(Vol. 5) Chapter 55: Fate

121 19 5
                                    

Kahit sa simpleng libro ay nalaman ni Aries na siya’y hindi taga-rito sa mundong ito. Naglalaman kasi ang librong iyon tungkol sa buhay ng tao na nakasulat sa alpabetong letra na tanging siya lang ang nakakaintindi. Bigla kasing sumakit ang ulo niya nang mabasa niya ang maliit na libro dahil bigla niyang naalala ang mga nakaraan niya.
 
Nalaman din ni Aries kung sino ang totoo niyang mga magulang, tapos naalala narin niya ang mga mukha nito. Napaiyak na nga lang siya bigla nang maalala niya ang mga bagay na iyon.
 
“Nay, Tay, wag niyo po akong iwan!”sigaw niya habang siya’y umiiyak nang malakas.
 
Naalala rin ni Aries ang tungkol sa kanyang buhay na kung saa’y isa siyang ordinaryong estudyante na mahilig sa pagsusulat ng mga nobela sa internet. Lahat nang tungkol sa kanya ay naalala niya tulad ng pagkabata niya, mga kinahiligan niya at mga pinapangarap niya. Isa sa naging pangarap niya ang magkaroon ng magandang buhay at masayang pamilya na kung saa’y mayroon siya ngayon.
 
Nagiging emosyonal si Aries nang maalala niya ang tungkol sa buhay niya kaya naputol nalang ang malalim niyang panaginip nang bigla niyang naalala na nakabulagta siya sa kwarto niya na kung saa’y naputol doon ang buhay niya.
 
Nang magising siya ay nakita niyang yakap-yakap siya ng asawa niyang si Mellia, nakatulog nalang ito habang nag-aalala sa kalagayan niya. Ngumiti na nga lang si Aries nang makita niyang nag-alala si Mellia sa kanya.
 
“Pasensya ka na Lia kung nag-aalala ka man sa akin”sabi ni Aries habang hinalikan niya ang noo ni Mellia.
 
Maaga namang gumising si Aries dahil umiiyak na si Aria, nagluto naman siya dahil hindi pa dumadating ang naninilbihan sa kanilang bahay na si Aling Vivian. Nagulat pa nga si Aling Vivian nang makita niyang tinapos na ni Aries ang mga gawaing bahay.
 
“Ano kaya ang nakain ni Aries ngayon, bakit maaga siyang nagising?”tanong ni Aling Vivian sa kanyang sarili.
 
Sa nakasanayan, sa tuwing aalis si Aries ay nilalagyan niya nang bulaklak ang tainga ni Mellia tapos hinahalikan din niya sa noo ang anak niya si Aria.
 
“Aalis na ako”pahinang paalam ni Aries sa anak niya.
 
Habang nagtratrabaho si Aries ay lagi naman niyang iniisip ang buhay niya. Tulala nga siya habang pinagmamasdan niya ang mga kasamahan niya na abala sa pagtatanim. Lagi naman siyang tinatawag ng kasamahan niya subalit hindi niya ito naririnig.
 
“Hoy Aries! Aries!”paulit-ulit na sigaw ni Ismael.
 
Nagulat nalang bigla si Aries nang agad siyang nilapitan ni Ismael na duming-dumi na.
 
“Aries, kanina ka pa tulala diyan, may problema ba?”tanong ni Ismael sa kanya.
 
“Wala, may iniisip lang ako”sagot ni Aries.
 
“Tungkol ba yan sa pamilya mo Aries, sabihan mo lang ako kapag nagkaproblema ka, baka may maiitulong ako sa iyo”pangiting tugon ni Ismael.
 
“Unahin mo muna yong mga magulang mo Mael, alam kong marami pa silang pinoproblema”tugon ni Aries.
 
“Wag kang mag-aalala Aries, hindi naman talaga mawawala ang bagay na iyan, ang sa akin lang naman ay inaalala rin kita dahil alam mo na kaibigan naman kita diba”pangiting sabi ni Ismael.
 
Agad namang ngumiti si Aries dahil unang beses pa lang niyang narinig na tinuring siyang isang kaibigan.
 
“Aries, ngumiti ka na ngayon, ikaw talaga hindi ko alam kung anong istelo mo, paiba-iba talaga yong kalooban mo”sabi ni Ismael kay Aries.
 
“Oh sige na, magtrabaho na tayo baka mapagalitan pa tayo dito”sabi ni Aries habang siya’y nagsisimula na sa trabaho niya.
 
----------------------------------------------------------------------------------------------------------
Sa sumunod na araw ay agad namang ipinasyal ni Aries ang pamilya niya sa batis dahil wala siyang trabaho, kasama nila si Aling Vivian, si Ismael at ang mga kapatid nito. Gusto kasi ni Aries na ilabas ng bahay si Mellia kahit paminsan-minsan lang para makalanghap ng sariwang hangin.
 
Masaya naman silang nagliligo, kumakain at naglalaro samantalang sinasamahan ni Aries si Mellia habang ito’y naglalakad sa magagandang hardin. Paborito kasi ni Mellia ang mga bulaklak dahil sa malambot ito at mabango din amuyin.
 
“Aries mahal ko, gaano ba kaganda ang mga bulaklak rito?”tanong ni Mellia habang siya’y ginagabayan ni Aries.
 
“Mellia, isipin mo  yong mga magulang mo, tapos ano pakiramdam kapag yakap-yakap ka nila?”tanong ni Aries habang binibigyan niya ng kahulugan ang mga bulaklak.
 
“Syempre, masaya at masarap sa pakiramdam”tugon ni Mellia kay Aries.
 
“Parang ganyan din ang mga bulaklak dito, masaya at masarap sa pakiramdaman kapag nakita mo sila”paliwanag ni Aries.
 
Masaya namang hinihimas at inaamoy-amoy ni Mellia ang mga bulaklak na hawak niya. Tapos binibigyan din siya ni Aries na mga magagandang bulaklak para sa kanya. Kaya ang pananatili nila doon ay nagdahilan nang pag-iyak ni Mellia dahil naalala kasi niya ang mga magulang niya. Agad naman niyang ikinuwento kay Aries ang mga pinagdadaanan niya noon na kung saa’y naiintindihan din ni Aries ang buhay niya.
 
Pareho silang maraming pinagdadaanan sa buhay, mga pasakit, pagtitiis at minsa’y pagsasakripisyo. Hindi nga inaakala ni Mellia na ang dating malungkot na buhay niya ngayon ay nagbago nang minahal siya ni Aries. Laking pasasalamat niya nang tinanggap siya ni Aries ng buong pagkatao niya.
 
“Aries mahal ko, salamat pala sa lahat ng mga ginawa mo para sa akin”pasalamat ni Mellia kay Aries. “Aries, alam kong marami karing pinagdaanan sa buhay, maraming hindi nagtiwala sa iyo, maraming nagtaboy sa iyo, maraming hindi tumanggap sa iyo bilang tao, kaya Aries kahit dumaan ka man sa butas ng karayom ay hindi ka parin sumuko sa buhay mo”paliwanag ni Mellia na biglang ikinagulat ni Aries.
 
“Lia, bakit mo alam ang tungkol sa akin?”tanong ni Aries habang siya’y nalilito.
 
“Aries, may kapangyarihan ako sa kaliwang kamay kaya kapag nahawakan ko ang kamay ng isang tao ay malalaman ko ang nakaraan diba, naalala mo pa noong kagigising mo palang sa bahay ni Lolo Luis diba nilagay mo yong kamay mo sa palad ng kaliwang kamay ko”paliwanag ni Mellia habang pinaalala niya kay Aries ang lahat.
 
“Wag mong sabihing matagal mo ng alam ang tungkol sa nakaraan ko”pagulat na sabi ni Aries.
 
“Oo Aries, pero inilihim ko lang ang bagay na iyon para di mo malaman ang tungkol sa kapangyarihan ko”paliwanag ni Mellia. “Aries, yong sa kanang kamay ko naman ay makikita ko ang hinaharap ng isang tao”tugon ni Mellia na ikinabigla din ni Aries.
 
“Lia, basahin mo daw ang kapalaran ko sa hinaharap”sabi ni Aries habang nilagay niya ang kamay niya sa palad ng kanang kamay ni Mellia.
 
“Aries, ayokong pagmasdan ang hinaharap mo Aries, natatakot ako sa kalalabasan”paliwanag ni Mellia.
 
“Bakit naman Lia?”tanong ni Aries.
 
“Aries, natatakot ako”tanggi ni Mellia.
 
“Bakit ka naman matatakot Mellia?”tanong ni Aries.
 
Wala namang nagawa si Mellia kundi ang basahin ang kapalaran ni Aries sa hinaharap. Sa kanyang pagbabasa ay agad niyang nakita ang itim na kapalaran ni Aries na kung saa’y huling nakita niya kay Lolo Luis. Hindi naman gaano kasama ang kapalaran ni Aries subalit nang makita niyang mamamatay si Aries ay doon siya tumigil.
 
Tumigil naman si Mellia dahil nalaman niyang malapit nang mamatay si Aries, sobrang lapit na kung saa’y mabibilang na sa mga daliri. Wala namang alam si Mellia kung papaano mamatay si Aries pero isang lang ang alam niya kundi ang isang dragon.
 
“Mamamatay si Aries, katulad din ni Lolo Luis, sana hindi ko nalang binasa ang kapalaran ni Aries”bulong ni Mellia habang nag-aalala na siya ng tuluyan kay Aries.
 
Wala namang alam si Aries sa kapalaran niya dahil hindi kasi sinabi sa kanya ni Mellia ang katutuhanan tungkol sa hinaharap niya.
 
“Aries, magiging maganda ang buhay natin sa hinaharap”sabi ni Mellia kay Aries.
 
“Yon naman pala eh! bakit ka naman matatakot”tugon ni Aries habang siya’y ngumingiti. “Mellia, tara na, kakain na tayo, luto na daw yong ulam”sabi ni Aries habang ginabayan niya ulit si Mellia patungo sa batis.
 
Hindi na mawala ni Mellia sa isipan niya ang kapalaran ni Aries. Ang pagbasa kasi ng hinaharap kay Aries ay kapareho sa pagbasa niya sa kapalaran ni Lolo Luis na kung saa’y namatay ito sa sakit, pero ang nakita lang niya kay Aries ay isang dragon na nangangahulugang papatay kay Aries.
 
“Isang dragon? siguro dragon ang papatay kay Aries, wag naman sana, pakiusap lang”bulong ni Mellia habang siya’y kinakabahan sa mangyayari kay Aries.
 
Sa ngayon ay hindi alam ni Aries ang kapalaran niya kaya masaya pa siyang nakikisalamuha sa mga kasamahan niya. Nagbibilang naman si Mellia sa mga araw na lumilipas sapagkat magta-tatlong araw simula nang malaman niya ang kapalaran ni Aries. Wala naman siyang lakas na loob na itapat kay Aries ang kapalaran dahil natatakot siya.
 
Habang lumilipas ang mga araw ay lalo namang natatakot si Mellia, mukhang bilang na kasi ang araw ni Aries kaya araw-araw ay lagi niyang pinagdadasal si Aries na sana ay walang mangyaring masama sa kanya.
 
Dalawang linggo na ang nakalipas ay wala pa namang nangyayari kay Aries pero hindi naman mawawala ang pag-aalala niya. Sa araw nga iyon ay masayang aalis si Aries dahil sweldo kasi nila.
 
“Aries mahal ko, mag-ingat ka, diretso ka na ng bahay”paalala ni Mellia sa kanya.
 
“Lia, ano ang tingin mo sa akin tulad ng ibang lalaki, Lia alam ko naman na ang perang pinaghihirapan ko ay para naman sa inyo kaya wag ka ng mag-aalala”paliwanag ni Aries.
 
“Oo Aries, basta pagkauwi mo ay diretso ka na dito”paalala ulit ni Mellia sa kanya.
 
“Lia, may problema ba? Mukhang iba na yata ang kinikilos mo hindi lang ngayon kundi sa nakaraang linggo pa, Lia tapatin mo nga ako, may nililihim ka ba sa akin?”tanong ni Aries kay Mellia.
 
“Wala Aries, sige na mag-ingat ka sa trabaho mo”alala ni Mellia.
 
“Sige tutuloy na ako”paalam ni Aries habang siya’y umalis na.
 
Matapos ang buong araw ni Aries sa trabaho ay mabilis na siyang umuwi ng bahay matapos niyang makuha ang sweldo niya. Nagtataka naman siya kung bakit iba na ang kinikilos ni Mellia, alam naman niyang ayus lang siya at komportable naman siya sa pagtratrabaho niya.
 
“Akala siguro ni Mellia na nagbibisyo ako”teorya ni Aries.
 
Masaya pa nga silang nagkakainan sa isang mesa kasama si Aling Vivian dahil sa sweldo ni Aries ngayon. Binigyan din niya ng iilang salapit si Aling Vivian na kung saa’y tumutulong sa mag-ina niya kapag wala siya.
 
“Aries, ang rami naman nito, salamat”tugon ni Aling Vivian.
 
“Ano ka ba Aling Vivian, sa katunayan kulang pa nga yan eh!”tugon ni Aries.
 
“Sapat na ito Aries, salamat”tugon ulit ni Aling Vivian.
 
Matapos ang maliit na pagsalo-salo nila ay nagpahinga na sina Aries at Mellia. Mga ilang minuto lang ay nakatulog na agad si Aries. Hindi naman mawala sa kay Mellia ang yakap niya kay Aries. Ang hindi niya alam ay mangyayari na pala ang kinakakatakutan niya ang pag-atake ng isang dragon sa bayan nila.
 
Madaling araw habang tulog pa ang lahat ay nagsigisingan nalang sila bigla nang marinig nila ang isang dagundong ng dragon na sobrang lakas ay pati anak nina Aries at Mellia ay napaiyak. Dali-dali namang kinuha ni Aries si Aria para patahimikin, wala na kasing tigil ang pag-iyak nito.
 
Nang marinig ni Mellia ang isang pagdagundong ng dragon ay doon siya kinabahan nang maalala niya ang kapalaran ni Aries.
 
“Aries, ano na ang nangyayari?”tanong ni Mellia habang siya’y natatakot na.
 
“Mellia, walang nangyayari kaya wag kang matakot, dagundong lang iyon”tugon ni Aries habang pinapakalma niya si Mellia.
 
“Aries, natatakot na ako”sabi ni Mellia habang siya’y nanginginig na.
 
“Mellia, wag kang mag-aalala kung may pag-atake man ng dragon ay proprotektahan ko kayo”paalala ni Aries kay Mellia habang patuloy parin niyang hawak-hawak si Aria.
 
Lumipas na ang ilang minuto ay wala na silang narinig na dagundong na dragon.
 
“Mellia, dumaan lang yong dragon kaya matulog ka na ulit, ako na ang bahala kay Aria”sabi ni Aries habang patuloy niyang pinapatahimik ang umiiyak na si Aria.
 
Maya-maya lang, ang tahimik nilang bayan ngayon ay biglang nabulabog nang biglang umatake ang dragon. Sira ang sampung bahay na nakalinya sa bayan tapos nasawi din ang sampung katao habang ang iba nama’y nakaligtas sapagkat sugatan.
 
Hindi naman agad nakalabas ng bahay si Aries dahil nandoon pa sa loob si Mellia na natatakot at umiiyak na. Masuwerte namang pumunta si Aling Vivian sa bahay niya kaya agad niyang ibinigay si Aria na bitbit niya.
 
“Aling Vivian, kayo na po ang bahala kay Aria, umalis na po kayo rito, magtago po kayo sa mga kakahuyan para di kayo makita ng dragon”paalala ni Aries kay Aling Vivian.
 
“Ikaw Aries, anong gagawin mo?”tanong ni Aling Vivian.
 
“Tutulungan ko pa po si Mellia”sagot ni Aries.
 
“Sige Aries, aalis na kami ng asawa ko”tugon ni Aling Vivian habang mabilis siyang umalis na dala-dala si Aria.
 
Dali-dali namang nilapitan ni Aries ang umiiyak na si Mellia para gabayan ito na makalabas ng bahay. Nahihirapan namang makatakbo si Aries dahil laging nadadapa si Mellia kaya agad niya itong binuhat na kahit matatagalan pa siya makarating sa ligtas na lugar.
 
“Aries, natatakot na ako”bigkas ni Mellia habang patuloy na siyang umiiyak. “Si Aria, saan na siya?”alala ni Mellia.
 
“Wag kang mag-aalala Lia, nasa ligtas na lugar na ang anak natin”tugon ni Aries.
 
Nang lumabas na ng bahay si Aries na buhat-buhat si Mellia ay agad niyang nakita ang dragong umatake sa bayan nila. Bulag na ang isang mata nito nang makita ni Aries kaya isa lang ang nasa isip ni Aries kundi ang pangalang Ourovoros na tumatak sa kanyang isipan.
 
“Narito ka na ulit Ourovoros, hindi mo talaga ako titigilan hangga’t hindi pa ako nabubura sa mundo”pangiting sabi ni Aries habang narinig ni Mellia ang sinabi niya.
 
“Aries, wag mong labanan ang dragon na umatake sa atin ngayon, mapapahamak ka lang Aries”paalala ni Mellia sa kanya.
 
“Mellia, matagal na akong napahamak sa dragong iyan Lia, mukhang oras na para magtatapos ang paglalaban namin ngayon Lia”tugon ni Aries habang dahan-dahan niyang ibinababa si Lia sa isang puno na malayo sa mga kabahayan. “Lia, wag kang aalis rito, hintayin mo lang ang tulong ng ibang tao sa iyo”paalala ni Aries kay Lia.
 
“Aries, anong gagawin mo?”tanong ni Mellia habang siya’y nabigla siya sa naging desisyon ni Aries.
 
“Lalabanan ko ang dragon”lakas na loob na sinabi ni Aries.
 
“Aries, wag! Mapapahamak ka lang sa ginagawa mo! Makinig ka naman sa akin oh! Aries!”sigaw ni Mellia na parang takot siyang mawala si Aries sa buhay niya.
 
Dahan-dahan namang lumapit si Aries kay Mellia tapos agad niyang hinalikan ang noo nito.
 
“Lia, magbabalik ako pangako iyan, walang mangyayari sa akin kaya babalik ako ng buhay”pangako ni Aries kay Mellia.
 
Nang marinig ni Mellia ang sinabi ni Aries ay parang gumaan ang loob niya, kumalma din ang natatakot niyang damdamin. Matamis kasi pakinggan ang sinabi ni Aries sa kanya na parang hinahagkan siya ng mga magulang niya habang siya’y mahimbing na natutulog, tumatak man sa kanyang isipan ang matamis na salita ni Aries kaso hindi parin niya itinatanggi na mamamatay si Aries.
 
Samantala, habang pinapatay ng dragong si Ourovoros ang mga tao sa bayan ng Lyveli ay agad namang umakyat si Aries sa isang gusali na may mataas na palapag tapos agad niyang sinigawan ang dragon para mapansin siya nito.
 
“Hoy! alam kong ako ang puntirya mo!”sigaw ni Aries habang hawak-hawak niya ang isang espada.
 
Ngumiti naman ang dragong si Ourovoros nang makita niya si Aries. Matagal na kasi niyang hinahanap si Aries dahil mga ilang taon na niya itong hinahanap at sa wakas ay nagkakaharap na sila sa susunod na pagkakataon o sa panghuling pagkakataon.
 

“Alam mong matagal na tayong di nagkita kaya ang pagkikita nating ito ay panghuli na, dahil hindi ko na palalampasin ang pagkakataong ito, tatapusin na kita Ourovoros”bigkas ni Aries habang biglang nag-iba ang kulay ng mata niya na simbolo ng paglabas ng kapangyarihan niya.

(A/N: The next chapter will be the last chapter of this story)

Myself in Another World (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon