinanggap ni Reinhard ang korona ay doon na nagpapalakpakan ang mga tao sabay bati kay Reinhard.
 
“Ipagdiwang ang bagong hari!”sigawan ng mga tao na sumuporta kay Reinhard.
 
Masaya naman siyang niyakap ng asawa niyang Fiana sabay sabi.
 
“Nasa iyong kamay na nakasalalay ang buong kaharian”sabi ni Fiana.
 
Habang sila’y nagdiriwang ay agad namang napatingin si Marissa, dating estudyante ni Aries sa hardin na kung saa’y dati nilang tagpuan kapag tinuturuan siya ni Kuya Aries niya. Patuloy niyang nililibot ang buong hardin dahil naalala niya ang mga panahong kasama niya ang kuya Aries niya.
 
Matapos ang ilang minuto niyang pag-iikot ay dumating naman ang mga pinsan niyang sina Andrei, Adrian, Harold at Ivan.
 
“Marissa, ano bang ginagawa mo rito?”tanong ni Harold sa kanya.
 
“Wala Kuya Harold, inaalala ko lang yong mga panahong tinuturuan pa tayo ni Kuya Aries rito”tugon ni Marissa.
 
“Nakakalungkot isipin na sa isang iglap ay hindi na natin siya nakikita dito sa kaharian”tugon ni Ivan.
 
“Sana makikita pa natin ulit si Kuya Aries para malaman natin ang kalagayan niya ngayon”alala ni Andrei.
 
“Oo nga, alam kong inosente talaga si Kuya Aries”tugon ni Adrian.
 
“Sila naman ang nagsasabi na isang traydor si Kuya Aries, alam kong may kadahilanan lang si Kuya Aries kung bakit inamin niya ang kasalanang hindi niya ginawa”sabi ni Harold.
 
“Saan na kaya si Kuya Aries ngayon, sana mabuti lang ang lagay niya”alala ni Marissa.
 
Nagtinginan naman silang lahat sa ibon na mga lumilipad sa himpapawid kasabay sa malamig na simoy ng hangin. Kung ang araw na ito ay ang selebrasyon sa pagiging hari ni Reinhard, kasabay naman sa masayang araw nila ay malungkot na araw ni Aries dahil ngayon mangyayari ang pagputol ng ulo sa kanya.
 
Sa ngayon ay pinipilit ni Tina na pagmasdan si Aries na nahihirapan na, hindi kasi niya palalampasin ang araw na ito sapagkat ito na ang huling araw na makikita niyang buhay si Aries.
 
Marami namang tao ang hindi dumalo sapagkat ayaw nilang makakita ng isang pagpatay, kasama na doon sina Rena at Gina na nanatili lang sa bahay.
 
Nagsisigawan ang lahat ng mga tao sa mga sundalong-kabalyero na simulan na ang pagpatay.
 
“Ano ba naman iyan? Ang tagal namang simulan”reklamo ng mga tao.
 
“Ang dami ko pang gagawin ngayong araw”reklamo nila.
 
Lalong nawawala ang kaba ni Tina sa tuwing natatagal ang pagpatay kay Aries, may mga problema kasing hinaharap ngayon ang mga sundalong-kabalero tapos hindi pa nakakarating ang alkalde na siyang nag-utos na patayin si Aries.
 
Kasama ni Tina na pumunta sa kapital ang mga magulang niya at ang mga kasamahan niya sa bukiran. Napatingin naman siya sa mga magulang niya kaya agad niyang nakita sa mga mukha nito ang takot. May naiisip namang plano si Tina, isang delikadong plano na kung saa’y ikakapahamak niya kapag ginawa niya.
 
“Nay, Tay kayo na po ang bahala sa susunod na mangyayari”pabiglang sabi ni Tina sa mga magulang niya.
 
“Tina, ano bang pinagsasabi mo?”tanong ng nanay niya sa kanya.
 
“Tina, ano ang ibig mong sabihin?”tanong ng tatay niya sa kanya.
 
Nang ibinaba ng mga sundalong-kabalyero si Aries na nakapako sa kahoy na krus ay doon na biglang tumakbo si Tina. Kahit hindi niya alam kung ano ang sunod niyang gagawin ay nagpatuloy parin siya sa pagtakbo.
 
“Tutulungan kita Aries, tutulugan kita Aries!”sabi ni Tina habang mabilis niyang nilapitan si Aries.
 
Nagulat nalang ang mga tao nang biglang lumapit si Tina kahit madaming mga sundalong-kabalyero ang nag-aabang sa kanya.
 
“Tina!”sigaw ng mga magulang ni Tina sa kanya.
 
Hawak-hawak ni Tina ang isang patalim na noo’y dala-dala ni Aries. Nang makalapit na si Tina kay Aries ay doon na niya binantaan ang isang buhay ng isang sundalong-kabalyero na noo’y abala sa paghahanda kay Aries.
 
“Subukan niyong lumapit, kundi papatayin ko itong kasamahan niyo”banta ni Tina sa lahat habang ang patalim niya’y nakatutuk sa leeg ng isang sundalong-kabalyero.
 
Imbes na matakot ang mga tao at ang mga sundalong-kabalyero kay Tina, nagsitawanan lang silang lahat. Hindi naman nila sineryuso ang banta ni Tina kahit seryusong-seryuso na ito sa kanila.
 
“Iha, sigurado ka ba sa pinagagawa mo?”tanong ng mga sundalong-kabalyero kay Tina habang tumatawa.
 
“Mukhang nababaliw na yata ang babaeng iyan, ano naman ang nakain niya ba’t niya ginawa ang bagay na iyan?”sabi-sabi ng mga tao.
 
Dali-dali namang binadbad ni Tina ang kadenang nakatali sa leeg ni Aries kaso hindi niya ito natanggal. Tumutulo na nga ang pawis niya habang ginagawa niya ang bagay na iyon. Kahit pinalibutan na siya ng mga sundalong-kabalyero ay hindi parin siya tumigil.
 
“Tina! Umalis ka na diyan!”sigaw ng nanay niya sa kanya.
 
Lalapitan na sana siya ng tatay niya kaso pinigilan ito ng mga sundalong-kabalyero. Sa ngayon ay agad kinuha ng dalawang kabalyero si Tina upang paalisin.
 
“Wag niyong patayin si Aries!”sigaw ni Tina habang siya’y nagmamakaawa sa mga sundalong-kabalyero.
 
Eksakto namang dumating ang alkalde ng siyudad tapos nalaman din niya ang kaguluhang ginawa ni Tina.
 
Habang nakatayo si Tina ay bigla siyang nilapitan ng alkalde tapos sinakal siya.
 
“Iha, ano ba ang gusto mong ipakita? Gusto mo bang pumanig sa kriminal na iyan?”tanong ng alkalde sa kanya habang nakaturo kay Aries.
 
“Naniniwala akong hindi masamang tao si Aries, kaya wag mo siyang pagsabihan na kriminal siya”lakas na loob na sinabi  ni Tina sa alkalde.
 
“Huh ano ang sinabi mo? Hindi masamang tao si Aries, paano siyang hindi maging masamang tao, diba ang kaharian na mismo ang tinaksilan niya, bulag ka ba?”paliwanag ng alkalde habang patuloy siyang sinasakal nito.
 
Nahihirapan naman siyang huminga pero sa huli ay binitawan naman siya ng alkalde.
 
“Iha, hindi ko gusto ang ugali mo kaya umalis ka na rito baka ikaw ang sunod na ipapatay ko”paalala ng alkalde sa kanya.
 
Pagkatapos umalis ng alkalde ay doon na siya nilapitan ng mga magulang niya para siya’y tulungan.
 
“Ayus ka lang ba Tina?”tanong ng mga magulang niya.
 
“Si Aries po?”bigkas ni Tina habang inuna niya muna ang kalagayan ni Aries kaysa sa kanyang sarili.
 
“Tina, tanggapin nalang natin ang kamatayan ni Aries, wala tayong magagawa”sabi ng nanay niya sa kanya.
 
Hindi pa naman nagsisimula ang pagpatay kay Aries dahil nagsalita pa ang alkalde sa mga tao. Habang nagpapatuloy sa pagtatalumpati ang alkalde ay may dadating naman silang bisita, hindi inaasahang bisita.
 
“Magiging mayaman na tayong lahat! Kaya simulan na ang pagpatay kay Aries!”huling sinabi ng alkalde sa kanyang talumpati.
 
Tinanggal naman ng mga sundalong-kabalyero ang kadena sa leeg ni Aries para hindi na sila mahirapan na putulan ito ng ulo. Nakapatong naman ang ulo ni Aries sa isang matigas na bagay kaya nang handa na ang espadang puputol sa kanya ay doon na pumikit ang mata ni Tina.
 
Hindi naman nawala kay Tina ang dasal niya.
 
Natigil bigla ang lahat nang marinig nila ang isang dagundong ng malaking dragon na paparating sa kanilang siyudad. Kahit ang isang kabalyerong papatay sana kay Aries ay napahinto din sabay tingin sa himpapawid.
 
“Isang dragon?”palinaw ng mga tao na baka mali lang ang hinala nila.
 
“Imposible na tayong mapasok ng dragon dito sapagkat marami naman tayong barrier”tugon ng isang tao.
 
Matapos ang ilang segundo ay pinagpatuloy ng alkalde ang ginagawa nila.
 
“Dagundong lang iyon ng dragon kaya wag kayong mag-alala, matibay yong barrier natin”paliwanag ng alkalde. “Sige putulan ng ulo si Aries”utos ng alkalde.
 
Magtatagumpay na sana ang alkalde sa pinapagawa niya kaso agad nagpakita ang dragon sa himpapawid, tapos mabilis nitong binasag ang barrier.
 
“Dragon!”sigaw nila habang sila’y nagtatakbuhan palayo sa lugar na tinatayuan nila.
 
Agad silang binugahan ng malakas na apoy ng dragon kaya maraming nasawing mga tao. Masuwerte namang nakaligtas si Tina kasama ang mga magulang niya sa pabiglang pag-atake ng dragon sa kanila.
 
Tulala namang pinagmamasdan ni Tina ang malaki at makapangyarihan na dragon habang pinapatay nito ang mga tao.
 
“Tina, umalis na tayo rito!”sigaw ng mga magulang niya.
 
Doon nalang naputol ang pagkatulala ni Tina nang sinigawan siya ng mga magulang niya.
 
“Tina, halika ka na!”sigaw ng tatay niya habang mabilis na hinablot ang kamay niya.
 
Mabilis naman siyang tumakbo paalis kasama ang mga magulang niya kaso bumalik ulit siya sa kapital nang maalala niya na tutulungan pa niya si Aries. Nagulat nalang ang mga magulang niya nang makita nilang bumalik pa siya sa kapital.
 
“Saan ka pupunta Tina?”tanong nila kay Tina.
 
“Tutulungan ko pa po si Aries”sigaw ni Tina.
 
“Tina, mapapatay ka ng dragon!!”patuloy na sigaw nila kay Tina.
 
“Nay, Tay mabubuhay po ako! Kaya wag na po kayong mag-aalala sa akin, aalahanin niyo lang po sina Rena at Gina”pangiting sabi ni Tina sa mga magulang niya.
 
Wala namang nagawa ang mga magulang niya kundi hayaan nalang si Tina, dahil tanging sila nalang kasing tatlo ang natitira dahil ang iba nilang kasamahan ay nasawi na din ng dragon.
 
“Sige Tina, pangako mo yan ah! Magkikita tayo sa batis, doon ligtas tayo”paalala ng mga magulang niya sa kanya.
 
Dali-dali namang tinakbo ni Tina ang kapital kaya hindi niya mapiglang sumaya nang makita niyang maayus pa ang kalagayan ni Aries na walang malay na nakabulagta sa sahig. Nahirapan naman siyang kunin ito dahil parehong nakapako sa kahoy ang dalawang kamay ni Aries.
 
“Pagpasensyahin muna ako Aries kung hindi man ako naniniwala sa iyo”pahingi ng tawad ni Tina habang patuloy niyang hinablot ang kamay ni Aries.
 
Duguan naman ang mga kamay ni Aries nang matanggal ito ni Tina sa pagkapako. Tapos, doon na binuhat ni Tina ang walang malay na si Aries. Nahihirapan naman siya sa paglakad dahil sa bigat ni Aries.
 
Nagulat nalang bigla si Tina nang bigla silang napuntirya ng dragon. Sa isang iglap lang ay pareho naman silang napatapon sa malayo. Si Aries nama’y nakabulagta sa daan samanatalang si Tina nama’y napasok sa isang gusali.
 
Dahil sa pagkatama ni Tina sa mga gusali ay nasugatan bigla ang likod niya. Nahihirapan naman siya na maigalaw ang katawan niya dahil sa pagkatama sa gusali. Pinilit niyang maramdaman ang kanyang paa para makatayo.
 
“Mabubuhay kami, mabubuhay kami”patuloy na binibigkas ni Tina para mawala ang kaba sa dibdib niya.
 
Nagawa naman niyang makatayo sa huli subalit nagulat siya nang hindi na niya maramdaman ang isang kamay niya. Duguan na ito, bali na ang buto at namamanhid na. Ngayon ay mahihirapan na niyang mabuhat si Aries dahil isang kamay nalang ang magagamit niya.
 
Pinilit parin niyang mabuhat si Aries para makapunta lang sila sa batis na siyang ligtas na lugar para sa kanila. Hindi naman niya pinansin ang sakit na nararamdaman niya sa katawan niya dahil sa sugat sapagkat nagpatuloy lang siya sa paglalakad.
 
Ang mabuhay lang ang nasa isip niya sa panahong iyon kaya hindi siya sumuko sa paglalakad habang binubuhat si Aries, kahit sa kabila ng pagtitiis niya. Tumutulo pa nga ang luha niya habang tumatawa dahil naisip kasi niya na nakuha na niya si Aries.
 
Habang abala pa ang mga dragon sa mga sundalong-kabalyero ay nakakalayo naman si Tina sa kapital hanggang nakaabot na siya sa damuhang bahagi na malapit sa mga pananiman. Wala nang mga gusali sa lugar na iyon kaya magiging delikado na ang paglalakad ni Tina dahil madali na siyang makita ng dragon.
 
“Ilang metro nalang ay makakarating narin tayo sa ligtas na lugar Aries”pangiting sabi ni Tina habang tinitiis niya ang sugat sa kaliwang kamay niya.
 
Bigla namang narinig ni Tina ang pagdagundong ulit ng dragon, akala niya’y ordinaryong dagundong lang iyon na nanggagaling sa kapital subalit nahanap na sila ng dragon. Nang napalingon si Tina sa likuran niya ay doon na siya nagulat nang makita niyang inatake sila ng dragon.
 
Mabilis namang itinapon ni Tina sa isang damuhang bahagi si Aries dahil alam kasi niyang siya ang puntirya ng dragon.
 
“Patawad Aries at...”pangiting tugon ni Tina habang tumutulo ang kanyang luha. “Paalam”huling tugon niya bago siya binugahan ng apoy ng dragon.
 
Agad namang bumalik sa kapital ang dragon para maghanap ulit ng mga taong papatayin. Makalipas ang dalawang oras na pag-atake ng dragon ay nagkamalay naman si Aries, masakit pa ang buong katawan niya tapos may sugat rin siya sa leeg at kamay niya.
 
Nang tumayo siya ay doon na niya nakita ang buong siyudad na nasunog na at nagmistula ng impiyerno, nakita rin niya ang mga patay na tao na nakahandusay sa bawat daan tapos hindi mawawala sa paningin niya ang makapangyarihang dragon na umatake sa buong siyudad.
 
“Ourovoros? Hindi! Ngayon ko palang nakita ang dragong iyan”bigkas ni Aries sa sarili niya.
 
Aalis na sana siya kaso napahinto nalang siya nang marinig niya ang mahinang boses na parang nakilala niya.
 
“Aries, ikaw ba yan?”pahinang tanong ni Tina habang siya’y nag-aagaw buhay na.
 
Hindi naman mapigilang umiyak ni Aries nang makita niya ang sunog-sunog na balat ni Tina na sa sobrang pagkasunog ay parang naaagnas na.
 
“Tina”pabiglang sabi ni Aries habang mabilis niyang hinawakan ang mukha ni Tina.
 
“Salamat naman at buhay ka Aries”tugon ni Tina habang pinipilit niyang ngumiti.
 
“Ano bang pinagsasabi mo Tina, tingnan mo nga ang sarili mo, sunog na sunog ka na! tapos nag-aalala ka pa sa akin”tugon ni Aries habang nalilito na kung ano ang sunod niyang gagawin.
 
“Aries, patawad pala sa huling sinabi ko sa iyo na pinagduduhanan kita na isa kang masamang tao, alam kong wala kang mga kasalanan”pahinang sabi ni Tina. “Aries, sa totoo lang sa dinadami ko ng nakilalang lalaki, ikaw lang ang minahal ko ng labis kahit mga ilang araw palang tayong nagkakakilala, ikaw nga yong dahilan kung bakit nagbabago yong ugali ko, naging masaya ulit ang buhay ko Aries simula nang makilala kita sana matanggap mo ako Aries bilang parte ng buhay mo”paliwanag ni Tina habang pilit siyang nagsasalita kahit masakit na ang kanyang labi.
 
“Oo Tina, tinatanggap na kita! Kaya wag ka munang magsalita para masagip pa kita”tugon ni Aries habang kumuha siya ng tubig para ipanlinis sa buong katawan ni Tina.
 
Agad namang siyang pinigilan ni Tina sa ginagawa niya.
 
“Aries, kunin mo ito”tugon ni Tina habang ibinigay niya ang patalim na laging dala-dala noon ni Aries.
 
“Ano ba ang gagawin ko sa patalim na ito Tina? Ikaw naman oh mabiro ka talaga kahit nagkasunog-sunog na yong balat mo, palabiro ka parin, wag ka ngang ganyan Tina”tugon ni Aries habang kinuha niya ang patalim.
 
Agad namang hinawakan ni Tina ang patalim na ibinigay niya kay Aries at sabay pakiusap.
 
“Aries, isaksak mo yan sa dibdib ko”pakiusap ni Tina kay Aries.
 
Nagulat naman si Aries sa sinabi ni Tina na parang kasing nagbibiro lang ito sa kanya.
 
“Ikaw talaga Tina diba sabi ko wag ka munang magbiro, alam mo namang maghihintay pa ako sa iyo diba? Hindi pa nga kita nililigawan tapos ganyan ka pa”paliwanag ni Aries.
 
Napaluha naman bigla si Tina na may halong saya dahil nasiyahan kasi siya sa sianbi ni Aries. Hindi naman sinunod ni Aries ang sinabi niya kaya agad ulit siyang nagmakiusap sa huling pagkakataon.
 
“Di ko na kaya Aries! Patayin mo na ako, ang sakit na! hindi ko na matiis ang nararamdaman kong sakit Aries”paiyak na sabi ni Tina habang nagmamakiusap siya kay Aries.
 
“Tina, kaya mo yan! Tiisin mo lang ang sugat mo”tugon ni Aries habang pinapagaan niya ang kalooban ni Tina.
 
Bigla namang napasigaw si Tina dahil sa hindi na niya makayanan ang sakit ng mga sugat sa balat niya, agad namang nalito si Aries kung ano na ang gagawin niya.
 
“Arayy!!!!”sigaw ni Tina habang nagtitiis siya nang nagtitiis.
 
“Tina, huminga kalang malalim, sasagipin kita”pakalma ni Aries kay Tina.
 
“Aries, naghihintay silang lahat sa batis kaya bilisan mo na, iligtas mo na ang sarili mo”tugon ni Tina habang patuloy sa pag-iiyak.
 
“Tina, bubuhatin kita ah! Wag kang malikot! Dadalhin kita sa batis na tinutukoy mo”tugon ni Aries.
 
Bubuhatin na sana niya si Tina kaso biglang naputol ang paa nito dahil sa pagkasunog. Doon naman nakaramdam ng lungkot si Aries nang makita niyang wala ng mga paa si Tina, tapos dahan-dahan naring naaagnas ang likuran nito. Kung tutuusin, wala na talagang pag-asang mabuhay ni Tina, kaya ang huling kahilingan nalang ni Tina ay patayin siya para maputol na ang pagtitiis niya.
 
“Aries, patayin mo na ako, pakiusap lang, hindi ko na talaga kaya, ang sakit na talaga ng nararamdaman ko, ayaw ko ng magtiis pa Aries”pakiusap ni Tina habang siya napapasigaw dahil sa sakit.
 
Dahan-dahan namang itinapat ni Aries ang patalim sa dibdib ni Tina, kahit ayaw niyang gawin iyon ay napilitan lang siya dahil sa pakiusap ni Tina sa kanya.
 
“Aries, sabihin mo ito sa mga magulang ko, ‘pasensya na, kung binasag ko man ang pangako niyo, mahal ko kayo, mahal ko kayong lahat at patawad’ yon lang Aries salamat”huling salita ni Tina bago siya sinaksak ni Aries.
 
Sumigaw naman ng malakas na malakas si Aries matapos mamatay ni Tina. Sa sobrang lakas ng sigaw niya ay agad natakot ang dragon na umatake sa kanila, natupok ang lahat ng mga gusali at nagsisiliparan ang mga ibon sa kagubatan.
 
Mabilis namang nakatakas ang dragon dahil natakot ito sa malakas na sigaw ni Aries. Ang sigaw kasi iyon na nagpapahiwatig sa pagkalungkot namay pagkagalit ni Aries.
 
-------------------------------------------------------------------------------------------------------
Samantala sa kagubatan, mga ilang oras namang naghihintay ang mga magulang ni Tina kasama ang dalawang kapatid niya. Mga ilang tao nalang ang nabuhay dahil sa pag-atake ng dragon sa siyudad nila.
 
Kinakabahan naman sa ngayon ang mga magulang ni Tina sapagkat nagpangako ito sa kanya na mabubuhay siya at pupunta siya rito sa kagubatan ng ligtas. Gumabi nalang ay hindi parin nakakarating si Tina hanggang sa narinig nila ang isang malakas na sigaw.
 
“Kaninong sigaw iyon?”tanong ni Rena.
 
“Mukhang kilala ko ang sigaw na iyon”tugon ni Gina.
 
Matapos umalis ng dragon ay doon na sila dahan-dahang lumabas sa kagubatan. Madilim ang paligid tapos naubos narin ang mga kabahayan at gusali sa buong siyudad.
 
Habang sila’y naglalakad ay nabigla naman sila nang may nakita silang isang tao, kaso hindi nila ito nakilala dahil sa dilim.
 
“Ate Tina?”tugon nina Rena at Gina habang dahan-dahan silang napapangiti.
 
Napalitan naman ng pangamba ang ngiti nila nang makita nilang ibang tao pala itong lumapit sa kanila, si Aries lang pala iyon na paluhang naglalakad palapit sa kanila.
 
“Kuya Nogard! Salamat naman at buhay ka”masayang tugon nina Rena at Gina.
 
Hindi naman nakasagot si Aries sa sinabi ng magkapatid sa kanya kaya doon na nabigla ang mga magulang ng magkakapatid nang makita nila ang malungkot na mukha ni Aries.
 
“Si Tina?”pabiglang tanong ni Mihena sa kanya.
 
“Aries! Saan si Tina!?”tanong din ng tatay ng magkakapatid sa kanya.
 
Agad namang lumapit si Aries sa nanay ni Tina upang ibigay ang patalim na siyang nagtapos sa buhay Tina.
 
“Pinatay ko po si Tina”pahinang sabi ni Aries na ikinagulat ng mga magulang nito at kapatid nito.
 
“Aries, ano ang ibig mong sabihin?”tanong ni Mihena sa kanya.
 
“Pasensya na po, hindi ko po inaasahan na tutulungan ako ni Tin-”paliwanag sana ni Aries kaso agad siyang sinampal ni Mihena.
 
“Aries, hindi mo alam na grabe ang pagsakripisyo ni Tina sa iyo, wala nga kaming nagawa nong napahamak siya, pero sa kabila ng pagkatiis niya ay ginawa parin niya ang lahat para matulungan ka”paliwanag ni Mihena habang dahan-dahan na siyang umiiyak.
 
“Saan na si Ate Tina ngayon kuya Nogard?”tanong ni Rena habang umiiyak.
 
Nang maituro naman ni Aries ang bangkay ni Tina ay doon na sa kanila ay doon na sila kinabahan, parang hindi kasi sila naniniwala kay Aries sa sinabi nito subalit totoo ang sinabi ni Aries nang makita nila ang sunog na bangkay ni Tina na nakahandusay sa lupa.
 
“Tina!”parehong sigaw ng mga pamilya habang agad siya’y yakap-yakap.
 
“May mga huling sinabi pa siya sa inyo”tugon ni Aries habang isa-isa niyang binigkas ang huling salita ni Tina bago ito mamatay.
 
Lalo naman silang napaiyak dahil sa huling salita ni Tina sa kanila.
 
Matapos ang ilang oras na pag-iiyak ng mga magulang ni Tina ay agad rin siyang inilibing malapit sa batis na siyang naging paboritong lugar nito.
 
Lalapit sana si Aries sa libing ni Tina upang mag-alay ng isang bulaklak kaso pinigilan siya ng mga magulang ni Tina.
 
“Aries, pakiusap lang sana, wag ka ng magpapakita sa amin”pakiusap ni Mihena na kanya namang ikinagulat. “Aries, alam kong ikaw ang dahilan kung bakit namatay si Tina kaya pakiusap lang, pakiusap lang, umalis ka na”paulit-ulit na pakiusap ni Mihena sa kanya habang ito’y umiiyak.
 
Simula nang pinakiusapan siya ni Mihena ay doon na umalis si Aries para ipagpatuloy ang paglalakbay niya, wala na kasi siyang magawa dahil pinapaalis na siya ni Mihena kahit gusto pa niyang mag-alay sa huling pagkakataon. Ang natitira namang nabuhay sa pag-atake ng dragon sa siyudad ng Rellic ay nanirahan nalang sa karatig bayan para ipagpatuloy ang buhay nila.
 
“Magsisimula tayong muli”tugon ni Mihena habang nakatira sila sa bagong bahay nila sa isang bayan.
 
Naging ala-ala nalang si Tina sa kanila.
 
“Hindi ka namin malilimutan Ate Tina, mahal na mahal ka namin”tugon nina Rena at Gina habang ipinalipad nila sa himpapawid ang dalawang kalapati na simbolo ng pagmamahal at pag-alala.

 ---------------------------------------------------------------------------------------------------------

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

 ---------------------------------------------------------------------------------------------------------

Tatlong araw ang nakakaraan, nagpatuloy naman sa paglalakbay si Aries, kahit hindi na niya alam kung ano na ang lugar na napuntahan niya ay wala parin siyang tigil sa paglalakad hanggang sa napasok siya sa isang malawak at magandang kagubatan. Hindi iyon ordinaryong kagubatan, kundi isang mahiwagang kagubatan na maraming mga makapangyarihan na nilalang ang naninirahan.

 Sa isang mapayapang bayan habang ang matanda’y nakaharap sa maraming mga bata ay nagkwe-kwento naman siya tungkol sa mahiwagang kagubatan na siyang alamat lang para sa kanila

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

 
Sa isang mapayapang bayan habang ang matanda’y nakaharap sa maraming mga bata ay nagkwe-kwento naman siya tungkol sa mahiwagang kagubatan na siyang alamat lang para sa kanila.
 
“Lolo, totoo po ba yong mahiwagang kagubatan?”tanong ng isang bata.
 
“Sa sabi-sabi ng mga ninuno ko ay totoo daw, tapos kapag nakapasok ka daw sa mahiwang kagubatan ay hindi ka na makakalabas magpakailanman”paliwanag ng matanda sa mga bata.
 
“Nakakatakot naman po pala sa mahiwagang kagubatan”tugon ng mga bata.
 
“Nakakatakot talaga, subalit mahirap hanapin kung saan matatagpuan ang mahiwagang kagubatan kahit ikutin mo pa ang buong mundo, hindi mo talaga mahanap ang lugar na iyan, tapos bihira lang sa mundo ang makakapasok sa mahiwagang kagubatan”paliwanag ng matanda sa mga bata.

Myself in Another World (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon