Chapter 27: Teacher

127 32 4
                                    

Dahan-dahan namang lumalapit si Aries sa upuan niya dahil inanyayahan siya ng prinsipe na kumain kasabay nito. Paisa-isa namang humakbang si Aries habang pinagmamasdan siya ng hari, prinsesa at ang prinsipe. Kinuha naman niya ang upuan tapos dahan-dahan siyang napa-upo. Tiningnan naman ni Aries ang pagkain sa mesa marahil nag-aalinlangan siya dahil ang nakahandang pagkain sa mesa ay masasabing pangmayaman lang.

Hindi naman agad nakapag-kain si Aries dahil may nakahandang kutsara, tinidor at kutsilyo sa harapan niya, ayaw niya kasing magmukhang mahirap sa paningin nila sapagkat mga matataas na antas ang kasabay niya sa pagkain.

Pinagmamasdan niya muna ang kilos ni Prinisipe Reinhard kung papa-ano ang tamang pagkain. Nabigla pa nga si Prinsipe Reinhard nang makita niyang hindi pa kumakain si Aries.

"Aries, bakit hindi ka pa kumakain, may problema ba?"pahinang tanong ng prinsipe kay Aries.

"Wala, ngayon palang ako kasi nakakita ng ganitong pagkain"pahinang sagot ni Aries.

"Ah kaya pala kung tutuusin di ka naman lumaki sa ganitong buhay, kumain ka lang diyan Aries wag mo na kaming isipin"pahinang tugon ng prinsipe sa kanya.

May nalalaman namang kakaunti si Aries sa pagkain nila kaya hindi na siya nag-alinlangang simulan ang pagkain. Natapos na ang prinsipe at prinsesa kaya una na silang umalis sa hapag-kainan samantalang naiwan pa doon sina Aries at ang hari. Hindi naman tumitingin si Aries sa hari dahil baka mapag-usapan nito ang tungkol sa nagawa niya sa kaibigan nito.

Makalipas ang ilang minuto, tumayo narin ang hari dahil tapos narin itong kumain. Naputol naman ang kaba ni Aries kaya diretso na siya sa pagkain. Hindi inaaakala ni Aries na bigla pala siyang lalapitan ng hari.

Nagsitinginan naman ang lahat ng mga Royal Knights at ang mga katulong sa kanila. Maya-maya'y binunut ng hari ang espada nito sabay itinutuk sa leeg ni Aries.

"Bata, hindi ko pa nakakalimutan ang atrasong ginawa mo sa kaibigan ko"tugon ng hari habang nakatitig ang mata nito kay Aries.

"Mahal na hari, ginawa ko lang po ang karapat-dapat at tama"lakas na loob na sinabi ni Aries habang siya'y napatigil sa pagkain niya.

"Bata, kaya kitang ipapatay! Kaya wag mo akong subukan"tugon ng hari kay Aries habang nagagalit na ito ng tuluyan sa kanya.

Hindi naman nagsalita si Aries samantalang nakatutuk sa kanyang leeg ang espada ng hari. Dumudugo nalang ang leeg ni Aries dahil inilapit na ng hari ang espada nito sa kanyang leeg.

Makalipas ang ilang minutong pagtatahimik ni Aries ay inalis narin ng hari ang espada nito. Umalis siyang may galit kay Aries.

"Bata, tatandaan mo! Ako ang makakalaban mo sa kahariang ito"paalala ng hari kay Aries bago ito umalis.

Nagpatuloy naman sa pagkakain si Aries habang dumudugo ang kanyang leeg, nag-aalala naman ang mga katulong sa kanya subalit hindi nalang siya nagpatulong sa mga ito.

"Ayus lang ako"tugon ni Aries sa mga katulong.

Hindi naman alam ng prinsipe at prinsesa ang nangyari sa pagitan ng hari at kay Aries pero hindi naman ito pinag-usapan ni Aries nang sila'y magkausap ni Prinsipe Reinhard.

"Aries, may mga bisita ulit tayong paparating ngayon na may mga dugong bughaw kaya ikaw ang unang itatalaga ko sa kanila para turuan sila"utos ni Prinsipe Reinhard kay Aries.

"Mga dugong bughaw? Tulad po ninyong may malalaking antas sa lipunan?"palinaw ni Aries.

"Oo Aries, ganoon na nga, kaya paghusayan mo ang pagtuturo sa kanila dahil mag-iilang buwan pa silang nagsasanay"paalala ng prinsipe sa kanya.

"Sigurado po ba kayo? Hindi pa naman po ako masyadong magaling sa pagtuturo"reklamo ni Aries.

"Aries, may tiwala ako sa iyo kaya hindi ikaw na ang bahala"tugon ng prinsipe sa kanya bago ito umalis dahil may pupuntahan itong lugar.

Kaya nang makaalis na si Prinsipe Reinhard ay tanging si Aries nalang ang naiwan doon sa bakuran na kung saa'y ang lugar na pinagsasanayan ng mga taong tinututukoy ng prinsipe. Naka-upo naman si Aries sa damuhan habang naghihintay siya sa tuturuan niyang mga estudyante sa Kaharian.

Dumating naman ang limang bata na may edad labing-isa hanggang sa labing-lima sa kaharian. Habang papasok ang mga bata patungo sa bakurang lagi nilang pinagsasanayan ay agad naman silang nakita ng mga Royal Knights na minsa'y naging guro nila sa kaharian.

Hindi naman napigilan ng mga Royal Knights na pag-usapan ang mga naging estudyante nila sa kaharian. Mga walang respeto sa mga matatanda, mga matitigisin ang ulo, laging gumagawa ng mga kalokohan at higit sa lahat hindi gaanong sumusunod sa bilin ng mga guro nila kung maiihambing mo ang mga dugong bughaw na mga batang nagsasanay sa kaharian na sa kasalukuya'y estudyante ni Aries.

"Ayus lang ba ang Aries na iyon sa pagtuturo niya sa makukulit na dugong bughaw na mga batang iyon"tugon ng isang Royal Knight habang nag-aalala siya kay Aries.

"Di ko alam, kahit gaano pa kalakas at kagaling ang Aries na iyon sa pagsasanay kapag hindi ka talaga marunong magturo ay wala paring silbi ang pananatili mo rito sa kaharian"sagot ng isa pang Royal Knight.

Samantala, napatayo naman si Aries nang makita niya ang limang bata na hinihinala niyang magiging estudyante niya. Agad niya itong nilapitan sabay bati.

"Magandang araw sa inyo"masiglang bati ni Aries habang ang mga mata niya'y patay na patay.

Hindi pa nga nakakagbati ng maayos si Aries nang bigla siyang sinuntok ng isang bata sa tiyan na pagkaresulta nang pagkasakit ng tiyan niya. Tumatawa naman ang limang bata habang pinagmamasdan si Aries na nagtitiis sa sakit.

"Ikaw yong papalit sa mga Royal Knights? Magkasing edad lang naman tayo"tugon ni Harold, labing-limang taong gulang na nagsasanay sa kaharian.

"Kahit magkalapit lang yong edad natin, dapat matutu kayong rumespeto sa nakakatanda lalo na sa mga guro niyo"paalala ni Aries sa kanila.

"Eh! bakit naman kami rerespeto sa inyo, pareho rin naman tayong tao sa mundo"tugon ni Harold.

"Kahit na! kaya dapat respetuhin niyo ang matatanda dahil mas marami na silang nalalaman sa mundo kaysa sa inyong mga bata pa"paalala ulit ni Aries.

"Eh! Wala kaming paki"tugon ni Adrian, labing-tatlong gulang na nagsasanay sa kaharian.

Tumagal ang pag-uusap nila ay naiirita naman si Aries dahil sa ugali ng mga estudyante niya. Hindi na kasi niya matiis ang pambabastos at pagsasagot ng masama sa kanya tapos mayayabang pa ang mga ito na parang marami na ang pinag-aralan kaso halos hindi pa mabuhat ang espadang kahoy. Pinaulit niya ito ng pinaulit kaso hindi parin nila iyon nagawa ng tama.

"Simple lang naman ang pinapagawa ko sa inyo, kailangan niyo lang ihampas ang hawak niyong kahoy na espada hindi niyo pa magawa ng tama"paliwanag ni Aries sa kanila.

"Aries, nagsasawa na kami sa kahoy na hawak namin, gusto na naming humawak ng totoong espada"reklamo ni Ivan, labing-apat na taong gulang na nagsasanay sa kaharian.

"Huh! Mga ilang buwan pa nga kayong nagsasanay dito tapos totoong espada na ang gusto niyong gamitin, kung mapeperpekto na ninyo ang panimula, papagamitin ko na kayo ng totoong espada"tugon ni Aries sa kanila.

"Aries, lagi lang naman yang sinasabi sa amin na kapag naperpekto na namin yong panimula ay gagamit na kami ng totoong espada pero lumipas nalang ang ilang buwan, hindi parin kami nakakahawak ng totoong espada"reklamo ni Harold.

"Hindi niyo pa kasi naperpekto yong panimula kaya di muna kayo pinapahawak ng totoong espada, hindi pa nga kayo marunong sa paghahampas ng kahoy na espada totoong espada pa kaya? Tapos madali pa kayong mapagod, kung tutuusin mga batang sanggol pa kayo na wala pang puwang sa mundo"diretsuhang sagot ni Aries sa limang bata na tinuruan niya.

Nagulat nalang ang mga bata nang marinig nila ang sinabi ni Aries sa kanila, nasasaktan na kasi sila dahil matagal na silang nagsasanay pero hindi parin sila magagaling. Ang lagi kasing pinaalala ng mga Royal Knight sa kanila ay kulang pa ang kanilang kaalaman sapagkat diretsuhan naman ang sagot ni Aries sa mga bata.

Dahan-dahan namang umiiyak sina Harold, Adrian, Ivan at Andrei habang nakaupo sila sa damuhan. Pero tanging si Marissa lang ang tanging hindi umiyak sa kanila kahit babae pa ito at pinakabunso sa kanila.

"Kuya Aries, kailan pa namin mapeperpekto yong pagsasanay?"tanong ni Marissa, labing-isang taong gulang at tanging babae na nagsasanay sa kaharian.

"Kapag hindi na kayo madaling napagod at tapos hindi narin kayo umiiyak, iyan ang mga palatandaan ng magaling ka na sa pagsasanay"pabirong tugon ni Aries kay Marissa.

Narinig naman nina Harold, Adrian, Ivan at Andrei ang sinabi ni Aries kaya madali silang tumayo tapos pinahiran din nila ang kanilang luha para maipakita nila kay Aries na hindi sila umiiyak.

"Aries, ipagpatuloy na po natin yong pagsasanay"pabiglang tugon ni Harold.

"Bakit parang gusto niyo ng magsanay, akala ko nagsasawa na kayo"tugon ni Aries.

"Napagtanto kasi sa sarili namin na kailangan naming magsanay nang magsanay para lalakas kami"tugon ni Andrei.

Kahit isang biro lang ang sinabi ni Aries sa mga ito pero sa katunayan ay iyon ang unang dahilan kung bakit madaling lumakas si Aries, hindi madaling mapagod at hindi umiiyak para hindi madaling susuko sa pagsasanay kahit gaano pa kahirap ang ginagawang pagsasanay.

Pinatuloy naman ni Aries ang pagtuturo nito sa mga estudyante niya hanggang natapos na ang limang oras na itinalaga ng mga bata sa kanilang pagsasanay. Masaya namang umalis ang mga bata sa kaharian na kahit unang araw palang nilang naging guro si Aries ay marami na silang natutunang bagay.

Nagulat naman ang mga Royal Knights nang malaman nilang napa-amo ni Aries ang mga matitigasin na ulo na mga dugong bughaw na mga bata sa unang araw palang ni Aries sa pagtuturo.

"Kakamangha talaga si Aries, hindi lang sa kanyang kakayahan kundi sa pagtuturo din"tugon ni Knight Edward habang siya'y namangha kay Aries.

Sa sumunod na araw, maaga namang pumunta sina Harold, Ivan, Andrei, Andrian at Marissa sa kaharian upang maagang magsanay, hindi pa nga nagigising si Aries sa kwarto niya. Nagulat pa nga si Aries nang bigla siyang ginising ng isang katulong sa kaharian.

"Master Aries, nandoon napo sa labas ang mga estudyante niyo"tugon ng katulong kay Aries.

"Estudyante?"tanong ni Aries habang siya'y nalito.

"Opo Master Aries"pangiting sabi ng katulong sa kanya.

Kaya nang dumungaw si Aries sa bintana ay nakita niya ang limang batang tinuruan niya kahapon sa bakuran habang ito'y naghihintay sa kanya.

"Ang aga-aga pa"reklamo ni Aries habang siya'y humihikab.

Sa pangalawang pagtuturo ni Aries sa mga estudyante niya ay nagdesisyon siyang pahirapan na ang mga ito kahit labag na ito sa batas ng kaharian. Hindi kasi pwedeng pahirapan ang mga dugong bughaw sa pagsasanay lalo na kung ito'y nagsisimula palang. Wala namang nakakita sa ginawang pagsasanay ni Aries sa mga estudyante niya kaya napatuloy niya ito.

Mga pabigat sa katawan tulad ng kahoy at bato na kung saa'y inilalagay ni Aries sa likuran ng mga estudyante niya. Pagpapalo ni Aries sa mga katawan ng mga ito para masanay na sila sa sakit at higit sa lahat ang pagduduwelo na isa sa dahilan ng pagbabawal gawin ng mga knights sa mga batang estudyante sa kaharian dahil may pagkakataon pa ngang masaktan ito o masugatan.

Hindi naman alam ng hari, prinsipe, katulong o mga Royal Knights sa kaharian na iyon pala ang pinapagawa ni Aries sa mga estudyante niya. Hindi lang sa ngayong araw kundi sa kinabukasan narin hanggang sa natapos ang isang linggo. Walang nakapagsabi o nakapagpahinto kay Aries sa ginagawa niyang pagsasanay kaya masasabi mo na ngayong malaki na ang pinagbago ng mga estudyante niya.

Isang araw, habang nagsasanay ang mga estudyante ni Aries na nakasanayan na niyang gawin sa mga ito ay bigla siyang napaisip sa isang bagay. Pinahinto niya agad ang mga estudyante niya kaya nakatitig ang mga mata nito sa kanya.

"Kuya Aries, may problema po ba?"tanong ni Marissa kay Aries.

"Wala na akong masasabi sa pagsasanay niyo kaya masasabi ko ng naperpekto niyo na ang pagsasanay niyo, maliban lang sa iyo Marissa lahat kayo'y makakagamit na ng totoong espada"paliwanag ni Aries sa kanila.

Hindi naman napigilan nina Harold, Andrian, Ivan at Andrei na magbunyi dahil sa wakas makakahawak na rin sila ng totoong espada. Isa-isa naman nilang kinuha ang mga espadang ibinigay ni Aries sa kanila.

"Ngayon, gusto kong makipaglaban sa inyo, kayong apat laban sa akin"utos ni Aries sa mga estudyante niya.

"Ano po? Kami pong apat laban po sa iyo?"palinaw ni Ivan.

"Syempre, pero wag kayong mag-aalala, kahoy na espada lang yong gagamitin ko para hindi kayo masugatan pagnatamaan ko kayo"tugon ni Aries.

"Sigurado ka Aries? Baka ikaw pa yong masusugatan namin?"palinaw ni Harold.

"Sige nga kung kaya niyo akong masugatan, sasabihin ko na ang sekreto ko sa pagsasanay"kondisyon ni Aries.

Nagsitinginan naman ang apat na para bang sang-ayonan sila sa kondisyon ni Aries. Nagplano pa sila kung papaano nila tatalunin si Aries, kaya matapos ang ilang minutong pagplano nila ay agad nilang pinalibutan si Aries.

Pinalibutan nila nang pinalibutan si Aries hanggang sa biglang umatake si Harold na kung saa'y nasa likuran siya ni Aries. Nabaling naman ang atensyon ni Aries kaya sunod ring umatake sina Ivan, Andrei at Adrian. Pero sa isang saglit lang, napaluhod nalang ang apat nang matamaan sila ni Aries sa pag-atake nito sa ulo nila.

"Mula ngayon, magpalakas nalang kayo dahil alam niyo naman ang pagsasanay na tinuro ko sa inyo"tugon ni Aries sa kanila.

Pumalakpak naman sa tuwa si Marissa na masayang pinagmamasdan ang kakamanghang ginawa ni Aries.

"Ang galing niyo po Kuya Aries"pamanghang sabi ni Marissa.

Lumapit naman si Aries kay Marissa.

"Magsanay karin Marissa"bilin ni Aries sa kanya habang hinihimas nito ang ulo niya.

----------------------------------------------------------------------------------------------------------
Samantala, abala naman ang lahat ng tao sa Bayan ng Ylgad sa pagdidisenyo nila sa bayan nila at paglalagay ng mga palamuti sa bawat sulok. Ang mga kababaihan ay naglilinis sa daan habang ang mga kalalakihan nama'y naghahanda para sa kakataying mga hayop.

Madali na ngang tinapos ni Haring Charles ang kanyang mga papeles dahil darating na bukas ang isa sa pinakaimportanteng bisita niya na dadalo sa pagdiriwang na gaganapin sa kanilang bayan. Inutusan niya sina Knight Kirsh, Harry, Gil, Mash at sa pangunguna ni Knight Edward upang kunin si Duke Salazar sa bayan ng Irch.

"Kayo na ang bahala kaya gawin niyo ang lahat para makapunta rito si Duke Salazar ng ligtas"paalala ni Haring Charles.

"Opo mahal hari"sagot nilang lima.

"Sige aasahan ko ang pagdalo niya rito sa piyesta ng bayan natin"tugon ni Haring Charles.

Myself in Another World (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon