Chapter 4: Lost

198 38 1
                                    

Agad namang nagpakilala sa harap ng maraming estudyante si Aries, kahit mga batang kaedad lang niya ang tumitingin sa kanya ay nanginginig naman siya dahil sa kaba.

"Ano na bang nangyayari sa akin? Bakit parang kinakabahan ako?"bulong ni Aries.

Naririnig naman niya ang sigaw ni Fiana sa kanya na parang binibigyan siya ng lakas ng loob, di na kasi nakakapagsalita si Aries dahil sa kaba na nararamdaman niya..

"Sige na!"pahinang sigaw ni Fiana sa kanya.

Nainis naman si Lola Ignacia kay Aries dahil hindi pa ito nagpakilala kaya biglang niya itong pinagalitan..

"Iho, magsasalita ka ba? O maging tanga-tangahan lang dito, sinasayang mo lang ang oras namin, mabuti't umalis ka nalang"

Lalo pang kinakabahan si Aries nang pinapadali siya ni Lola Ignacia kaya nagpakilala siya ng walang oras..

"Ma-magan-dang ga- umaga pala, ako nga pa-la si Ar-A Aries, kinagagalak kong maki-lala kay-o"pabulol na kilala ni Aries.

"Ilang taon ka na ba Aries?"pabilgang tanong Lola Ignacia sa kanya.

Hindi naman natatandaan ni Aries ang edad niya kaya lakas niyang sinabi ang edad niya kay Lola Ignacia kahit hindi siya sigurado..

"Labing anim na taong gulang na po ako.."

"Labing anim na taong gulang ka na pala, tas ganyang ka pa magsalita sa harapan, konting bagay lang naman ang ginawa mo nagpakilala ka lang naman sa harapan tas nabubulol ka pa, ano ka isang batang paslit"paliwanag ni Lola Ignacia habang iniinsulto si Aries.

Agad namang pinaupo ni Lola Ignacia si Aries katabi ni Fiana kaya binulungan naman niya si Aries tungkol sa lola niya..
"Aries, ganyan lang talaga magsalita si Lola kaya pagpasensyahan mo siya"

"Okay lang masasanay rin naman ako Fiana"bulong ni Aries sa kanya.

Agad namang nagsalita si Lola Ignacia sa sampung estudyante niya kasama na doon si Aries. Pinaalahanan kasi niya ang mga ito..

"Ayaw ko ng mahiyaing estudyante ha! Tulad nong kay Aries, kapag sinabi kong gawin muna gawin niyo talaga agad, wag ka ng mag-aksaya pa ng oras, inutil lang ang mga taong ganyan kaya ayaw ko talaga sa mga ganyan"paalala ni Lola Ignacia habang pinaparinig niya si Aries.

Natakahimik lang si Aries sa narinig niyang paalala mula kay Lola Ignacia dahil ayaw niyang lumaki pa ang problema. Kaya nawalan ng gana si Aries na magsanay, inisip kasi ni Lola Ignacia sa kanya na para na siyang isang inutil kahit una palang niyang mali..

Makalipas ang ilang minutong paalala ni Lola Ignacia, nagsimula narin sa wakas ang kanilang klase. Sa unang klase ni Lola Ignacia pinaliwanag niya pa ang mga elemento ng mga mahika na kung saa'y mayroong mga apoy, tubig, hangin, bato, kuryente at yelo..

"Sa mahika, marami kayong matutunan hindi lang makabuo ng tubig o apoy, marami pang mga bagay kayong matutunan tulad ng pagbuo ng yelo gamit ang tubig, tulad ng pagbuo ng lava gamit ang bato at apoy, makabuo ng bumubukal na tubig gamit ang apoy at tubig, depende sa inyo yan, pero dapat matutunan muna ninyo ang Main Elements na tubig, apoy, hangin, bato, kuryente at yelo" paliwanag ni Lola Ignacia.
"Sige tatatungin ko kayo, bakit ba kailangan nating pag-aralan ang mahika, sige mauuna ka Fiana, ipaliwanag mo sa akin"utos din Lola Ignacia.

"Po, ang marami po tayong magagamit sa mahika tulad po ng pagluluto, malaki po ang silbi ng mahika dahil imbes na gagamit ka ng bagay na pangsindi, di ka na mahihirapan dahil gagamitin mo lang yong mahika mo para maging madali"paliwanag ni Fiana habang siya'y kinakabahan sa sagot niya.

"Sige mabuti, ikaw naman Jushua, bakit natin kailangan pag-aralan ang mahika?"tanong ni Lola Ignacia.

"Ganito po kasi iyon, malaki din po ang silbi ng mahika para po sa sarili mo po, halimbawa po inatake kayo ng mga halimaw sa gubat, imbes na kukunin niyo po ang sandata niyo pwede po niyong gamitin ang mahika po para di po sila makalapit"sagot ni Jushua isa sa mga estudyante ni Lola Ignacia.

Myself in Another World (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon