Chapter 5: Graduation

206 38 4
                                    

Hindi naman mawala sa isip ni Fiana ang galit na nararamdaman niya kay Aries nang bigla siyang pinagalitan ng Lola Ignacia niya, tapos lumaki din ang poot niya kay Aries lalo na noong tinanong siya ng Lola Ignacia niya kaso natagalan siya sa pagsagot dahil pinupunasan pa niya ang mga luha niya.

“Ma’am Ignacia ako na po ang sasagot sa katanungan ni Fiana”pakiusap ni Aries

“Tumahimik ka Aries! Hindi ikaw ang tinatanong ko kundi ang babaeng iyan”turo ni Ma’am Ignacia kay Fiana.

Agad namang nasaktan si Fiana nang marinig niya ang sinabi ng lola sa kanya. Di kasi nito binigkas ang pangalan niya na dahilan ng pagbigat ng kanyang kalooban. Pinilit niyang hindi umiyak kaso nagpadaig ang emosyon niya...

Lalo na siyang nasaktan nang marinig niya ang huling sinabi sa kanya ng Lola niya..

“Ang bagal mo! Inutil ka! Isang tanong lang naman ang pinapasagot ko sa iyo, di mo pa maisagot ng mabilis! Fiana, umalis ka nga rito! Umalis ka!!”sigaw ni Ma’am Ignacia habang pinapalabas niya sa paaralan si Fiana.

Dali-dali namang lumabas si Fiana habang tumatakbong umiiyak. Hindi parin niya mawala sa isipan ang galit na nararamdaman niya kay Aries dahil sa simula palang, si Aries na ang nagpabigat ng kanyang kalooban.

“Aries, kasalanan mo ito! Kung hindi ko lang sana kita pinagtanggol kay Jushua siguro di ako magkakaganito”bulong ni Fiana habang patuloy na sinisisi si Aries.

May gusto kasi si Fiana kay Jushua kaya ayaw niyang mag-iba ang pananaw ni Jushua sa kanya. Hindi naman sa may galit siya kay Aries, nagawa lang naman niyang ipagtanggol iyon dahil naawa na din siya kay Aries pero ang pagtatanggol na ginawa niya’y nauwi sa sakit ng loob kaya niya sinisi si Aries.

Hindi na nga siya bumati kay Aries noong nakita sila sa batis dahil ayaw na niya itong maka-usap, lumayo nga siya noong tinitigan siya ni Aries sa loob ng paaralan dahil hindi niya gustong mapansin si Aries sapagkat bigla siyang napagalitan ng lola niya na dahilan ng pagkahiya niya sa mga kaklase niya lalo na kay Jushua at lalo pang pagka-inis niya kay Aries..

Napa-iyak siya sa kadahilanang pagkahiya niya...

Hindi na niya inalis sa isip ang galit niya kay Aries kaya sinisisi niya ito sa lahat ng bagay, nagpatuloy siya sa pag-iyak hanggang sa nakalabas na siya ng bayan. Hindi naman niya namalayan agad na nasa delikadong gubat na pala siya.

“Wala akong pakialam kung may mangyayaring masama sa akin, tanggap ko naman ang mamatay”sabi ni Fiana sa sarili niya habang nilakbay ang delikadong gubat.

Sa paglalakad niya, agad siyang nalito dahil nakikita niya ang mga malalaking puno na halos magkakaparehas ang tingin kaya nang maalala niya kung saang direksyon siya nanggaling ay nakalimutan na niya.

“Saan na ba ako? Di ba dito ako dumaan? Huh!? Di ba dito?”turo-turo ni Fiana sa mga direksyon habang kinakabahan na.

Lalo pa siyang kinabahan nang marinig niya ang boses ng malaking dragon na lumilipad sa himpapawid, naalala naman niyang wala siya sa loob ng barrier kaya may posibilidad na maatake siya ng dragon..

“Tulungan niyo ako!”sigaw ni Fiana habang humihingi na ng tulong.

Sumigaw siya nang sumigaw pero kailanma’y walang nakakarinig sa boses niya...

Tumagal nang tumagal lalo nang lumalalim ang oras kaya sa kanyang pag-aantay ng tulong doon, naabutan nalang siya dilim.

Naririnig na niya ang mga boses ng mga ibon na parang naghahanap ng makakain, mga boses ng mga hayop na nakakatakot pakinggan at ang mga boses ng mga halimaw na nagmamasid sa kanyang mga galaw..

Myself in Another World (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon