Inalagaan ng mga katulong si Aries habang nandoon pa siya sa Mansion ni Edward, pinakapakain siya, pinapaligo, binibihisan ng mga magagandang damit, pero sa kabila ng magandang buhay ni Aries doon sa loob ng Mansion ni Edward, kailanma'y hindi niya naisip na magtatagal sapagkat mag-aaral pa siya sa Academy.
Makaraan ang ilang linggo sa pananatili ni Aries sa Mansion ni Edward, bumalik na rin ang lakas niya at bumalik narin sa normal ang katawan niya, kaya bumalik narin siya sa kanyang pagsasanay. Kinuha niya ang mabigat na espada ni Knight Edward upang gamitin niya sa kanyang pagsasanay, kahit binabawalan siya ng mga katulong ni Edward na huwag hawakan ang mga gamit ni Knight Edward ay hindi parin siya nakikinig.
"Pakiusap po Master Aries, wag niyo pong hawakan ang mga gamit ni Master Edward nang hindi po nagsasabi sa kanya"sabi ng mga katulong kay Aries.
"Ako na ang bahalang kumausap sa kanya, sige gawin niyo na ang mga responsibilidad niyo"tugon ni Aries sa mga katulong.
"Master Aries, ang responsibilidad po namin ngayon ay alagaan at bantayan ka"tugon ng sampung katulong.
"Alagaan at bantayan ako? Malakas naman ako, hindi ko kailangan ng tulong niyo"sabi ni Aries habang nagsasanay siya.
Kahit hindi na kailangan ni Aries nang tulong sa mga katulong ni Edward, naroon parin ang sampung katulong sa tabi-tabi niya na nagmamasid lang sa kanya. Dinadalhan siya ng malamig na inumin, dinadalhan rin siya ng ekstrang tuwalya para pampamunas sa mga pawis niya, sa tuwing nagpapahinga siya ay pinapay-payan siya ng mga katulong ni Edward. Kaya kahit panandalian lang, naranasan ni Aries ang mabuhay ng maganda.
Habang siya'y nagpapahinga, naroon naman sa kanyang likuran ang sampung katulong ni Edward na kung saa'y nagmamasid lang sa kanya, binabantayan siya at sinusuportahan sa lahat ng mga ginagawa niya.
"Kayo, bakit niyo ba naisip na magsilbi sa isang bahay?"pabiglang tanong ni Aries sa isang katulong ni Edward.
"Tinatanong niyo ho ba ako Master Aries"palinaw ng isang katulong.
"Oo tinatanong kita, bakit mo ba naisip na magsilbi sa bahay na ito?"tanong ulit ni Aries.
"Master Aries, wala po akong karapatan na sagutin ang tanong niyo"pormal na tanggi ng katulong.
"Bakit naman? Pareho naman tayo na mahirap ah! Hindi naman ako kapatid ni Knight Edward, hindi niya ako kaano-ano, tinulungan niya lang ako kaya kung iniisip niyo man na mataas ang antas ko kaysa sa inyo, nagkakamali kayo! magkatulad lang tayo"paliwanag ni Aries. "Kaya sabihin niyo na sa akin ang dahilan niyo"
Agad namang nabuhayan ng loob ang sampung katulong sa sanabi ni Aries.
"Wag kayong matakot sa akin, pareho naman tayo ng antas"tugon ni Aries. "Sige sabihin niyo na sa akin ang dahilan niyo"
"Master Aries, wala na po kasi kaming pamilya kaya naisipan nalang naming magsilbi kay Master Edward, biktima kami noon karahasan kaya malaki ang pasasalamat namin nang makilala namin si Master Edward"kwento ng mga katulong ni Edward.
"May nakilala rin ako noon na babae na biktima ng karahasan, ngayon patay na siya, hindi ko na siya naabutan na buhay, kaya naiintintindihan ko ang mga nararamdaman niyo"paliwanag ni Aries.
"Ikinalulungkot po namin ang pagkamatay ng kakilala niyo"pormal na nagsisimpatya sa nangyari sa kakilala ni Aries.
"Ayus lang, kaya sinasabi ko sa inyo habang buhay pa kayo sa mundo, dapat maging masaya kayo"paalala ni Aries sa mga katulong.
Hindi naman napigilan ng mga katulong na ngumiti dahil sa sinabi ni Aries.
Naputol ang kanilang pag-uusap nang dumating si Edward kasama ang asawa't anak niya. Agad namang kinuha ng mga katulong ang dala-dalang supot ng asawa ni Edward, galing kasi sila sa pamamasyal kaya naiwan si Aries sa mansion nila.
Nakita naman ni Edward na bumalik na si Aries sa normal kaya agad niya itong hinamon sa isang duwelo. Nabigla naman ang mga katulong nang marinig nila ang paghamon ni Edward kay Aries sa isang duwelo, natatakot kasi sila sa mangyayari kay Aries dahil para sa kanila, kakaiba ang galing, lakas at bilis ni Edward kumpara kay Aries.
"Master Aries, wala po kayong laban kapag magduduwelo po kayo ni Master Edward, may mga estudyante na po siyang pinapunta rito, kahit tatlo pa ang nakakalaban niya ay nagawa parin niyang manalo sa laban nang hindi pinapawisan"paliwanag ng isang katulong kay Aries.
"Kahit tatlo pa? Nakakatawa naman isipin"sabi ni Aries.
"Master Aries, hindi po ako nagbibiro, kahit po kapwa 12 Royal Knights ay pinapahirapan niya"paulit-ulit na paalala ng katulong kay Aries.
"Ako na ang bahala, isa lang kasi ang nagturo sa amin sa paghawak ng espada kundi si Lolo Andres lang"tugon ni Aries sa nag-alalang katulong.
Lalo pang nagulat ang lahat nang katulong nang makita nilang totoong espada ang hawak nina Edward at Aries imbes na espadang kahoy lang. Iniisip nila na baka masusugatan lang si Aries sa duwelo sapagkat umiba ang kanilang nararamdaman sa paghaharap ng dalawa nang makita nilang sineryuso ni Edward ang pagtingin niya kay Aries.
"Ngayon ko lang nakitang nagseryuso si Master Edward sa isang duwelo, hindi siguro ordinaryong kalaban si Master Aries"pagtataka ng isang katulong.
"Wala namang kakaiba kay Master Aries, ilang araw ko siyang pinagmamasdan mukhang ordinaryong bata lang siya"sabi ng isa pang katulong.
Nang nagmasid sila sa duwelo nina Edward at Aries, nabigla sila nang makita nilang nakatayo lang si Aries na parang hindi natatakot kay Edward, sa ibang kaduwelo na iyan ni Knight Edward siguro nanginginig na sila sa takot. Nagtaka at napatanong nalang sa sarili ang mga katulong habang nagmamasid kay Aries, hindi kasi nila alam kung ano ang kakaiba kay Aries, kung bakit hindi siya natatakot kay Edward.
Handa naman sina Edward at Aries sa kanilang unang duwelo.
"Aries, kung sinong unang makakatama sa katawan ay panalo na"paalala ni Edward.
"Sabihin mo nalang kung sino ang unang masusugatan ay talo na"sabi ni Aries.
"Aries, seseryusuhin ko ang duwelong ito dahil alam kong malakas ka"paliwanag ni Edward.
"Mas malakas ka pa nga kaysa sa akin, kaya nga ikaw yong leader ng 12 Royal Knight"sabi ni Aries.
"Aries, wala sa antas iyan, nasa kakayahan yan ng isang tao"paliwanag ni Edward.
Nang magsimula ang kanilang duwelo, nabigla naman ang lahat ng mga katulong pati narin ang asawa't anak ni Edward nang unang umatake si Edward kay Aries. Nakatayo lang si Aries na habang iniilagan ang bawat paghampas ni Edward sa espada.
"Imposible, ang galing pala ni Master Aries"puri ng mga katulong.
"Tay talunin niyo po siya!"sigaw ng anak ni Edward sa kanya.
Lalong tumatagal lalong lumalakas ang mga paghampas ni Edward sa espada niya na pagkaresulta ng pag-atras ni Aries. Naghiganti naman si Aries sa pag-atake kung kaya'y napa-atras naman si Edward sa sobrang bilis na halos di na nakita ng mga mata niya.
"Ang bilis!"bulong ni Edward habang pinipilit na mailag ang lahat ng mga pag-atake ni Aries.
Habang tumatagal, imbes nanghihina si Aries ay lalo pang lumalakas ang pag-atake niya kaya nanginginig naman ang kamay ni Edward sa tuwing nagkakabangga ang mga espada nila. Hindi naman nagpadaig si Edward kaya agad niyang binilisan at nilakasan ang paghampas ng espada niya kay Aries.
Wala namang nakaramdam ng pagod sa kanila kaya patuloy parin ang duwelo nila.
Makaraan ang sampung minutong paglalaban nila Edward at Aries, agad namang nabasag ang espada ni Aries nang inihampas niya ito ng malakas sa espada ng Edward na resulta ng pagkatalo niya. Nakatutuk naman ang espada ni Edward sa leeg niya kaya napasuko nalang siya.
"Panalo ka na"puri ni Aries.
Hindi naman makapaniwala si Edward na nanalo lang siya sa duwelo ni Aries dahil sa nabasag ang espada nito, kaya gusto pa niyang paulitin si Aries sa duwelo.
"Aries, magduwelo ulit tayo"utos ni Edward.
"Kahit na ilang ulit pa tayong magduwelo Knight Edward, talo parin ako"sagot ni Aries.
"Anong talo? Wala pa ngang natatalo o nanalo sa atin, nabasag nga lang ang espada mo"paliwanag ni Edward.
Nang binigyan ulit ni Edward ng bagong espada si Aries, nagsimula ulit ang pangalawa nilang duwelo subalit nabasag ulit ang espada ni Aries. Binigyan ulit ito ng bagong espada si Aries pero lalong tumatagal ay laging nasisira ang espada ni Aries, umabot pa nga ng sampung beses ang pagduduwelo nila sapagkat wala paring nanalo sa kanila.
Napahiga nalang si Edward dahil sa pagod kaya dinalhan siya ng mga katulong niya ng malamig na inumin at ekstrang tuwalya upang pangpunas ng pawis niya, habang siya'y nakahiga at humihingal, nakatayo lang si Aries sa kanya habang siya'y pinagmamasdan.
"Magkasingtulad na kayo ni Lolo Andres"puri ni Aries.
"Aries, sa susunod na araw, ipapasok na kita sa Academy, dapat na maging magiting na kabalyero ka para ikaw ang papalit sa pwesto ko sa pagiging leader ng 12 Royal Knights"paliwanag ni Edward.
"Bago mo ako ipasok sa Academy, bibisitahin ko muna yong mga magulang ni Nina sa labas ng bayan ng Vera"sabi ni Aries habang siya'y pumasok sa loob ng mansion ni Edward.
Kalaunan, maaga namang pumasok ang isang katulong sa kwarto ni Aries habang siya'y natutulog pa. Naglilinis kasi siya sa kalat na nagkalat sa sahig sa kwarto ni Aries, habang siya'y naglilinis agad namang pumukaw sa kanyang attensyon ang natutulog na si Aries, nakabalot ng kumot si Aries habang nakatapat ang mukha niya sa unan.
Nang buksan ng katulong ang kumot ni Aries, nabigla siya nang makita niyang nakahubad pang-itaas si Aries.
"Pasensya na"pahinang tawad ng katulong kay Aries habang ito'y natutulog.
Ibabalik na sana niya ang kumot sa katawan ni Aries sapagkat napansin niya ang mga bakas ng malalim na sugat na natamo ni Aries, kaya agad niya itong hinawakan sabay himas sa mga sugat sa likuran ni Aries.
"Ngayon ka pa lang nakakita ng ganyang sugat?"pabiglang tanong ni Aries na ikinagulat ng katulong.
"Pasensya na Master Aries, hindi ko po sinasadya na tingnan po ang likuran niyo"pabiglang sabi ng katulong.
"Hawakan mo lang ang sugat ko, wag kang mag-alala, hindi naman kita aanuhin"sabi ni Aries.
Patuloy namang hinihimas ng katulong ang bakas ng sugat ni Aries hanggang sa naramdaman niya ang sakit na natamo ni Aries noong panahong nakuha niya ang sugat.
"Master Aries, ang sakit siguro nang makuha mo ang sugat na ito"sabi ng katulong. "Master Aries, saan mo ba nakuha ang sugat na ito?"tanong ng katulong sa kanya.
"Sa bayan ng Ente, inatake kasi kami ng malaking dragon noon, sapagkat ako lang masuwerteng nabuhay doon"kwento ni Aries.
"Ang hirap pala ng pinagdadaanan mo Master Aries"sabi ni katulong sa kanya. "Master Aries, aalis ka na po bukas?"palinaw ng katulong sa kanya.
"Mag-aaral pa ako sa Academy, tutuparin ko muna yong pangako ni Lolo Andres sa akin na makapag-aral ako sa Academy at maging isang magiting na bayani"paliwanag ni Aries habang siya'y tumayo.
"Master Aries, hinding-hindi ko po kayo malilimutan"sabi ng katulong.
"Dapat mabuhay kayo sa buhay na pinagpangarap niyo"paalala niya sa katulong.
Namasyal naman si Aries kasama si Edward sa araw na iyon dahil maghahanda pa siya para sa Academy bukas. Nang makauwi si Aries sa mansion ni Edward, agad niyang binigyan ng tig-iisang kwentas ang mga katulong na nag-alaga sa kanya.
Napapaiyak naman sila tuwing sinasabit ni Aries sa kanilang leeg ang kwentas na binili niya para sa kanila.
"Ito ang tanda ng pagsasalamat ko sa inyo dahil isa kayo sa nag-alaga sa akin"sabi ni Aries sa bawat katulong na sinasabitan niya ng kwentas.
"Marami pong salamat Master Aries, hinding-hindi ko po kayo malilimutan"pasalamat ng mga katulong habang yumuko sila sa harap ni Aries.
Pagkabukas, maaga namang gumising si Aries upang maligo, habang papasok na siya sa paliguan, naghihintay naman sa kanya ang sampung katulong upang bumati.
"Magandang araw po Master Aries"
Napatingin nalang si Aries sa sampung katulong sabay bati rin.
"Magandang araw din sa inyo"
"Sana po, maging maayus po ang paglalakbay niyo"sabi nila kay Aries.
Hindi naman maiwasan ni Aries ang ngumiti.
Nang matapos na si Aries sa paghahanda, dahan-dahan naman siyang sumasakay sa loob ng karwahe. Hindi naman mapigilan ng mga katulong na mag-emosyonal dahil aalis na si Aries.
"Master Aries, mag-ingat po kayo!"alala ng mga katulong.
Agad namang nagpaalam si Aries sa mga katulong pati narin sa asawa't anak ni Edward.
"Paalam, magkikita ulit tayo!"sigaw ni Aries.
Naglakbay na sila patungo sa bayan ng Vera.
"Hihinto muna tayo sa labas ng bayan ng Vera"sabi ni Aries sa nagmamaneho ng karwahe.
"Ho! Ano pong gagawin natin doon?"pabiglang tanong ng nagmamaneho ng karwahe.
"May bibisitahin lang po ako doon"sagot ni Aries.
"Aries, wala nang nakatirang tao sa labas ng Vera, simula nang may mabitay na mag-asawa doon, pinaalis na sila"paliwanag ni Edward kay Aries.
Agad namang nabigla si Aries nang marinig niya ang sinabi ni Edward tungkol sa wala ng taong nakatira sa labas ng Vera at lalong ikinabigla nang marinig niya ang pagkabitay ng mag-asawa.
"Pagkabitay ng mag-asawa wag mong sabihing magulang iyon ni Nina?"pabiglang tanong ni Aries.
"Hindi ko alam Aries, yan siguro ang tinutukoy mo, alam kong may nangyaring bitayan sa bayan ng Vera mag-iisang taon na, pero di ko alam na dahil sa iyo iyon Aries, noong nagdaang buwan ko pa kasi nalaman na ikaw pala yong nakakulong sa Vera"kwento ni Edward.
Nang makarating sila sa labas ng Vera, wala nang miisang bahay ang nakatayo doon, wala naring mga tao, tanging mga puno, damuhan at bulaklak nalang ang makikita doon. Hindi naman napigilan ni Aries ang umiyak habang napaluhod sa bayang tinitirhan ni Nina at sa mga magulang nito.
"Patawarin niyo po ako dahil hindi ako nakinig sa sinabi niyo noon"sabi ni Aries habang umiiyak. "Yong libing ni Nina"pabiglang sabi ni Aries.
Dali-dali namang tumatakbo si Aries sa batis na dating pinagsasanayan niya kasama si Nina, tuloy-tuloy parin ang kanyang pag-iyak nang makita niyang may tatlong libing ang nakalagay doon.
"Patawarin niyo po ako"paulit-ulit na sinasabi ni Aries habang iniiyakan niya ang libing ni Nina kasama ang mga magulang nito. "Hindi ko alam na sinakripisyo niyo ang sarili niyo para mabuhay ako, patawarin niyo ako!"sabi ni Aries.
Agad namang nakarating si Edward kaya nakita niya ang tatlong libing na pinag-iiyakan ni Aries.
"Ang sakit pala ng pinagdadaanan ni Aries"bulong ni Edward.
Matapos ang isang oras na pag-iiyak ni Aries, bigla siyang tumayo na para bang bumalik ulit sa normal ang sarili niya, napatingin siya sa araw hanggang sa bigla itong lumiwanag sa kanyang mga mata.
"Knight Edward, tara na po sa Academy"sabi ni Aries.
Pinagpatuloy ni Aries ang kanyang paglalakbay hanggang sa nakapasok na siya sa loob ng Academy.
BINABASA MO ANG
Myself in Another World (Completed)
FantasíaAfter Aries Alefen reincarnated from another world, he didn't remember his past life so he tried everything to live until the world treated him unfair. This is the journey of Aries trying to survive by himself... He will be able to defeat the Dragon...